webnovel

Katangahan and Pinaiiral

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

"Pwede bang tulungan mo ako para maging kami ni Kevin?" Nagmamakaawang sabi ni Julia sa akin. Umaagos na ang kan'yang luha pababa ng kan'yang mukha. 😭

Mangilang beses pa n'yang inulit ang kan'yang sinasabi.

"Please help me to be in a relationship with Kevin."

Sa kada inuulit n'ya ito, tila may kirot akong nararamdaman sa aking dibdib. 'Yung parang naaantig na ang aking mga damdamin eksenang ito. 😭

Tumayo s'ya at lumuhod sa tabi ko. 🙇‍♀️

"James, please... I'm begging you." Hinaplos n'ya ang aking mga kamay na nakapirmi, nakapirming parang estatwa. Tanging pinagkaiba ko lang sa estatwa ay marunong akong makiramdam at hindi manhid.

Shhhhhhhhhhhh!

Pero sa ngayon, parang mas nanaisin ko pang maging estatwa, maging manhid, na hindi iimik kahit ano pa mang sabihin sa akin. Estatwang hindi kikibuin ang sinumang nakikipag-usap rito. 🕴

Kung hindi man estatwa, nais ko ring maging bulang maglalaho nalamang bigla-biglaan, walang bakas, tahimik at payapang mawawala.

Isa pa't nakakahiya na 'yung nangyayari na 'to. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa library!

Sa library! 📚 👩‍🏫 📚

Now that she's really down on her knees, I felt her sincerity and her strong desire na makuha talaga ang gusto n'ya. Kahit gusto ko mang tulungan s'ya, may pumipigil pa rin sa akin na isang pwersang hindi ko matiyak kung ano.

Napansin kong naglabas na ng mga cellphone ang mga estudyante sa paligid, marahil ay para makuhanan kami ng video at maiupload sa Facebook ang tungkol dito.

Nakahawak na si Julia sa aking mga paa, ang kan'yang mukha ay malapit nang dumikit sa marble floor ng library. Patuloy pa rin n'yang sinasambit ang kan'yang paghingi ng tulong.

Ramdam na ramdam ko na talaga ang pressure sa paligid, ang kahit anong gawin ko ay siguradong mahuhusgahan ng mga mapanghusgang tao sa social media. Ang kahit anong gawin kong action ay tatatak sa mga makapanonood ng eksenang ito. Ang paningin ng nakararami sa akin ay siguradong maiiba...

Bakit ako? Bakit ba talaga? Wala talaga akong kaalaman, hindi ko alam kung papaano ako aasta sa sitwasyong ganito. Lord, please, save me! Please... 🙏

Mukhang wala na talagang mangyayaring kakaiba para maudlot 'tong nangyayari...

"Julia, please tumigil ka na, hindi mo kailangang lumuhod o makiusap sa akin. Gusto ko nang tumigil sa pagiging tulay ko, sawang-sawa na akong magparating ng mga salita, sawang-sawa na akong pagkasunduin ang bawat isang may misunderstanding, sawang-sawa na akong maging mediator, negotiator, wingman, at kung anu-ano pa!" Tumayo na ako at ito ang aking sinasabi habang nag-aayos ng aking mga gamit.

Shhhhhhhhhhhh! Ano ba! This is a library not a marketplace!

Itinuloy ko ang aking sinasabi pagkatapos ko s'yang tulungang makatayo at iniupo ko s'ya sa aking puwesto kanina. "I realized na mayroon nga pala akong sariling mga suliranin na dapat kong kaharapin at lampasan. Mayroon nga pala akong sariling mga decisions na dapat pag-isipang mabuti. I realized na I have my own life to live!"

Bago ako tuluyang umalis, binigyan ko s'ya ng panyo para sana magamit n'ya sa kan'yang mga tumatagaktak na mga luha.

"I apologize for wasting your time, Julia. I am sorry for this, I truly am. I wish na sana magkaroon ka ng confidence na kailangan mo at strength para you won't ever need help from anyone to accomplish what you want to and get what you deserve to get."

Ano? Hindi ba talaga tatahimik kayong mga shutang ina kayo? Last chance, this is a library not a theatre!

Pikit-mata akong lumabas mula sa library, hoping na wala akong makikitang negative sa comments section ng video in the case na may mag-upload nito. I did what I think is right for me to do.

All I did was follow what my heart tells me to do. Also, iyon rin naman 'yung nasa isip ko.

Natapos ang araw na hindi na muling nagkrus ang aming mga landas, agad naman na rin akong umuwi para tingnan sa mga social media sites kung viral na ba 'yung nangyari kanina.

...

And no, hindi dahil gusto kong sumikat or something, gusto ko lang mabasa ang mga comments at opinion ng mga tao. Masaya kayang magbasa sa comments section, actually mas interesting pa nga 'yung discussion doon kaysa sa actual post. 💩

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Salamat at walang nagpost ng eksena kanina, I also checked our group chat, mukhang walang nakakaalam ng mga pangyayari kanina sa library. 👼 #Saved

Sana tama 'yang hula ko, or else hindi ko malalaman kung papaano ako papasok ng school dahil sa magiging tingin sa akin ng mga tao, if ever na negative ang mga sasabihin nila sa akin. 🙅‍♂️

Yet again, I did what I had to do. 💁‍♂️

Biglang nag-ring ang hawak kong cellphone, nagulat ako at kamuntika-muntikanan nang maihulog ko ito sa sahig...

Si Brix ang tumatawag, sinagot ko s'ya.

"Hello, nakakagulat ka naman, muntik ko nang mabitawan 'yung phone ko."

"Sorry, I didn't mean to shock you. I just wanted to know how you're doing after that intense scene in the library. Oh, uhm, it is not like nanghihimasok ako sa personal issues mo, I just wanted to be a great friend and be concerned about you and your life as a human being."

"Okay pa naman ako, Im still breathing, I'm alive."

"It felt like you forgot I was there too inside the library, you immediately left right after what happened."

"I guess I could never let anyone grab me by the legs just like what she did. At tsaka it was so scandalous, has she lost all her shyness?"

Tuluy-tuloy ang tawag, mukhang naka-unli si Brix, rich naman s'ya, kaya sure akong naka-unli call talaga s'ya.

"Sa ginawa n'ya na 'yon, maaawa talaga ako, kasi parang napaka-desperate na n'ya talaga para lumuhod at humingi ng tulong sa akin. Kaya kung sasagutin ko s'ya ng 'oo, tutulungan kita,' hindi ako magiging sincere at buo ang loob, magagawa ko 'yon dahil napilitan lang ako dahil sa kahiya-hiyang ginagawa n'ya sa akin ng oras na 'yon." Sabi ko.

"Baka naman there's another party who's pressuring her into doing that."

"Sino naman, sila Alice at Brie?"

"I'm not exactly pointing at them, wait, I should ask Brie about it..."

Naka-hold ng pansamantala ang tawag hanggang sa bumalik si Brix.

"She said, she doesn't know about what Julia did, she only heard about it now, from me." Sabi n'ya sa akin pagkabalik na pagkabalik n'ya sa linya.

"Let's not think about why she did it, Brix. Ang mahalaga is hindi ako pumayag na magpagamit para maging sila ni Kevin."

"And what do you mean by that? *cough* *cough*"

"What? No, what I mean is busy ako at wala akong time tumulong sa ganoong klase ng bagay."

"Inunahan mo naman agad, I did not mention something about anything pero may iniiwasan Janna agad?"

"Ewan ko sa'yo. Mukhang naka-unli call ka naman, maghanap ka ng ibang makakausap."

"Wala naman akong ibang tinatawagan nowadays, ( kaya hindi ako nag-a-avail ng unli-calls.)"

"Ha? Bakit hindi ka mag-unli? Ano 'to? Wala kang mapaglagyan ng pera kaya uubusin mo sa load?"

"'Di bali na bang maubos ang pera ko, basta maging masaya lang ako at ang taong gusto ko. 'Di bali nang maubusan ako basta para sa'yo."

"Brix, ano ba. Now's not the time for those kind of jokes. Please stop, or else I'll have to end this call."

"Okay, okay. Fine. So what are you planning to do if ever she asks again?"

"Hindi ko alam. The only thing na magagawa ko ngayong mga oras na ito is hope na hindi na n'ya gagawin ulit 'yung ginawa n'yang 'yon kanina, na there will be no next times, na hindi n'ya gagawin pa 'yun sa iba..."

"...maawa naman s'ya sa sarili n'ya."

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Next chapter