webnovel

Brain Buster

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

"Kevin, pakiulit nga, parang mali yata pagkakarinig ko." Sabi ko kay Kevin na napakaseryoso ang itsura.

"Ginawa ko 'yon because I knew na may gusto s'ya sa'yo! Hindi pwedeng ganon kadali ka nalang n'ya makukuha mula sa akin no!"

"Kevin, naririnig mo ba 'yang sarili mo?" Tanong ko dito.

"Hindi mo ba naiintindihan?" Hinablot n'ya ang aking mga balikat. "Gusto mo bang ipaintindi ko sa'yo?"

"Ang ano, Kevin? Anong kailangan mong ipaintindi sa ak-"

Bago ko pa matapos ang aking katanungan...

Kan'ya nang sinagot ng walang-pakundangan.

Hindi ko ineexpect na sasagutin n'ya sa pamamagitan ng isang physical act ang verbal question ko...

Inilapat n'ya ang kan'yang mga labi sa aking mga labi...

WHAT

THE

ACTUAL

FUCK

Itinulak ko si Kevin papalayo sa akin, niligid ko ang aking mga mata. Wala namang ibang tao akong nakita na maaaring nakakita ng mga pangyayari.

Nagkatitigan lang kaming dalawa ni Kevin, parang pareho kami na hindi makapaniwala sa katatapos lang na kaganapan.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Nakadapa ako ngayon sa aking kama, kausap ko si Ursula sa aking cellphone.

"Ganon lang 'yon? Tapos umalis ka nalang bigla? Nag-walk out ka nalang ng hindi kayo nagkakalinawan?" Tanong sa akin ni Ursula.

"Eh, hindi ko kasi alam kung ano'ng gagawin ko sa ganong sitwasyon, Ursula!" Sagot ko.

"Still! Kahit na! Dapat nanghingi ka ng explanation bakit n'ya ginawa 'yon!" Humagikhik ito ng bahagya at bumulong pero gusto namang iparinig, "kahit na malinaw na malinaw ang gusto n'yang sabihin. In fact, ginawa n'ya, hindi n'ya lang sinabi."

"Bakit, 'di ba pwedeng tulad lang ng ginagawa ng mga magulang na hinahalikan sa lips 'yung mga anak nila 'yung ibig-sabihin ng ginawa ni Kevin kanina?"

"Shungaers, James! Anak ka ba n'ya?"

"Hindi. Pero, Ursula naman-"

"James, 'wag mo nang hanapan ng iba pang interpretation 'yung ginawa n'ya na 'yon. 'Di pwedeng walang meaning 'yon at trip lang n'ya, hindi kayo artista at lalong 'di naman kayo nagte-taping nung ginawa n'ya 'yon!"

"Baka nga, baka nga may mga hidden cameras s'ya sa paligid and I'm the subject of his prank."

"Stop thinking like that, James! Nako, pahingi nga ng bank account number mo. I will transfer some funds para makabili ka ng kakausap sa'yo!"

"Sige, Ursula, pero milyones ha!?"

"Ewan ko sa'yo, James. I have to go now, may pupuntahan pa kaming TV guesting ni kuya Tommy."

"Teka-"

"Bye!"

At tuluyan nang tinapos ang tawag...

Hindi ko naman mapipigilan, 'di ba?

Something's not right...

Bakit wala man lang message or any sign or attempt na makipag-usap sa akin si Kevin? Matapos n'yang gawin 'yon?

Hindi, 'di dapat mag-isip ng kung anu-ano...

Baka makapasok 'yon sa bahay, kailangan kong isara at i-lock ang lahat ng pintuan at bintana dito sa bahay, para sure na walang access si Kevin.

Inabot ako ng 15 minutes sa pagcheck ng mga pintuan at bintana sa bahay, mabilis na 'yung 15 minutes na 'yon sa laki ng aking bahay.

Nang sure na ako na sealed na ako dito sa loob, parang lockdown lang sa mga paranormal investigation television shows tulad ng Ghost Adventures at Unsolved ng Buzzfeed, pinatay ko na rin lahat ng light source at nagkulong sa kwarto.

Busy si Ursula, so hindi ko na s'ya pwedeng tawagan. 'Di rin pwede si Greg, baka wala s'yang kinalaman dito at mas mabuti nang hindi n'ya malaman dahil pag nasabi n'ya 'yon kay Alice, masasabi na rin kina Brie at kay Julia!

Pero hindi rin naman pwede kay Brix...

Alam ko na!

Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap sa aking contacts bago tawagan ang taong alam kong may maipapayo tungkol sa ganitong mga sitwasyon.

Agad namang may sumagot sa aking tawag.

"Oh, James, napatawag ka? What's up?"

"Brix..."

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Next chapter