Naging napakahirap ang mga sumunod na araw para kay Anna at pati na rin sa grupo. Bukod sa napakaraming dapat isaayos dahil ilang araw na lang ang bibilangin bago ang kanilang concert ay napakaraming deadlines ang kailangan nilang mameet para sa event na iyon.
Ngunit bukod sa mga ito, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin pinapansin ni Anna si Paulo, Maraming beses na gumawa ng paraan si Paulo para makapag usap sila ngunit ito ay tinatanggihan at iniiwasan ni Anna.
Tulad na lang sa araw na ito. Ito ang araw ng press conference para sa kanilang concert. Subalit ninabuti ni Anna na hindi sumabay sa sasakyan ng mga ito kahit na sumula't sapul ay parati na siya sumasabay sa mga ito para sa mga last minute preparations and briefing. Minabuti niyang umiwas hangga't maari kay Paulo at sa ibang sasakyan na lamang lumulan papunta ng venue.
Dumating na ang oras para sa press conference. Nasa entablado na ang grupo samantang si Anna ay nagtatago sa isang sulok para hindi masyado makita ng mga tao. Medyo humupa na ang issue sa tungkol sa kanila ni Paulo pero minabuti niyang hindi na lang muna makita para na rin sa kapayapaan ng nasabing event. Kung tutuusin ay ayan talaga niyang magpunta ngunit iyon ay parte ng trabaho niya.
Habang nasa gilid ay patuloy pa rin ang kaba ni Anna. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman. Hinihiling niya na sana ay matapos na ang Press Conference at magsiuwi na ang lahat.
Nagsimula ng magtanong ang mga press tungkol sa kanilang concert at magiliw naman itong sinasagot ng grupo. Maging mga personal na tanong ay naitanong din sa mga ito.
"Did you dream of becoming a performer?" tanong ng isang press sa kanila.
"Well, I can speak on behalf of my groupmates na lahat kami ay pangarap na ang mag perform bata pa lang. And we all love performing and entertaining people. Kaya kahit minsan mahirap, nakapagod. Pero we are still here living that dream," sagot ni Joshua sa tanong na ito.
"Follow-up sa question na iyon. What are the sacrifices na you have to do para ma pursue yung dream na iyon?" tanong ng isa pang media reporter.
"Syempre po madami talaga. For me, personally, I have to quit school kasi baka ito na yung chance na binigay sa akin para matupad dreams ko. Pero of course, given a chance, I would like na bumalik din sa school kasi very important talaga ang education. Some of us, malayo sa pamilya just like Kenji. So those are just some sacrifices na we have to face para maachieve ito dream namin na to," sagot ni Lester.
"To add to that, aside from us, nagsacrifice din ang family namin for us. Kasi in the beginning, noong hindi pa kami kilala, of course wala kami naitutulong financially to our family. And it runs for how many years din. We just love what we are doing pero mabubuhay ba kami kung magiging ganun lang career namin," segunda naman ni Jeremiah.
"What can we expect from you concert? May mga bago ba kaming aabangan?" tanong sa kanila.
"Yes po. We really prepared so much for all the fans sa araw na iyon. If I may spoil, we will have new songs and solo performances. Kaya they really have to check us out," sagot naman ni Kenji.
"Okay, before we end, can you give message to you fans?" wika ng host sa kanila.
"Ahh. Thank you very much sa pag support ninyo sa amin. Alam ko na parati kayong nakasuporta sa lahat ng ginagawa namin. And for that, thank you so much. This concert means so much to us, to me especifically. This concert may make or break our careers. But whatever it may be don't take it against my brothers here. We will all see you sa cncert day! Maraming salamat po," makahulugang wika ni Paulo bago tuluyang magpasalamt at matapos and conference.
Natapos naman ang presscon ng matiwasay. Bumalik na ang grupo sa kanilang agency para ituloy ang kanilang mga rehersals. Habang si Anna naman ay tumungo sa office ng kanilang CEO na si Sir Charlie.
"Good afternoon po Sir," panimulang bati ni Anna sa kanyang Boss.
"Oh, Anna kumusta? What brought you here? By the way congratulations sa successful press conference," nagtatakang tanong ni Sir Charlie
"Ah, Thank you po Sir. Nagunga po lahat ng pagod ng boys at kaming mga staff. By the way po Sir, gusto ko lang po sanang iabot ito," wika ni Anna sabay abot ng isang sobre.
"Ano ito?" nagtatakang wika ni Charlie habang binubuksan at binabasa ang laman ng sobre.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa habang binabasa ni Sir Charlie and sulat. Pagkatapos basahin ni Charlie and sulat at tumayo ito at umupo sa katapat na upuan ni Anna.
"Dahil ba ito sa issue na lumabas tungkol kay Paulo?" seryosong tanong ni Charlie kay Anna.
Tanging pag iling lamang ang naisagot ni Anna sa tanong na ito ng kanyang Boss.
"Sigurado ka ba dito? Alam na ba nila ito? Lalu na si Paulo?" tanong muli ng Ginoo.
"Hindi pa po Sir. Pagkagaling ko po dito ay sasabihin ko sa kanila kung may chance po," sagot ni Anna.
"Kung iyan ang desisyon mo. I wish you luck sa future endeavor mo. And always remember Hija na I wish all of you happiness. If you think that this is the best for you, then go ahead. And laging open ang company to be working with you again in the future," nakangiting sagot ni Sir Charlie.
Tanging matamis na ngiti any mangilid-ngilid na luha ang naisagot ni ana sa mga tinurang iyon ng nakakatandang Ginoo.
Lumabas si Anna ng opisina ni Sir Charlie upang mag tungo sa grupo at ipaalam ang kanyang naging desisyon. Mahirap man sa kanya ito, ngunit ito ang pinaka tamang gawin para na rin sa kanya at kay Paulo.