webnovel

Play for you (Gawong Story) (COMPLETED)

Author: Jennex
LGBT+
Completed · 241K Views
  • 38 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

May mga bagay at pangyayari sa buhay natin na pilit nating iniiwasan. Pilit na nating tinatalikuran pero paulit-ulit parin tayong hinahabol ng nakaraan. Bakit ba sadyang mapaglaro ang mundo? Binibigay sa atin ang mga taong hindi natin inaasahan na muling magbibigay ng ngiti sa ating mga labi. Darating ang taong magbibigay kulay sa madilim nating mundo. Magbibigay ng sigla sa mapait na damdamin. Pero ang tanong, ito ba ay pang habambuhay na o katulad lamang din ng iba na dadaan lang sa mga buhay natin upang tayo ay muling wasakin?

Tags
4 tags
Chapter 1Chapter 1: New School

Deanna POV

"Hindi ka ba excited sa bago mong school anak? Aba'y kanina ka pa naka busangot dyan, ang aga-aga. Ngumiti ka naman para naman bwenasin tayo sa buhay! Jusko itong anak ko oh!" Pagmamaktol ng nanay ko habang naghahain ng aming agahan.

"Nay pwede pake hinaan naman yang volume ng boses mo. Ang aga aga daig mo pa ang may concert eh." Reklamo ko naman dito. Pinandilatan lang naman ako ng mata bago tumalikod na upang kumuha ng tubig sa ref.

"Sumasagot ka pa! Eh kung kumilos kana kaya diyan dahil baka ika'y malate pa sa eskwelahan? First day na first day eh!"

Napa irap ako ng disoras. "Oho ma'am! Kikilos na ho. Ito na nga oh!" Sarkastikong sabi ko sa kanya.

Napakamot ako sa aking ulo na medyo magulo pa ang buhok. Kumuha ako ng isang pandesal at isinawsaw iyon sa kape bago kinain at nginuya na iyon ng tuluyan.

Hindi yata talaga kompleto ang araw niya kapag hindi ako nayayaw yawan. Palagi siyang ganyan magmula pa noong maliit pa ako, hanggang ngayon.

Pero love ko yan. Hindi niya ako pinabayaan kahit na minsan. Kahit na parang armalayt ang bunganga ng nanay, hindi naman siya nagkulang na maging ina at ama para sa akin.

Simula kasi noong iniwan kami ng tatay ko at sumama na sa iba, na ngayon nga ay may sarili ng pamilya. Eh mag-isa na lamang nitong itinaguyod ang lahat ng gastusin ko at pati na rin ang aking pag-aaral.

Isang public teacher ang nanay ko, mabait, masipag at maalagang ina. Iyon nga lang, hindi parin sapat minsan ang kinikita niya sa pagtuturo kaya minsan, madalas, kinakapos parin kami.

Pero ayos lang, tudo sikap parin ako sa pag-aaral para balang araw makaraos din sa kahirapan.

At ngayon nga, kaya ako papasok sa bagong eskwelahan ay dahil naka kuha ako roon ng bagong scholarship, bilang isang volleyball player. Hindi ko ma-imagine dati na makukuha ko ang ganoong scholarship at sa isang kilalang Unibesidad pa dito sa Pilipinas.

Nakakatuwa ang naging reaksyon ng nanay noong araw na iyon. Naiyak pa nga siya sa tuwa dahil naipasa ko ang exam.

Hindi man kami mayaman sa pera katulad ng iba, mayaman naman kami ng inay sa pagmamahal at punong puno ng saya. Iyon naman ang importante, hindi ba? Ang bagay na hindi kayang bilhin sa mundo. Ang tunay pagmamahal ng isang ina.

------

Nakakalokang traffic naman 'to, mabuti nalang dahil hindi pa naman ako late sa unang klase. Kinailangan ko pa kasing hanapin ang classroom para sa first subject ko.

Muling tinignan ko ang hawak na papel kung saan doon nakasulat ang mga subject at mga classroom na dapat na papasukan ko.

At sa wakas! Nahanap ko rin ang classrom na hinahanap ko para sa first subject ko na English. Papasok na sana ako sa pintuan ng bigla akong napahinto dahil sa biglang may tumama na bagay sa aking katawan. Kaagad na napatingin ako sa bagay na iyon at napangiti ng makitang isa iyong bola.

Kinuha ko iyon at hinanap kung saan nang galing.

"Hi." Pagbati ng babae mula sa aking likuran.

"Hi." Ganting pagbati ko naman sa kanya bago ini-abot sa kanya ang hawak na bola.

"Sayo ba 'to?" Tanong ko pa.

Napatawa ito ng mahina bago napatango. "Yup. Thanks!"

"Walang anuman." Medyo nahihiyang sabi ko pa sa kanya bago tatalikod na sana upang tuluyan ng makapasok sa loob, para narin makahanap na ng mauupuan nang muli itong magsalita.

"Transferee huh?" Komento nito habang nakangiti ng nakakaloko.

Napalunok ako bago alanganing napangiti sa kanya. "O-oo eh."

"Welcome to your new school then." Sandali itong napalingon sa paligid bago inilahad ang kanang kamay sa aking harapan.

"Alyssa." Pag papakilala nito sa akin. Agad na tinanggap ko naman ang kamay nito. Nakakahiya naman kung titignan ko lang at hindi ko tatanggapin, hindi ba?

"Deanna." Tipid na pagpapakilala ko dahil sa medyo nahihiya pa.

"Alright, see you around Deanna. And uhm...nice meeting you?" Naka ngiti itong nagpaalam na sa akin bago tuluyan ng tumalikod at pumunta sa kanyang mga kaibigan.

Napahinga ako ng malalim bago tuluyan na ring pumasok sa loon ng classroom. Sakto naman noong pagtunog ng bell. Tanda na wala ng pweding pumasok at lumabas mula sa loob at labas ng gate ng eskwelahan.

Kaagad akong naghanap ng mauupuan. Ngunit wala na akong iba pang nakikita na bakanteng upuan kung hindi ang nasa bandang likuran. Naglakad ako papunta roon at naupo sa tabi ng isang babae na...natutulog?

Napakunot ang noo ko bago napailing. Ang aga-aga inaantok na siya? Sana hindi nalang siya pumasok.

Baka naman masama lang ang pakiramdam. Hayyy!

Ramdam ko ang nakakapaso na tingin ng iba pang mga estudyante sa akin noong sandaling na pa upo na ako roon. Wala naman akong ginagawang masama ah. Isa pa, naupo lang naman ako dito pero kung tignan nila ako daig ko pa ang isang kriminal.

Napalunok ako at pinili na lamang ang manahimik. Tinignan ko na lamang ding muli ang hawak na papel habang naghihintay sa pagdating ng aming Professor.

Noon ko lamang din naramdaman ang biglang pag galaw ng katabi kong babae habang natutulog. Agad na, napalingon ako rito at napatingin sa kanya. Nakayuko parin ito habang naghihikab at nakapikit parin ang mga mata.

"Gising na pala siya." Bulong ko sa sarili.

Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang sarili na huwag matawa dahil sa kanyang itsura. Ang cute lang kasi niya, kahit na medyo nagulo ng konti ang kanyang buhok.

Noong sandaling nagmulat na ito ng kanyang mga mata ay hindi ko mapigilan ang hindi mapatitig sa kanya. Ganoon din naman siya sa akin, noong magtama ang aming mga mata, na tila ba nagulat pa ito ng makita ako habang nakatingin sa kanya.

Sandaling napatitig din ito sa akin bago napalunok at napatikhim. Hindi nagtagal ay nagbawi narin ito ng kanyang mga mata bago napatingin sa harapan dahil saktong dumating na rin ang aming Professor para sa English.

Habang ang kasunod naman na pumasok ay ang tapat na babae na sa tingin ko ay mga athlete. Sa kilos, pangangatawan at pananamit pa lamang nila ay mahahalata mo na. Nagulat pa ako ng makita kong isa sa kanila ay si Alyssa.

Dire-diretso silang pumasok at naupo ang tatlo sa kaliwang bahagi ng babaeng natutulog kanina, habang si Alyssa naman ay nasa tabi ko.

Ngumiti ito sa akin. "Wow, it's you again, classmate?" Cool na komento nito bago napasulyap sa babaeng katabi ko. "So..nagkakilala na ba kayo?"

"A-ako ba ang tinatanong mo?" Tukoy ko sa sarili. Napatango ito.

"Yup." Tipid na sagot nito bago napanguso sa babaeng katabi ko. "She's my best friend, Jemalyn." Pagpapakilala nito sa babaeng katabi ko, na kanina lamang ay mahimbing na natutulog.

Hindi ko alam na magkaibigan pala sila. Sabi ko sa sarili.

Hindi na ako nito muling tinignan pa pagkatapos nitong makita ang mukha ko kanina. Baka dahil nagulat ko talaga siya o hindi ito sanay na may tumititig sa kanya habang natutulog siya. Ang hindi ko rin maintindihan eh, kung bakit, gusto kong tignan niya akong muli sa mga mata o agawin ang atensyon niya? Isa pa, bakit parang nakita ko ang maliit na sumipil na ngiti sa kanyang mga labi noong pinakilala siya ni Alyssa sa akin?

Weird. Baka guni-guni ko lang 'yon.

"Iyong tatlong babae namang katabi niya..." Putol ni Alyssa sa aking pag-iisip. Nakalimutan kong kinakausap pala niya ako. Tumayo iyong dalawa sa kanila na hindi ko alam eh, nakikinig din pala sila sa aming dalawa.

"I'm Kyla." Pagpapakilala ng isa sa dalawa na lumapit sa akin. "And this is Celine." Lumapit din si Celine sa akin at nakipag kamay katulad ni Kyla.

"And Bea here!" Kaway naman noong isa na nakaupo parin at hindi man lamang nag-abalang lumapit sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago napatingin sa aming mga kaklase na hanggang ngayon eh, masama parin ang mga tingin sa akin.

"Don't mind them. Ngayon lang kasi sila nakakita ng baguhan dito." Bulong ni Alyssa sa akin. Naalala ko na exclusive lang nga pala itong school na ito sa mga may kaya sa buhay at mayayaman.

"At sikat pa." Dagdag pa ni Celine.

Napaturo ako sa aking sarili. "Ako? Sikat?" Hindi makapaniwalang sabi ko sa sarili habang natatawa pa.

"Hindi ba? Eh kaya ka nga nandito diba dahil nakuha mo ang scholarship? At ang maganda pa doon, magiging ka teammate kana namin." Masayang sabi ni Celine.

"Oo. Ang galing mo kaya. Kaya nga crush ka ng isa---

"Shut up, Kyla!" Putol ni Jemalyn kay Kyla bago napa irap.

"Kidding." Tatawa tawang sabi ni Kyla bago bumalik na sa kanyang upuan at nakipag aper pa kay Bea.

Naguguluhan na napatingin ako sa kanilang lahat, especially kay Jemalyn.

"Alam mo, why not i-enjoy mo nalang muna ang sarili mo dito sa Galanza University. Since first day mo naman, diba?" Sabi ni Celine na kaagad naman sinang-ayonan ni Alyssa.

"Tama! I-tutour ka mamaya ni Jema sa buong University, right Jema?" Hindi sumagot si Jemalyn sa kanyang sinabi, ngunit mahahalata mong nakikinig ito sa bawat pinag-uusapan namin ni Alyssa.

Jema..na pangiti ako sa aking sarili. So iyon pala ang nickname niya? Aywan ko rin, pero parang bigla akong na excite sa sinabi ni Alyssa sa akin. Ibig sabihin...si Jemalyn lang ang makakasama ko mamaya sa paglibot sa buong University na ito?

As in dalawa lang kami? Napalunok ako sa sarili ng maisip iyon.

You May Also Like

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
WoW! You would be the first reviewer if you leave your reviews right now!

SUPPORT