webnovel

Pusong Nahulog sa Tulay (Pinoy BL)

Author: sajuficnlit
LGBT+
Completed · 83.8K Views
  • 38 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Marami na ang nahuhulog mula sa tulay, sinasadya man o bunga lang ng katangahan, ito ay isang nakababahalang pangyayari. Pero paano naman kung mahulog ka para sa isang taong naging tulay mo sa pag-ibig? Masama bang mahulog para sa lalaking laging tumutulong sa'yo para makipag-ugnayan sa iba? Masama bang ma-fall sa taong nag-eeffort para tulungan ka? Masama nga ba? ~~~~~~~~~~~ There are scenes in this story that contains acts that may interfere with your beliefs, ideas, and/or opinions about such topics, Reader's Discretion Advised. "This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental." Enjoy.

Tags
5 tags
Chapter 1Building Blocks

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Before this story starts, gusto ko munang magpakilala.

Ako si James, 17, nerd na kung nerd, hindi athletic, Information Technology student sa isang university sa probinsya. Okay naman ang pangangatawan ko, katamtaman ang tangkad, at maputi. Medyo matangos ang ilong, brown ang buhok pati mga mata.

So much for that, the world of Pokémon awaits!

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV 😪

"Tiktilaok", sabi ng manok,

Gising, gising batang tulog.

Ang araw ay sumisikat,

Ang bulaklak ay namumukadkad.

"Tiktilaok", sabi ng manok,

Gising, gising ba-

Nagising ako sa tunog ng alarm na nanggagaling sa aking cellphone. Boses ko 'yun nung bata pa ako, gusto kasi ng mama at papa ko na nasa abroad na iyon ang gamitin kong tunog para sa alarm ko.

Mag-isa lang akong nakatira sa bahay namin na kapatatayo lamang. Ilang taon naman na rin kasing nasa abroad sila mama at papa kaya nakapag-ipon na kami kahit papaano.

Umupo ako sa gilid ng kama para i-check ang mga notifications ko mula sa mga social media apps. Syempre, bago makigulo sa buhay ng may buhay, nagdasal muna ako kay Lord, good boy ako no!

Lord, salamat at binuhay n'yo pa po ako ngayong araw na ito.

Pagkayaring magdasal ay sinimulan ko nang buksan ang Facebook app sa aking phone at nag-like ng mga picture ng mga feeling magaganda at feeling gwapo kong mga kaibigan, sinamahan ko narin ng comment na "p'wede bang mahingi ang number mo koyah/ateng?"

May nagpop-up na message bubble mula sa Messenger app, girlfriend ng kaibigan kong si Greg, si Alice. Siya ay isa ring IT student tulad namin.

"James, pwede mo bang kausapin si Greg para sa akin?" - Alice

Dafuq talaga, umagang-umaga, problema na naman ng iba ang tatambad sa pagmumukha ko.

I tapped the "Mark as Unread" option sa message n'ya, mamaya ko nalang sya rereplyan, or better na not at all hanggang sa magkita kami.

Nag-offline status na ako sa Messenger at nag-asikaso na ng sarili. Hilamos. Luto. Kain. Hugas ng pinagkainan. Ligo. Bihis. Tapos alis.

Natuto na akong maging independent ngayong college dahil namatay ang lola ko bago matapos ang pagtatayo ng bahay namin. Siya ang tumayong magulang ko habang nasa abroad ang aking mama at papa.

Naglakad ako papunta sa kantong pag-aabangan ko ng jeep papuntang terminal.

Pagkarating ko sa kanto, maya-maya lang ay may jeep na huminto at nagsibabaan ang lahat ng sakay.

"Wow, ang swerte ko naman ngayong araw!" Sabi ko sa sarili ko.

Sumakay ako sa tabi ng driver, ayoko sa loob dahil sigurado akong mapupuno ng tao doon mamaya. Bago ko mai-tweet at mai-share sa Facebook ang nangyari napatingin ako sa mga taong kabababa lang ng jeep. Mixed ang mga reactions nila sa pagsakay ko sa jeep.

"Kuya? Bakit po?" Tanong ko sa mamang pinakamalapit sa akin.

"Eh, inatake sa puso 'yung driver!" Sagot niya.

Shet, seryoso?

"May tumawag na po ba ng ambulansya?" Tanong ko sa kanila.

Walang sumagot.

Bakit?

Kasi naman, inuna muna ang pag-popost as social media at ang iba pa ay naka-live! Wala namang nanonood, sino shina-shout-out-an nin'yo?

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Matapos masugod sa ospital ang matanda, nakarating rin ako sa school.

"Bro, ano ka ba? Late ka ng 5 minutes ah?" Bungad sa akin ni Kevin.

"Bro naman, hindi mo alam kung ano ang nangyari bakit na late ako!"

Si Kevin, 17 rin tulad ko, mas matangkad sa akin ng kaunti, chinito at athletic, player ng lawn tennis, table tennis, badminton, bowling, at soccer. Mula pagkabata at sanggang-dikit na kaming dalawa, ngayon ay pareho kami ng kinukuhang degree sa college.

"Kumain ka na ba, bro?" Tanong niya sa akin.

"Oo." Matipid kong sagot. "Bakit, bro? Hindi ka pa ba kumakain?"

"Hindi pa nga eh. Alam mo na, naghahanap ng chix. The early worm catches the bird." Sabi niya.

Anu raw?

"Teka, the early bird catches the worm 'yun, bro!" Sabi ko.

"Tama lang 'yon bro! Kasi tayong mga lalaki, may worm. Kapag maaga tayo sa lugar ng mga chicks, tutukain nila ang worm natin! That's how we catch the bird being here early!"

Tinitigan ko lang s'ya at tumango na kunwaring sang-ayon ako sa kan'ya. Umiiral na naman sa kan'ya ang kakornihan na may halong kahornihan.

"Inuna mo na naman kamanyakan mo!" Sigaw ko sa kan'ya sabay batok.

"Aray naman, bro!" Napakamot s'ya sa kan'yang ulo at makalipas ng ilang sandali at umakbay sa akin. "Inuuna ko naman ang pangangailangan ng katawan ko eh."

"What the heck? Ibang pangangailangan ng katawan 'yung iniisip mo!" Sabi ko at tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Bilang isang best friend, para ka nang good role model sa akin. Ginagaya lang naman kita. Maaga lang nagigising, ako rin maaga nang nagigising."

"Oh, tapos? Tapus na?" Tanong ko.

"Ahmm. Alam mo na, early to bed..." sabi niya sabay kuha sa kanang kamay ko at ipinatong sa kan'yang harap. "... early to rise!" Tapos ngumiti at kumindat.

Agad kong kinawala ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya. "Gutom lang 'yan! Tara, samahan nalang kitang kumain!"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

"Mabuhay! Welcome to Jollibee." Walang kabuhay-buhay na bati ng guard sa aming pagpasok sa branch ng Jollibee na malapit sa university namin.

Umorder si Kevin ng 2 pc Chickenjoy meal at ako naman ay isang Jollihotdog meal. Pagkatapos ay umupo kami malapit sa may counter kahit na may mga bakanteng table pa sa malayo, umaga pa lang naman kasi kaya wala pang masyadong mga tao.

"Nagkita na ba kayo kanina in Greg?" Tinanong ko siya.

"Nope, not a single word from him. Bakit, bro?"

"Mukhang nag-away na naman sila nung Alice eh. Kausapin ko raw si Greg para sa kan'ya." Sabi ko.

Tumayo si Kevin upang kuhanin 'yung order naming dalawa. "Grabe ha. Hindi pa nga napapakilala sa atin ng personal 'yung gf n'ya, magkakahiwalayan na agad sila?" Sabi n'ya at tsaka inilapag na sa table namin ang tray ng pagkain.

Binuksan ko ang box ng Jollihotdog at nang kakagatin ko na, nakita ko na nakatitig si Kevin sa akin.

"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?" Naiinis kong tinanong sa kan'ya. Ayoko kasing pinapanood ako habang kumakain, lalo pa ngayong na hotdog ang kakainin ko.

Ngumisi s'ya. "Wala, gusto ko lang makita kung paano mo isusubo ang Jollihotdog ni Jollibee! Gusto kong makita kung paano ka masasarapan sa pagkain n'yan." Humagalpak s'ya ng tawa pati narin ang guard at mga staff sa counter.

At ako, gusto kong mawala na lang bigla dahil hiyang-hiya ako at dinig ng buong branch ang sinabi n'ya.

Binalik ko sa box ang Jollihotdog at isinara ulit. "Fuck you ka talaga forever, pasalamat ka at staff lang ng Jollibee ang naandito ngayon at wala nang ibang customer kundi tayo."

Kinuha ko ang regular Sarsi ko at itinusok ng straw.

"Aray, bro! Dahan-dahan lang, hindi pa 'yan sanay! In fact, ikaw ang naka-first d'yan!" Sigaw n'ya na parang s'ya ang tinusukan ng straw.

Nilingon ko lahat ng staff na tumatawa at tumigil naman sila.

Fuuuuuuuuuuu-

Hinintay ko lang na magsimula si Kevin nang pagkain n'ya tsaka ko sinimulang inumin ang softdrink ko.

Umungol si Kevin. "Bro, ang galing mong sumipsip... sa straw!"

Napuno na talaga ako at naubusan ng pasensya sa napakabait na inutil kong best friend na ubod ng horny. Dahil katapat ko s'ya, sinipa ko ang singit n'ya kaya't napasigaw at namilipit s'ya sa sakit.

"Aray! I quit, titigil na ako,bro!"

"Bilisan mo sa pagkain, male-late pa tayo n'yan eh!" Sigaw ko sa kan'ya.

"Eh baka naman wala na naman prof natin ngayon!" Sabi n'ya. "Maya hintayin muna nating mawala 'yung sakit nitong Junjun ko!"

"Manigas ka d'yan!"

"Matigas na, bro! Gusto mo bang makita? Pahawak ko pa sa'yo eh."

"Subukan po, pipilipitin ko 'yan. Bahala ka na nga lang d'yan! 'Pag natapos ako sa kinakain kong 'to. Iiwan kita dito nang gan'yan!"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Pagkatapos naming kumain at bumalik na kami sa school.

As expected, may sumpong na naman ng hika ang professor namin for the first subject kaya mukhang ilang meetings na naman na hindi namin s'ya makikita. Paano na ang grades?

Kung highschool sana kami ngayon, edi magpapapiging ako sa buong kalupaan ng Pilipinas, kaso ngayong college, ang knowledge na makukuha namin mula sa mga courses ng mga programmes ay napakaimportante!

Pero on the other hand, Mathematics-related course/subject naman 'yun eh. Oo, nila-lang-lang ko lang ang Maths, kasi lucky for us ITs in this university, hindi namin major ang Maths courses/subjects.

"Shet naman, 12NN pa susunod nating class! 8:15AM palang ngayon oh! Anong gagawin natin ngayon?" Reklamo ng isa naming classmate na akala mo masipag pumasok.

"Kailan ba matutuluyan 'yon?" Tanong naman ng isa.

Narinig ko naman ang ipinagdarasal ng babaeng katabi ko. Naku, napakabanal, araw-araw kung magsimba, V-neck at micro short skirt nga lang ang suot kada magsisimba para lang mapansin ng sakristang crush n'ya. "Lord, ito na ba ang katapusan n'ya? Please naman po oh, maawa kayo... sa amin, kunin n'yo na s'ya, wala pong pipigil!"

"Hanapin nalang natin si Greg, bro! Baka naandito na 'yun!" Sabi ni Kevin.

"Ba't hindi mo kasi tawagan?" Tanong ko.

Kinuha n'ya ang phone n'ya mula sa kan'yang bulsa at sinubukang tawagan si Greg.

"Greg! Nasaang lupalop ka ba ng campus nagpapa-bj? Pupuntahan ka namin d'yan, sabihin mo isunod 'tong si James."

Dafuq talaga, nakakahiya talaga mga pinagsasasabi nitong hinayupak na 'to.

Ibinaba na n'ya ang kan'yang cellphone, tiningnan ko lang s'ya ng masama.

"Oh, James, baka matunaw ako sa pagtingin mo sa akin nang gan'yan! Tara na, nasa library raw sila."

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

You May Also Like