Bumaba na ang lima sa lobby ng building nang makita nila si Anna nag papauwi na rin.
"Ms. Anna!" tawag pansin ni Lester sa kanya.
"Uy, tapos na kayo?", tanong niya sa mga ito.
"Oo. Pero kanina ka pa umalis diba?" tanong ni Joshua.
"Dumaan kasi ako kay Miss Rosie. May mga sinubmit lang ako," sagot niya sa mga ito.
"Oh, paano uuwi ka na ba? Hatid ka na naming bago kami umalis," wika ni Lester sa kanya.
"Ay naku hindi na. May bibilhin pa kasi ako sa supermarket. Maglalakad na lang ako," wika niya sa mga ito.
"Ganun ba? Naku hindi ka naming masasamahan kasi may pupuntahan pa kami," wika ni Joshua sa kanya.
"Oo nga makikisabay lang kami kay Jer dahil pauwi siya sa kanila," segunda naman ni Lester sa kanya.
Nang araw na iyon, si Lester at Joshua ay makikipagkita sa mga dating kagrupo nila sa isang dance troupe, habang si Kenji naman ay uuwi sa kanyang tita. Si Jeremiah naman ay hindi madalas magstay sa dorm nila dahil mas gusto ng magulang niya na umuwi siya sa bahay nila kung hindi rin naman siya masyadong gagabihin.
"Si Paulo na lang," wika ni Kenji.
"Ay tama. Pau sabay na lang kayo ni Miss Anna. Magkapit-bahay lang naman ang dorm and yung apartment niya," wika ni Lester kay Paulo.
"Ay naku, hindi na. Nakakahiya at may dadaanan pa ako," pagtanggi ni Anna.
"Madilim na kaya. At least kampante kami na may kasama ka," wika ni Joshua.
"Hindi na talaga, ka--," napigil ang iba pa niyang sasabihin ng bumusina na ang sasakyan ni Jeremiah bilang hudyat na aalis na sila.
"Sige na. Umalis na kayo, ako na bahala," wika naman ni Paulo sa mga ito.
"Oh sige. Bye!" wika ni Joshua.
"Enjoy guys," nakangiting wika ni Lester at tinanguan si Paulo.
Sumakay na ang tatlo sa sasakyan at muling bumusina si Jeremiah sa kanila bilang hudyat na aalis na sila.
Tinanaw nila ang sasakyan hanggang sa mawala na ito sa kanilang paningin.
Unang bumasag ng katahimikan si Paulo.
"Tara na?" tanong niya sa dalaga.
"Naku, pwede ka nang umuna. Nakakahi --," naputol ang pagtanggi ni Anna kay Paulo.
"Okay lang, same lang naman dadaanan natin. And may bibilhin din naman ako," wika ni Paulo.
Nagsimula na silang maglakad at tahimik lang na nakikiramdam silang dalawa. Unang nagtanong si Anna sa binata.
"Bakit hindi ka umuwi ngayon?" tanong niya dito.
"Medyo napapagod kasi akong magbyahe. Kaya naisip ko na dito muna ako sa dorm. Para makapag rest agad," sagot niya dito.
"Pasensya ka na at sinamahan mo pa ako instead na makapag rest ka na," naguguilty na wika ni Anna.
"Ano ka ba, okay lang. At least may kasabay ako pauwi. Marami kasing gala yung mga yun. Mag isa lang din naman ako sa dorm," wika niya dito.
"Tanong lang ah, pero huwag ka ma ooffend, bakit mas tahimik ka kesa sa kanila?" lakas-loob na tanong ng dalaga.
"Tahimik ba ako? Hindi naman ako tahimik," nakangiting sagot niya sa tanong nito.
"Pero seryoso daw ako masyado. Siguro nga. Iba siguro yung thinking ko," dugtong pa nito.
"Matured ka lang mag-isip. Siguro dahil ikaw ang naging tatay sa family mo dahil nasa abroad ang Papa mo na adapt mo na din sa personality mo," saad ni Anna.
"Siguro nga. Lumaki kasi akong parating wala si Papa. And ako lang lalaki sa bahay. Wala naman silang sinabi na gampanan ko yun. Pero parang basta na lang siya lumalabas," paliwanag niya.
"Responsible anak ka kasi. Mahal mo ang pamilya mo, kaya ganun," pagpuri ni Anna sa kanya.
"Grabeh naman. Ganun ka rin naman hindi ba? Nagsacrifice ka malayo sa family mo para maibalik ang mga sakripisyo nila sa iyo," nakangiting pahayag ni Paulo sa dalaga.
Ngiti lang ang sinagot niya sa pahayag na iyon ni Paulo.
"Alam mo, hanga ako sa iyo. Kasi kinakaya mo kahit mag-isa ka," wika ni Paulo
"Kasi kailangan," sagot ni Anna sa kanya.
Pagkatapos ng ilang minuto at ilang kwento ay narating nila ang supermarket. Nagsimula na silang mamili ng mga kailangan nila.
"Ah Paulo, bilang thank you ko sa iyo, treat kita ng dinner?" tanong ni Anna kay Paulo.
"Gusto ko sana, kaya lang dinner time so for sure maraming tao ngayon," sagot ni Paulo sa kanya.
"Ay oo nga noh. Mahirap na," sambit ni Anna.
"Sama ka sa apartment ko! Lutuan na lang kita? Para hindi puro Fast Food at Processed Foods ang kinakain nyo," tanong ni Anna sa kanya.
"Ahh, sa apartment mo? Sigurado ka? Hindi ba nakakahiya?" may pa aalinlangan na tanong ni Paulo kay Anna.
"Bakit naman? Magluluto ako hapunan then sabay na tayo mag dinner. Mas masarap kumain ng may kasama," sabi ni Anna.
"Kung okay lang sayo eh sino ba naman ako para tumanggi sa pagkain," nakangiting wika ni Paulo.
"Okay. Sige tara na," wika ni Anna.
Pagkatapos pumila at magbayad ng kanilang mga pinamili ay dumiretso sila sa apartment ng dalaga para maghanda ng kanilang hapunan.