webnovel

Ball Date

MAYMAY'S POV

"Even before I realized that Im falling for you, theres something inside me that says that I have to protect you" bulong ni Edward sa akin.

Muli nyang itinukod ang dalawa nyang kamay sa magkabila kong gilid. Habang nakatingin ako sa kanya ay napansin kong pinagmamasdan nya ang buong mukha ko.

"I befriended Hanna to lure her away from you and to stop her from bullying you. Thats the only reason. And now, Im doing the same thing with the new girl" sabi nya.

Kumunot ang noo ko sa aking narinig.

"Si Daniella? Bakit? Nagkakamali ka. Mabait sya. Malayong malayo kay Hanna" sagot ko.

Umiling si Edward habang nakatitig pa rin sa akin.

"Theres something about her. Maymay---"

Sumabat ako agad, "Hindi. Mabait sya Edward. Imagine, kahit hindi kami magkakilala, tinulungan nya ako nung nakabasag ako sa supermarket" giit ko.

"Please, just let me do what I have to do and while Im at it, dont think that I have a thing for her. As early as now, I want you to know that I dont like her" giit naman ni Edward habang seryoso pa ring nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

Hindi ako nakakibo. Nasoplak nanaman ako. Akala ko kasi talaga na love at first sight na sya kanina. May hidden agenda pala sya.

"Theres only one girl in my mind. And I think I already made myself clear about that a while ago. Unless, you want another 10 seconds---"

Nanlaki ang mga mata ko. Sumabat ako agad sa kanya.

"Hoy, tumigil ka jan! Abusadong to!" sabi ko habang halos ibaon ko nanaman ang ulo ko sa pintuan. Konti nalang kasi at magdidikit na ang dulo ng mga ilong namin.

Ngumiti si Edward habang unti unti nanamang lumapit ang mukha nya sa akin.

"Edward. Tama na sabi eh. Tumigil ka nga" sabi ko na may halong pang gigigil na sa kanya. Pinandidilatan ko na sya pero dire diretso pa rin ang loko.

Juskolord! Ang kulet! Nanlalambot na ang mga tuhod ko. Mabubutas ko na ata ang pinto sa sobrang diin ko sa aking ulo.

"Edward..." saway ko uli sa kanya.

Nakita ko na ngumiti sya habang papalapit at nakatingin sa mga labi ko. Sinubukan kong dumulas pababa pero naagapan ng dalawa nyang kamay. Bigla syang humawak sa aking bewang. Wala na naman akong kawala. Pumikit nalang ako.

Pero....

Lumihis sya bigla at imbes na sa labi ko, marahan syang humalik sa aking pisngi. Sabay bulong.

"Thank you. You made my day" sabi nya.

Dumilat ako agad. Nakatingin sya sa akin habang nakangiti. Pagkatapos nun ay lumayo na sya at naupo sa gilid ng kama ko.

Ako naman ay halos nakadikit na ata sa pinto habang nakatulala sa kanya. Inexpect ko ba na hahalikan nanaman nya ako sa labi? Juskolord. Nakakahiya.

"Its getting late. You should go to bed" sabi ni Edward sabay tapik sa space sa tabi nya.

"Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko habang papalapit sa kama.

Umiling sya.

"Ha? Bakit? Baka hinahanap ka na sa inyo. Gabi na Edward. Umuwi ka na" sabi ko.

"I'll stay" matipid na sagot nya.

"Hala. Hindi nga pwe---"

"Ill stay Maymay. Ive been doing this for quite a while. Guarding you while youre sleeping. Ill leave first thing in the morning. And then Ill meet you at school. Now sleep" sabat nya sabay hila sa kamay ko.

Wala nanaman akong nagawa. Nagtext na rin kasi si mama na pauwi na raw sya at wag ko na daw syang antayin. Para tuloy akong bata na sumunod kay Edward at nahiga sa tabi nya. Habang sya naman ay nakaupo at nakasandal sa pader.

***

Ito na ata ang pinaka mahimbing kong pagtulog sa buong buhay ko. Puro mukha ni Edward ang laman ng aking panaginip.

Sa panaginip ko ay malaya kong naipadama sa kanya ang aking totoong nararamdaman. Walang pagtatanggi, walang pag aalinlangan, hindi ako nagpapanggap at higit sa lahat, walang wala sa isip ko ang lalaking ipinagkasundo sa akin. Si Edward lang ang tanging nakikita ko.

Masaya kaming dalawa habang magkahawak ang aming mga kamay. Paulit ulit nya akong hinahalikan sa aking panaginip. Kung pwede nga lang sana ay huwag na akong magising pa.

Habang mahimbing akong natutulog ay bigla nalang akong naalimpungatan nang may marinig akong bumulong sa akin.

"Im going now. Ill see you at school" sabi nya.

Ramdam na ramdam ko ang kanyang paghinga malapit sa aking tenga. Kasunod nun ay naramdaman ko ang malambot nyang labi na dumampi sa aking pisngi. Dahan dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Pasikat na pala ang araw. Wala na si Edward sa tabi ko. Agad nabaling ang aking paningin sa bintana na bahagyang nakabukas.

Napangiti ako.

"Salamat. Ingat ka ha" bulong ko.

Alam ko na kahit malayo na sya ay naririnig nya pa rin ako.

***

Makaraan ang ilang sandali ay nagpasya na akong tumayo. Obvious na maganda ang simula ng araw ko.

Hindi ko man kinumpirma kay Edward na pareho kami ng nararamdaman. Alam ko mula sa kaibuturan ng aking puso, na kahit anong pagtatanggi ang gawin ko... tama sya.

Mayroon akong nararamdaman para sa kanya. Hindi man ako sigurado sa ngayon kung ano ito, kung crush, gusto ko lang sya o kung mahal ko na ba. Isa lang ang nasisiguro ko... higit pa sa isang kaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si mama na nagkakape sa kusina. Tahimik sya. Nagtimpla na rin ako ng kape at pagkatapos ay pumwesto ako sa tabi nya. Nanatiling tahimik at walang kibo si mama. Hindi nya ako napansin sa sobrang lalim ng kanyang iniisip. Nung una ay pinabayaan ko lang. Pero halos mauubos na ang kape ko ay ganun parin sya kaya hindi na tuloy ako naka tiis, nagtanong na ako sa kanya.

"Ma? Okay lang po kayo?"

Hindi sya sumagot. Diretso ang kanyang tingin. Halos hindi sya kumukurap.

"Ma?" sabi ko sabay tapik ng marahan sa kamay nya.

Agad namang natauhan si mama. Tumingin sya sa akin.

"Okay lang po ba kayo? May sakit po ba kayo?" tanong ko uli.

"H--ha? Wa---wala" sagot nya.

"Sure ka ma?" tanong ko uli habang idinadampi ko ang likod ng aking palad sa kanyang noo at gilid ng kanyang leeg.

"Oo. Okay lang ako" sagot nya.

"Gising po ako kagabi hanggang alas dose. Aantayin ko pa po sana kayo kaya lang hindi ko po namalayan nakatulog na pala ako" sabi ko.

Hindi sumagot si mama. Humigop lang sya ng kape nya.

"Saan po kayo nagpunta? Wala naman po kayong nabanggit sa akin na may lakad pala kayo" tanong ko.

"Pasensya ka na. Biglaan kasi" sagot ni mama sa akin.

Inantay ko na magkwento sya pero naubos ko na ang aking kape ay nanatili pa ring tahimik si mama habang nag hahanda ng umagahan ni Doña Pina. Ewan ko pero pakiramdam ko, habang pinagmamasdan ko si mama, parang may kakaiba sa kanya ngayong araw.

Maya maya ay dumating si Doña Pina. Agad akong tumayo para batiin sya at magmano sa kanya gaya ng naka ugalian ko na.

"Magandang umaga po" sabi ko.

"Ang aga mo ngayon Maymay. May pasok ka ba?" tanong nya habang nakangiti.

"Opo" sagot ko.

"Kumain ka na ba?" tanong nya.

"Okay na po ako sa kape. Tulungan ko na po muna si mama na maghanda ng almusal ninyo" sabi ko habang papalapit ako kay mama.

"Hindi na anak. Magbihis ka na. Maaga ang pasok mo ngayon diba?" tanong sa akin ni mama.

"May oras pa naman po. Maaga pa" sagot ko.

"Sige na. Magbihis ka na. Kaya ko na ito" giit ni mama sa akin.

Hindi na ako nagpumilit pa. Inilagay ko na lang sa lababo ang coffee mug na ginamit ko at pagkatapos ay naglakad na ako pabalik ng kwarto ko. Pero nakaka ilang hakbang palang ako ng tawagin ako ni mama.

"Maymay... anak"

"Po?" sagot ko sabay lingon sa kanya.

"Anak, umuwi ka ng maaga ha. May pupuntahan tayo" sabi nya.

Napansin kong nagkatinginan si mama at Doña Pina. Ngumiti ang matanda sa kanya at pagkatapos ay tumingin ito sa akin.

"Po? Saan po tayo pupunta?" tanong ko.

"Mamaya na natin pag usapan. Magbihis ka na at baka mahuli ka pa sa klase" sagot ni mama.

Kahit nagtataka ay hindi na ako nagtanong pa uli. Sinunod ko nalang si mama.

Makalipas ang ilang oras ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto ko papuntang kusina para magpaalam kay mama. Nadatnan kong naroon pa rin sila ni Doña Pina. Naabutan ko silang nagbubulungan. Mukhang may pinag uusapan sila na ayaw nilang may ibang makarinig.

Hanggang sa makarating ako ng school ay insiip ko pa rin ang kakaibang kinikilos ni mama at ang bulungan nila ni Doña Pina. Ano kaya ang ibig sabihin ng ilang salita na narinig ko sa kanila kanina.

"Kailangan---"

"Ngayon na---"

Hindi kaya, aalis na kami sa mansion? Hindi kaya nakahanap na ng ibang tutuluyan si mama? Pero bakit? Pinapaalis na ba kami ni Doña Pina?

Hindi. Parang malabo ata yun.

Nag isip ako ng mabuti. Ano bang pwedeng maging dahilan? Hanggang sa bigla akong natigilan nang maalala ko ang sinabi ng matanda sa Baguio.

"Ang nakatakda ay mangyayari na..."

Hindi kaya may kinalaman iyon sa narinig ko kila mama kanina?

Juskolord, dumating na ba ang anak ng lalaking pinagkakautangan ko ng aking buhay?

"Okay ka lang?" narinig kong tanong sa akin ni Fen habang magkatabi kami sa bench. 15 minutes na ang nakakaraan mula nung matapos ang unang klase namin.

"Ha..?"

"Sabi ko, halika na sa library. Diba may tatapusin ka? Hindi ka nanaman kumikibo. Okay ka lang ba?" tanong nya uli.

"Ah.. eh... mejo" sagot ko.

"Bakit? Anong problema?" agad nyang tanong.

"May napansin kasi ako kay mama kanina. Parang---"

Naputol ang sasabihin ko nang biglang may tumawag sa akin.

"Marrydale!"

Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha nya. Sa pananalita palang ay alam ko na agad kung sino sya. Nakangiti ang mukha ni Daniella pagkalapit nya sa akin. Lalo syang gumanda sa suot nyang white long sleeve short summer chiffon dress. Hindi ko nanaman mapigilang matulala sa napaka kinis at maputi nyang mukha. Ang kulay dark brown nyang buhok ay marahang sumasayaw sa ihip ng hangin. Puting puti ang mala tooth paste commercial nyang mga ngipin.

Pero... ang pinaka nakakuha ng atensyon ko ay ang kanyang itim na itim na mga mata. Kapareho ito ng mga mata ni Marco.

"Im so glad to see you. Ive been looking forr you everrywherre. I hope I did not catch you in a bad timing" sabi nya sa akin.

"H--ha? W--why?" sagot ko.

"I was hoping if we could lend me a few minutes of yourr time"

"Right now?" tanong ko.

"If you arre frree, we wont take long" sabi nya.

"Uhm.. I---"

Sumabat agad si Daniella.

"Orr maybe laterr? Lunch? You rrememberr my last message to you? I was hoping we could have a little talk about... you know" sabi nya.

Sa loob loob ko. Sabi ko na nga ba. Si Edward ang pakay nya.

"Sorry to interrupt but we need to finish a book report today. Right Maymay?" sabat ni Fen sabay tingin sa akin.

"Uhm.. yes. So--sorry Daniella. I will send you a text message if Im free later. Okay?" sabi ko.

"Oh. Okay. I will wait forr it then" sagot nya.

"Okay. We'll go ahead" paalam ko sa kanya habang nagliligpit ng gamit.

Ngumiti si Daniella at pagkatapos ay tumalikod na rin sya sa amin.

"Sorry May pero hindi talaga maganda ang kutob ko sa kanya. Wag mong sabihing insecure lang ako. Oo, napaka ganda nya. Pero, may something talaga sa kanya eh" bulong ni Fen sa akin.

"Actually, nagtext sya. Gusto nyang pag usapan namin si Edward---"

Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ay nag react na agad si Fen.

"Sabi ko na eh! May landing taglay yang white lady na yan" sabat ni Fen.

Hindi ko na ginatungan pa ang sinabi ng kaibigan ko. Nanahimik nalang ako habang dumadaldal sya.

"Kung sa bagay, napaka gwapo naman kasi ni Edward. Bukod kay Hanna at white lady, for sure marami pa jan sa tabi tabi. At hanggat walang nag ke-claim kay Edward, hindi titigil ang mga umaaligid na yan"

Hindi pa rin ako sumagot. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Wag mong sabihing wala kang pake? Okay lang sayo?" tanong ng kaibigan ko sa akin.

"Fen, nilinaw naman sakin ni Edward kung ano sila ni Hanna. At sinabi rin nya sa akin na wala syang gusto kay Dan---"

"Oh my god. Nag aminan na kayo???!" si Fen uli.

"Tumigil ka nga. Wala akong inaamin. Isa pa, hindi pwede. Alam mo naman kung bakit diba? At saka Fen, pakiramdam ko, mukhang nalalapit na ang pagkikita namin ng lalaking----"

"Teka lang. Paano kung ma fall ka sa iba? Paano kung hindi yang si future husband ang laman ng heart mo?" sabat ni Fen.

Hindi ako kumibo.

"Bestfriend. Paalala lang. Baka mag sisi ka sa huli. Pigil pa more sa feelings. Ikaw rin, baka imbes na nasa iyo na ang totoong para sayo, mapunta pa sya sa iba"

Napatingin ako kay Fen sa sinabi nya. Ang totoo, hindi ko alam ang isasagot ko. Ang alam ko lang, iba ang sinasabi ng iniisip ko... sa nararamdaman ko.

***

Mabilis na lumipas ang oras. Tapos na ang dalawang magkasunod na klase ko. Bumalik kami ni Fen sa library. Konti nalang kasi at matatapos ko na ang book report ko. Nagtext daw si Iñigo kay Fen na magkita nalang kami sa may bench mamaya para kunin ang book report ko. Sya kasi ang magcocompile ng lahat ng reports namin.

Pero imbes na maka focus ako sa ginagawa ko, mula kanina hanggang ngayon ay panay ang text sa akin ni Daniella. Kinukulit nya talaga ako na magkita kami.

"Si white lady nanaman yan?" tanong ni Fen habang nagbabasa ako ng text.

Tumingin lang ako sa kaibigan ko.

"Consistent sa pangungulit yan no? Hindi mapakali. Ikaw naman porket may utang ng loob ka jan, hindi mo ma real talk ng bonggang bongga" obvious na may halong inis na ang tono ng kanyang pananalita.

"Pagkatapos ko dito. Pupuntahan ko nalang muna si Daniella. Para matapos na ang kailangan nya sa akin" sabi ko.

Umiling iling nalang ang kaibigan ko. Hindi na sya nagsalita pa uli. Alam ko naman na hindi nya talaga feel si Daniella.

Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na ako sa kanya. Kasama naman nya ang ibang classmate namin. Sinubukan ko syang ayain na sumama pero ayaw nya talaga, kaya mag isa akong pumunta sa meeting place namin ni Daniella.

Hindi ko alam kung nabasa ni Daniella ang sagot ko sa huli nyang text. Kanina pa yun. Hanggang ngayon kasi ay wala pa syang reply. Hindi ko tuloy alam kung tuloy kami.

Pero kahit na wala syang sagot, pumunta pa rin ako sa coffee shop. Bahala na. Naisip ko... kung wala sya sa loob, next time na mag aya sya, magdadahilan nalang ako.

Kasi ang totoo... Hindi ako kumportable sa gagawin ko.

"Good afternoon mam" bati sa akin ng crew na nagbukas ng pinto.

Ngumiti lang ako habang papasok. Iginala ko ang aking paningin. Mejo maraming tao.

"Table for how many mam?" tanong uli ng lalaki.

"Ah.. hinde... may kasama ako. Hinahanap ko lang" sagot ko.

Ilang beses pa akong luminga linga. Iniisa isa ko ang bawat table. Hanggang sa mamataan ko sa bandang gilid, kung saan may magkakasunod na couch... doon nakaupo si Daniella.. at si...

Edward??

Magkatabi sila sa upuan at halos dumantay na ang ulo ni Daniella sa balikat ni Edward. Tawa ng tawa si Daniella habang nagkukuwento sa kanya. Mukha atang nagkakamabutihan na sila.

Yun naman talaga ang gusto kong mangyari diba? Yung mapatunayan ko kay Edward na mali ang akala nya kay Daniella. Na mabait naman talaga sya.

Kaya lang... imbes na matuwa ako... iba ang nararamdaman ko.

Habang pinagmamasdan ko sila. Iniisip ko na sana ako nalang ang katabi nya. Hindi ko tuloy alam kung lalapit pa ba ako. Kaya pala hindi na nagreply sa akin si Daniella. Magkasama na pala sila.

Isang mahabang buntung hininga ang pinakawalan ko. Naisip kong umalis nalang agad habang hindi pa nila ako nakikita. Baka maka istorbo pa ako sa kanila.

Agad akong tumalikod at naglakad na palabas ng pinto nang biglang may tumawag sa akin.

"Marydale!" sigaw nya.

Natigilan ako at napapikit. Sa lakas kasi ng pagtawag sa pangalan ko, siguradong narinig nila Daniella at Edward yun.

"Marydale! Here!" tinawag pa ako uli.

Wala na akong nagawa kundi lingunin kung sino ito.

Si Iñigo pala... at nakaupo sya sa unahan nila Edward.

Nginitian ko nalang si Iñigo. Agad naman syang lumapit sa akin. Kinuha nya ang dala kong libro at pagkatapos ay inakay nya ako pabalik sa inupuan nya.

"Naku wag na" bulong ko sa kanya.

"No. I insist. Nandito ka na eh" sagot nya.

Hinawakan nya ako sa kamay at pagkatapos ay hinila nya ako.

Habang papalapit kami sa couch ay sinadya kong huwag tumingin sa gawi nila Edward. Nagpatay malisya nalang ako. Kunwari ay hindi ko sila napansin. Pero gaya ng aking inaasahan. Tinawag ako ni Daniella.

"Marrydale!"

No choice ako. Nilingon ko si Daniella at pagkatapos ay nginitian ko sya. Sinadya kong huwag tumingin kay Edward. Pinilit kong huwag ipahalata na naiilang akong tumingin sa kanya habang magkatabi sila ni Daniella.

"I didnt know yourre herre. Arre you having lunch with yourr frriend?" tanong ni Daniella sa akin.

"Ha.? nn---"

No sana ang sasabihin ko pero biglang sumabat si Iñigo.

"Yes. I invited her to have lunch" sabi nya.

Napatingin ako agad kay Iñigo. Pinandilatan ko sya. Pinagtawanan nya lang ako. Wala naman talaga kaming usapan. Dapat nga sa may bench lang kami magkikita. Iaabot ko lang naman sa kanya ang report ko. Pero di ko alam kung bakit biglang nandito sya.

"Im telling the truth. I already invited you several times. Youre always busy. Always not available. Always with Fenech. And so since youre here now, why not have lunch with me instead?" sabi ni Iñigo sa akin.

"Ah.. eh... kailangan ko kasing---"

"Join us... Im surre Edwarrd wont mind" sabat ni Daniella.

Pareho kami ni Iñigo na napatingin sa kanila. Agad nagtagpo ang mga mata namin ni Edward. Kung si Daniella ay ngiting ngiti, seryoso naman ang expression ng kanyang mukha. Hindi sya kumikibo. Nakatingin lang sya ng diretso sa mga mata ko.

Umiwas ako ng tingin at ibinaling ko nalang ang atensyon ko kay Daniella.

"Please, have a seat. Lets have lunch. All fourr of us" aya nya.

"Ah.. eh... No. I mean, Iñigo and I will leave now. We dont want to bother you" sabat ko sabay kuha ng mga gamit ko kay Iñigo.

Pero ewan ko ba kung bakit masyadong mapilit itong si Iñigo ngayon. Hindi nya ibinigay ang gamit ko. Sya na daw ang magdadala. Pero pinilit ko pa ring kunin.

Habang nag aagawan kami ay biglang nagsalita si Edward.

"Join us. Unless you dont want us to bother you?" sabi nya.

Napatingin ako sa kanya. Parang iba kasi ang dating sa akin ng sinabi nyang yun.

So ako pa ngayon ang ayaw pa istorbo? Eh sya nga itong wala man lang pasabi kung nasaang lupalop. Yun naman pala, magkasama sila ni Daniella.

"Please join us" si Daniella uli.

Bago pa ako makasagot ay inakay na ako ni Iñigo papunta sa table nila. Pinauna nya ako maupo. Malapit ako sa pader katapat ni Daniella. Habang si Iñigo at Edward naman ang magkaharap. Bago naupo si Iñigo sa tabi ko ay nag abala pa sya na hubarin ang suot kong backpack. Kahit hindi ako nakatingin, alam kong nakatitig si Edward sa amin. Pero sinasadya kong iwasan ang tumingin sa kanya.

"Ill order for you. I know what you like" sabi ni Iñigo sa akin habang hawak ang menu na inabot ng waiter na nakatayo sa tabi nya.

"H--ha? Iñigo wag na. Ako---"

Hindi na ako nakapagsalita pa. Umorder na kasi sya agad.

"This one and this one. Ill go for the same" narinig kong sabi ni Iñigo sa waiter. At pagkatapos ay ibinalik na nya ang menu dito.

"How long have you known each otherr?" pag uusisa ni Daniella sa amin.

"Two months" sagot naman ni Iñigo sa kanya.

"Seems you know Marrydale verry well" si Daniella.

"Not really. Thats why Id like to know her more" sagot ni Iñigo sa kanya.

Napalunok ako sa sinabing yun ni Iñigo. Pero hindi ko nalang pinansin. Nagpatay malisya nalang ako. Kunwaring binabasa ko ang book report na ginawa ko.

"That is the sweetest thing Ive everr hearrd" sagot ni Daniella.

Imbes na manahimik dahil hindi ako nagsasalita, lalo pang dumaldal si Iñigo. Na encourage ata sya sa reaction ni Daniella.

Oo... may dalawa o tatlong beses ata na nag aya sya sa akin pero mejo matagal na yun. At saka ang alam ko binibiro lang nya ako. Isa pa, hindi naman talaga kami close nitong si Iñigo. Mas lagi pa nga nyang kausap si Fenech kaysa sa akin kaya mejo nagugulat ako sa pinagsasabi nya.

"Is this the firrst time yourre having lunch with Marrydale?"

"Yes. At last" sagot ni Iñigo at pagkatapos ay nagtawanan sila ni Daniella.

"I find you verry sweet" sagot ni Daniella sa kanya.

Gusto ko nang mag evaporate nalang habang nakikinig sa usapan nila Iñigo at Daniella. Hindi naman kasi ako dapat nandito. Naiilang ako talaga. Hindi ako kumportable na magkatabi sa harapan ko si Daniella at Edward lalo na at alam kong may gusto si Daniella sa kanya. Hindi rin ako kumportable sa mga ikinikilos at pinagsasabi ni Iñigo. Ayaw ko naman magpahiya ng tao kaya pinili kong tumahimik na lang.

Pero bukod sa akin ay may isa pang tahimik.

Habang naririnig kong nag uusap si Iñigo at Daniella ay sinubukan kong pasimpleng mag angat ng tingin. Gusto ko lang makita kung anong ginagawa nya, bakit hindi sya sumasali sa usapan nila Iñigo at Daniella.

Nakayuko pa rin ako habang dahan dahan akong nag angat ng tingin.

Juskolord! Pa simple na nga. Nahuli pa rin.

Isang pares ng seryosong mga mata ang agad na nakasalubungan ko ng tingin. Kanina pa ba sya nakatingin sa akin??

Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang umiwas ngayon. Para bang sinasabi ng mga titig nya na "galit ako" habang ako naman ay parang gusto ko nang sabihin sa kanya na "please let me explain".

Hindi naman ako nakikipag date eh. Napasubo lang. Nakita naman nya ang biglaang pag aya sa akin ni Iñigo. Sya nga itong nasa date. Nagreklamo ba ako? Hindi naman diba?

Gustuhin ko mang magsimangot. Wala naman akong karapatan. Kahit nagtapat na sya sa akin. Wala naman kaming official na label. In other words... Hindi naman kami🙁

Habang nakatitig ako kay Edward ay napansin kong unti unting kumunot ang noo nya habang nakatingin sa akin.

Patay. Galit nga ata talaga sya.

Naputol ang titigan namin ng mag open ng ibang topic si Iñigo. Muli akong yumuko at nagkunwaring nagbabasa.

"Are you guys going to the ball?" narinig kong tanong nya kay Daniella.

"Ball? Ive hearrd of it. But I do not know if I will go. Im still waiting forr someone to ask me" sagot ni Daniella.

"No one asked you yet? Thats unbelievable. A lot of guys that I know have a crush on you"

"Unforrtunately.. yes. No one asked me yet. How about you. Have you asked some one alrready??"

"Not yet. But I already have a girl in mind" sagot ni Iñigo.

Narinig kong bahagyang humagikgik si Daniella.

"How about you Edward. Are you going---"

"No" agad na sagot ni Edward kahit hindi pa tapos si Iñigo.

Biglang natahimik lahat. Ang sungit kasi nitong si Edward.

Maya maya ay dumating na ang order ni Iñigo. Inayos nya agad ang mga libro na nakapatong sa harapan ko at pagkatapos ay inilagay nya ang pagkain sa aking harapan.

Sya pa ang nag slice ng pagkain ko bago nya inabot sa akin ang spoon at fork.

"Sa--salamat" matipid kong sagot habang nakatingin sa kanya.

Ngumiti si Iñigo habang nakatingin din sa akin. Ngumiti nalang din ako. Kasalukuyan akong sumusubo ng pagkain ng biglang tumayo si Edward.

"I have to go" sabi nya kay Daniella.

"Alrready??"

"Yes" sagot nya.

Tatalikod na sana sya nang pigilan sya ni Daniella. Halos hindi ko malunok ang kinakain ko ng makita kong hinawakan ni Daniella ang kamay ni Edward.

"Wait. Ill come with you" sabi ni Daniella sabay tayo.

Pagkatapos nun ay umalis na silang dalawa. Naiwan akong nakatunganga habang papalayo sila.

"That guy is so weird" bulong ni Iñigo sa akin.

"Ikaw ang weird" sagot ko sabay irap sa kanya.

Hindi ko na itinuloy ang pagkain ko. Nawalan ako ng gana bigla.

Tumayo na ako at akmang paalis na ng pigilan naman ako ni Iñigo.

"Sorry talaga. Ma-le-late na ko sa susunod kong klase. Ito na yung report ko. Salamat nalang sa libre" sabi ko habang isinusuot ko ang back pack ko.

"Pwede bang kahit sandali lang. Can you at least finish eating? Please?" pakiusap ni Iñigo sa akin.

"Eh hindi naman kasi talaga tayo dapat mag lulunch. Bigla ka nalang nandito. Diba sa bench tayo magkikita?"

"I saw Fenech. She said papunta ka daw dito kaya nagmadali ako na sundan ka. Eh nauna pala ako sayo kaya naupo muna ako. Kararating ko lang nung dumating ka. Sige na. Bilisan nalang natin kumain. Sabay na tayo bumalik ng school. Pleeeeaase???" pakiusap ni Iñigo sa akin.

Napabuntung hininga na lang ako. Mabait naman si Iñigo eh. Matalino at magaling na leader ng grupo namin. Okay naman sya. Kaya tuloy wala na rin akong nagawa kundi ang pagbigyan sya.

***

Saktong 6pm natapos ang huling klase ko. Nagmamadali na akong umuwi ng bahay dahil pinauuwi ako ng maaga ni mama. Pero bigla namang umulan ng malakas. Bukod sa sobrang traffic, ang dami tuloy nag aabang ng masasakyan. May 15 minutes na kaming nakatayo ni Fenech sa may waiting shed.

Naalala ko si Edward. Nakauwi na kaya sya? Mula pa kasi kanina ay hindi na sya nagpakita o nagparamdam sa akin. Hindi ko alam kung nag text sya kasi kanina pa lowbat ang cellphone ko. Malamang nga ay tinetext na rin ako ni mama. Kaya nga uwing uwi na ako talaga.

Mabuti nalang at nadaanan kami ni Iñigo. Nagmagandang loob sya na ihatid kami ni Fen. Pero since ma traffic sa way ko. Inuna muna ni Iñigo ihatid si Fen bago ako. Ang ending tuloy, 9pm na ng gabi ng makarating ako sa bahay.

"Salamat Iñigo ha. Mag iingat ka" sabi ko habang pababa ako ng kotse nya.

"Youre welcome. Any time. Basta ikaw" biro nya.

Ngumiti ako. " Sige na. Ingat ka. Salamat uli" sagot ko at pagkatapos nun ay isinara ko na ang pinto ng kotse at naglakad na ako papasok ng mansion.

Pagpasok ko ng kusina ay nadatnan ko doon si Ate Alora. Gaya namin ay namamasukan din sya kay Doña Pina.

"Oh Maymay nanjan ka na pala. Si mama mo?"

"Po? Bakit wala po ba sya dito?" tanong ko.

"Kanina ka pa nya tinext ah. Magkikita nalang ata kayo sa isang lugar para daw hindi kana uuwi pa dito" sagot sa akin ni Ate Alora.

"Hala. Kanina pa po ba?"

"Kanina ka pa nya inaantay. Umalis na lang sya. Ang sabi magkita nalang daw kayo"

"Hala ate. Na lowbat na ako kanina pa pong bago mag 6pm. Naubusan pa ako ng load"

"Naku. Ano ba yan. Sige. Itext ko nalang sya na nandito ka na. Kumain ka na jan" sabi ni Ate Alora sa akin.

Nagmadali akong kumain habang nag aantay ng reply ni mama kay Ate Alora. Baka kasi sumunod ako sa kanya.

Saktong tapos na ako sa pagkain nang sumagot si mama sa text. Uuwi nalang daw sya. Sa susunod na araw nalang daw uli. Matulog na daw ako dahil may pasok pa ako bukas.

Pagkatapos ko kumain ay sandali kaming nagkwentuhan ni Ate Alora. Siguro dahil sa pagod sa byahe, mejo nakakaramdam na ako ng antok at mukhang nahalata yun ni Ate kaya pina una na nya akong matulog. Sya nalang daw ang mag aantay kay mama.

Pagpasok ko ng kwarto ko ay agad akong naglinis ng katawan at nagpalit ng damit sa banyo. Habang nag totoobrush ako at nakatingin sa salamin ay pumasok nanaman sa isip ko si Edward. Kanina habang kasama ko si Iñigo ay puro sya lang ang nasa isip ko.

Hindi man lang sya nagparamdam sa akin. Galit ba talaga sya? Nakakatampo tuloy. Kung sa bagay ang ganda ganda ba naman ng kasama nya. Bakit nga naman nya ako maaalala pa.

Isa nanamang mahabang buntung hininga ang pinakawalan ko habang papalabas ako ng banyo. Pinatay ko muna ang ilaw at pagkatapos ay marahan kong isinara ang pinto nito.

Pero halos atakihin ako sa gulat ng makita ko ang taong kanina lang ay laman ng isip ko na nakatayo sa aking harapan.

"Jusko, Edward papatayin mo naman ako sa gulat eh" sabi ko habang nakahawak ako sa aking dibdib.

Hindi sya sumagot. Seryoso ang mukha nya habang diretsong nakatitig sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin? Ano bang problema mo?" tanong ko.

Hindi pa rin sya sumagot. Mejo nainis na tuloy ako. Tama nga ang kutob ko. Galit sya. Ano namang kagalit galit sa ginawa ko?

Ako nalang tuloy ang unang nagbaba ng tingin. Umiwas na ako sa kanya at naglakad na papuntang kama. Bigla nya akong hinawakan sa kamay at isinandal sa pader.

"Dont you really care about how I would feel??" tanong nya.

"H--ha? A--anong sinasabi mo?"

"You had a lunch date right in front of me. Thats what Im saying!" inis na sagot nya.

"Hindi naman date yun. Nilibre nya lang ako" sagot ko.

Kumunot lalo ang noo ni Edward.

"Huh! Maymay, dont you get it? That guy likes you!" giit nya.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi no. Magkaibigan lang kami. Palabiro lang talaga si Iñigo. Wala yun" sagot ko.

"No! He likes you!"

"At paano mo nalaman??" tanong ko.

"Because I can read his mind! He likes you eversince he laid eyes on you. Do you know how bad that feels? That theres somebody else who likes my girl??"

"My girl?? Eh ikaw nga itong kitang kita ko na mukhang well bonded na sa ka lunch date mo. Kaya pala wala ka man lang ka text text kahit isa mula pa kanina kasi may kasama ka pala" sagot ko sabay irap sa kanya.

"Why will I text you if I can be right beside you in just a snap? And what date are you talking about?? I went there because I heard youre going to see her"

"Eh ano naman ngayon kung magkikita kami? Bakit kailangang nandun ka pa?"

"Didnt I tell you that Im trying to protect you from her?"

"Protect me? Eh halos hindi nga makabasag ng pinggan si Daniella. Bakit kailangan mo pa akong---"

"Because shes not what you think she is" sabat ni Edward sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"

Natigilan si Edward. Pakiwari ko ay mukhang nag aalangan syang sagutin ang tanong ko.

"Just... trust me. As much as I want to tell you. I think.. for now... its best that youd rather not know... just please trust me and please... stay away from her" sagot ni Edward sa akin.

"Stay away? Hindi ko maintindihan. O baka naman kaya mo lang sinasabi yan kasi nagugustuhan mo na rin sya. Kung sa bagay... mas bagay kayo. Maganda sya. Gwapo ka. Perfect match! At eto pa. Hindi ka na mahihirapan pa kasi may gusto sya sayo samantalang ako... hindi na nga kagandahan hindi pa para sayo kasi naipagkasundo na ako ng mama ko sa ib---"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Bigla nalang akong hinalikan ni Edward sa labi habang hawak ng dalawa nyang kamay ang aking magkabilang pisngi. Mas madiin ang bawat pagdampi ng kanyang labi ngayon. Halos hindi na lubayan ng kanyang malambot na labi ang aking bibig. Sino ba naman ang makakatangi sa maiinit nya mga halik.

Kasabay ng panlalambot ng aking tuhod ay ipinikit ko ang aking mga mata. Ilang beses kong naramdaman ang paglihis ng kanyang ulo pakaliwa at pakanan.

Juskolord. Hindi ko na ata kaya pang pigilan ang nararamdaman ko.

Sa buong buhay ko, masasabi ko na naging mabait at masunurin akong anak. Pero ngayon... ngayon na unti unti ko nang naiintindihan ang nararamdaman ko... mukha atang sa unang pagkakataon... ay susuwayin ko ang aking pinakamamahal na ina.

Habang hinahalikan ako ni Edward ay naramdaman ko ang dahan dahang pagdulas ng kanyang mga kamay mula sa aking mukha papunta sa aking leeg... dahan dahan nya akong hinaplos pababa sa aking braso.

Kasunod nun ay naramdaman kong hinawakan nya ako ng mahigpit sa bewang at bahagya nya akong itinulak papalapit sa kaniyang katawan.

Nakakabaliw ang kakaibang sensasyon na nararamdaman ko. Ito na ba ang sinasabing tamis ng halik mula sa taong mahal mo??

Para bang sinakop na ng kuryente ang buong katawan ko. Halos ayaw ko nang matapos ang paghalik ni Edward sa akin.

Maya maya ay tumigil sya.

Sabay kaming dumilat. Wala na ang galit sa kanyang mga mata. Para akong yelo na natutunaw sa lagkit ng kanyang tingin.

"I dont like anyone else but you. I dont dream about any other girl but you. And I dont want to be anywhere else but right here... right beside you. Even before I realized what I really feel, it has always been you. Only you Maymay. Everything about you drives me crazy. So crazy that I often find myself dying to have my lips on yours..." bulong nya.

Hindi ko na namalayan ang unti unting pamumuo ng luha sa aking mga mata. Sandali ko syang tinitigan. Nanginginig ang boses ko na sumagot sa kanya.

"Edward... gustuhin ko man.. pero... hindi tayo pwed---"

Agad na sumagot si Edward habang nakadantay ang noo nya sa aking noo. Nakapikit sya.

"Ill wait until you finally say yes to me. I dont give a damn how long it will take... I will wait. But I will never take no for an answer. I know you feel the same for me Maymay. You cant say no to me"

"Edward... naipagkasundo na ako ng mama ko sa iba---" bulong ko.

"Ill fight for you even if you cant fight for me. Im not giving you up just because the situation is not on our side. Ill find a way. Ill make this work. Just please.... for goodness' sake... dont say no"

***

Kinabukasan ay muntikan pa akong ma-late sa klase. Nagmamadali ako kanina nung nagpaalam ako kay mama. Hindi na kami nakapag usap tungkol sa lakad namin kagabi.

Tinanghali na kasi ako ng gising. Madaling araw na ata ako nakatulog. Kahit katabi ko si Edward ay hindi ako mapakali. Pakiwari ko ay nagdedebate na ang isip at puso ko. At hanggang sa aking panaginip ay dala dala ko ito.

"O.. kumain ka nito" sabi ni Fen habang inaabot sa akin ang binili nyang dark chocolate.

"Mawawala ba antok ko dito?" tanong ko.

"Oo pero hindi nyan matatanggal ang eyebag mo" sabi nya.

Hindi na ako sumagot. Sinimulan ko nalang kainin ang chocolate. Mukha ngang magigising ako sa sobrang pait nito.

"Alam mo habang love is in the air sa buong campus, ikaw naman hiding inside myself ang peg. Kaya ang resulta, eyebags for sale kasi hindi ka makatulog. Pwede ba? For once, sarili mo naman ang intindihin mo? Kahit naloloka ka na sa kaka aral sige ka pa rin para sa mama mo. Dont get me wrong. I know walang masama doon. Pero try mong piliin din ang maging masaya. Hindi naman nakakamatay yun" daldal ni Fen.

"Masaya naman ako"

"Weh, di nga? Ako pa ba ang lolokohin mo?" kontra nya sa akin.

"Ikaw sobra ka na ha. At saka anong pinagsasabi mo na love is in the air?" patay malisya kong tanong.

"Kaliwat kanan lang naman ang mga ball date proposal. Di mo alam?" sagot nya.

"Malamang. As if namang may care ako jan. Hindi nga ako aattend diba?" katwiran ko.

"Kahit may mag aya sayo?"

Hindi nanaman ako sumagot. Wala namang mag aaya sa akin. At sa pagkaka alam ko, hindi rin pupunta si Edward.

***

Mabilis na natapos ang first class namin. Mejo nawala ang antok ko. Habang busy ang lahat sa nalalapit na ball at kanya kanya ng chika tungkol sa mga dates nila at mga susuotin, kami naman ni Fen ay tahimik na nagkukwentuhan sa may bench tungkol sa isang episode ng paborito nyang romantic drama series sa tv.

Maraming estudyante ngayon sa football field. May mga nag pi-P.E. May mga naglalaro ng football at naroon din ang cheering squad kung saan tanaw na tanaw ko ang pagpapasikat ni Hanna. Kamakailan kasi ay nakapasok sya dito at parang nanalo ng first prize sa lotto kung ipagmalaki nya ito sa lahat. Dinedma ko nalang sya. Masisira lang ang araw ko sa pagpapapansin nya.

Maya maya ay may biglang naupo sa tabi ko.

"Can I join you?" sabi nya.

Napansin ko na agad nawala ang ngiti ni Fen pagkakita sa kanya. Siniko ko nalang sya kaya tuloy ibinaling nalang niya sa iba ang atensyon nya.

"Have you seen Edwarrd?" tanong ni Daniella sa akin.

"Uhm... no" sagot ko.

"I hope its okay but can I talk to you in prrivate?" tanong nya uli.

Napatingin ako kay Fen. Pasimple akong inirapan ng kaibigan ko. Tumayo sya at pagkatapos ay lumipat sa kabilang bench kung nasaan naroon ang iba naming classmate.

Pagkalayo ni Fen sa amin ay muling nagsalita si Daniella.

"Ill go strraight to the point. You arre the only one I know who can help me. You arre the only girrl I know that is verry close to Edwarrd. I think I alrready told you that I like him. I am herre to ask you a favorr. Can you convince him to go to the ball? I rreally want to go with him. Can you do that forr me?"

Natigilan ako sa gustong mangyari ni Daniella.

Nananadya ba talaga ang tadhana? Sa lahat ng taong pwede nyang hingan ng pabor, bakit ako pa??? At sa lahat ng pwedeng hilingin sa akin ni Daniella, bakit naman yun pa???

Nakangiti sa akin si Daniella habang nag aantay ng sagot ko.

Ano nga ba ang isasagot ko. Oo, nakapangako ako sa kanya na gusto kong suklian ang tulong na ginawa nya sa akin. Mabait sya lalo na sa akin pero paano ko sya tatanggihan? Ayoko syang madisappoint.

Pero dahil sa pag uusap namin ni Edward kagabi, ayoko na rin ipagtulakan sya sa kanya. Hindi nga ako kumportableng makita silang magkatabi sa upuan, magka date pa kaya??

"Marrydale?" si Daniella uli.

Inaantay nya talaga ang sagot ko.

Ibubuka ko na sana ang aking bibig para magsalita nang bigla namang sumulpot si Hanna.

"Youre the new girl right?" tanong nya kay Daniella.

Pareho kami ni Daniella na napatingin sa kanya. Nginitian ni Daniella si Hanna pero tinaasan naman sya ng kilay nito.

"Are you flirting with Edward. Coz if you are.. you better stay away from him" diretsahang sabi ni Hanna kay Daniella.

"Who aree you to say that? Arrre you his girrlfrriend?" tanong ni Daniella sa kanya.

Ang galing. Pinagitnaan pa talaga ako ng dalawang babaeng may gusto kay Edward. Tumahimik nalang ako at hinayaan ko silang magsagutan sa harapan ko.

"Edward will be my boyfriend. Hes so into me" sagot ni Hanna. May diin ang pagkakasabi nya sa word na "will be"

"As farr as I know. Edwarrd hasnt asked anyone yet to be his ball date. If hes rreally into you, how come he hasnt asked you yet?"

Nagbuhol lalo ang kilay ni Hanna. Bigla nalang nya itinulak si Daniella. Ako naman ay hindi na nakatiis. Tumayo ako bigla at pumagitna na sa kanilang dalawa.

"Hanna. Pwede ba? Wala ka talagang pinipili no?" sabi ko.

"Wala kang paki alam. Unless isa ka rin sa lumalandi kay Edward!" sagot nya sa akin.

"Hindi mo naman pwede pigilan ang iba na magkagusto din sa kanya. Hindi sya sa iyo at mas lalong hindi kayo" sagot ko.

"Hoy panget. Umalis alis ka sa harapan ko. Hindi ikaw ang gusto kong kausap. Sure naman ako na hinding hindi ako ipagpapalit ni Edward sa isang kagaya mo! Tabi!" galit na sigaw ni Hanna sabay hawi nya sa akin para harapin uli si Daniella.

"It is only Edwarrd who will decide who he wants to be with. Not you" sagot ni Daniella sa kanya.

"And who do you think he will choose? You? Kissandra Daniella Devas?" narinig kong sagot ni Hanna sa kanya.

Napansin ko si Fen na sumenyas sa akin na umalis nalang habang nagsasagutan na ang dalawa. Mejo dumadami na rin ang mga nakiki-usi sa eksena nila. Huminga nalang ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pagkatapos nun ay kinuha ko na ang gamit ko at naglakad na ako palayo sa kanila.

Pero pag lapit ko kay Fen ay biglang natahimik si Hanna at Daniella. Dinedma ko nalang. Hindi ko na sila nilingon pa.

"Halika na Fen" sabi ko.

Pero nanatiling nakatayo si Fenech. Parang tulala sya habang may tinitingnan sa likuran ko. Agad akong lumingon. Maging ako ay natulala.

Si Edward ay naglalakad at may dalang isang malaking buoquet ng white roses. Kaya pala natigilan sila Hanna at Daniella. Naka abang din ang dalawa sa kanya habang papalapit ito sa kanila.

Napa atras ako. Nakita ko kasi na nakatingin si Edward sa kanilang dalawa. At mukhang hindi nya ako napansin sa dami ng estudyante na nakapalibot kay Hanna at Daniella.

Ano ba to? Para kanino ang bulaklak? Kay Hanna? O kay Daniella?

Jusko ha. Wala akong balak malaman. Tumalikod nalang ako agad at hinatak ko na si Fen. Pero pinigilan ako ng kaibigan ko.

"Fen. Halika ka na. Please" bulong ko.

Bagsak balikat akong napayuko ako. Sa loob loob ko, ang gulo naman ni Edward. Sabi nya gusto nya ako. Pero bakit parang pinupuntirya nya ngayon yung dalawa? Kitang kita ko na sa kanila sya nakatingin. May pa flowers pa sya.

Habang nakayuko ako ay napansin kong nag atrasan ang mga tao sa harapan ko. Maging si Fenech ay bahagyang lumayo sa akin.

Agad akong nag angat ng tingin. Iginala ko ang aking paningin.

Nagtaka ako. Bakit bigla lahat ng nandito ay nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaibigan ko.

"Bakit?" bulong ko sa kanya.

Sumenyas si Fen sa akin. Sabi nya tumalikod daw ako. Sinunod ko sya. Dahan dahan akong tumalikod. Pagharap ko ay agad na bumungad sa akin ang isang malaking bouquet ng white roses.

Napalunok ako. Pag angat ko ng tingin ay nagtagpo agad ang mga mata namin.

"Hi" sabi ni Edward sa akin.

"He--hello" sagot ko sa kanya.

Inabot ni Edward ang bulaklak sa akin.

"H--ha? S--sakin to?"gulat na tanong ko.

Tumango sya.

Pagkakuha ko ng bulaklak ay agad naman nyang hinawakan ang aking kamay.

"Maymay, will you be my date for the upcoming ball?" diretsong tanong nya habang nakatitig sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa ura urada at walang prenong tanong ni Edward sa akin.

Dinig na dinig ko ang pagkagulat ng mga estudyanteng nakapaligid sa amin. Napansin ko rin si Hanna at Daniella na parehong nanlaki ang mga mata at nakanganga habang nakatingin.

"E--Edward?---"

"You know I wont take no for an answer" sabat nya.

Pagkatapos nun ay lumapit sya sa akin at umakbay.

"I want everybody here to know that Marydale is my date for the ball. Shes mine. I hope I make myself clear" sabi ni Edward sabay lingon sa bandang gilid nya.

Sinundan ko iyun ng tingin. At doon ay nakita ko si Iñigo na nakatingin din sa amin habang hawak nya ang isang tangkay ng white rose.

***

Siguiente capítulo