Gentleman. Maykaya sa buhay. Cute Chinito. Iyan ang mga katangian na sikat ang kalalakihan na Semira. Ngunit isang madilim na sikreto ang itinatago nila. Lahat sila ay mga sawi sa pag-ibig. Dahil sa isang sumpa na ipinataw sa kanila ng isang bitter na duwende noon, noon, noon, noon, at noon pa, naging kamalasan na nila ang love life nila. Kung hindi sila iniiwan ay namamatay naman ang mga babaeng iniibig nila. Ang saklap, hindi ba? Isang araw ay nagdesisyon ang magpipinsan na bumiyahe sa mundo ng mga espiritu upang hanapin ang lintik na duwende na iyon para matapos na ang pagdurusa nila. Magtagumpay kaya sina Uno, Francis, Mike at Wiz sa kanilang misyon? Aba, basahin niyo na lang! Semira Boys Series: Book 1 Completed Started: December 10, 2019 Completed & Published: December 13, 2019 All Rights Reserved
Sa pinakaliblib na probinsya ng Miao-miao, noong ika-labing walong siglo sa Tsina ay naninirahan sa gilid ng bundok ang isang gwapong binata na nagngangalang Kungfu.
Minsan, isang araw, ay nagdesisyon siya na mangaso ng baboy-ramo dahil nagsawa na siya sa kakakain ng kamoteng-kahoy at kangkong.
Habang siya ay naglalagay ng pain sa nasabing hayop ay nakaramdam siya ng kiliti sa kanyang puson.
Sa dami ng nainom niya na tsaa ay napapaihi na siya. Nayamot pa siya dahil may nakita pa naman sana siyang mataba na baboy na umaaligid sa may damuhan.
Ngunit matindi ang tawag ng kalikasan kaya siya ay naghanap ng tagong lugar upang umihi.
Nakahanap siya ng malaking umbok ng lupa kung saan ay maitatago siya ng maayos habang ginagawa ang seremonyas ng pag-ihi.
Guminhawa kaagad ang kanyang pakiramdam nang mailabas ang kinikimkim sa kanyang pantog. Tatalikod na sana siya at babalik sa kinaroroonan ng kanyang pain nang yumanig ang lupa.
Mula sa umbok ng lupa ay lumabas ang isang duwende!
Siya ay basang-basa pa, uy!
At, napakapanghi!
Sa galit niya sa binata ay isinumpa niya iyon.
"Isa kang lapastangan! Sinusumpa ko na lahat ng kalalakihan na magmumula sa lahi mo ay mamalasin sa pag-ibig!"
Hindi naintindihan ni Kungfu ang pinagsasabi ng duwende. Napakamot pa ito ng ulo at nagtaka kung anong ibig sabihin ng nilalang.
"Ano po? Sorry na, Duwende. Hindi ko naman sinasadya na maihian ka. Sa susunod kasi, lakihan at taasan mo pa ang bahay mo para hindi ko maihian."
"At, sumasagot ka pa! Makaalis na nga upang makaligo sa ilog! Ang baho ng ihi mo!" diring-diri na sinigaw ng duwende."
"Naparami yata ang kain ko ng durian at inom ng tsaa. Nais ko kasing mag-detox para ma-maintain ko ang aking abs. Ayan, mabaho nga lang kahit umutot ako. Hahaha!"
Hindi na umimik ang nasabing nilalang at iniwan na ang binata dahil alam niya na may pagka-slow ang sinumpa.
Nagpatuloy lamang sa pangangaso si Kungfu ngunit sa kamalas-malasan ay wala man lamang siyang nahuli kahit na daga.
Kinagabihan, habang siya ay nagmumuni-muni sa kanyang kama ay napag-isipan niya na mangibang-bansa. Nabalitaan niya na masarap daw ang litson at crispy pata roon. Marahil ay mas magiging maganda ang buhay niya at mahahanap na ang babaeng para sa kanya sa bansang iyon.
Narinig kasi niya sa mga kapitbahay na magaganda ang mga kababaihan roon.
At hindi lang 'yun!
Mababango at palaban pa sa biritan!
Kinaumagahan, kahit na madilim pa ay nag-empake na siya upang maglakad patungo sa may dagat kung saan nakaparada ang mga bapor papuntang Pilipinas.
Walang pagdadalawang-isip siya na sumakay, baon ang pag-asa ng panibagong buhay.
Wala siyang kaalam-alam na dala rin niya ang sumpa na dadalhin ng lahat ng kalalakihang Xieme-Rua.
Sa katagalan ay mas nakilala ang kanilang pamilya bilang...
Semira.
Author's Note:
Ang Semira Boys ay base sa personalidad ng mga awtor na sina wizvisionary, at magkakapatid na sina UNOU5MYW, mischa143kelvin at sa isa pa nilang sister.
Maraming salamat sa suporta niyo, mga sisters!
Dahil sa inyo, nagkaroon ng maganda, este, poging mga mukha sina Fafa Uno, Francis, Wiz at Mike, at na-inspire ako na gawin ang librong ito. Nasa wattpad po ang mga litrato nilang napakagwapo!
Thank you din kay Pitu App dahil tinulungan kaming lumikha ng mga karakter na hindi ko inaasahan na ganyan ang kalalabasan.