Pagkatapos ng hindi pagkakaintindihan nina Paulo at Anna tungkol sa lumabas na issue ay hindi pumasok ang dalaga ng tatlong araw. At naging mainitin din ang ulo ni Paulo ng mga araw na iyon.
"Kenji, late ka na naman. Alam mo naman na marami pa tayong kailangang i-polish sa choreo," mainit ang ulo at nakakunot ang noo na wika ni Paulo.
"'Dre chill lang. 10 minutes lang naman akong late," pangangatwiran ni Kenji.
"Kahit na, hindi pwedeng parating ganyan!" mataas na boses na tugon ni Paulo.
"Teka—" sasagot pa sana si Kenji.
"Wait lang. Wait lang. 'Dre ano ba iyan?" pamamagitan ni Joshua sa dalawa.
"Alam naming may problema ka. Marami kang iniisip. At naiintindihan ka namin. Ikaw naman Kenji, huwag mong ugaliing parating late," dugtong ni Joshua.
"Sorry," wika ni Kenji.
"Pasensiya na. Sorry 'Dre," wika ni Paulo sa mga kasama lalo na kay Kenji.
"Okay lang. Kung kailangan mo kami, andito lang kami," nakangiting wika ni Kenji.
Ngumiti at tumango naman si Paulo bilang pag sang-ayon sa mga ito.
"Oh, tara na practice na tayo," wika ni Lester.
At nagsimula na ngang mag ensayo ang grupo ng kanilang mga performances sa kanilang concert.
Pagkatapos ng buong maghapon na pag papractice ay naiwan si Paulo sa kanilang company. Nadaanan niya ang opisina kung saan namamalagi si Anna.
Naging mahirap para sa kanya ang sitwasyon nila ni Anna sa ngayon. Mahalaga sa kanya ang kanyang career. Pero mahalaga din si Anna sa kanya. Wala siyang pwedeng piliin sa dalawa.
Totoo ang sinabi ni Anna na marami siyang isinakripisyo para sa pangarap niyang ito. At marami naring isinakripisyo ang pamilya niya. Lalung lalo ang kanyang ama. Naiintindihan niya ang pinag aalala ni Anna.
Alam ni Anna ang buhay niya. At alam niya kung gaanong ka importante ang pangarap niyang ito. At sa pagkakakila niya kay Anna, hindi ito papayag na maging dahilan para mawala ang lahat ng iyon.
Nasa ganung siyang pag-iisip ng biglang tumabi si Sir Charlie sa kanya.
"Sir!" tanging salita na nabanggit ni Paulo.
"Kumusta ka na?" pangangamusta ni ng CEO sa kanya.
"Hindi po okay Sir. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ano pong gagawin ko?" tanong ni Paulo sa kanila CEO.
"Ano bang next move mo?" balik na tanong sa kanya.
"Sir ayaw ko pong pumili. Parehong mahalaga si Anna sa akin. Mahalaga din itong career ko. Pangarap ko ito," wika ni Paulo.
"Hindi naman kita pinapipili. Kasi alam ko na parehong mahalaga ang mga iyan. Pero syempre may kailangan kang gawin. Dahil pag wala kang ginawa, may mawawala sa iyo," sagot ni Sir Charlie.
"Sir naguguluhan po ako. Isa lang po malinaw sa akin. Mahal ko itong career ko, ang mga fans namin. At mahal ko rin si Anna. Ayaw kong bitawan ang kahit ano sa mga ito," desididong tugon ni Paulo.
"Alam ko naman yan hijo. Kaya dapat maasure mo pareho ang pagmamahal mo sa mga ito," panimula ng CEO.
"Makakaisip ka rin ng next move mo. Kung ano man iyon, suportado kita. Hindi lang bilang Boss mo. Higit sa lahat bilang pangalawang ama sa inyong lahat. Just do what your hearts desire. You will never go wrong. Kilala kita Paulo. Alam kong kaya mo ito," dugtong ni Sir Charlie.
"Salamat Sir. Salamat po sa pagsuporta ninyo. Sobrang importante po sa akin na naiintindihan nyo ako," pasasalamat ni Paulo.
"Wala yun Paulo. Any time. Umuwi ka na para magkapagpahinga ka," panghuling wika ng CEO.
"Salamat po ulit Sir," muling pagpapasalamat ni Paulo.
***Anna's Residence***
"Ilang araw ka nang hindi pumapasok. May Sakit ka ba?" tanong ng Kuya ni Anna.
"Wala. Gusto ko lang magpahinga," tugon naman nito.
"May problema ba sa opisina ninyo?" tanong muli ni Anton sa kapatid.
"Wala naman Kuya. Gusto ko lang talaga magpahinga," sagot ni Anna sa kapatid.
"May problema kayo ni Paulo?" isa pang tanong ng kapatid.
"Hindi," maikling sagot ni Anna sa huling tanong ng kapatid.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kabahayan nila Anna. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa ng kanyang Kuya.
Matapos ang ilang sandali ay muling nagsalita si Anton.
"Minsan may mga bagay na mahirap intindihin. Para bang kung kailan palagay mo na okay na ang lahat, tsaka naman may darating na problema. Pero talagang ganun ang buhay. Pero lahat ng pagsubok, lahat ng problema, may dapat tayong matutunan. May dapat tayong malaman. Masakit sa kung masakit. Mahirap sa kung mahirap. Syempre mahal mo eh. Gusto mo lang lahat ng bagay na makakabuti para sa kanya. Kahit pa minsan ikaw yung nahihirapan. Sa mga ganitong pagkakataon, dito mo malalaman kung gaano ka ka strong at kung gaano mo kamahal ang mga bagay na kahit pa mawala ito sa iyo ay willing mong ipaubaya. Alam ko na kung ano man ang magiging desisyon mo ay pinag isipan mo yan ng maige. Basta andito lang si Kuya para sa iyo," mahabang wika ni Anon sa kapatid bago tuluyang lumabas ng bahay.
Hindi namalayan ni Anna ang kanyang pagluha sa mga katagang binitawan ng kanyang kuya. Nararamdaman niya ang pag aalala nito sa kanya. Alam din niya na nahihirapan ito na makita siya sa ganoong sitwasyon. Kaya mas lalung nahihirapan ang loob ni Anna sa mga pangyayari. Ngunit labis din niyang nalalaman na marami ng naapektuhan sa sitwasyon nilang dalawa ni Paulo sa ngayon. Kailangan nyang gumawa ng desisyon para sa kabutihan ng lahat.
Kinabukasan ay muling nagbalik si Anna sa trabaho pagkatapos ng ilang araw na pagliban nito. Unang-unang sumalubong sa kanya si Lester.
"Anna! Bumalik ka na? Kumusta," nakangiti at excited na wika ni Lester.
"Okay lang. Excuse me," tugon nito at nagtungo na sa kanyang opisina.
Naiwang nabigla ang ibang miyembro ng grupo habang si Paulo ay patuloy lang sa pag aayos ng gamit.
Lumipas ang mga oras na naging busy si Anna sa mga naiwan niyang trabaho at busy rin naman ang grupo sa kanilang practice dahil sa nalalapit na concert at press conference para dito.
Bago mag hapon ay sumaglit muna si Anna sa practice Studio para magbilin sa mga io.
"Excuse me guys. Remind ko lang kayo na bukas meron kayong guesting sa isang radio station by 2pm para ipromote ang concert and then by 4pm ay may reheasals kayo with the band and by 6pm ay may fitting kayo ng mga damit. Then in the morning you can do your usual practices. Then the next day, may mga online interviews and TV guesting sa isang Noontime show. So prepare yourself. Excuse me," wika ni Anna sa mga schedule na nakaline up para sa mga ito.
Napatigil si Anna sa paglalakad pabalik sa kanyang opisina ng tawagin siya ni Jeremiah.
"Anna, labas tayo? Dinner na din naman eh," pag aaya ng binata.
"Thank you. Marami pa akong gagawin. Sa susunod na lang. Excuse me," tugon ni Anna sa inbitasyon ni Jeremiah at nagtungo na papunta sa kanyang opisina.