4 Chapter Delta-Eye contact

***Paisley

Mula sa condo niya sa Quezon City ay nagdrive siya patungo sa office ng Red dragon society sa Makati. Naka bonnet ang ulo niya at nagsuot pa siya ng face mask para matakpan ang mukha. Kahit sabihin pang ibang iba na ang anyo niya mula sa simpleng Chloie Pineda ay nag iingat pa rin siya. Ayaw pa niyang tuluyang ilantad ang mukha. Baka bigla na lang lumitaw ang mga tauhan ni Doña Efifania. Ilang araw pa lang ang nakalilipas pagkatapos ng insidenteng yun kaya siguradong hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin siya. Pagka park ng itim niyang BMW E520 ay agad siyang umibis at tinungo ang elevator sa ground level. Nasa 10th floor ang office ng Red Dragon society at kadalasan ay hinahagdan na niya ito paakyat. Pero ngayon naisipan niya mag elevator. Pero sa pagbukas ng pinto ng elevator ay mukha ni Connor ang bumungad sa kanya. Huli na para umiwas siya. Nakita na siya nito. Dahil kahit sabihin pang nakatakip ang mukha niya ay makikilala at makikilala siya nito. Sa anong dahilan, ay di niya alam.Wala siyang nagawa kundi ang sapilitang pumasok and worst of all itong damuho pa ang katabi niya.

"Hi there partner!" Nakangising bungad nito na parang balewala lang ang nangyari kanina. Its almost 11 pm na pero normal time lang ito sa kanila. Ito ang oras kung saan buhay na buhay sila para gawin ang misyon.

"Partnerin mo yang mukha mo!" Asik niya rito. Gustuhin man niya itong sigawan ay di niya magawa, may ibang nakasakay sa elevator.

"Why? Im still your partner, you know!" He whispered beneath her ears. Nanindig ang balahibo niya sa ginawa nito. Halos magkasingtangkad lang sila nito kaya ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito sa punong tenga niya. Sa sobrang inis ay siniko niya ito dahilan para mapaigik ito,kaya naman naglingunan ang ibang sakay ng elevator.

Nakangiwing nginitian niya ang mga ito.

"Ah pasensiya na po." Aniya at itinaas pa ang dalawang kamay sa mga ito. "Masakit lang kasi ang tiyan nitong kasama ko." Dugtong pa niya at kunwaring hinawakan ito sa braso.

Napangisi naman siya ng makitang namimilipit pa rin ito sa sakit.

"Violet!" Nanlilisik ang matang muling bulong nito.

Humalikipkip siya at nginisihan lang ito.

"No matter! Im still your partner!" Tanging usal nito.

Kunot noo niya itong nilingon ng marealize ang sinasabi nito.

"What?" Nanlalaki ang matang humarap siya rito. Di na niya alintana ang ibang pasaherong naroon.

Tanging kindat lang ang isinagot nito sa kanya bago tuluyang bumukas ang elevator sa 10th floor.

Nagpatiuna itong lumabas at dali dali naman siyang sumunod.

"Wait! Huwag mong sabihing ikaw na naman ang partner ko?" Maang na tanong niya rito habang mabibilis ang hakbang na nakasunod rito. Bahagya niyang ibinaba ang suot na mask para makasalita dito ng ayos. 

Di siya nito sinagot at nagpatuloy lang sa mabilis na paglalakad hanggang sa makapasok sila sa opisina.

"Connor!" Impit niyang sigaw rito. At sinundan iyo hanggang sa mesa ng boss nila.

Kunot noo namang napatingin sa kanya si Jack Frost, ang head admin nila.

"Yes, Violet?" Malamig ang boses na tanong nito. Alam niyang may galit pa rin ito sa kanya dahil nga sa huling misyon niyang pumalpak.

"Well, gusto lang makasigurado ni Ms. Striker na ako nga ang partner niya." May pang aasar sa boses ni Connor nung sumagot. Nakangisi itong humarap sa kanya.

Di naman siya agad nakaimik habang hinihintay ang sagot ni Jack.

"Yes. Siya nga!" Sagot nito at agad na silang tinalikuran.

Nanlulumong napaupo siya sa upuang kaharap ng mesa nito.

"Why? Ganun na ba talaga ako kagwapo para iwasan mo? Takot ka bang mainlove sakin?" Ang pang aasar ni Connor ang muling nagpakulo ng dugo niya.

"Shut your goddamn mouth! And let's discuss the plan!" Mataray niyang wika dito at nagmartsa pabalik sa sarili niyang cubicle.

Tatawa-tawa namang sumunod sa kanya si Connor.

"Where are you going? Akala ko ba pag uusapan natin ang plano?"

"Oo nga, pero dito sa mesa ko. Hindi dun sa mesa ng boss mo!" Malamig ang tinig na sagot niya.

Napailing na lang ito sa sinabi niya bago tuluyang umupo sa mesa niya habang pinag uusapan nila ang plano.

***

Kating kati na siya sa suot na borloloy sa katawan. Ilang minuto na rin siyang nakaupo sa backstage ng club na yun habang hinihintay na dumating ang target nila. Napatingin siya sa reflection niya sa salamin at biglang nandiri. Paano ba naman panty lang ang suot niya, eh see through pa. At ang tayong tayo niyang dibdib ay walang nakatabon na kahit ano. Nakapuyod ng mataas ang blonde niyang lampas balikat na buhok para makita ang laking laki niyang bilog na hikaw na halos ikapugto na ng kanyang tenga. Naka high heels din siya na lalong nagpatangkad sa kanya.

Oo, magpapanggap siyang GRO ngayong gabi. Iyon ang pinagplanuhan nila ni Connor kanina. At ang bigateng kliyente ng club na ito ang target nila. Isang mayamang pulitiko na gustong ipapatay ng kalaban nito sa pag ka kongresista. Wala na siyang paki kung makasalanan man ito o hindi. Ang mahalaga eh matapos na niya ang misyon niya at maitago na ang hubad na katawan. Alam niyang sanay na siya sa ganito dahil bahagi iyon ng training nila. Pero may bahagi pa rin ng isip niya ang tumututol dahil walang pang lalaking nakakagalaw sa kanya. At iyon ang ipinagmamalaki niya bilang agent.

Isang minuto pa ang lumipas ng bumungad sa kanya ang baklang manager ng club. Buti naman ay agad siyang tinanggap nito bilang part time dancer.

"Oh, ikaw nah! Galingan mo ha? Nandiyan na si Mr. Calixtro. Huwag mo akong ipahiya sa kanya, inirekomenda pa naman kita sa kanya dahil naghahanap siya ng fresh pa." Malanding wika nito habang nakapilantik ang daliring may hawak ng sigarilyo.

Itinago niya ang nadaramang pandidiri at matipid na ngumiti dito.

"Okay." Aniya bago sumunod dito.

Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga bago tuluyang lumabas sa manipis na kurtinang nakatabing sa entrance ng stage na yun habang pagiling giling ang bewang. Bihasa siya sa pagsayaw kaya balewala na sa kanya yun. Ikinembot niya ang malambot na bewang habang nang aakit na hinahaplos ang malulusog niyang dibdib. Kumapit siya sa pole naroon at nang aakit na gumiling. Kagat labi pa siya habang pinapalibot ang mata sa nagsisigawang manyak na lalaking naroon. Kasama na ang partner niyang hayok din sa laman. Kung makatitig sa kanya ay wagas na para bang tinitigasan. Napairap siya dito habang patuloy pa rin ang pagbaba taas niyang paggiling sa pole na naroon.

"Ang mga manyak!!! Sabik na sabik!" Galit na hiyaw niya sa isip. Pero binalewala niya ang mga yun at sumentro ang tingin niya sa table ng lalaking nasa late 40's.

"Gotcha!" Bulong niya at nginitian ito ng nakakaakit. Lumuhod pa siya sa stage at lumiyad na para bang idinuduldol dito ang mayayaman niyang dibdib, habang walang tigil sa paggiling ang malambot niyang bewang. Nung tumayo siya ay nakita niyang may ibinulong ito sa waiter habang nakatitig sa kanya.

Napangisi siya at pasimpleng pinindot ang earpiece sa tenga niya habang di inaalis ang tingin sa lalaki.

"Target catch the bait." Bulong niya. Sa sulok ng mata niya nakita niya ang pagkilos ni Connor. Lumipat ito ng mesa sa harap ng lalaki.

"Beautiful body!" Narinig niyang bulong nito.

"Tse!" Asik niya. "Tumigil ka!" Wika pa niya ng hindi nawawala ang mapang akit na ngiti sa labi. 

Sinenyasan siya ng baklang manager na bigla na lang bumungad kung saan na bumaba na ng stage. Pero bago yun ay isang dancer ang pumalit sa kanya na wala nang saplot sa katawan at sa tantiya niya'y nasa labinlimang taong gulang pa lamang.

Pinigilan niya ang damdamin at agad itong tinalikuran. Ayaw niyang makaramdam ng awa sa kalagitnaan ng misyon nila.

Nang makababa siya ay agad siyang sinalubong ng bakla at iginiya sa mesa ng lalaki. Walang iba kundi ang target nila. Pinaupo siya nito sa upuang katabi nito at sabik na sabik na humarap sa kanya.

"Hi babe!" Nakangising wika nito at agad na dumapo ang kamay nito sa dibdib niyang walang takip na anuman.

Pasimple niyang tinabig ang kamay nito bago pa man makalapat sa balat niya at sumandal sa balikat nito habang nilalaro laro ng daliri ang butunes ng suot nitong polo. Ang mata niya ay umikot sa lalaking nasa paligid na sa tantiya niya'y mga tauhan nito.

"Two on your 6'oclok!" Narinig niyang wika ni Connor sa earpiece na nakakabit sa tenga niya. Marahil ay alam nitong kinakalkula niya ang magiging kalaban nila. Napatingin siya sa harap niya para tingnan ang sinabi nito.

"Four on your 9 o'clock and five on your 3 o'clock!" Muling bulong nito.

Pasimple siyang lumingon sa magkabilang gilid niya at nakita ang armadong kalalakihan. Kailangan niya ng lugar para patahimikin ang tarvet niya dahil kung ganito karami ang tauhan nito marami ang madadamay. At ayaw niya ng ganun kaya naman pumayag din si Connor na dalhin niya ito sa isang hotel.

Pero sa muling pagtingin niya sa kaliwa niya ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya. Nakaupo ito sa bar counter habang matiim na nakatitig sa kanya. Biglang sinalakay ng matinding kaba ang dibdib niya ng magkasalubong ang titig nila.

"Hindler?" Bulong niya at akmang tatayo pero agad siyang napigilan nung matanda.

"Hey babe! Saan ka pupunta?" Nakangising wika nito at pasadlak siyang pinaupo. Hinalik halikan din nito ang balikat niya hanggang punong tenga niya. Habang ang kamay ay busy sa paghaplos at pag lamas dibdib niya. Pero hindi niya yun pansin dahil nakasentro ang utak niya sa lalaking nakaupo sa bar counter.

"Hindler!" Muling bulong niya.

"What are you talking Violet!" Narinig niyang pasigaw na bulong ni Connor. Pero kahit ito ay di niya pansin. Patuloy pa rin siyang nakipag titigan sa lalaking naroon na kahit ito ay matiim pa ring nakatitig sa kanya. Lumalakas ang urge niyang tumayo at lapitan ito.

"Violet! That man is raping you!" Ang imik na iyon ni Connor ang nagpabalik sa huwisyo niya.

Uminit ang ulo niya ng marealize ang ginagawa sa kanya ng lalaki pero agad niya iyong pinigilan. Ayaw niyang mabulilyaso ang misyon. Agad niya itong hinarap at tinanggal ang kamay na busy sa paghagod sa dibdib niya. Inangat din niya ang ulo nitong nakasubsub sa leeg niya at busy sa panghahalik.

"Why oh why babe! Please dont make me wait!" Halata sa mukha nito ang pananabik na angkinin siya. Nanlaki ang mata niya nang kinuha pa nito ang kamay niya at biglang itinatapat sa ari nito.

Fuck! Tinigasan na ang manyak! " inis na bulong niya. Nandidiring agad niyang inalis ang kamay. Tumingala siya at muling tiningnan ang lalaki pero nanlumo siya ng wala na ito roon. Kandahaba na ang leeg niya sa kakalingon ay di na niya ito mahanap.

Where are you? Hiyaw ng isip niya.

"Violet! Sino ba yang hinahanap mo! Concentrate. Do the plan B now!" Muling bulong ni Connor sa kabilang linya.

Wala siyang nagawa kundi ang sundin ito bago pa man pagsawaan ng manyak na ito ang katawan niya.

Nang aakit na humarap siya rito.

"Babe, can we dont do this here? I want some privacy." Malanding wika niya at kumapit sa braso nito.

Ngiting aso naman itong tumango sa kanya at agad na tumayo.

"C'mon babe! I cant wait to taste you!" Wika nito and lick his tounge on his lips.

Taste tesing mo yang mukha mo. Dahil yan na ang huling pagkakataong matikman mo yan!" Nakangising hiyaw niya at pakembot kembot na lumakad habang nakakapit dito.

"Babe, can we do it in my place?" Malambing na tanong niya. Saglit itong natigilan at lumingon sa bodyguards na kasama.

Bahagya naman siyang napahagikhik.

"Ah, i mean. Can i choose a place?"

"Sure babe! Any place can do, as long as i taste you." Halos naglalaway ng wika nito. "Lets go babe. Habang tumatagal lalo akong nananabik!"

Tumango siya at saglit na nagpaalam dito para kunin ang gamit sa dressing room at para na rin makapagbihis. Di na siya nag abalang magsuot ng kung anuman. Tanging pinatungan lang niya ng coat ang hubad na katawan at agad na lumabas. She's desperate to end this mission. Gusto niyang makita ang lalaking nakatitigan kanina.

"Plan B start now!" Bulong niya pagkalabas ng dressing room.

"Copy that." Sagot naman ng nasa kabilang linya.

Sa katapat na hotel ng club siya nag check in. Kilalang tao ang target nila kaya di nakapagtatakang mapanghusgang tingin ng empleyado ng hotel ang sumalubong sa kanya. Pero balewala sa kanya iyon. Iginala niya ang mata para hagilapin kung may cctv, habang busy sa pagbabayad ang matandang manyakis. Nang makita ang hinahanap ay pasimple niyang hinawakan ang suot na kwentas kung saan may maliit na scanner doon. Iniscan niya ang cctv para ihack ito ng partner niya para di  macapture ang mukha niya.

"Charlie 1 scanned!" Mahinang bulong niya. Nanatili sila nitong connected all the time basta misyon ang usapan.

"Roger that!" Sagot naman nito.

Sakto namang lumingon sa kanya ang matanda at niyakag na siya. Samantalang ang mga tauhan nito'y nakasunod pa rin sa kanila.

"Babe, can you get rid of them? Im so scared kasi eh!" Malanding wika niya.

Agad naman nitong inabisuhan ang kanang kamay at sinabing mag antay na lang sa kotse. Buti naman at agad na sumunod ang mga ito.

"Target secured!" Muling tawag niya kay Connor.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito bago sumagot.

"Enjoy!"

"Did you say something babe?" Napalingon siya ng bigla itong magsalita.

Matamis siyang ngumiti.

"Nothin babe."

Pagkapasok na pagkapasok sa loob ng kwarto ng hotel ay agad nitong sinakop ang mga labi niya na agad naman niyang iniwas. Sa lahat ng ayaw niya ay ang halikan ang labi niya. Tanging si Hindler lang ang gusto niyang humalik dito.

Kaya naman gumapang ang labi nito sa leeg niya. Mabilis naman niya itong iginiya sa kama at pasadlak na pinahiga. Ayaw na niyang patagalin pa ang pang aabuso nito sa katawan niya. Diring diri na siya.

"Wow, i like that babe! Gusto ko yung mga ganyang palaban!" Nakangising wika nito habang tinatanggal ang suot na belt. Pasimple naman niya iyong kinuha.

Magpakasaya ka!

"I really like wild girls!" Dugtong pa nito habang printeng nakahiga at tanggal na ang suot na pantalon pati underwear nito.

Napalunok si Paisley sa nakita pero binalewala niya iyon at saglit itong pinadapa.

"Close your eyes babe!" Mahinang wika niya habang nilalaro sa kamay ang hawak na belt. Agad naman itong tumalima.

Kinubabawan niya ito na lalong nagpahalinghing dito.

Magpakasarap kang manyak ka! Dahil ito na ang huling pagkakataon na makahawak ka ng babae! Hiyaw niya sa isip. Nang makasiguradong sarap na sarap ito sa ginagawa niyang paggiling sa likuran nito ay unti unti niyang isinuot sa leeg nito ang nakahanda ng sinturon. Mabilis niya iyong hinigit bago pa man ito makahuma.

"Argh..." Napaigik ito sa pagkakasakal niya sa leeg nito pero di niya ito pinansin. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa at lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal dito hanggang sa mahirapan na itong makahinga. Pumalag palag ito at nilalabanan siya pero balewala ang lakas nito sa lakas niya.

"W-walang h-hiya ka! Sino k-ka?" Pautal utal na wika nito habang hirap na hirap sa paghinga.

Napangisi siya sa tinuran nito.

"Im your killer babe!" Aniya bago ito tinuluyan. Napangisi siya ng tuluyan ng bumagsak ang ulo nito, indikasyon na wala na itong buhay. Nang makasigurong wala na nga itong hininga ay agad siyang umalis sa pagka kubabaw dito at at pinagpag ang suot na coat.

"Pwe!" Dinuraan pa niya ito. "Bagay lang yan sayong manyak ka!" Aniya habang diring diri sa sarili dahil amoy pa niya ang mabahong laway nitong nakadikit na sa leeg niya. "Kailangan ko na namang maligo sa sangkatutak na bacterial soap!" Aniya bago ito tuluyang iwan at tinungo ang pinto.

"Target abort!" Tawag niya kay Connor at pinihit ang doorknob. Pero sa pagbukas niya ay nakatambad sa kanya ang sandamakmak na tauhan nito. Umawang ang labi niya at agad na isinara ang pinto at agad na inilock bago pa man tuluyang makapasok ang mga ito.

"Fuck! Pano nakaakyat ang mga to dito?" Inis na bulong niya at agad na kinuha sa dalang shoulder bag ang tali na nakaready na sa escape plan niya. Mabilis niyang tinungo ang bintana na ipinagpasalamat niya dahil walang grills dahil kung hindi ay mapapalaban siya ng husto. Armado pa naman ang mga ito.

"Connor? What the heck is this?" Inis na wika niya sa lalaki habang ikinakabit ang tali sa bewang.

Narinig niyang kinakalampag na ng mga ito ang pintuan kaya agad niyang ikinabit ang harnes sa bakal ng bintana at agad na sumampa.

"Connor!" Inis na muling sigaw niya habang unti unting nagrarapel pababa ng 8th storey sa building na yun.

"Yes honey? I think pahabol ni congressman sayo yan honey!" Tanging sagot nito sa nang aasar na boses. "Dont worry babe, your escape vehicle is ready." Dugtong pa nito.

"Shit ka! Did you plan this?" Galit na mura niya dito habang hinihingal na bumababa.

"I thought youd like it honey? Pasalubong ko lang yan sayo bilang pagbabalik mo sa misyon."

Kung kaharap lang niya ito ay siguradong nasapak na niya ang nakangising mukha nito.

Nakababa na siya ng makitang dumungaw ang mga tauhan ni Mr. Calixtro sa bintana. Agad siyang tumakbo palayo sa direksyon ng kotseng nakaparada at naghihintay na si Connor.

"Where are you running to honey?" Narinig niyang tanong nito.

Hindi niya ito sinagot bagkus ay inoff niya ang earpiece na nakakabit sa tenga. Tumakbo siya pabalik sa club na pinanggalingan at palinga linga para siguraduhing di siya nasundan.

Kailangan niyang bumalik doon. Gusto niyang makitang muli ang lalaking yun. Ang mukha at ang mga titig na yun, na ilang araw na din niyang di nakikita. Pero kahit anong ikot niya sa club ay wala siyang nakita. Halos suyurin na niya isa isa ang mga custumers dun pero bigo siya. Nanlulumong lumabas siya ng club bago pa man siya sundan ng mga tauhan ni Mr. Calixtro.

***

Haply Readings!

avataravatar
Next chapter