webnovel

Play for you (Gawong Story) (COMPLETED)

May mga bagay at pangyayari sa buhay natin na pilit nating iniiwasan. Pilit na nating tinatalikuran pero paulit-ulit parin tayong hinahabol ng nakaraan. Bakit ba sadyang mapaglaro ang mundo? Binibigay sa atin ang mga taong hindi natin inaasahan na muling magbibigay ng ngiti sa ating mga labi. Darating ang taong magbibigay kulay sa madilim nating mundo. Magbibigay ng sigla sa mapait na damdamin. Pero ang tanong, ito ba ay pang habambuhay na o katulad lamang din ng iba na dadaan lang sa mga buhay natin upang tayo ay muling wasakin?

Jennex · LGBT+
Not enough ratings
38 Chs

Chapter 31: Wedding Preparation

Deanna POV

Nandito kami ngayon ng nanay sa mansyon nina Jemalyn. Kasama nito ang nakuha na Wedding Coordinator para sa kanilang kasal ni Tito Gilbert. Ang ama ni Jema.

Dito kasi ang napiling lugar na gagamitin para sa kanilang Reception Area pagkatapos ng kasalan sa Simbahan. Sayang naman daw kasi ang space at mas elegante pa tignan kaysa sa ibang hotel na pupwedi nilang puntahan.

Kasabay ko kanina sa sasakyan sa pagpunta rito ay si Ponggay. Isa siya sa mga labis na natuwa noong malaman na ikakasal na ang aking ina. Kaya naman, hinahayaan ko na lamang din ito na tumulong. Isa pa, wala naman na kami ngayong klase sa loob ng dalawang linggo dahil Christmas break.

Christmas...

Biglang pumasok iyon sa aking isipan. Magpapasko na pala. Magpapasko ng hindi man lamang kami nakakapag-usap pa ni Jema.

Pilit na iniiwasan ko ito. Hindi ko alam, siguro dahil naiinis at nagagalit ako sa aking sarili . Ni hindi ko nga ito magawang tignan o kahit na sulyapan man lamang. Hindi na rin kami ang magkatabi sa aming mga klase. Ako na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi na kami nito makapag-usap pa. Kahit na, alam ko at nakikita namang ginagawa parin nito ang kanyang best para lamang maka usap akong muli.

Sa loob ng halos dalawang linggo, wala akong ibang hangad kung hindi ang matanggap nito ang naging desisyon ko. Desisyon na alam kong habambuhay na hindi ko pagsisisihan.

Balita ko pa, nandito rin sina Alyssa kanina. Binisita ng mga ito si Jema, dahil sa ilang na araw na itong hindi lumalabas sa kanyang kuwarto at pilit na iniiwasang makipag-usap sa kahit na sino.

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kapag ganoon. Hindi ko maiwasang hindi siya kumustahin, o maging hangarin na kausapin. Ngunit kailangan kong manindigan sa mga desisyon ko. Kahit na sa mga oras na ito ay gustong-gusto ko siyang puntahan sa kanyang kuwarto ay hindi ko ginagawa.

Nagpalakad-lakad ako sa loob ng mansyon, habang abala pa sina Inay sa kanilang ginagawa at habang kasama nito si Ponggay sa paglibot pati narin sa pag paplano kaya naman, nagkaroon ako ng oras upang mag muni-muni.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa may pool area na pala ako. Napa ngiti ako ng malungkot sa aking sarili nang maalala ang aming naging moment dito ni Jema. Noong unang beses na dinala niya ako rito sa kanila.

Lumapit ako at naupo sa mismong lamesa at upuan kung saan kami pumwesto noong araw na iyon. Napaka sikip pala sa dibdib kapag narealize mo na hanggang alaala nalang ang lahat at hindi mo na maibaalik pa ang mga iyon kahit na gustuhin mo.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na mayroong mga mata na nakamasid sa akin mula sa aking likuran. Kaya't agad akong napalingon rito at sinalubong ang magaganda ngunit malungkot na mga mata nito.

Sandali akong napasinghap bago napa lunok nang makita siya. Hindi ko maitatanggi sa aking sarili na miss na miss ko na siya ng sobra. Namimiss ko na ang mga ngiti niya.

Good thing dahil maayos naman ang mukha nito. Hindi rin marumi ang suot na damit, hindi kagaya noong nakaraan na huling beses ko itong makita na napaka miserable. Napaka ganda parin niya at wala iyong ipinagbago. Ngunit mahahalata mong nangangayayat na ito at walang maayos na tulog.

Nakatitig lamang ito sa akin at hindi man lamang iyon ibinabaling sa ibang direksyon.

Ako na ang naunang nagbawi ng tingin atsaka napa yuko upang iwasan ang muling mapatingin rito. Inayos ko ang aking sarili bago napatayo na mula sa aking kina-uupuan, ngunit sinadya kong hindi ihakbang ang aking mga paa. Naisip ko kasi, na baka ito na ang tamang oras para muli na kaming magka-usap na dalawa.

Sinubukan kong ngumiti rito. Iyong ngiti na pormal lamang at hindi siya maiilang.

Hindi ko alam na ako pala ang maiilang sa kanyang mga tingin. Hanggang ngayon kasi, nakatitig parin ito sa akin na animo'y hindi kumukurap.

"H-Hi." Utal na pagbati ko sa kanya.

Kitang kita ng dalawang mga mata ko kung paano ito napalunok.

Napakagat ako sa aking mga labi. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit, gustong gusto kong marinig ang boses niya ngayon. Ganon ko na ba talaga siya namimiss?

Unti-unti itong humakbang papalapit sa akin. Iyong hakbang na sobrang bagal. Pagdating sa aking harapan ay naluluha ang mga mata na sinusuri nito ng maigi ang aking buong mukha. Bago iniangat ang kanyang kanang kamay atsaka iyon hinaplos ng marahan.

"Hindi ako nananaginip, hindi ba?" Kusang nagtayuan ang aking mga balahibo dahil sa malamig at mahina na tono ng kanyang boses.

This time, naramdaman ko nalang ang pag galaw ng aking mga panga dahil sa galit. Galit sa aking sarili. Galit dahil, nagawa ko siyang saktan ng ganito.

"Miss na miss na kita..." Halos pabulong na, na wika nito. Hindi ako sumagot o umimik man lamang at nanatiling tikom ang mga bibig habang naka tingin lamang sa kanya.

" I wish I could turn back time to when everything was perfect." Naluluha at namumula ang mga ilong na bigkas nito.

Napalunok akong muli. Gusto ko ng magsalita dahil ayoko ng mas masaktan ko siya lalo. Gusto ko siyang yakapin, ngunit hindi na pwede at pinipigilan ko na rin ang aking sarili na gawin iyon.

Dahil baka magbago lamang ang lahat, baka biglang bawiin ko lahat ng sinabi ko sa kanya dahil lamang sa isang yakap. Isang yakap na pareho naming hinahangad na muling malasap.

Hinawakan ako nito sa aking mga kamay. "Deanna, please, come back to me. Ayusin natin 'to. Wag mo naman ako iwanang mag-isa sa ere oh." Ngunit agad at mabilis na binawi ko ang aking kamay bago napatingin sa malayo.

"Hindi kita iniwan, Jema...pinalaya lang kita. Pinalaya ko ang mga sarili natin, sa relasyon na hindi na tayo pwede pa." Naluluha na sabi ko rito. Napayuko ito bago mas lalong napaiyak.

Parang dinudurog ang puso ko ngayon. Nahihirapan na rin ako, lalo na sa sitwasyon namin ngayon. Nasasaktan na rin ako ng sobra. Pero nakapag desisyon na ako. Muling lumapit ito sa akin atsaka ako hinawakang muli sa aking pisnge.

"Pero masaya naman tayo diba? Mahal mo'ko, mahal kita. Anong nangyari?"

Napailing ako. "Hindi sapat ang mahal lang natin ang isa't isa. Na masaya lang tayo pareho. Kailangan din natin na isipin yong mga taong importante sa atin." Paliwanag ko rito. Kusang napa bitiw ito sa akin bago napa hilamos ng palad sa kanyang mukha.

"Bakit kailangan pa natin silang isipin? Unahin? Kung pwede naman tayong maging masaya nalang."

"Jema, hindi ganon kadali yon. Mas masasaktan lang tayo pareho at mas lalalim lang ang maidudulot na sugat sa atin, kung hahayaan natin na ipagpatuloy ang mga gusto lang natin." Napa pikit ako.

"Hindi ako magsosorry sa ginawa ko, Jema. Look, mahahanap mo ang sarili mo kahit na wala na ako dahil matutunan mong maging malakas. Hindi ba mas okay 'yon? Mas magiging matibay ka na ngayon." Dagdag ko pa.

"Matibay?" Halatang galit na ito dahil sa kanyang mga tingin.

"Sa tingin mo ba magiging matibay pa ako? Deanna, I am so lost without you! Hindi mo ba naiintindihan 'yon? Ikaw ang bumuo sa akin, kaya wag mo naman sana hayaang ikaw din ang maging dahilan ng muling pagkawasak ko." Nakikita ko sa mga mata nito ang kanyang pagka desperada na ituloy namin ang kung ano mang sa amin.

Pero anong magagawa ko? Mahal ko rin ang nanay ko. At importante rin sa akin ang kung ano man ang kaligayahan nito. Ayokong bitiwan niya ang pagkakataon na matagal ko ng ipinagdarasal para sa kanya. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Pero mahal ko rin si Jema, sa magkaibang paraan nga lang. Kaya mas gugustuhin ko nalang na maging magkapatid kami dahil pupwede ko pa naman siyang mahalin sa paraang alam ko.

Kahit hindi na ako.

"Kaya ayokoooo. Hindi ako papayag na mauuwi lang tayo sa hiwalayan. Please Deanna, gagawan natin ito ng paraan ha? Magiging tayo parin, ayokong mawala ka. Please..." Humahagulhol na pakiusap nito sa akin.

Dahil doon ay mas lalo rin akong napa iyak. Walang nagawa na niyakap ko na lamang ito ng mahigpit. Hindi ko alam kung papaano tatanggalin ang sakit na nararamdaman namin pareho, pero ito lang ang tanging paraan. Gusto kong unahin ang kaligayahan ko pero mas importante ang maging masaya ang nanay ko.

Kahit ngayon lang.

"H-hindi ako mawawala. Nandito parin naman ako." Humihikbi na sabi ko sa kanya. "B-bilang kaibigan at k-kapatid mo---

"Tang ina!" Napakalas ito ng disoras sa akin atsaka bigla na lamang akong itinulak palayo sa kanyang katawan.

"Ang daming tao na pwede kong mahalin pero ikaw yong taong pinili ko! 'Yong taong pilit kong ipaglalaban, Deanna, kahit na alam kong mahirap. Kaya sana, piliin mo rin ako katulad ng pagpili ko sayo."

Ang sakit sakit na! Hindi lang siya ang nasasaktan ng sobra ngayon. Kung alam lang niya, naiipit din ako sa sitwasyon. Kung alam lang niya, gustong-gusto ko ng takasan ang lahat ng ito ng kasama siya. Pero kasi, hindi lang ganon kadali ang lahat. At mas magiging mahirap lamang ang lahat para sa amin. At ayokong maranasan niya iyon.

"Jema, hindi lang ikaw ang nahihirapan!" Napataas na ako ng aking boses.

"Gusto kitang piliin. Gusto kitang ipaglaban. Gustong gusto!"

"Then do it!" Ganting sabi nito sa akin. "Do it Deanna, wag ka ngang duwag! Kasi hindi naman kita pababayaan. Magkasama tayo. Kasama mo'ko sa lahat!"

Napa sabunot ako sa aking buhok. "Pero sa tuwing gagawin ko 'yon, doon naman humahadlang ang tadhana. Jema gusto ko---

"Deanna?" Bigla akong natigilan at mabilis na napa punas ng aking mga luha ng marinig ang boses ni Ponggay.

Nakita ko itong naglalakad papunta sa amin, habang nasa kanyang likuran naman si nanay.

Napa sulyap ako sa naka yuko at umiiyak parin na si Jema. "Kung makikipag hiwalay ka sa akin at maghahanap ka ng iba, pwede bang huwag ng si Ponggay?" Kunot noong napatitig ako rito.

"Ang laking insulto kasi 'non sa akin." Mapait na sambit nito.

Sa totoo lang, wala naman akong ibang intensyon. Kung ang akala nito ay mapapalitan pa siya sa aking puso, pwes, hindi na mangyayari pa ang araw na yon.

"Huwag kang mag-alala. Hindi mangyayari ang sinasabi mo." Bigkas ko rito bago napatalikod na.

Hindi ko na ito muling nilingon pa. Habang tahimik na nakasunod lamang din sa akin si Ponggay. Ang sakit sakit lang. Nakakagalit sa sarili yong mga ginagawa ko sa kanya.

"Jema, pwede ba kitang maka usap?" Narinig kong tanong ng aking ina kay Jema.

Sandaling akong napa hinto atsaka sinabihan si Ponggay na mauna na at susunod lamang ako sa kanya. Mabuti na lamang dahil kaagad din itong pumayag at hindi na nangulit pa.

Gusto ko kasing marinig ang magiging usapan nilang dalawa.

"Alam kong ayaw mo sa akin para kay Gilbert pero---

"I'm sorry, but we have nothing talk about." Putol nito kay inay. "Excuse me."

Pagkatapos ay narinig ko na lamang ang mga yabag habang paparoon sa aking kinatatayuan. Pagkaraan lamang ng ilang sandali ay may napa hinto sa aking harapan, si Jema.

Medyo nagulat pa nga ito ng makita ako. Ngunit malamig lamang na tinignan ako nito sa aking mga mata.

Magsasalita na sana ako ng bigla na lamang nitong inihakbang ang kanyang mga paa bago ako nilampasan.

Walang magawa na napa yuko na lamang ako ng malungkot sa aking sarili. Bago ito nilingon at tinignan habang naglalakad papalayo sa akin.