Lumipas ang mga araw at naging mas malapit sa isa't-isa si Anna at Paulo. Parating silang magkasama hindi lang sa events ng grupo, pati na rin sa personal na mga lakad nilang dalawa. Hindi maitatanggi ang pagiging malapit nila. Wala mang label ang namamagitan sa kanila pero maituturing na importante ang bawat isa sa kanila.
Isang umaga, habang nasa studio ang grupo at nag peprepare para sa kanilang kanilang nalalapit na Concert ay dumating si Lester na may gustong ipakita sa mga ka grupo niya.
"Paulo, check mo ito," wika ni Lester.
"Ano ba iyan?" balik na tanong Paulo dito.
"Ano yan?" usisa ni Jeremiah.
"Oh trending ka pala!," sabat naman ni Joshua.
"Bakit naman?" tanong ni Paulo.
"Patingin nga," wika ni Joshua at kinuha ang Cellphone mula kay Lester.
"Hmm. PDYN Paulo may Girlfriend na!" paunang basa ni Joshua.
"Nakita ko si Paulo may kasamang babae at sweet na sweet sila girlfriend nya siguro un," si Jeremiah naman ang nagbasa.
"Sobrang lucky naman ni Ate Girl. Sana All," muling usal ni Jeremiah.
"Sino ba yang si Ate Girl na yan? Pani--," hindi na naituloy ni Joshua ang pagbasa at tumingin kay Paulo na abala sa pag stretching.
"Huwag nyo ng--," naputol ang sasabihin ni Paulo ng may biglang nagsalita mula sa kanilang likuran.
"Panira?" wika ni Anna na nagpalingon sa kanilang lahat.
"Ah. Eh. H-hindi naman," hindi magkandatutong wika ni Joshua ng mapag aaman na nasa likod nila si Anna.
"Mag practice na tayo. Huwag nyo pansinin yan," maotoridad na wika ni Paulo.
"Oo nga! Let's start na!" segunda ni Kenji para maiba na ang usapan.
Nagsimulang mag practice ang grupo sa pamumuno ni Paulo na hindi man lang binati o tinapunan ng tingin si Anna.
Nagtungo si Anna sa maliit ng silid katabi ng practice room at nag simula nang mag trabaho at mag ayos ng mga pangangailangan ng grupo para na rin sa mga guestings ng grupo upang i-promote ang kanilang nalalapit na concert.
Gawin mang abala ni Anna ang kanyang sarili, ngunit hindi mawala sa kanyang isip ang mga narinig na komento ng mga fans ng grupo. Hindi maiwasang mangilid ang luha ni Anna dahil sa sitwasyon. Ito ang kanyang kinatatakutan. Ito yung bagay na ipinagwalang bahala niya upang sundin ang nararamdaman ng kanya puso. Ngayon ay ginugulo ng isip niya na baka dahil sa espesyal na namamagitan sa kanila ni Paulo ay makasama siya sa career ng mga ito. Lalung-lalo na ni Paulo.
Wala sa loob na kinuha ni Anna ang kanyang cellphone at nag bukas ng kanyang social media account para magcheck ng mga komento tungkol sa issue nila ni Paulo.
"Sino ba yang babaeng yan? Makakasira lang siya sa career nila," mahinang basa niya.
"Anong meron ang babaeng iyan para agawin nya si Paulo sa akin. Paulo think twice. Isipin mo muna ang career mo. That bi*ch—" naputol ang pagbabasa niya ng may humablot ng cellphone mula sa kanya.
"Tigilan mo yan. Tara, kumain na tayo," wika ni Paulo habang kinuha ang kanyang telepono.
"Pero—" muling naputol ang pagsasalita ni Anna ng muling nagsalita si Paulo.
"Doon tayo sa favorite nating kainan," wika ni Paulo.
"Hindi mo ba nabasa yung mga comments?" tanong ni Anna.
"Hindi! At wala akong panahon para magbasa ng mga walang kwentang bagay," walang emosyong sagot ni Paulo.
"Tara na," wika ni Paulo habang hinawakan sa palapulsuhan si Anna.
"Hindi mo ba nakikita? Hindi tayo pwedeng lumabas. Hindi tayo pwedeng makitang dalawa," pagbitiw ni Anna sa pagkakahawak nito.
"Bakit? Eh tanghalian na. Nagugutom na ako," sagot ni Paulo dito.
"Paulo naman eh. Trending ka ngayon. Maraming bad comments sa iyo ngayon. And hindi ka nila dapat nakita na may kasamang babae," naiiritang wika ni Anna.
"Bakit? Masama na bang kumain ngayon? Nagugutom lang naman ako eh," pangangatwiran ni Paulo.
"Paulo, hindi iyon. Mas lalaki pa itong iss--," naputol ang mga sasabihin ni Anna ng biglang nagsalita si Paulo.
"Wala akong pakialam sa mga issue na iyan. Mas importante ka sa akin kesa sa mga iyan. Mas gusto kong kasama kita," wika ni Paulo.
"Pero pangarap mo ito 'di ba? Marami kang sinakripisyo para marating ito. Maraming sinakripisyo ang mga tao sa paligid mo, ang pamilya mo para dito. Masisira ka kung makikita nila tayo," umiiyak na wika ni Anna.
"Huwag ka umiyak please. Anna, kaya kong talikuran lahat ito para sa iyo. Oo, pangarap ko ito pero kailangan kita. Mahal kita," naluluha na ring wika ni Paulo.
"At ayaw kong gawin mo iyon Paulo. Ayaw kong maging hadlang sa pangarap mo. Mahal din naman kita. Pero kung masisira ka lang dahil sa pagmamahal ko sa iyo, tigilan na lang natin 'to," huling wika ni Anna at lumabas ng opisina.
Naiwan si Paulo na umiiyak at napaupo sa silya sa loob ng opisina.