webnovel

Kasangga: Ang Pagtuklas

Fantasie
Abgeschlossen · 58.8K Ansichten
  • 82 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • NO.200+
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

"Ang ating mundo ang maituturing na isang malawak na hardin ng karunungan. Magmula sa maunlad na paniniwala ng ating mga ninuno hanggang sa mayabong na likas nating yaman. Subalit, sa kabila ng kagandahan nito ay may mga pwersang pilit na nagkukubli sa likod ng nakakabulag na kadiliman." Iyon ang madalas na marinig ni Milo sa kaniyang Lolo habang siya ay dahan-dahang lumalaki at nagkakaisip. Ngunit sa kabila ng natatanging kaalaman at lakas ng kaniyang Lolo Ador ay lumaking isang duwag si Milo. Kahit mumunting kaluskos sa mga talahib ay agad na siyang nahihintakutan. Dahil doon ay napagdesisyunan ni Lolo Ador na isara ang ikatlo niyang kamalayan. Subalit isang pangyayari ang muling magbabalik ng kaniyang ikatlong mata. Isang pangyayaring magbabago sa ikot ng kaniyang buhay at isang pangyayaring muling magtatali sa kaniya sa hiwaga ng mundo at sa mga elementong nakapalibot dito. Matagpuan kaya ni Milo ang kaniyang sarili? Mapagtagumpayan kaya niyang kalabanin ang takot na nananaig sa kaniyang puso? Yayakapin kaya niya ang misyong matagal nang nakaatang sa balikat niya? O tatalikuran niya ito at mananatili na lamang sa buhay na nakagisnan niya?

Chapter 1Chapter 1

"Lolo, may nakakatakot na halimaw na humahabol sa akin!!"

Pahangos na sigaw ng batang si Milo, sa likuran nito ay isang malademonyong tikbalang ang nakasunod. Nag-uumbukan ang mga kalamnan nito, at may mga ukit doon na sa pakiwari ni Lolo Ador ay mga sulat ng mga diwata. Hindi ito ang unang beses na tumatakbong pauwi sa kanila si Milo. Minsan naman ay kapre ang nakasunod dito, o di kaya naman ay isang maligno.

Sa una ay hindi ito pinagtuunan ng pansin ni Lolo Ador, dahil hindi naman ito nananakit bagkus ay nakasunod lamang ito sa kaniyang apo. Subalit dumating ang isang araw na umuwi si Milo na puro sugat at kinagabihan ay inapoy ng lagnat, doon na nagdesisyon si Lolo Ador na isailalim si Milo sa isang ritwal upang maisara ng tuluyan ang kaniyang ikatlong mata.

Sa tulong ng kaibigan niyang isang babaylan, ay gumawa sila ng isang ritwal para kay Milo. Limang taong gulang pa lamang noon si Milo, kung kaya't mas minabuti nitong ikubli sa apo ang mga nilalang na kinatatakutan nito sa pag-aakalang ito ang makabubuti sa bata. Bukod sa pagsasara ng kamalayan ni Milo sa hiwaga ng mundo, nilapatan din siya ng babaylan ng isang orasyon pamproteksiyon laban sa mga nilalang na hindi niya nakikita.

Matapos ang ritwal na iyon ay hindi na naulit pa ang mga pangyayaring iyon. Namuhay ng normal si Milo katulad ng ibang bata sa kanilang baryo. Subalit sa kabila ng pagkakawala ng kaniyang kakayahang makakita ay patuloy pa ring nakasunod ang mga elementong ito sa kaniya na lubha namang ikinamamangha ni Lolo Ador. Minsan na din niyang natanong sa mga nilalang kung bakit ganoon na lamang ang ginagawa nilang pagsunod sa bata ngunit walang sagot na nakuha si Lolo Ador. 

Hanggang sa isang araw ay nakasalubong ni Lolo Ador ang tikbalang na una niyang nakita sa labas ng kanilang bahay na matiyagang naghihintay sa paglabas ni Milo. Nagsindi ng tabako si Lolo Ador bago kinuha ang kaniyang asarol na gagamitin sa pagbubungkal ng lupa.

"Hindi ko minamasama ang pagsunod niyo sa aking apo, subalit ano ba ang inyong dahilan?" mayamaya ay tanong niya sa nakatayong tikbalang. Narinig niya ang mahinang pag-aangil nito kasabay ng isang banayad na halinghing at pagikot ng hangin sa kanilang paligid.

"Binabantayan namin siya, dahil iyon ang misyong iniatang sa amin ng mga diwata. Kung ano man ang dahilan ay hindi rin namin ito batid," walang anu-ano'y tugon ng tikbalang sa napakalaki nitong boses, napakunot-noo na lamang si Lolo Ador sa kaniyang narinig bago tuluyang nilisan ang harapan ng kanilang bahay. Tahimik niyang tinungo ang lupang sinasaka niya at pasimpleng binalikan ng tingin ang nilalang na matiyagang nakatayo sa harap ng kanilang pinto. 

Iyon ang araw-araw niyang nasasaksihan hanggang sa lumaki na nga si Milo. Lumaking masayahin at mabait na bata si Milo. Araw-araw ay binubusog siya ng pangaral ni Lolo Ador na isinasapuso naman ni niya. Nakagawian na din ng binata ang tumulong sa kaniyang Lolo sa pagsasaka. Hindi naman kalakihan ang lupang pinagtatamnan nila, ngunit masasabi mong isa si Lolo Ador sa nagmamay-ari ng malawak na lupain sa bayan ng Talisay.

Sa pagsapit ng buwan ng gapasan ay maraming tagabaryo nila ang nakikigapas sa kanila. Bukod kasi sa palay at mais, may taniman din ng kakao itong si Lolo Ador. Iyon naman ang pinakagustong buwan ni Milo dahil nakakakain siya ng sariwang bunga ng kakao na talaga namang paborito niya. Natatayang nasa dalawang hektarya ang lupang pagmamay-ari ni Lolo Ador na minana pa umano niya sa kaniyang mga ninuno. Bukod sa libreng panggagamot ay binibigyan din niya ng hanap-buhay ang mga taong nakapalibot sa kaniya bilang ganti sa mga biyayang natatamasa nila.

Gayunpaman, hindi na pinagkaabalahan ng matanda na palakihin ang mumunti nilang kubo dahil sa isip-isip niya ay hindi naman nila kailangan ng magarang bahay. Ang magkaroon ng matibay na bubong, dingding at komportableng mahihigaan ay sapat na sa kanila. Hindi din naman iyon inirereklamo ni Milo dahil sanay na siya sa payak nilang pamumuhay sa kabila ng karangyaang ibinibigay sa kanila ng Maykapal.

"Lo, sabi ni Mang Jes, sa susunod na araw na daw siya tutulong sa gapasan ng palay, nakasalubong ko siya kanina doon sa dulo ng pilapil," saad ni Milo habang ibinababa ang isang sakong palay na kaniyang buhat-buhat.

"Ganun ba? O', siya sige, aba'y magpahinga ka na muna doon sa lilim ng balete at mayamaya e' kakain na tayo ng tanghalian. Tawagin mo na din ang mga kaibigan mong abala pa sa paggagapas doon," utos naman ni Lolo Ador sa kaniya. Agarang tinawag ni Milo ang kaniyang mga kababata upang makapagpahinga muna sila bago kumain.

"Ang lamig talaga ng hangin dito sa inyo Milo. Alam mo kung hindi ko lang alam na parte pa din ng baryo itong lugar niyo, iisipin ko na nasa kabilang dimensyon 'to." Pabirong saad ni Ben na matalik na kaibigan at kababata ni Milo.

"Baka dahil sa puno ng balete. Hindi ba nga 't sabi ni Lolo, hanggang nananatiling malusog ang puno ng balete ay magiging sariwa at malamig ang hangin dito," wala sa loob namang tugon ni Milo habang nakasandal sa katawan ng puno. Nakatingala siya sa mayabong nitong mga dahon na siyang nagsisilbing lilim nila sa tirik na araw.

Maging siya ay nahihiwagaan din sa baleteng iyon. Napakatanda na nito ngunit hindi mo ito makikitaan ng pagrupok ng sanga. Aakalain mong laging bagong sibol ang mga dahon at napakalusog ng katawan nito. Maging ang mga damong nakapalibot doon ay berdeng-berde.

Mayamaya pa ay dumating na si Ginang Ason upang ilatag sa damuhan ang kanilang tanghalian. Kaniya-kaniyang tulong na rin ang mga ito upang mas mapabilis ang paghahain.

Matapos ang pananghalian ay agaran na din silang bumalik sa palayan upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aani. Halos dapit hapon na nang matapos nilang gapasin ang kabuuan ng limang kahon ng palayan ni Lolo Ador. Si Milo naman ay tumutulong na din sa mga ka-baryo nila sa pagpapasan ng mga sako-sakong palay para mailagay na ito sa imbakan at hindi mabasa kapag umulan.

"Mang Ador, mauuna na po kami, bukas na lang ho ulit kami babalik." Paalam ng isang lalaki kay Lolo Ador. Kumaway lang naman ang matanda sa mga ito bilang tugon bago sila bumalik sa loob ng kanilang kubo.

"Milo, bukas, huwag ka munang lalayo dito sa kubo, hayaan mo na sila ang magtapos ng gagapasin at tatatlong kahon na lang naman ang hindi pa nagagapas," Wika ni Lolo Ador habang inaayos ang mga gamit nito sa harap ng maliit nilang altar.

"Sige po Lo, may lalakarin ba kayo bukas?" Tanong ni Milo habang pinagmamasdan niya ang kaniyang Lolo sa ginagawa nito.

"Dadaan ako sa simbahan bukas sa bayan, mayroon lang akong gagawin pero babalik naman ako kaagad. Huwag kang lalayo sa balete bukas." Paalala pa nito at napatango lamang si Milo. Muling umihip ang malamig na hangin kasabay ng dahan-dahang pagtago ng araw sa kalupaan.

Lumipas ang gabing iyon nang mapayapa, katulad ng dati ay mahimbing na nakatulog si Milo. Banayad at napakapresko ng hanging umiihip sa loob ng kaniyang silid mula sa nakabukas na bintana. Isang malakabayong nilalang ang pasimpleng nakaupo sa harap ng bintana habang nakapikit ang mga mata, habang ang mga nagliliparang lambana naman ay paikot-ikot dito.

Ito ang palaging nakikita ni Lolo Ador sa tuwing titingnan niya ang silid ng kaniyang apo. Simula pa man noong maliit itong bata hanggang ngayon sa nagbinata na ito. Hindi na lamang niya ito pinagtuunan ng pansin dahil alam din naman niyang nasa mabuting kamay ang kaniyang apo.

Kinaumagahan ay maagang umalis si Lolo Ador upang tunguin ang bayan, halos tanghali na din nang makabalik ito at kasalukuyan nang nangangalahati sa paggagapas ang mga tao sa kaniyang lupain. 

"Lo, buti naman nakabalik na kayo. Pumunta dito si Mang Jes, mukhang may problema sa kanilang bahay, tinatanong po niya kung puwede daw ba tayong pumunta doon sa kanila." Saad ni Milo habang inililigpit ang mga pinagkainan ng mga trabahador nila. Wala si Ginang Ason kaya siya na muna ang umasikaso ng mga pagkain.

"Sige, puntahan natin siya mamayang hapon, magpapahinga lang ako. " Wika naman ni Lolo Ador bago tuloy-tuloy na pumasok sa kubo. Kinahapunan, matapos maisaayos ang lahat sa kanilang palayan ay tahimik na tinahak ng mag-lolo ang daan patungo sa bahay nina Mang Jes. Pagdating doon ay naabutan nila si Mang Jes na nagsisibak ng kahoy, habang nanonood naman dito ang dalawa nitong anak na nasa edad lima at tatlo. Nang makita sila ng lalaki ay agad naman itong tumigil bago sila malugod na pinatuloy sa kanilang bakuran. Maliit lang ang bahay ni Mang Jes, meron itong dalawang kwarto at maliit na sala at kusina naman na nasa likurang parte nito. Gawa naman sa sawali ang dingding habang ang bubong ay gawa sa nipa.

"Pasensiya na po talaga Manong Ador at hindi ako nakapaggapas sa inyo. Itong asawa ko kasi kagabi pa nilalagnat. Hindi ko naman alam kung napaano at okay naman siya noong isang araw." Paliwanag ni Mang Jes.

Hindi naman umimik si Lolo Ador at agad na pinulsuhan ang asawa ng Mang Jes. Nakatanaw lang naman si Milo sa ginagawa ng kaniyang Lolo. Sa maraming taong kanilang pagsasama ay hindi na bago sa kaniya itong gawain ng matanda. Mayamaya pa ay kumuha na ito ng mga halamang gamot na nasa bayong na dala bago ito dinikdik at inilapat sa ulo, tiyan habang may kung ano itong inuusal.

Das könnte Ihnen auch gefallen

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
24 Chs
Inhaltsverzeichnis
Volumen 1