Deanna POV
"Okay guys, mag ready na kayo. Tayo na ang susunod na tatawagin." Paalala ni Coach sa amin.
"Yes, Coach!" Sabay-sabay na sigaw namin rito atsaka nakipag aper sa bawat isa na mga ka-team.
"But where's Jema? Hindi ba dapat nandito na siya?" Nagtataka na tanong ni Kyla kay Coach. Nag palinga linga ito sa paligid. Ako naman, mabilis na kinuha ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking bag bago tinawagan ang numero ng kanyang cellphone.
Lihim na napapamura ako sa sarili dahil naka patay ang cellphone nito. Ang sabi niya i-memeet lang niya sandali ang Daddy niya para makipag lunch pero hanggang ngayon hindi parin siya dumarating. Dalawang oras na ang nakalilipas.
May nangyari kaya? Nasabi na kaya nito ang tungkol sa aming dalawa?
Hindi ko na tuloy mapigilan ang hindi mag-alala. Tiyak na hindi ako makapag concentrate sa laro dahil wala siya. Hayyyyy, Jema naman oh!
"Okay, team! Wala na tayong oras para hintayin pa si Jemalyn. Darating 'yon kung may concern siya sa inyong team members niya." Wika ni Coach. "Pumunta na kayo sa court ngayon din at mag focus sa inyong game! Go go go go!" Sinasabi niya iyon habang pumapalakpak pa.
Nauna na ang aking mga Team members sa court, ako naman, sandali munang nilapitan ni Coach. Ngunit bago ito magsimula sa pagsasalita ay nahagip pa ng aking paningin ang mga players na aming makakalaro sa game na ito. At kasama sa mga iyon si Ponggay.
"Ms. Wong, alam kong malapit sa iyo ang mga player na makakalaban ninyo ngayon, pero gusto ko lang ipaalala sayo na, dahil nasa Galanza University kana ngayon at naka salalay na sa iyo ang buong team.. please do your best----
"Coach, wala po kayong dapat ipag-alala." Putol ko kay Coach. "Gagawin ko 'ho ang lahat para manalo sa game na ito, kasama ng mga team members ko." Pagbibigay ko ng assurance dito upang hindi na mag-alala pa.
Tinapik ako nito sa aking balikat atsaka napa musyon na sumunod na ako kina Alyssa.
Pagdating ko sa court, nag ka eye to eye kami ni Ponggay. Napa ngiti ito sa akin kaya gumanti na rin ako atsaka napa tango. Lumapit ito sa akin bago nakipag kamay.
"Good luck, Deanns!" Wika nito sa akin.
"Salamat. Good luck din!" Naka ngiting sambit ko rito.
Nagsimula ang aming laro na hindi parin dumarating si Jema. Inaamin ko na hindi sa laro naka focus ang aking isipan ngayon kung hindi sa pag-aalala dahil wala parin siya. Lahat ng palo ng team ni Ponggay ay hindi ko nasasalo, pati pag seserve ko ng bola hindi ko magawa ng maayos.
Hays! Ano bang nangyayari sa akin?
"Ms. Wong, focus!" Galit na sigaw ni Coach sa akin.
Nag-aalalang napa tingin sa akin si Alyssa. "Hey, you okay? Baka kailangan mo muna ng pahinga mayroon naman tayong substitute---
"Hindi. Kaya ko 'to." Pag pilit ko sa aking sarili. Napatango si Alyssa atsaka napa ngiti sa akin.
"Mine!" Sigaw ni Kyla atsaka pinalo ng malakas ang bola ngunit mabilis iyong nasalo ni Ponggay at ibinalik sa amin.
"Deanna, your turn!" Chorus na sigaw naman ni Bea at Celine.
Mabilis ang kilos na tumalon ako at muling pinalo ang bola pabalik sa team nina Ponggay. Nakaka binging hiyawan at palakpakan ng mga manonood ang kasunod na maririnig sa buong paligid dahil sa hindi na iyon muling nasalo pa ng kabilang grupo.
Ngunit ganoon din kabilis manahimik ang buong kapaligiran nang bumagsak ako sa sahig at namilipit sa sakit na nagmumula sa ankle ng aking paa. Hindi yata maayos ang aking pagbagsak mula sa pagtalon kaya ganoon na lamang ang matinding kirot na aking nararamdaman ngayon.
"Arrrggghh!!" Pilit na pag inda ko sa sakit atsaka napahawak sa parte ng aking paa na nasaktan. Tila ba nandilim din ang aking paningin dahil sa matinding kirot na nararamdaman.
"Deanna!" Sigaw ng aking mga ka team.
"Oh shit! Are you okay?!" Nagpapanic na tanong ni Bea.
"Give me some space!" Utos ni Coach sa mga taong naka palibot sa akin. Habang naka sunod naman rito ang tatlong lalaki na mag bibigay sa akin ng first aid. Hindi ko alam pero bigla na lamang din akong nahilo atsaka nawalan na lamang ng malay.
---------
Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa paligid. Agad na iminulat ko ang aking mga mata bago ito iginala sa buong kuwarto. Namataan ko sina Alyssa, Bea at Kyla na naka upo sa sofa habang kanya kanyang may kinakalikot sa kanilang mga cellphone. Sa tingin ko ay naglalaro na naman ang mga ito ng mobile legends.
Maya-maya lamang din ay bumukas ang pintuan atsaka iniluwa 'non ang aking nanay.
"Jusko! Deanna, anak gising kana! Salamat sa Diyos!" Nagmamadali itong naglakad papasok papunta sa tabi ng aking kama. Doon lamang din nagsitayuan ang aking mga kaibigan bago lumapit na rin sa akin.
"Ayos kana ba? Anong nararamdaman mo anak?" Napa ngiti ako rito upang hindi na siya mag-alala pa. Nakita ko na maayos na naka benda ang aking paa at hindi ko maigalaw. Nalulungkot ako para sa aking sarili pero ganon talaga, nangyayari ang mga ganitong bagay sa mga atleta.
"Okay na ako nay. Wag na kayong mag-alala." Sabi ko rito atsaka tinignan din isa-isa ang mga kaibigan kong may pag-aalala sa kanilang mga mata.
"Si Jema?" Tanong ko sa mga ito. Napa iwas ng tingin mula sa akin si inay. Habang ang mga kaibigan ko naman ay kanya-kanya ang muling paghawak ng cellphone.
"T-tatawagin ko lang ang Doctor." Wika ng nanay bago nagmamadaling lumabas muli ng kuwarto.
Tinignan ko sina Alyssa, Bea at Kyla sa kanilang mga mata na pilit na iniiwas sa akin. "Wala bang magsasabi sa akin kung kumusta si Jema at kung nasaan siya?"
Napa hinga ng malalim si Alyssa. "Nandito siya kanina." Diretsong pag-amin nito.
"Oo nandito siya kanina. Kaya lang umalis din kaagad." Pag sang-ayon naman ni Kyla habang napapakamot sa kanyang batok. Napa kunot ang aking noo. Hindi man lang niya ako hinintay na magkamalay?
"Wala ba siyang sinabi kung anong oras siya babalik?" Sabay-sabay silang napa iling na tatlo.
"W-wala eh. Magkasama sila ngayon ni Celine. Hinayaan na lamang din namin dahil baka ayaw lang niya na nakikita ka sa ganyang kalagayan." Paliwanag ni Bea.
"Hayaan mo, we'll talk to her later." Muling sabi pa ni Alyssa sa akin.
Hindi na ako nagsalita pa atsaka nagbaling na lamang ng paningin sa ibang direksyon. Hindi nagtagal, dahil mag-aalas dyes na ng gabi kaya nagpaalam na rin ang mga ito na uuwi na at babalik na lamang bukas ng umaga bago sumabak muli sa laro.
Naka balik na rin ang nanay kasama ang Doctor at ipinaliwanag sa akin ang aking kondisyon. Wala namang ibang problema kung hindi ang nabalian lamang ako sa aking ankle at sobra itong namamaga.
Nakaka lungkot nga lang pero, aabutin ako ng tatlong linggo o mahigit pa bago muling makakalakad ng maayos. Ibig sabihin lamang iyon, hindi ko matutulungan ang team sa mga susunod pa na laro laban sa ibang University dahil sa kalagayan ko. At kailangan kong magpagaling para muling bumalik ang sigla ng pangangatawan ko at mas mabilis na pag galing ng aking paa.
Isa pa, 'yong taong gustong gusto kong makita pag gising ko ay hindi ko man lamang nasisilayan pa. Kanina ko pa siya hinihintay na bumalik, mahimbing na rin na natutulog ang nanay sa sofa habang nagbabantay sa akin, pero mag aala-una na ng madaling araw wala parin si Jema.
Kahit anong pilit kong matulog, hindi ko magawa. Kahit pinipigilan ko ang sarili na huwag na munang mag-alala para sa kanya, hindi ko magawa.
Kumain na kaya siya? Nasaan kaya siya ngayon? Nasa bahay kaya siya o umuwi ito sa kanilang mansyon? Ang dami kong katanungan na hindi ko naman masagot dahil nandito ako at nakahilata lang.
"Hayyyyy. Ano ba Deanna, magpahinga kana." Utos ko sa aking sarili.
Dahil doon ay pilit na ipinikit ko na ang aking mga mata at nakapag pasya na talaga na matutulog na ako.
Ngunit wala pang ilang minuto ng marinig ko na bumukas ang pintuan at muling isinara rin iyon. Marahan na may humakbang papalapit sa aking kama kung saan ako nakahiga. Dahil medyo may kadiliman na sa loob ng kuwarto kaya hindi ko kaagad ito namukhaan.
"Jema?" Kaagad na tanong ko rito. "Ikaw ba yan?" Dagdag ko pa.
Mabagal na umupo ito sa silya na nasa gilid ng kama. Narinig ko na napa singhot ito habang hinahawakan ang kaliwa kong kamay bago niya iyon marahan na hinalikan. Alam kong si Jema na ang taong nasa harapan ko ngayon dahil sa amoy ng kanyang perfume.
"U-umiiyak ka ba?" Bigla akong nataranta ng makita ang nag uunahan na luha nito sa kanyang pisnge.
Napatango ito bago napa punas ng luha. "P-pwede bang...yakapin ka at umiyak sa mga balikat mo?" Parang bata na tanong nito sa akin.
"Oo naman." Parang kumikirot ang puso ko na makita itong nasasaktan. "Umiiyak ka ba dahil sa kalagayan ko?" Tanong ko rito habang yakap yakap siya ng kaliwang braso ko. "Tahan na. Okay na ako oh!" Dagdag ko pa.
Hindi ito kaagad naka sagot. Sandali itong natahimik habang umiiyak lamang. Pagkatapos ay naramdaman ko na napa tango ito. Kahit na alam ko naman talaga ang totoo, na hindi lamang dahil sa kondisyon ko kaya ito nagkaka ganito ngayon. Kung ano man iyon, alam kong sasabihin niya rin ang tungkol sa bagay na iyon kapag handa na siya.