webnovel

Semira Boys Series: Adventure (Completed, Book 1)

Gentleman. Maykaya sa buhay. Cute Chinito. Iyan ang mga katangian na sikat ang kalalakihan na Semira. Ngunit isang madilim na sikreto ang itinatago nila. Lahat sila ay mga sawi sa pag-ibig. Dahil sa isang sumpa na ipinataw sa kanila ng isang bitter na duwende noon, noon, noon, noon, at noon pa, naging kamalasan na nila ang love life nila. Kung hindi sila iniiwan ay namamatay naman ang mga babaeng iniibig nila. Ang saklap, hindi ba? Isang araw ay nagdesisyon ang magpipinsan na bumiyahe sa mundo ng mga espiritu upang hanapin ang lintik na duwende na iyon para matapos na ang pagdurusa nila. Magtagumpay kaya sina Uno, Francis, Mike at Wiz sa kanilang misyon? Aba, basahin niyo na lang! Semira Boys Series: Book 1 Completed Started: December 10, 2019 Completed & Published: December 13, 2019 All Rights Reserved

wizvisionary · Fantasy
Not enough ratings
8 Chs

Kapitulo 1: Duwende, Nasaan Ka?

"Ugh!"

"Sh*t!"

"Faster!"

"Aaah!"

Iyan ang sigaw ng mga kababaihang pinanonood ang karera ng isang lalaking kinahuhumalingan nila.

Kinabig niya ang manibela pakanan upang makasingit sa mahigpit niyang kalaban. Tinitigan niya iyon ng matalas at sumaludo siya na may halong pang-aasar. Tuluyan na niyang nilagpasan ang lalaking kinapopootan niya.

Ang nasabing katunggali ay ang nang-agaw sa dati niyang kasintahan.

Naalala niya ang mga panahon na kasama pa niya sa karera ang babaeng minahal at sineryoso na niya. Sa bawat pagbilis ng kanyang kotse ay mas nananaig ang galit niya dahil lahat ng babaeng inibig niya ay iniiwan lamang siya.

Nais man niyang lumagay na sa tahimik ay sadyang minamalas siya sa love life niya. Nahuli pa niya ang pinakahuli sa mga ex niya na nakikipaglaplapan sa malupit na kakumpitensya niya sa racing ngayon.

Simula noon ay ayaw na muna niyang maghanap ng nobya dahil sawang-sawa na siya sa sakit ng ulo.

Nang malampasan niya ang finish line ay halos himatayin na ang fans niya dahil sa excitement.

Mula sa magarang sportscar ay lumabas si Uno. Sa kanyang tikas at tindig ay hindi mapagkakaila na isa siyang anak-mayaman at habulin ng mga babae. Isang tingin lamang mula sa kanyang mapupungay na mata ay siguradong malalaglag ang panty ng pinagtuunan niya ng atensyon.

Sinalubong siya kaagad ng mga reporter at fans upang siya ay batiin sa tagumpay na natamo. May isang baguhang mamahayag na biglaang bumulaga sa kanyang daraanan. Nayamot pa siya rito dahil halos matamaan na nito ng mikropono ang kanyang mukha.

"Congratulations! Do you have anything to say to your fangirls out there?"

"Miss..." pagtawag niya sa atensyon nito. Marahan niyang hinawakan ang braso ng babae upang magtungo sa tagong parte ng kotse.

"Y-Yes, Uno..." tugon ng reporter habang kumurap-kurap na nagpapa-cute.

"Ang panty mo, hanggang tuhod na..." mahina niyang binulong dito upang hindi na mapahiya. Hinubad niya ang suot na jacket at pasimple niyang tinakpan ang babae.

"Ay! Naku, maluwag na kasi kaya naka-safety pin lang ang garter!" Hiyang-hiyang na tinaas niya muli iyon sa kanyang baywang. Napailing na lang si Uno at umalis na dahil ayaw na niya ang atensyon. Tinawag pa siya ng ibang mga reporter ngunit hindi na niya sila pinansin.

Nais lamang niyang magpahinga.

Ilang araw na rin siyang pagod sa pag-eensayo at kaka-attend ng fan meetings.

Pagtungo niya sa kanyang silid ay masaya siyang binati ng kanyang mga pinsang lalaki na abalang kumakain ng chicken joy mula sa Jollibee.

"Congrats, 'Tol!" masayang pagbati ni Wiz. "High Five!"

Ang nasabing binata ang pinakahalatang may lahing intsik. Singkit ang mga mata niya at maputi ang mala-porselanang kutis. Katulad ng iba niyang mga pinsan, siya rin ay matangkad at matikas ang dating. Sabay silang lumaki ni Uno pero mas naging masayahin at madaldal siya. Subalit sa likod ng kanyang mga ngiti ay may mapait siyang nakaraan.

Namatay ang kanyang asawa sa gabi ng kanilang kasal. Bago pa man sana siya maka-score sa bagong misis ay inatake na sa puso ang babae nang makita pa lang ang kanyang abs. Dahil sa pangyayaring iyon ay kahit nagsu-swimming siya ay nakabalot na siya.

Sadyang makamandag ang katawang-lupa niya.

"High Five mo mukha mo!" inis na sinagot ni Uno. "Hindi niyo man lang ako sinuportahan. Lumalaklak lang kayo ng manok!"

"Di naman sa ganoon. Lalabas na sana kami, kaso nagdeliver ang sponsor mo na bubuyog kaya ayan, kinain na namin habang malutong at mainit pa." pagdadahilan ng pinsan.

Padabog na nilagay ni Uno sa mesa ang hinubad na leather gloves. Inagaw niya mula kay Mike ang isusubo sana nito na chicken leg. Napasimangot na lamang ang nakababatang pinsan habang pinagmamasdan na kinakain ang paboritong parte sana niya ng manok.

"Ang sungit mo." paratang ni Wiz sa kanya. "Siguro ay dahil tumatandang binata ka na."

"Ulol! Halos magkasing-edad lang tayo, pagkatapos sasabihin mo na tumatandang binata na ako!"

"Hindi naman ako bitter katulad mo."

"Ewan ko sa iyo!"

"Tama na. Huwag na kayong mag-away na mga lolo." pagsingit na ni Mike habang sinisipsip ang buto ng chicken wing. Siya ang pinakabata sa apat na magpipinsan at nasa Junior High pa. Isa siyang campus crush. Boyish ang kanyang itsura at maihahalintulad raw siya kay Kim Taehyung ng bandang BTS. Siya raw ang moreno version ng nasabing mang-aawit. Gayunpaman ay malas rin siya sa pag-ibig. Pinagpalit siya ng nobya sa anak ng may-ari ng eskwelahan na pinapasukan niya. Dahil doon ay natakot na siyang manligaw muli. "Tutuloy ba tayo sa lakad natin bukas?"

Natigilan ang dalawa nang ipapaalala ni Mike ang plano. Nagtungo si Wiz sa may locker at nilabas ang isang mapa. Nilatag niya iyon sa may sahig upang mapagmasdan ng mga pinsan.

"Nakikita niyo 'yun bundok na 'yan?" tinuro niya ang nasabing larawan. "Diyan raw naninirahan ang duwende."

"Paano ka nakakasiguro? Mukhang sinauna pa 'yang mapa at baka nag-iba na ang mga lugar." may pagdududa na sinambit ni Uno.

"Sigurado ako. May mga kakilala ako na taga-KKK na nagpatunay na hindi masyadong nagbago ang probinsya na yan at authentic ang mapa. Sinabi rin ng mga lalaking may mga bayong sa ulo na may mga saksi na nananatili pa ang dwende riyan!"

Nagningning ang mga mata ni Uno at Mike sa pagpapatunay niya. Nakaramdam sila ng super excitement dahil sa pamamag-asang matatanggal na nila ang sumpa.

Sa kasabikan nila ay umumbok ang harapan ni Mike at napunit pa ang zipper ng pantalon niya.

"Brad, pigilan mo ang feelings mo." may pagkabahalang pinaalala ni Uno. "Kain ka kasi ng kain ng manok, ayan, handa ka laging makipag-sabong."

Dahil sa kahihiyan ay napatalikod ang pinagsabihan niya.

Isa sa mga kahinaan ng mga Semira ang mabilis nilang pagka-excite kahit na natutuwa lamang sila, kaya palagi silang nakasuot ng mahabang t-shirt o kahit pormal man na pang-itaas. Sa sukat nila na seven to nine inches ay siguradong mahahalata iyon kung hindi sila magaling magtago.

Kung sino man ang may nine inches ay si Miss Author na lamang ang nakakaalam noon.

Sikreto itong malupit.

"Natuwa lang ako masyado, Kuya." pagdadahilan ni Mike na namumula pa rin ang pisngi sa hiya. "Pero naisip ko lang, paano tayo pupunta riyan e wala tayong kaalam-alam sa Tsina at sa mga kabundukan diyan?"

Bigla-bigla ay sumagi sa kanilang isipan ang mailap nila na pinsan.

"Si Francis!" sabay-sabay silang napabulalas. "Kabisado niya ang buong bansa!"

At sabay-sabay na umumbok ang harapan ng kanilang mga pantalon dahil sa excitement.