6 Chapter Foxtrot -First sight first crush

***Paisley

"Ano ba, Connor! Ibalik mo ako dun sa club!" Pasigaw na wika niya sa kapartner niyang abala sa pagmamaneho.

Pero hindi siya nito pinakinggan, bagkus lalo pang binilisan ang pagmamaneho.

"Stop it, Violet! Ano bang nangyayari sayo?" Inis na palatak nito na saglit lang siyang sinulyapan. "Alam mong sinundan ka ng tauhan ni Congressman. Kailangan mong makalayo dun!"

"Connor, I saw him!" Seryosong wika niya at bahagyang lumambot ang ekspresyon ng mukha.

Saglit itong lumingon sa kanya, at bahagyang binagalan ang takbo ng kotse ng makasigurong wala ng sumusunod sa kanila.

"Saw him? Who?" Kunot noong tanong nito.

"Hindler!" Seryosong wika niya na bahagya pang hininaan ang boses.

Bigla nitong naapakan ang preno kaya naman napasubsob siya sa dashboard ng kotse dahil sa biglang paghinto nito.

"What?" Bakas sa boses nito ang labis na pagtataka. "You saw him? Where?" Magkasalubong ang kilay na tanong nito.

"At the club. And I'll swear its him!" Matigas ang boses na wika niya. "C'mon Connor, idrive mo ang kotseng to pabalik sa club." Nakikiusap na wika niya. Alam niya lumalambot na naman siya. Basta pagdating kay Hindler, di talaga niya kayang kontrolin ang damdamin niya.

Seryosong lumingon sa kanya si Connor at muling pinaandar ang kotse.

"Stop imagining things that cannot be happen, Violet. We both know na patay na si Hindler! Wala na siya at di na babalik!" May bahid ng galit na wika nito. Mariin ang bawat katagang binibitawan nito na lalong nagpapabigat sa damdamin niya.

"But, im pretty sure that it's him! Ang tindig niya, ang mukha niya, at ang mga titig niya... Alam kung siya yun." Pag iinsist pa niya at bahagyang napaluha. Ang akala niya matatag na siya at akala niya kaya na niyang tanggapin na wala na si Hindler. Pero bakit nakikita niya sa ibang tao ang lalaki?

Napailing na lang si Connor sa pinagsasabi niya.

"Well, i guess your tired, Violet. You should go home and rest. I'll pick you up tommorrow."

"But-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng makitang nakaparada na ang sasakyan ni Connor sa harap ng condominiun niya. Wala siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga at walang kalatoy latoy na bumaba. Ni hindi na niya nagawang mag paalam dito. At hindi na rin niya pansin ang matiim na pagtitig nito sa kanya habang papasok sa lift ng tinutuluyang condo. Inuukupa pa rin ng lalaking yun ang isipan niya. Kaya naman imbes na sa 13th floor ay sa 12th floor siya bumaba.

Iiling iling na naghagdan siya patungo sa unit niya sa 13th floor. Bago tuluyang buksan ang pintuan ng unit niya ay napatingin sa siya saradong unit sa dulong bahagi ng pasilyong iyon. She wondered kung may nakatira pa doon dahil di man lang niya naabutan itong nagbubukas ng pinto. Kibit balikat na binuksan niya ang pinto at agad na dumiretso sa banyo. Kelangan niya talagang magbabad.

"These smells of that dirty old man, really stinks!" Inis na bulong niya habang inaamoy amoy ang sarili. Amoy pa niya ang mabahong laway ng matanda kanina dahil sa panghahalik nito sa kanya. At dahil sa isiping iyon ay lalo siyang nandiri sa sarili.

Agad niyang pinuno ng tubig ang tub at nilagyan ng sandamakmak na sabon bago mag hubad. Kinuskos din niya ng husto ang katawan para siguradong wala ng anumang amoy ang dumikit sa kanya. Pero sa pagbabad niya ay bigla na namang lumitaw ang imahe ng lalaking nakatitigan niya kanina.

"Hindler..." Usal niya at muli na namang napaluha lalo na nang unti unting bumalik sa isipan ang eksena nung una nilang pagkikita ni Hindler.

"Chloie! Dalhin mo to sa kwarto ni Hindler sa taas. Siguradong nagugutom na sa kagagala ang batang yun!" Utos sa kanya ng mayordoma ng mansyon na yun, habang inaabot sa kanya ang tray na may lamang isang plato ng fried chicken at isang basong fruit juice.

Agad naman siyang tumalima para sundin ang inuutos nito. Ayaw niyang mapahiya, ke bago bago niya eh tatamad tamad. Kahit hindi siya sanay sa gawaing bahay eh,pinasok niya ang pagiging maid. Hindi siya dapat mag inarte. Bahagi ito ng kanyang misyon. Kailangan lang niyang tapusin agad ang target para matapos na ang pakay niya doon. Kanina pa siyang umaga naroroon pero hindi pa niya nasisilayan ang boss niyang yun. Marahil ay kakauwi lang nito. At heto na nga, bago tuluyang pumasok sa kwarto ng target ay mabilis niyang kinuha sa bulsa ang maliit na bote ng lason. Luminga linga muna siya sa paligid bago ibinuhos ang laman nun sa baso ng juice na hawak. Sinaid niya iyon hanggang sa huling patak. Napangisi siya.

"I'll swear after this mahimbing na mahimbing na ang tulog mo, hanggang sa kabilang buhay." Hiyaw ng isip niya habang papalapit sa kwarto ng target. Nakaready na ang escape plan nila ng partner niya sakaling magawa na niya ang misyon. At iyon ay ang patayin ang lalaking ito. Ayaw niyang tumagal sa malayong lugar na ito, kaya agad agad niyang tatapusin ang misyon.

Inayos muna niya ang sarili bago kumatok. This is it, Violet. Just give him the drink and your done.

Tatlong magkakasunod na katok ang ginawa niya bago tinawag ang pangalan nito.

"Sir?" Aniya. Pero dalawang beses na niyang inulit ang pagtawag ay wala pa ring response mula sa loob. Kaya naman nagpasya na siyang pihitin ang doorknob at unti unting binuksan ang pinto.

Pero sa pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang isang lalaking naggigitara. Bagama't nakapikit ay nakapaskil ang nakakaakit na ngiti nito habang nagpapatugtog. Nakaheadset din ito, kaya naman siguro di siya naririnig. Agad namang sumentro ang tingin niya sa gwapo nitong mukha. Sa di maipaliwanag na dahilan biglang tumahip ang kaba sa dibdib niya habang nakatitig sa maamo nitong mukha. Yes, she admitt di lang ito basta gwapo, nandoon yung appeal na talagang di mo kayang tanggihan. "I wonder why, ano kayang meron sa likod ng nakasarado niyang mata? Does he have a seductive look?"

"What's happening to you Violet? Ba't ka naman kakabahan sa pipitsuging lalaking yan? And bakit ganyan ang iniisip mo? Nasaan ang matapang at manhid na walang pakialam sa pagmamahal na si Violet Striker? Will you please concentrate on your mission?" Hiyaw ng kontrabidang isip niya.

Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na tray ng bigla itong magmulat at matiim na tumitig sa kanya.

"Yes?" Baritonong tanong nito habang di pa rin inaalis ang tingin sa kanya. Saglit nitong inilapag sa kama ang hawak na gitara at pinagsalikop ang mga braso.

Alam niyang simple lang ang ganda niya dahil ibinagay niya lang iyon sa ayos niya bilang isang simpleng Chloie Pineda, isang kasambahay. Pero di pa rin maitatago ang mapang akit niyang undercover looks.

"Ahh... Kasi..." Nauutal na wika niya. Bigla yata siyang natameme sa brown eyes nito. Ang mga titig nitong tila ba nanghihigop ng kaluluwa.Lahat yata ng baon niyang tapang ay biglang naglaho.

Napabalikwas ng bangon mula sa pagbabad si Paisley ng biglang makarinig ng mahinang kaluskos. Agad na bumalik sa kasalukuyan ang isip niya at umahon sa bathtub para tingnan ang pinagmulan ng ingay na yun. Ibinalot niya ang katawan sa nakahanda niyang towel at nakatapis na lumabas.

Tinungo niya lahat ng kwarto at sulok ng bahay niya pero wala siyang nakita.

"Connor, ikaw ba yan?" Sigaw niya. Sigurado siyang tao ang may gawa ng kaluskos na yun. Dahil wala naman siyang alagang hayop.

"Connor?" Muling sigaw niya habang naglalakad papasok sa kwarto at agad na kinuha ang baril niyang nakasuksok sa ilalim ng unan niya. Ikinasa niya ang baril at naglakad pabalik sa sala suot pa rin ang nakatapis na tuwalya sa katawan. Nakaclip pa rin ang buhok niyang tumutulo tulo pa.

"Connor!" Sa pangatlong pagkakataon ay muling sigaw niya. This time may inis na sa boses niya. Pero wala siyang narinig na sagot mula rito.

She tiptoe until she reached her hallway. Dahan dahan ang bawat hakbang niya habang mahigpit na hawak ang baril na nakahanda ng iputok anumang sandali. Lumapit siya sa pinto papuntang kusina at dahan dahang pinihit ang doorknob. Nang mabuksan ay marahan niya iyong tinulak sa pamamagitan ng baril na hawak. Kinapa niya ang switch sa gilid ng pintuan para i on ang ilaw. Nang bumaha ang liwanag at mapagtantong walang tao ay inis niyang ipinatong ang baril sa mesa at kumuha ng tubig sa fridge. Bahagyang nanlamig ang pakiramdam niya nang bumuga ang malamig na hangin ng buksan ang fridge. Pero bahagyang tumaas ang balahibo niya ng maramdamang may mainit na hiningang humaplos sa punong tenga niya. Kasunod niyon ay ang pagbulong ng namamaos pero buong buong tinig.

"I wonder what's inside with this towel?"

Nanlaki ang mata ni Paisley sa baritonong boses na yun. Halos nakadikit na ito sa kanyang tenga. At sa bawat mainit na paghinga nito'y bumabalik ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing kasama niya si...

"Hindler?" Bulong niya. Nanlaki ang mata niya sa naisip. Hindi niya alam kung saan niya narinig pero pamilyar sa kanya ang boses na yun. Ang boses na laging nagpapabilis ng tahip ng kanyang dibdib. Siya kaya yun? Pero bago pa siya muling madala sa damdamin niya ay kailangan niya munang maligtas ang sarili kung sino man ito.

Inuntog niya ang ulo sa baba nito at mabilis na pinadyakan ang paa nito. Pero parang kasingtigas ng bakal ang katawan nito dahil di man lang ito nakaramdam ng sakit. Akmang sisikmuraan niya ito sa pamamagitan ng kanyang siko pero mabilis nitong napigilan ang braso niya at kinabig siya paharap dito kaya bahagya itong nakayakap sa kanya.

"Who the heck are you? What do you want from me?" Inis na wika niya habang pumapalag palag dito. Balewala ang lakas niya sa lakas nito at malabakal na katawan. Nanatili siyang nakakulong sa matitipunong braso nito.

"Im the one who must ask you that question! Who are you?" Muling bulong nito pero bakas sa boses ang diin sa bawat salitang binibigkas.

Hindi siya umimik bagkus ay muli niya itong sinikmurahan. This time mas malakas kaya naman napaigik ito at bahagyang lumuwag ang pagkayakap sa kanya. Sinamantala niya ang pagkakataon na yun para makaalis sa pagkakayakap nito. Hinawakan niya ito sa braso at marahas na tinanggal sa pagkapulupot sa leeg niya. Pero wrong move. Dahil sa pag ikot niya ay nahablot nito ang buhol ng towel at napaiwan sa kamay nito. Nanlaki ang mata niya ng lumantad ang kahubdan niya.

"Wew! Strike two!" Nang aasar at pilyong wika nito.

Shit!!! Wala nga pala akong damit! Inis na turan niya at walang choice kundi ang humarap dito para hablutin ang towel. Pero sa pagharap niya ay nakatambad sa kanya ang nakataas na towel na hawak nito sa dalawang kamay at nakatabing sa mga mukha nito. Natigilan siya sa ginawa nito dahil alam niyang itinago nito ang mukha para hindi makita ang kahubdan niya.

Gentleman huh? She smirked.

Walang namagitan na salita sa kanila habang unti unti niyang inaabot ang towel at ibinaba sa tapat ng dibdib niya. At habang ibinababa ang towel ay unti unti niyang nasilayan ang mukha nito na lalong nagpatigil sa kanya. Pero hindi pa man niya tuluyang nasilayan ang mukha nito y isang pamilyar na boses ang umagaw sa eksena niya.

"Violet!..." Isang pamilyar na boses ang narinig niya. Agad niyang nahablot ang towel sa lalaki at agad itong ibinalot sa hubad na katawan. At bago pa man niya masilayan ang mukha nito ay mabilis itong gumalaw para i switch off ang ilaw at biglang naglaho sa dilim.

"Violet!"

***

Sino yung lakas loob na pumasok sa condo ni Violet? Anung pakay nito?

avataravatar
Next chapter