webnovel

Chapter Echo-The meeting

***Hervey's pov

Bago tuluyang umuwi sa Casa Merah si Hervey ay dumaan muna siya sa condo niya sa Makati. Magpapalipas muna siya ng gabi dito habang hinihintay ang kotse niya mula sa isla. Pero dahil hindi makatulog ay naisipan niyang mag club. Ito ang libangan niya sa tuwing hindi makatulog at naasiwa ang pakiramdam. Dahil wala din naman sa bansa ang kaibigan niyang si Dylan, may misyon ito sa London, kaya mag isa siyang nag club. Hindi naman siya yung tipo ng lalaking hayok sa laman. Gusto niya lang kahit papano'y maibsan ang stress na nararamdaman.

Pagkadating sa pinuntahang club ay agad siyang dumiretso sa bar counter at nag order ng bote ng alak. Hindi ito yung usual club na pinupuntahan niya pero sa kung anung dahilan ay parang may nag uudyok sa kanya na dito pumasok. Nangangalahati pa lang siya sa boteng iniinom ng biglang nagsigawan ang mga custumers na naandun, na karamihan ay mga kalalakihan. Napalingon naman siya sa maliit na stage nang makitang doon ang sentro ng tingin ng mga custumer. Napailing na lang siya ng makitang lumabas ang ilang babaeng hubot hubad na sumasayaw na sa tantiya niya'y mga menor de edad. Agad niyang iniwas ang paningin dito at itinutok sa iniinom na alak.

"Haiist... " Naiiling na wika niya habang patuloy sa pag inom.

Muli siyang umorder ng isa pang baso ng alak habang nilalaro ang hawak na smartphone. He feel bored and alone. Hindi siya sanay sa ganito kasimpleng buhay. Kelangan niya ng action. Kelangan niya ng target. Pero lahat ng boredome na naramdaman niya ay biglang naalis at napalitan ng pananabik nang sa muling pag sulyap sa maliit na stage na yun ay lumabas ang isang matangkad na babaeng labas na din ang kaluluwa. Napatitig siya sa magandang hubog ng katawan nitong walang saplot kundi ang manipis na underwear, habang malambot na kinembot kembot ang bewang. Pero sumentro ang mata niya sa mukha nito. Ewan at sa kung anung dahilan ay may iba siyang naramdaman dito.

Stop it Hervey! Umandar na naman yang pagka detective mo! Time to relax buddy! Hiyaw ng isip niya. Habang sinisimsim ang alak ay hindi niya inaalis ang paningin rito. Kaya naman nung makita niyang nakursunadahan ito ng sa tingin niya ay bigateng kliyente ng club na ito ay nakaramdam siya ng malaking pagkahinayang.

Oh' C'mon dude! Alam mong di siya ang tipo mong babae! Bakit ka magtatiyaga sa kanya? Ipinilig niya ang ulo sa isiping iyon.

Hindi nga siya nagkamali dahil lumapit ito sa nag aantay na matanda na sa tingin niya ay parang tatay na nito. Tiningnan niya ang palibot at nakitang marami itong kasamang bodyguards.

High profile yata ito? Aniya at pasimpleng pinicturan ang matanda ng hawak na cellphone. Agad niya iyong isinend sa kapartner niyang hacker para i configure at i analyze kung sino ito.

"Hey budd! Need you to know who is this." Aniya pagkatapos ini on ang earpiece sa tenga bago isinend dito ang picture.

"Ok! Copy! Wait a minute!" Narinig niyang sagot naman ni Rick.

Ilang sandali lang ang lumipas ay narinig niya ang pagbeep ng cellphone niya. Nang inopen niya iyon ay napangisi siya sa nalaman.

"Huh? Kaya naman pala. Kongresista pala ang loko!" Bulong niya.

Napasinghap siya at saglit na natigilan nang magtagpo ang mga mata nila ng babae. Napahigpit ang hawak niya sa bote ng iniinom na alak. Bigla siyang may kakaibang nadama ng matitigan ang malamlam nitong mata. Labis niyang ipinagtaka ng makitang may kakaibang kislap sa mga mata nito.

Malungkot at nananabik? Hiyaw niya.

Gumalaw ang mga labi nito pero di niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito. Akmang tatayo ito pero agad itong napigilan ng matanda. Sino siya? Bakit kung makatingin siya sa akin ay parang matagal na kaming magkakilala? Ilang segundo pa silang nagtititigan ng babae bago niya tuluyang iniwas ang paningin. Hindi na niya kaya pang tingnan ito habang pinagsasawaan ng matanda ang katawan nito. Kaya bago pa man siya makagawa ng kung anong hakbang ay agad na siyang nagbayad at umalis sa lugar na yun.

Agad siyang lumabas at tinungo ang nakapark na kotse ni Dylan sa labas. Ginamit niya muna ito habang wala pa ang partner sa bansa. Napabuntong hininga siya at sumandal sa headrest ng kotse habang ang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa manibela. Pero sa pagpikit ng mata ay ang nagsusumamong mukha ng dalaga ang nakikita niya.

Marahas siyang napamulat at mariing napahawak sa manibela.

"Damn! Why that girl driving me insane?" Inis na bulong niya habang di pa rin mawala wala ang imahe ng babae sa utak. Minaobra niya ang dalang kotse para makaalis na sa lugar na iyon pero bahagya siyang natigilan ng masulyapang papalabas na ng club ang dalaga, kasama ang matanda at mga alipores nito. Napadiretso agad ang tingin niya sa mukha ng babae na ngayon ay naka overall coat na ang suot habang nakaangkla ang kamay sa braso ng matanda. Kakaiba na ang aura nito ngayon. A lady in a dangerous motive.

Huh? Behind those innocent smiles is a dangerous girl inside? Umandar na naman ang pagka detective instinct niya. Ipinilig niya ang ulo at iwinaksi ang isiping iyon. Hindi naman siguro.

Aniya at tuluyang lumayo sa lugar nayun.

***

"Huh? Nandito ulit siya? Sinong hinahanap niya?" Bulong niya ng makita ang dalagang naroon ulit sa club tulad niya. Di pa man siya tuluyang makalayo kanina ay pinihit niya pabalik ang kotse. Di siya mapakali. Ginugulo ng babaeng yun ang utak niya kaya naman nandirito siya uli ngayon.

Napangisi siya ng makita ito na aktong may hinahanap. Sino kaya? Unti unti siyang humakbang palapit dito ng mapagtantong palabas na ito ng pintuan. At halos isang dipa na nga lang ang layo nito sa kanya ng muli itong humarap at biglang nagtama ang mga mata nila.

Muling bumilis ang tibok ng puso niya ng sa wakas ay masilayan ang mukha nito sa malapitan. She's such a goddess. Usal niya habang matiim itong tinitigan. Pero natigilan siya ng naroon na naman sa mga mata nito ang emosyong nakita niya kanina. Sadness. Longing. And forgiveness??

"Hindler..." Usal nito na ikinabigla niya.

Agad na nagkasalubong ang kilay niya at humakbang palapit rito.

"Who are you?" Baritonong tanong niya na bahagyang may tigas ang bawat salitang binitawan. How could she know Hindler?

Pero bago pa man siya tuluyang makalapit rito ay may isang pamilyar na lalaking biglang lumapit dito at hinila agad ito palabas. Gustong magprotesta ng babae pero narinig niya ang pamimilit nito kaya agad itong sumunod.

"Wait!" Habol niya at tumakbo palabas. Pero mabilis na naglaho ang mga ito sa kadiliman ng gabi.

"Where are they?" Inis na bulong niya habang palinga linga para hanapin ang mga ito. "Sino siya? Bakit niya ako tinatawag na Hindler? And that man! I know him!"

Napakunot lalo ang noo niya nang makita ang tauhan ng matandang lalaki na humahangos na nagsilabasan mula sa katapat na hotel ng club.

"Im not mistaken! It's really him!" Gumuhit ang galit sa mukha niya ng marealize na hinayaan niya itong makatakas. Pero biglang lumiwanag ang mukha niya ng mula sa kung saan ay humarurot ang isang black Toyota vios. Dali dali siyang sumakay sa kotse at agad na pinaharurot iyon para sundan ang kotseng yun. Bago pa man tuluyang lumayo ang agwat ng mga ito ay cinapture niya ang plate no. ng kotse ng mga ito at sinend kay Rick.

"Hey, Rick its me!" Aniya habang kinakabit ang bluetooth headset sa tenga. "I just send you a plate no. Please track down for me!" Wika niya habang nagpapatuloy pa rin sa pagsunod sa mga ito. Marahil ay napansin ng mga iyong sumusunod siya kaya lalo pang bumilis ang pagmamaneho ng mga ito.

Napangisi siya.

"Go on boy! Coz i still can track you!" Aniya ng makita sa maliit na projector sa harap ng kotse niya ang email na isinend ni Rick. "Just hang in there, ill know who you are!" Usal pa niya na ang tinutukoy ay ang babaeng naengkwentro kanina.

Hindi na siya nag abalang sundan pa ang mga ito dahil alam niyang iiwas lang din ang mga ito. Saglit niyang kinabig ang manibela at inihinto sa isang tabi. Magpapalipas muna siya ng ilang sandali, aantayin niyang huminto ang paggalaw ng tracker niya bago tuluyang sundan ang mga ito. Napainat siya at napatingin sa suot na wristwatch. Its 3am. Pero kahit konting antok ay wala pa siyang nadama. Binabalisa pa rin ang utak niya ng seductive look ng babaeng yun.

***

Follow me on my fb acct. Monica Grace Obsanga