Pagkatapos sa supermarket ay nagtuloy na sila sa apartment ni Anna.
"Tuloy ka. Pasensya ka na ah. Maliit lang 'tong apartment ko," wika ni Anna.
"Naku okay lang. Ako nga ang nakakaistorbo sa iyo," sagot naman ni Paulo.
"Dito mo na lang sa lamesa ilagay," sambit ni Anna kay Paulo para ilagay sa lamesa ang kanilang pinamili.
"Ang ganda naman ng kulay ng apartment mo? Ang cute," nakangiting wika ni Paulo habang palinga-linga sa paligid.
"Talaga? Si Kuya nag ayos nito. Favorite color ko kasi pink. And para pag-uwi, mawawala pagod ko," nakangiting wika ni Anna.
"Nakakarelax nga," wika ni Paulo habang nakatingin sa isang CD rack.
"Ah. Okay lang bang tingnan?" tanong ni Paulo habang naka turo sa collection ng CD ni Anna.
"O, sige," wika naman nito.
"Collection ko yan. Bata pa lang ako, bumibili na ako nyan," tuloy pa na kwento ni Anna.
"Maganda nga ito. Classic," papuri naman ni Paulo sa collection niya.
"Kahit may Spotify na, minsan mas gusto ko pa ring i-play yan. Hindi ko alam. Feeling ko kasi mas maganda tunog niyan," nakangiting wika ng dalaga.
"Naku, natatandaan ko dati nagpapaburn pa kami sa mga computer shop," kwento ni Paulo.
"Talaga? Kami din. Medyo mahal kasi," hindi makapaniwalang wika ni Anna.
"Pero ngayon lahat nasa Internet na," dagdag pa ni Anna.
"Nga pala, kumakain ka ba ng pinakbet?" tanong ni Anna kay Paulo.
"Oo naman. Madalas lutuin ni Mama ko yan," sagot ni Paulo.
"Natutunan ko sa Mama ko 'toh. Sabi ni Kuya kuha ko daw luto ni Mama. Pero feeling ko niloloko lang ako ng Kuya ko kasi wala naman siya choice," natatawang wika ni Anna.
"Hindi naman siguro. Titikman ko. Ako ang huhusga," nakangiting wika nito habang nakatingin sa dalaga.
"Hala. Napressure naman ako," natatawang wika ni Anna.
"Wait lang. Malapit na 'toh," sambit niya pa sa binata.
"Naku, okay lang. Take your time. Para siguradong masarap," biro ni Paulo.
Ilang sandali pa ay nagsalang si Paulo ng CD Album ng Boyband na Westlife sa CD Player. Habang tumutugtog ay sumasabay sila sa mga kanta dito.
I lay my love on you
It's all I wanna do
Every time I breathe
I feel brand new
You open up my heart
Show me all your love, and walk right through
As I lay my love on you
Pagkatapos ng ilan pang minuto ay natapos na rin ang niluluto ni Anna at nagsimula nang mag ayos sa hapag.
Tinulungan naman siya ni Paulo habang inaayos ang mesa ng biglang dumilim ang buong paligid.
"Hala. Nagbrownout," Nagulat na wika ni Anna.
"Sakto naman. Kung kailan tayo kakain," dismayadong wika ni Paulo.
"Wait lang ah. Kukuha ako ng kandila," paalam ni Anna habang tinatanglawan ni Paulo ang paligid gamit ang kanyang cellphone.
"Eto na," wika ni Anna nang mahanap niya ang kandila at sinindihan ito.
"Tara na. Kain na tayo," ay ani Anna kay Paulo.
"Sige. Mukhang totoo naman ang sabi ng Kuya mo," nakangiting wika ni Paulo habang nakatingin sa nakahain na pinakbet at pritong isda.
"Mukha lang. Check mo lasa," pagbibiro ni Anna sa kanya.
"Sigurado yan." Paniniguradong wika ni Paulo.
Nagdasal silang dalawa at nagyaya nang kumain.
"Kain na tayo," wika ni Paulo.
"Sige lang," sambit naman ni Anna.
Pigil ang hininga ni Anna habang tinitignan kung magugustuhan ba ni Paulo ang luto niya. Nakita ni Anna ang pagkunot ng noo ni Paulo at hindi maiwasang mag tanong.
"Hindi masarap?" malungkot na tanong ni Anna kay Paulo.
"Hindi," wika ni Paulo.
"Naku, pasensya ka na. Order na lang tayo," nahihiyang wika ni Anna at tangkang aalisin ang ulam sa lamesa.
"Bakit mo inaalis?" nagtatakang tanong ni Paulo.
"Hindi masarap eh," wika ni Anna.
"Anong hindi masarap?" nagtatakang tanong ni Paulo.
"Sabi mo 'diba?" sambit ni Anna sa kanya.
"Ang ibig kong sabihin, hindi nagsisinungaling kapatid mo nung sinabi nyang masarap ang luto mo," panimula ni Paulo.
"Nagtataka lang ako kasi, parang walang pinagkaiba sa luto ni Mama," patuloy pa ng binata.
"Talaga?" maaliwalas ang mukhang tanong ni Anna.
"Oo. Naku, masisira diet ko nito," nakangiting wika ni Paulo.
"Huwag ka mag alala, hindi kita ibubuko," biro ni Anna sa binata.
"Dapat lang kasi idadamay talaga kita," naglolokong biro din nito.
"Grabeh siya. Laglagan na ba?" nagbibirong wika ni Anna.
"Para sa akin masarap pa rin ang mga lutong bahay kesa sa fast food," wika ni Paulo.
"Totoo. Pero minsan hindi na maiwasan na makakain ng mga fastfood kasi kailangan magmadali," pagsang ayon ni Anna sa winika ni Paulo.
"Kaya nga pag may chance, pinababaunan talaga ako ni Mama. Mas gusto ko pa rin lutong bahay," sambit ni Paulo.
"Pag may chance, ipagluluto ko kayo," presinta ni Anna.
"Talaga? Excited na ako. Sabi mo yan ah?" naniniguradong wika ni Paulo.
"Basta may time, walang problema," pag sang ayon ni Anna.
Nagpatuloy lang sila sa masiglang pagsasalo ng hapunan ngunit hindi pa rin bumabalik ang kuryente.
"Hassle naman, nagbrownout pa ngayon," sabi ni Anna.
"Kaya nga. Kandila lang tuloy ilaw natin," wika ni Paulo.
"Naka Candlelight dinner pa tayo," dagdag ni Paulo.
"Oo nga 'noh? Ngayon ko lang napansin," namanghang wika ni Anna.
"Naka experience ka na ba ng mga ganitong set up na dinner or date?" tanong ni Paulo.
"Ako? Hindi pa eh. Pero mas gusto ko yung sa park lang tapos tingin lang sa stars," wika ni Anna habang iniimagine ang scenario.
"Ako gusto ko sa bahay lang. Tapos ako magluluto," wika naman ni Paulo.
"Marunong ka magluto?" namamanghang tanong ni Anna.
"Hindi masyado. Pero pwedeng pag aralan. At least may effort," pagmamalaki ni Paulo.
"Wow! Effort ah," nakangiting wika ni Anna.
"Oo naman. Lalu na kung karapat dapat naman pag effortan," wika ni Paulo habang matiim na nakatingin kay Anna.
Habang nakatitig si Paulo sa kanya ay unti-unti nakaramdam si Anna ng pagkahiya dahil sa napaka romantikong paligid nila.
Natapos lang ang sitwasyong iyon ng biglang lumiwanag sa buong paligid.
"Ah. May kuryente na," wika ni Paulo.
"Oo nga. Sakto. Mas madaling mag ligpit," nahihiyang wika ni Anna.