webnovel

My love my murderer

Author: monzuki23
General
Ongoing · 56.8K Views
  • 11 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Paisley Bristow aka Violet Striker. Her mission, her target her love. Hindi niya akalaing ang mission niya ang makakalaban niya. Kaya ba niyang patayin ang nag iisang lalaking nagpatibok ng kanyang puso? Ano nga ba ang mas matimbang? Ang minamahal o ang mission?

Chapter 1Chapter Alpha- Run and hide

"Halughugin ang buong paligid! Siguradong di pa siya nakakalayo!"

Lalong napasiksik sa pinagtataguang talahiban si Chloie nang marinig ang sigaw na yun. Dito siya sa kagubatan dumiretso matapos takasan ang mansion. Maawtoridad at mataginting at sinisigurado sa tauhan na di siya lulubayan ng buhay. Mga tauhan iyon ni Doña Efifania. At di titigil ang mga ito hangga't di siya nakikita. Kelangan niyang magtago at takasan ang mga ito. Mahal pa niya ang buhay niya at ayaw pa niyang matsungga.

Ang matalim na dahon ng talahib ay sumusugat sa kanya pero balewala ang sakit nun sa sakit na nararamdaman ng puso niya. At kahit nagkada sugat sugat na ang balat niya sa pagtatago, kahit duguan na ang suot niyang damit at punit-punit ay di niya alintana. Ang importante ay makatakas siya sa lugar na yun.

Napasinghap siya ng makarinig ng yabag papalapit sa pinagtataguan niya. Kumabog ng malakas ang dibdib niya at yakap ang sariling pinigil niya saglit ang paghinga, huwag lamang makatunog ng anumang ingay o kaluskos.

"Bruno, pinapatawag kayo ng Doña. Sa bus station daw kayo mag-abang at siguradong doon ang bagsak ng babaeng yun!"

Inikot niya ang mata para sulyapan ang pinagmulan ng boses. Nakita niya ang kanang kamay ng Doña na may hawak na baril at nakahandang iputok sa sandaling makita siya. Nakatalikod man ito sa kinaroroonan niya ay sigurado siyang ito ang mapanganib at walang awang kanang kamay ng Doña.

"Oh siya sige!" Sinenyasan nito ang tauhan at palingon-lingon pa sa gawi niya bago tuluyang umalis.

Napahinga ng malalim si paisley ng makitang tuluyang naglakad palayo ang mga ito. Ilang sandali pa ang pinalipas niya bago lumabas sa pinagtataguan. Kailangan muna niyang siguraduhin na di na babalik ang mga ito. Bitbit ang maliit na backpack ay dahan dahan siyang tumayo at yuko ang ulong naglakad palayo sa lugar na yun. Di na alintana ang sira-sirang damit at suot na sapatos. Magtatakip silim na at siguradong walang tao sa kinaroroonan niya saan man siya naroroon. Ilang oras na rin siyang nagtatago at tumatakas at di niya alam ang patutunguhan, walang direksyon ang kanyang bawat paghakbang. Napahinto siya nang maalala ang mapait na sinapit ng kasintahan.

"Hindler... Patawad. Alam mo kung anong totoo." Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang sakit dulot ng pangyayaring yun. Agad niyang pinahid ang luha at mabilis na nagtago ng makarinig ng kaluskos. Pinagsiksikan niya ang sarili sa masukal na talahiban para di makita ng taong himahabol sa kanya. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang maramdamang walang tao. Pero napalitan iyon ng takot ng makitang isa pala iyong bayawak na ubod ng laki.

"Huh?!" Impit siyang napatili at yuko ang ulong tumakbo palayo sa lugar na yon.

***

Alam niyang malayoayo na rin ang natakbo niya mula sa Casah Merah kaya napagpasyahan niyang magpahinga. Pero ayaw sumunod ng isip niya gustuhin man ng pagal na katawan niya.

"No! I need to go away from here, bago pa nila ako makita." Kaya kahit pagod na pagod na sa kakatakas ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo habang palinga-linga baka sakaling makita siya. Matinding uhaw at pagod ang lalong nagpapahina sa katawan niya at talagang nangangailangan na ito ng pahinga.

"Lord help me! Wala akong kasalanan.!" Mariin siyang napapikit. Saglit siyang napahinto ng makarinig ng pamilyar na tunog.

"Huh?" Dali-dali siyang naglakad at sinundan ang pinagmulan ng tunog. "Wow atlast! Makakainom na rin!" Napalis ang uhaw at pagod na nararamdaman niya ng masilayan ang maasul asul at malinis na tubig sa batis na umaagos mula sa mataas na falls. Ngayon lang niya nasilayan ang tanawing ito kaya alam niyang malayo na siya sa pinagmulan.

"Ngayon alam ko na ang daan palabas sa gubat na to!" Lumiwanag ang mukha niya sa naisip. Saglit niyang ininaba ang bag at isinandok ang kamay sa tubig. "Ahh! So refreshing!" Uminom siya para mapatid ang uhaw na nadarama. "Where am i? Malayo na kaya ako sa kanila?" She softly whispered and take a glance at her wristwatch.

"Mag aalas-singko na pala ng hapon. Ibig sabihin halos isang araw na rin akong tumatakas! Kailangan ko nang magpahinga!" Pero saan naman kaya siya tutulog sa gitna ng kagubatang iyon? Napaupo siya sa tabing ilog at niyakap ang sarili. Di niya mapigilan ang mapaluha ng marealize ang sitwasyon.

"Hindler? Bakit ganito? Bakit sa ganito humantong ang relasyon natin? Bakit-" Naputol ang pag mumuni muni niya ng makarinig ng halakhakan papalapit sa kinaroroonan niya. Dali-dali siyang tumayo at nagtago sa likod ng malaki g punong naroroon.

"Itay, pwede bang dalhin niyo po ako ulit sa bayan? Ang saya po kasi dun eh!" Huminto ang mga ito sa batis at umimom at maghilamos.

Bayan? Ibig sabihin may malapit na bayan dito?" Bulong ng isip niya. Dahan-dahan siyang sumilip at nakita ang mag amang masayang nag uusap. Sa tantiya niya'y nasa walo g taong gulang na ang bata, na marahil ay anak nito. Malungkot siyang ngumiti nang maalala ang pamilya. "Kumusta na kaya kayo ma? Naaalala niyo pa po ba ako?"

Napakislot siya ng marinig na nagsalita nag tatay nito.

"Oo naman anak isasama kita! Magaling ka yatang makipag salestalk. Kita mo ang bilis maubos ng paninda natin di ba?" Wika nito at itinaas ang hawak na basket. "Aba! Ikaw yata ang swerte ko!" Nakangiting dugtong nito at bahagyang ginulo ang buhok ng anak nito.

Napangiti siya sa nasaksihan. Ganitong ganito din ang ginagawa sa kanya ng papa niya nung bata pa siya. Napasandal siya sa puno at niyakap ang dala-dalang backpack. Kailangan niyang magpahinga at bukas ay panibagong araw na naman ng pagtakas.

"Basta ba magising ka lang ng maaga eh!" Dugtong pa ng ama sa anak nito.

"Ako rin... Bukas kailangan ko ring magising ng maaga at sundan ang mag amang ito sa bayang sinasabi ng mga ito." Buhat sa isiping iyon ay ipinahinga niya ang pagod na katawan at ipinikit ang mata. Kailangan niyang magpahinga para sa panibagong araw bukas. Bago yun ay nagpalit muna siya at ang damit na pinaghubaran ay isiniksik niya sa dalang bag. Dala nang matinding pagod ay agad siyang nakatulog.

***

Naalimpungatan si Chloie ng makarinig ng yabag. Mabilis pa sa alas kwatrong kumubli siya sa malalaking ugat ng puno at dali daling iniligpit ang gamit. Pigil ang kanyang paghinga at sinalakay ng kaba baka ang tauhan iyon ng Doña.

Pasimple niyang sinilip kung sino ang mga yun at tsaka lamang nakahinga ng maluwag ng mapagtantong ang mag-ama pala yun na nakita niya kahapon. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay sinipat niya ang suot na relo at tiningnan ang oras. Wala siyang cellphone eh. Di na niya alam kung saan niya yun nahulog. Di na magalaga yun, ang importante makalayo siya sa lugar na yun.

"Huh? Alas tres ng madaling araw?" Hiyaw niya sa isip. "Ibig bang sabihin malayo ang bayan na sinasabi nito at ganito kaaga eh lumuwas na agad sila?"

Maingat ang bawat hakbang na ginagawa niya para lamang di siya mapansin ng mga ito. Kungsabagay sanay na siya. Sa klase ng trabahong meron siya ay madali na niya itong nagagawa. Ang maglakad na parang pusa na di nakakalikha ng anumang ingay. Mabilis rin siyang nagtatago sa tuwing napapalingon ang taong sinusundan niya. Gustuhin man kasi niyang lumapit at tulungan ang mga ito sa pagbuhat ng dala-dalang sako, na sa tantiya niya'y ang sinasabi nitong paninda, ay di niya magawa. Baka kung ano pa ang isipin ng mga ito sa kanya. Lalo na sa ganung oras at sa ganung lugar pa. And worst baka makilanlan lang din siya ng mga ito. Habang unti-unting lumiwanag ang paligid ay unti-unti na rin niyang namataan na palabas na sila ng kagubatan.

Halos magdalawang oras na din ang tahimik niyang pagsunod sa mga ito ng mamataan ang maliwanag na kalye sa bandang unahan. Lumiwanag ang mukha niya.

"Eyo na kaya ang bayan na sinasabi niya?" Nakangiting bulong niya sa sarili. "Thank you Manung, one day I'llpay you for helping me in different way."

Ipinuyod niya ang lampas balikat na buhok at kinuha ang nakatagong sumbrero at pasimeng isinuot. Di pa gaanong maliwanag ang paligid pero gusto pa rin niyang makasiguro na walang makakita sa kanya. Inilibot niya ang paningin sa lugar at inalam kung nasasaan siya.

"Huh? Nasa kabilang bayan na pala ako?" Aniya ng makitang nasa Bukit Merah na pala siya. Dalawang bayan ang layo mula sa Casah Merah.

Palinga-linga siya habang naglalakad at naghahanap ng pwedeng mapagtanungan. Kahit sabihin pang medyo nakalayo na siya ay kailangan pa rin niyang makasiguro. Maimpluwensiyang tao si Doña Efifania. Malakas ang connection nito at maraming tauhan. Isa ito sa makapangyarihang tao sa buong Casa Merah. Kailangan niyang maghanap ng pinakamalapit na bus station. Isa lang ang pwede niyang pagtaguan. Ang magulong siyudad ng Maynila. Kailangan niyang bumalik roon para siguradong di siya mahanap ng Doña. Sa lawak ng Maynila ay siguradong nakapagpalit na siya ng alyas bago pa man siya makita ng mga ito. Napangisi siya. Sa pagkakataong 'to ay nasa side niya yata si God dahil agad na dininig ang hinaing niya.Di na niya kailangan pang magtanongdahil papalapit na siya sa bus station. Kaswal siyang naglakad at tinungo ang bus na may signboard papuntang Maynila.

"Eto na. Finally matatakasan ko na rin ang bintang sakin na wala namang katuturan." Ngunit vago pa man siya makalapit ay may mga kalalakihang isa-isang nag inspeksyon sa bawat bus na naroon.

"Shit!" Napamura siya at agad na naglakad pabalik. Bahagya pa niyang ibinaba ang cup ng suot na sumbrero para di siya mamukhaan ng mga ito. Pero sa paglingon niya ay nakita niya ang bus na papuntang maynilana papaandar na. "Oh shit!" Inis na wika niya at pasimpleng tumakbo para abangan ito sa unahan. Halos ilang metro din ang tinakbo niya ago siya nadaanan ng bus. Kaagad niya itong pinara at mabilis na sumakay ng huminto ang bus. Sinipat pa niya sa side mirror kung namataan siya ng mga kalalakihang ngayon-ngayon lamang ay naghalughog sa kada bus.

Nakahinga siya ng maluwag ng makasigurong wala nang nakakita sa kanya. Agad niyang tinungo ang panghuling upuan at umupo sa isang sulok. Halos mabunutan siya ng tinuk sa lalamunan ng magsimula ng umandar ang bus. She let go a deep sighed and silently prayed.

"Thank God... Atlast!" Aniya at ipinikit ang mata at printeng napasandal sa upuan ng bus. Ngunit wala pang limang minuto at di pa man siya dinalaw ng antok ay muling huminto ang bus.At mula sa pintuan ay umakyat ang isang lalaking naka black leather jacket at black cap. Kumabog ng malakas ang dibdib niya, hindi sa kaba kundi sa galit. Nagkasalubong ang titig nila hanggang marating nito ang dulong upuan kung saan siya naroon.

"Ikaw!?" Galit na wika niya habang nanlilisik ang matang nakatitig dito.

***

Abangan ang next chapter...

You May Also Like

Seven Brothers Pamper Me After I Transmigrated

Chu Ning transmigrated into a novel as a fake young lady who was switched at birth. The real young lady, Ye Ting, was supposedly in Chu Ning’s original poor family, and was forced to drop out of school to work and raise Chu Ning’s seven brothers. In the original story, once the real young lady was reclaimed by the Ye family, the fake young lady’s life fell apart. She started going against the real young lady without knowing that the real young lady was the female lead. The latter even had seven brothers to support her, and she eventually made a comeback with her overwhelming advantage. Meanwhile, the fake young lady had resorted to every scheme she could, even faking suicide, only to end up tragically with everyone hating on her. Chu Ning transmigrated over at the crucial time when the real young lady just returned, and the fake young lady was fighting to stay at the Ye family by threatening suicide. Outside the door, her foster mother spoke in an icy tone, “I don’t care. She has to return to the slums. I get annoyed whenever I look at her now. Why does she get to live a lavish life while my biological daughter had to suffer in the slums? She even had to stop schooling to work and raise her brothers!” Her foster father said, “Still, we’ve raised her all her life, and our family can afford to feed another. Now that she’s threatening suicide, let’s just let her stay.” Chu Ning rushed out of the ward. “I’ll leave! I’ll discharge today and go back at once. I’m not a member of the Ye family, so I have no reason to insist on staying.” Her foster mother was surprised, and her foster father was puzzled. Chu Ning ignored them. After knowing how the original plot went, she set three goals for herself. One, to stay away from the female lead! Two, to stay away from the male lead! Three, to live a good life in the slums! Yet, to her surprise, after being successfully abandoned by the Ye family, her biological brothers all became tycoons in their respective industries. Chu Ning effortlessly made a comeback all of a sudden! Even the male lead who had called off their marriage now forced her into a corner, saying, “Ningning, be mine!”

JQK · General
4.5
710 Chs

Transmigrated as the Ex-Wife of a Heroic Man

Su Wen read a popular period novel about a heroic man who was tough, gave women a sense of security, and was also somewhat cunning and flirty. He was exactly the kind of man she liked. Hence, she paid one million in subscription fees and transmigrated as the male lead's terrible ex-wife. In the novel, the original host was someone who waited at home for love to come knocking on the door. Although she never thought about starting a family, she was a hopeless romantic. Even when the male lead, Jin Datui, eventually showed up, she was persuaded by the sly female lead to fall for a jerk in the nearby village. After Su Wen transmigrated into the novel, she clung to Jin Datui. She worked hard to go from rags to riches. In the end, her younger sisters all became jealous. They cried about wanting to meet a man by waiting at home, just like she did. They even claimed they would name their children with her surname if they had children. Hence, Su Wen began choosing suitable husbands for her sisters. All the candidates were handsome, talented, and well-built. They all came from influential families too. It was so hard to choose! A certain someone, who felt neglected in the corner, pinned her against the door. "Are they as handsome as I am? Are they as well-built as I am? Are their families as influential as mine?" "But... They're my sisters' potential husbands," Su Wen said. "I belong to you. You can have my savings and even my life," he replied. Su Wen woke up the next day to find twenty bank books by her side. She became deep in thought...

GlanceView · General
4.4
1378 Chs

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
WoW! You would be the first reviewer if you leave your reviews right now!

SUPPORT