webnovel

Play for you (Gawong Story) (COMPLETED)

May mga bagay at pangyayari sa buhay natin na pilit nating iniiwasan. Pilit na nating tinatalikuran pero paulit-ulit parin tayong hinahabol ng nakaraan. Bakit ba sadyang mapaglaro ang mundo? Binibigay sa atin ang mga taong hindi natin inaasahan na muling magbibigay ng ngiti sa ating mga labi. Darating ang taong magbibigay kulay sa madilim nating mundo. Magbibigay ng sigla sa mapait na damdamin. Pero ang tanong, ito ba ay pang habambuhay na o katulad lamang din ng iba na dadaan lang sa mga buhay natin upang tayo ay muling wasakin?

Jennex · LGBT+
Not enough ratings
38 Chs

Chapter 11: The bet

Deanna POV

Holiday ngayon, kaya walang pasok ang lahat ng estudyante. Maaga akong nagising upang makatulong pa sa inay sa mga gawaing bahay, bago ito pumunta sa eskwelahan.

Kahit kasi holiday, kailangan parin nitong pumunta sa kanilang school upang gawin ang mga naiwang gawain kahapon na hindi natapos. Isa pa, abala na naman ito sa pag bibigay ng mga grado sa kanyang mga estudyante.

Habang nag-aasikaso ito sa kanyang pag-alis ay nagluluto naman ako ng aming almusal. Nagsasangag ako ng kanin ng biglang may nadinig na pababa ng hagdanan mula sa itaas.

Sandali akong napalingon sa kagigising lamang na si Jemalyn. Gulo-gulo pa ang buhok nito mula sa pag tulog. Naka suot ito ng fitted shirt at Cotton short naman sa ibaba.

Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi makaramdam ng pamunula sa aking pisnge at pati narin ang mapalunok. Bakit ganon? Kahit na bagong gising pa siya, ang ganda ganda parin niyang tignan.

Nahuli ako nitong nakatitig sa kanya kaya naman agad akong napaiwas ng tingin at muling ibinalik ang atensyon sa aking ginagawa.

Nakakahiya ka Deanna. Dismayadong sabi ko sa sarili.

"Good morning!" Husky ang boses na bati nito sa akin ng makalapit siya bago napahikab.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lamang sa aking ginagawa. "Mukhang masarap yang niluluto mo ha." Komento nito.

"Sana lang eh, hindi maglasang sunog dahil mukhang lumilipad yang isip mo." Dagdag pa niya bago napa ngisi at na upo sa silya malapit sa lamesa.

"B-bakit ba ang aga mong nagising. Wala naman tayong pasok ha." Pang-iiba ko ng usapan bago pinatay ang gamit na gasul dahil tapos na akong magluto.

Muling napahikab ito. "Kita mo yan? Inaantok ka pa." Wika kong muli bago napa iling at kumuha na ng mga plato para maghain.

Napa ngalumbaba ito sa ibabaw ng lamesa habang pinapanood ang bawat kilos ko. "Hmmm...hindi na kasi ako makatulog eh. Wala kana sa tabi ko." Hirit nito bago nag nining-ning pa ang mga mata.

"Ang aga-aga bumabanat ka." Pabirong sabi ko rito bago lumapit sa kanya at pinitik ito sa kanyang noo.

"Awww. Ang sakit 'non ha!" Naka ngusong reklamo nito bago napahimas sa kanyang noo na nasaktan.

"Totoo naman ha. Sino ba naman kasi ang gaganahan sa pag tulog kung 'yong unan na niyayakap ko eh nandito na sa kusina." Muling wika nito habang hindi parin inaalis ang mga nakakailang niyang tingin sa akin.

Siguro kung hindi lang ako matino mag-isip pinatulan ko na talaga 'to. Hmp!

Patulan mo na kasi. Ang hina mo rin eh. Panunukso naman ng aking isipan.

"Eh kung tulungan mo nalang kaya ako sa paghain." Sabi ko rito.

Napahinga ito ng malalim atsaka tumayo. Kumuha ito ng mga baso at inilapag sa lamesa bago sinalinan ng tubig. Maya-maya lamang din ay may nadinig kami na tunog ng kanyang cellphone mula sa loob ng kwarto.

Kaagad na nagpunas ito ng kanyang kamay atsaka nagmamadaling umalis sa kusina. "I have take that call." Napatango ako habang pinanonood ito sa pag akyat ng hagdanan.

Ilang minuto pa ang nakalipas, hindi parin ito nakakabalik mula ng umakyat sa kwarto para sagutin ang tawag.

Sino kanyang kausap 'non? At bakit ang tagal naman yata? Tanong ko sa sarili.

Patapos ng kumain si nanay ng kanyang agahan, pero hanggang ngayon wala parin siya. May nangyari kayang hindi maganda?

"Anak, Deanna." Tawag sa akin ng nanay.

"Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha. Asikasuhin mo narin si Jema. Ako'y aalis na dahil marami pa akong kailangang tapusin sa eskwelahan." Pagpapaalam nito sa akin.

Napatango ako rito bago lumapit at hinalikan ito sa pisnge. "Sige ho nay. Mag-iingat po kayo." Wika ko atsaka ito pinanood habang papalabas ng aming bahay.

Napahinga ako sa sarili bago napatingin sa hagdanan. Maya-maya lamang din ay nandiyan na ang mga yabag nito habang bumababa.

Napakunot ang aking noo ng makita itong naka ngiti ng malawak na animo'y may ginawang hindi maganda. "Bakit ganyan ka kung makangiti?" Tanong ko rito bago tinitigan ng may kahulugan.

Agad itong napailing at mabilis na sumagot sa akin. "Nothing." Sabay kindat pa na sabi nito bago na upo na sa silya upang kumain. "Kain na tayo?"

Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa nito. Huling beses na may ginawa ito ay noong araw na pinatamaan nito ng bola si Ms. Garcia sa kanyang mukha. Hindi ko alam napaka selosa pala ni Jemalyn, nakakatakot. Haha. Napangiti ako sa loob ko.

Hindi pa kami tapos sa pagkain ng may madinig ako na kumakatok mula sa main door ng aming bahay. Tatayo sana si Jemalyn ng inunahan ko na siya.

"Ako na." Sabi ko rito at kaagad nagtungo roon. Sino naman kaya ito? Wala naman kaming inaasahan na bisita ngayon. Isa pa wala si inay. Naisip ko na baka si nanay lamang iyon dahil may nakalimutan.

Mabilis na binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang lukot na mukha ni Ms. Garcia. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa mukha nito.

"M-Ms. Garcia, ano hong ginagawa ninyo dito?" Tanong ko bago napalunok.

Hindi naman kasi maitatanggi na maganda rin ito. Sexy at animo'y isang modelo kung manamit. Kaya siguro ganon nalang kung mainis si Jemalyn sa kanya.

Napatingin muna ito sa paligid bago muling ibinaling ang kanyang mga mata sa akin.

"C-can I come in?" Para bang balisa na sabi nito at kinakabahan pa.

Kaagad akong nag panic ng maalala na nasa loob rin pala ng bahay si Jema. Tiyak na baka iba na naman ang isipin 'non.

Napakamot ako sa aking batok. "Ahhh, ehhh Ms.---

"Please!" Muling pakiusap nito sabay hawak sa braso ko.

"What is she doing here?" Pagmamaldita na tanong ni Jemalyn mula sa aking likuran. Kaagad na napapikit ako ng mahigpit bago napalingon dito.

Patay!

Naka taas ang kilay nito. Halata mong hindi nagugustuhan ang kanyang nakikita. Habang si Ms. Garcia naman biglang parang binuhusan ng malamig na tubig ng makita na nasa kanyang harapan lang ngayon si Jemalyn.

"Ow, it's you again." Parang bored ba sabi ni Jema. "Alam ko namang pupunta ka rito para makiusap. But no, hindi na magbabago ang desisyon ko." Naguguluhan na napatingin ako kay Jema dahil sa kanyang sinabi.

Magsasalita na sana si Ms. Garcia ng muling magsalita si Jema. "At huwag mo ng gagamitin pa si Deanna para i-atras ang pagpapatalsik ko sayo sa University. Whether you like it or not mangyayari 'yon."

Parang maiiyak na si Ms. Garcia noong sandaling sabihin iyon ni Jema sa kanya. Ano bang nangyayari at bakit wala yata akong alam?

"Teka nga." Biglang sabat ko rito. "Anong pagpapatalsik? At bakit kailangang matanggal si Ms. Garcia sa University?" Tanong ko rito.

Napaiwas ng tingin si Jema mula sa akin. "Jema, wala naman siyang ginagawang masama ha."

Ngunit imbis na sagutin ako ay napairap lamang ito. "Kasalanan naman niya eh." Matigas na sabi nito.

"P-pero hindi ko naman sinasadya." Naluluha na sagot ni Ms. Garcia rito. "Napag utusan lang ako ng mga kaibigan mo na pagselosin ka."

Kapwa kami natigilan ni Jema ng marinig ang sinabing iyon ni Ms. Garcia.

"What did you say?" Gulat na tanong ni Jemalyn.

Napatango si Ms. Garcia. "Gusto kasi nilang pag selosin ka. Kaya ko yon nagawa." Sabi nito. Lumapit ito kay Jema at hinawakan ito sa kanyang kamay.

"Jema please, I don't want to lose my job. Wag mo naman akong patalsikin sa University. Kaya ako nandito para maki usap sayo. Hindi para kay Deanna." Naka tingin na sabi nito sa akin.

Namumula ang mukha ni Jema na napatingin din sa akin. Naghihintay kung ano bang dapat nitong gawin. Nagkibit balikat lamang ako habang nakatingin sa kanya at napa ngiti.

"Mabuti pa siguro, iwan ko muna kayo. Para makapag usap." Pag excuse ko sa dalawa. "S-sa kusina lang ako." Paalam ko kay Jema. Napatango ito sa akin.

Napapailing ako sa sarili habang naghuhugas ng mga pinggan at iniisip 'yong sinabi ni Ms. Garcia. Bakit naman ginawa iyon ng mga kaibigan ni Jema? Nakakaawa naman yong taong ginamit nila.

Hays!

Atsaka isa pa, alam naman nila kung ano 'yong nararamdaman ni Jema. Bakit ginawa parin nila yon? Hindi ko lubos maisip ang totoong dahilan. Siguro nga, may dahilan talaga sila. At kung ano man 'yon, si Jema na ang kakausap sa kanila.

Basta ako, kahit na anong mangyari mananatili ako sa tabi ni Jema. Sana lang talaga pagbigyan nito ang kahilingan ni Ms. Garcia. Matutuwa ako ng sobra kapag ganon.

Napangiti ako sa aking sarili. Meron kasi sa loob ko na nagsasabing, hindi mahirap mahalin ang isang Jemalyn Galanza, kahit na gaano pa ito kakulit at pasaway. She deserve to be loved.

Ano kaya ang gagawin ngayon ni Deanna? Knowing na unti-unti na itong nafafall sa charm ni J? Hahaha. Well, well, aabangan nating lahat 'yon guys!

Merry Christmas sa inyong lahat! God bless! :)

Jennexcreators' thoughts