Jema POV
Lumipas ang isa, hanggang dalawang linggo. Mas lalo ko pang nakikilala si Deanna at ganoon din ito sa akin. Minsan may mga bagay talaga na hindi ko maipaliwag kung bakit ganito na lamang ako ka attached sa kanya.
Siguro dahil sa kabutihang taglay nito. Isama mo na rin ang nahahanap ko lamang ang aking sarili kapag siya ang kasama ko.
Sa loob ng kanilang maliit na bahay, mas lalo akong napapamahal sa buhay na kanyang kinagisnan. Ang pagiging simple nito sa lahat ng bagay. Ang pagiging hindi maarte sa damit, sa kinakain at maging sa araw-araw nitong ginagawa.
Dalawang araw na rin ng linggo ako nitong isinasama sa pagsimba, na dati-rati ay hindi ko man lamang maalalang gawin kahit na may kasama man ako o wala.
Nagiging close ko na rin ang kanilang mga kapit bahay na madalas makipag kwentuhan sa akin, pag-uwi ko palang galing ng University. Nakakatuwa dahil unti-unti ng nagbabago ang aking pagtingin at pananaw sa mga tao na walang kakayanan sa buhay.
Dati kasi, ang buong akala ko. Kapag hindi ka mayaman, mahirap makuha ang mga bagay na gugustuhin mo. Hindi masaya dahil walang pera o hindi kakayanin na bilhin ang mga bagay na makapag papasaya sayo.
Pero ngayon, nakikita ko na hindi kailangan ng maraming pera para maging masaya ang isang tao. Sapat na ang isang buo at kompletong pamilya. Iyong tipong magkakasama kayong lahat kahit sa maliit na bahay lamang nakatira. Iyong bang, tulong-tulong sa araw-araw at bawat problemang dumarating. At higit sa lahat, mayroong mga totoong kaibigan.
-------
"Okay class, pass your paper now." Wika ni Ms. Garcia, ang aming Prof. sa Science.
Kaagad naman na nagsitayuan ang aming mga kaklase bago ipinasa ang kani-kanilang mga test paper sa table ni Ms. Garcia.
Magkasunuran naman kaming napatayo ni Deanna. Nakasunod ako sa kanyang likuran habang ang aking mga kaibigan naman ay nasa aking likuran din at may kung anong pinagbubulungan.
Aba'y malay ko ba sa mga yan. Malamang may nakuha na naman o nakita na dapat na pag tsismisan. I was about to speak nang mahuli ng aking dalawang mata ang malalagkit na tingin ni Ms. Garcia kay Deanna.
Lalo na noong sandali na iniabot na ni Deanna ang papel na hawak sa kanya. Mabilis nitong nahuli ang kamay ni Deanna bago ito hinaplos at nginitian ng matamis at animo'y nang-aakit pa.
Kaagad na napakunot ang aking noo at kusang nakaramdam ng pagkainis.
Is she flirting with Deanna? What the! Sabi ko sa aking sarili bago napatikhim habang nakatingin directly sa mga mata ni Ms. Garcia.
Kaagad naman itong napa angat ng tingin sa aking mukha at sinalubong ang mga nakakamatay kong titig sa kanya. Mabilis na hinila ng aking kaliwang kamay si Deanna upang ilayo sa kanya at padabog na inilapag ang papel na hawak sa kanyang lamesa.
Mas lalo yatang naningkit ang aking mga mata noong sandali na napangisi pa ito sa akin bago napailing. Sinasadya niya bang gawin 'yon? Para inisin ako? Baka gusto niyang mawalan ng trabaho at hindi na muling makapasok sa kahit saang University man dito sa buong Pilipinas.
Mabilis ang mga hakbang na tinalikuran ko ito habang hila-hila ang kanang kamay ni Deanna. Awtomatikong natahimik naman ang aking mga kaibigan habang sinusundan kami ng tingin pabalik sa aming silya.
"Ayos ka lang ba Jema?" Concern na tanong ni Deanna sa akin.
Napahinga ako ng malalim upang kalmahin ang aking sarili. Dahil for sure, hindi na maipinta ang aking itsura sa mga sandaling ito.
"Hindi ko alam may mga peste rin pala rito kahit sa loob ng classroom. Akala ko sa mga halaman lang 'yon dumadapo pati rin pala sa tao." Naiinis parin na bulong ko sa sarili habang nagliligpit ng aking mga gamit at padabog na inilalagay iyon sa loob ng aking bag.
"Ha?" Nagtataka na napapatingin sa sakin si Deanna. "Ayos ka lang ba talaga?" Muling pagtanong nito sa akin.
"Isa ka pa!" Inis na singhal ko sa kanya. Dahil medyo napalakas ang boses ko kaya agad na napatingin sa amin ang aming mga kaklase. "Hinahayaan mo rin na magpa peste ka." Sabi ko rito bago napatayo, sakto nang tumunog na rin ang bell. Pahiwatig na tapos na ang lahat ng klase para sa araw na ito.
"Wag mo'kong kakausapin ha." Sabay talikod na sabi ko rito at hindi man lamang hinintay na makapag salita ito o malaman ang dahilan ng kinaiinit ng aking ulo.
Mabilis ang mga hakbang na pumunta ako sa aming court. Magpa practice ako ngayon. Gusto kong ihambalos 'yong bola sa mukha ng babaeng 'yon hanggang sa humupa itong inis na nararamdaman ko.
"Good afternoon, Coach!" Kaagad na pagbati ko kay Coach nang maabutan itong nakatayo sa gitna ng habang may kausap sa kanyang telepono.
Hindi ko na hinintay na batiin rin ako nito dahil kaagad na dumiretso na ako sa locker para makapag palit ng damit.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nag-stay sa loob para magpalit ng damit. Basta noong nasa labas na ako eh, nagsisimula na silang lahat sa pag practice. Dismayadong napailing si Coach habang naka tingin sa akin.
Hays!
Napahinga ako ng malalim. Napadako ang aking paningin kay Celine na kumakaway sa akin habang naka pwesto na sagitna ng court. Kaagad na lumapit ako rito at pumwesto.
"Where's Deanna?" Kaagad na tanong nito sa akin. Napakunot na namang muli ang aking noo bago napa tingin sa paligid.
"I don't know. I thought she's with you." Sagot ko rito ngunit tinignan lamang ako nito ng 'are you kidding?' look.
"Hindi ba kasama mo siyang umalis kanina?" Tanong ni Kyla sa akin. Mabilis akong napailing.
"No?" Patanong na sagot ko rito. "Baka nandoon sa babae niya." Bulong ko sa sarili.
Nagtataka na napatingin ang mga ito sa akin. "Nothing. Hayaan na natin 'yong isang iyon. Baka may pinuntahan lang." Sabi ko ko sa mga ito. Sabay sabay naman silang napatango bago napatingin kung saan ang entrance ng court.
"Oh, nandiyan na pala si Deanna eh." Nakangiting sabi ni Bea sa amin bago napakaway pa.
Parang slow motion naman na napatingin ako sa tinitignan ng mga ito. At doon, nakita kong may ibang kasama si Deanna. Hindi ko na naman tuloy maiwasan ang hindi madismaya sa kanya.
Sakto naman nang biglang pagpito ni Coach. "Okay guys, tama na yan. Start na tayo." Sabi nito habang pumapalakpak pa.
Napa irap ako ng mata. Ang galing din ni Coach eh, timing talaga siya eh. ano?
"Jemalyn, ikaw na ang unang mag serve ng bola." Utos ni Coach sa akin. Napahinga ako ng malalim atsaka kinuha ang bola sa lapag.
Pumwesto na ako, ngunit bago ko pa man tuluyang ide-nrible ang bola ay napatingin muna ako sandali kay Deanna, habang papalapit sa amin at nakabuntot parin sa kanyang likuran si Ms. Garcia.
Sandali itong nakipag kwentuhan kay Coach, kaya may pagkakataon na ako na isakatuparan ang kung ano mang tumatakbo sa isipan ko.
Napangisi ako sa aking sarili at tuluyan na ngang inihagis ang bola sa ere bago ito pinatamaan at--
"Ouch!" Sigaw ng haliparot naming teacher habang napa upo sa sahig, na ngayon ay mayroon ng dugo sa kanyang ilong dahil sa pagtama ng bola sa kanyang mukha.
Awtomatikong napatakbo sa kanya si Deanna at inalalayan ito sa pagtayo. Ang mga kaibigan ko naman ay napatingin lamang sa akin habang napapailing at may kung anong mapanuksong ngiti sa kanilang mga labi.
"What? Hindi ako yan ha." Pag-mamaang mangan ko pa.
"Ayos lang 'ho ba kayo Ms. Garcia?" Concern na tanong ni Deanna sa kanya.
Dahil sa hindi na talaga ako makapag timpi pa ay mabilis ang mga hakbang na nilapitan ko si Deanna at hinawakan sa kanyang braso bago muling hinila papunta sa may aming mga lockers.
Pagdating doon ay kaagad na binitiwan ko ito bago tinignan ng masama. Ganoon din pala ito sa akin. Tinignan din ako nito na tila ba napipikon narin dahil sa ginawa ko.
"Bakit mo ginawa 'yon?" Kunot noo na tanong nito sa akin. "Jema, naka sakit ka ng tao. Hindi ka ba aware doon?" Dagdag pa niya.
Napalunok ako bago napa iling in disbelief. "So kasalanan ko?"
"Oo." Mabilis na sagot nito sa akin. "Hindi ba?"
"Sa tingin ko kasi wala akong kasalanan doon, Deanna." Biglang singhal ko sa kanya.
"Matuto siyang alamin kung may masasagahan ba siyang damdamin ng ibang tao, bago siya makipag landian sayo, sa harapan ko!" Ang buong akala ko papatulan parin nito ang mga sinasabi ko, pero nagulat na lamang ako dahil bigla itong napatawa bago napakagat sa kanyang mga labi.
"Bakit ka natatawa diyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Naiinis parin na sabi ko sa kanya. Napailing ito bago ako tinignan ng malagkit sa aking mga mata.
"Wala naman." Tugon nito. "Nagseselos ka. Kaya ka nagkaka ganyan. Tama ba ako?" Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mamula sa kanyang harapan dahil sa kanyang sinabi. Doon lamang din pumasok sa aking isipan ang katagang iyon.
Nagseselos ako? Tanong ko sa sarili.
Napa iwas ako ng tingin bago napayuko. "I-I just don't want to see you talking with anyone but me. That's it." Nahihiyang pag amin ko rito.
Ngunit napangiti lamang ito sa akin na para bang nang-aasar pa. "Seryoso ako. Dahil kahit na ano pa siya dito sa University na ito, ako parin ang may-ari nito. Tandaan mo yan." Pagbabanta ko sa kanya, pero biro lang.
Napatango ito na parang bata. "Opo ma'am." Sabay salute na sabi nito na parang sundalo. Pagkatapos ay inakbayan ako at muling iginala pabalik sa court.