webnovel

Admission

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

🛌

Grabe. Ganoon pala 'yon?

First time ko lang kasi nagawa 'yon.

Kakaiba.

'Yun pala 'yon?

Basta, mahirap i-describe sa in'yo, mga loyal readers.

Nakahiga kaming pareho ni Kevin sa aking kama, nagpapahinga dahil kakatapos lang naming maglaban. 🤺🤺⚔⚔🤺🤺

Kakaibang digmaan ang naganap sa aking kwarto, isang digmaan na hindi ko lubos na maisip na mangyayari sa aking kwarto. Mayroong tagisan at pataliman ng mga sandata, mayroong wrestling match, mayroong espadahan ng mga dila, mayroong espadahan ng matatalas na mga sandata, at higit sa lahat, ang main event, ang fireworks display! 🎆🎆🎆🎆

Nang aking tingnan ang oras sa aking phone, malapit na palang mag 6:00 PM ng gabi.

"Anong kakainin natin para sa dinner, Kevin? Gusto mo ba magpadeliver nalang tayo?" Tanong ko dito.

"Kainin kita ulit, kainin mo ko ulit. Bubusugin kita sa round two." Sabi nito sabay turo sa kan'yang boner na nasa ilalim ng kumot.

"Bahala ka nga d'yan!" Sabi ko kay Kevin, kasabay nito ay pinitik ko ang tent na nakatayo sa ilalim ng kumot.

Napaiktad si Kevin sa sakit ng ginawa ko.

Tumayo ako at nagbihis. Nag-ring ang aking phone.

Nang aking tingnan, si Ursula ang tumatawag. Kinuha ko ito at binuksan ang pinto ng aking kwarto para lumabas at sasagutin ang tawag.

"Wow, parang 'di ka nasaktan, nakakalakad ka pa ng maayos!" Sigaw ni Kevin.

Kinuha ko ang isa kong tsinelas at pinatama sa flag pole na nasa ilalim ng kumot.

Napahiyaw sa sakit si Kevin, "shit! Ang sakit! Paano tayo magkakaanak n'yan! Binubugbog mo si junior! Humanda ka mamaya, gagantihan ka nito! Duduraan ka sa mukha!"

"Ulol!" Sabi ko kay Kevin bago ko isarado ang pinto ng aking kwarto.

Sinagot ko ang tawag ni Ursula.

"James, buti sumagot ka pa? Ano ba? Tagal nang nagri-ring ng phone ah!"

"Ano bang problema mo, Ursula? Ba't tumatawag ka?"

"Wow, ha. Nakakalimutan mo naman yata kung anong meron today?"

"Anong meron?"

"Gaga, nasa labas ako. 'Di mo ba nari-recall na sinabihan mo ako na magdala ng food ngayong gabi?"

Oh siomai!

"O baka naman nagkatotoo na 'yung acting mo na may-Amnesia ka, ha? Oh my god, James, baka naman ako pa makalimutan mo ah!"

"Oo nalang, Ursula. 'Eto na ako, bababa na para pagbuksan ka ng gate. Calm your tits!"

Dali-dali akong bumaba at nagpunta sa gate upang pagbuksan si Ursula na may dala-dalang pagkain.

"Baka gusto mong ikaw magbitbit, friend? Mabigat 'to." Iniabot n'ya sa akin ang mala-basket na bag na mukhang mamahalin pa at branded.

Imagine, branded pa!

Nakipagbeso-beso s'ya sa akin.

"Ano ba naman 'yan, James! Is it that season? Taglibog ba? Amoy chlorine ka, friend! Kadiri! Sa leeg o sa mukha mo pa talaga pinapatama 'yung iyo ah! Facial lang, 'teh?" Kumuha s'ya ng wet wipes at ipinahid sa kan'yang mga pisngi. "Ikaw ah, kaya pala makinis ka, 'yun pala ang secret!"

"Tanga, hindi!"

Pumasok na kami ng bahay para mag-ayos ng mga pagkain para sa hapunan.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Nagdala ng maraming pagkain si Ursula, parang handaan ang pinanggalingan.

Pero hindi s'ya mukhang binalot lang basta-basta. Maayos ang pagkakatabi nito sa mga lalagyan na mukhang mamahalin pa.

Yayamanin talaga! Wala na, ikaw na talaga, Ursula!

Nang matapos kaming maghain ni Ursula sa dinner table, umupo na kaming pareho.

"Grabe ah, Ursula. Hindi obvious na tira-tira 'tong mga dala mo." Sabi ko.

"S'yempre, nakakahiya naman sa mahal na Prince James of Bataan kung tira-tira ang ipapalamon ko. Kaya inutusan ko sila aling Lulu na maghanda ng ibang pagkain para lang sayo! Dahil napa-special mo talaga, friend." Sabi ni Ursula.

"Daming sinabi."

"Edi sige, 'wag ka nang kumain, iuuwi ko nalang 'yang lahat na 'yan!" Kumuha na s'ya ng pagkain, inuna n'ya ang vegetable salad.

Napansin n'yang hindi pa ako nagsisimulang kumuha ng pagkain, "oh, ano pang hinihintay mo d'yan? Ulam lang kakainin ko, no-rice-diet ako."

"Eh, kasi, Ursula...si Kevin..."

"Oh, s'ya na naman? Ano ba, mamaya na natin pag-usapan 'yang Kevin na 'yan. Nakakawala ng ganang kumain 'yung pag-uusapan pa natin 'yang taong 'yan." Sabi nito.

Biglang nag-entrance sa eksena si Kevin, "wow, may dinner na pala! Sana tinawag mo ako, James! Nandoon lang naman ako sa kwarto?"

Nagulat si Ursula, "yo, James?! What the freaking F?! Anong ginagawa ng taong 'yan dito?"

Nagpaliwanag ako, "dito s'ya pinapatira nila mama at papa. Nabigla lang rin ako, kasi sinabi lang nila sa akin nung nasa gate na s'ya. Hindi ko talaga alam. Tapos 'yon, sinubukan ko namang ituloy 'yung pagpapanggap ko na hindi nakakaalala pero may nangyari sa amin, eh!"

"Holy shit!" Kumuha ulit ng wet wipes si Ursula. "So you're saying, hindi sa'yo 'yung umaamoy na parang chlorine sa leeg at pisngi mo kanina nung nagbeso tayo? Kay Kevin 'yon?" Pinunasan n'yang madiin ang kan'yang mukha, "so fucking gross!"

"Hindi ko naman sinasadya, malayo lang talaga 'yung inabot kaya s'ya natamaan!" Sabi ni Kevin.

"Ew, hell naw!" Tinakpan ni Ursula ang kan'yang tenga, "I dont need to know that much information! TMI!"

Kahit tulala na si Ursula dahil sa narinig mula sa kan'ya, tinuloy pa rin ni Kevin ang pagkukwento, "ganon lang talaga, medyo nagiging projectile, nasarapan kasi."

"Seriously? Ganda ng topic natin, ah? Right in front of my salad?" Sigaw ni Ursula.

"Nadala lang kami ng emosyon, Ursula. And besides, okay na kami. Okay na kami ni Kevin." Sabi ko.

"Oh my god, kalimutan nalang natin." Sabi ni Ursula at umupong muli. "Kumain nalang tayo."

Umupo sa tabi ko si Kevin. Pare-pareho kaming kumuha ng pagkain nang tahimik.

"Paabot nga ng ketchup, mukhang masarap 'tong fried chicken 'pag may ketchup." Sabi ko.

Iniabot sa akin ni Ursula ang ketchup, kinuha ko ito at binuksan, pero ayaw lumabas ng laman. Inalog ko ito, i-shake para lumabas.

"Tulungan na kitang mag-alog." Sabi ni Kevin at hinawakan n'ya rin ang bote at sabay namin itong inalog. Nakatitig lamang sa amin si Ursula at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos na akong maglagay ng ketchup, kinuha ko ang Yakult mula sa red at binigyan ko kami tig-isa.

Inalog ko ang Yakult ko gamit ang aking kanang kamay.

Inabot sa akin ni Kevin ang Yakult n'ya at sinabing, "alugin mo na rin 'yung sa akin."

Kinuha ko ito at inalog sa kaliwang kamay ko.

"'Yan sige pa, alugin mo ang Lactobacillus Casei Shirota! Sige pa, James! Para masarap, bilisan mo pag-alog!" Sigaw nito.

"Argh! Tama na please!" Sigaw ni Ursula, "tama na please! Masyado nang narurumihan ang isip ko!"

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Next chapter