Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?
Hindi pa nagsisimula ang istorys pero gusto ko nang magpasalamat sa mga magbabasa kaya maraming salamat at sana mag-enjoy kayo! 💙
Ang istorya pong mababasa niyo ay bunga lang ng imaginations ko although binase ko ang ibang mga pangyayari sa mga nangyari talaga sa past, karamihan ay imbento ko lang talaga kagaya ng lugar kung saan mapupunta ang bida, karamihan sa mga tauhan, at mga pangayayari. Medyo sinunod ko ang timeline ng mga pelikulang Heneral Luna at GOYO: Ang Batang Heneral na parehong sa direksyon ni G. Jerrold Tarog sa story na 'to kung saan tapos na ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas at sinasakop naman tayo ng mga Amerikano.
So bakit ko nga ba sinulat ang istoryang 'to?
Nainspire ako sa mga libro at articles na nabasa ko na related sa history natin kaya naman naisip kong gusto ko rin maging bahagi ng pagpapalawak at pagbibigay din ng inspirasyon sa iba na alamin at yakapin ang kultura ng ating bayan noon. Kung paglalaanan niyo ng oras ay sigurado akong mamamangha rin kayo kung gaano kayaman at kaganda ang kultura ng ating bayan noong naunang panahon.
Isa pa sa nakapag-inspire sa akin ay kung saan ko binase ang timeline ng istoryang 'to, ang dalawang pelikula ni G. Jerrold Tarog. Kung maaala niyo ay naging hit nga sa mga manonood ang pelikula niyang Heneral Luna na ilang taon na pero hindi pa rin nakakaget-over ang lolo ko sa tapang at angas ni Heneral Antonio Luna at kailan lang, noong September 5, 2018 ay ipinalabas sa mga sinehan ang pelikula niyang GOYO: Ang Batang Heneral na nagpakita naman sa atin ng paglalakbay ni Heneral Gregorio del Pilar bilang isang heneral hanggang sa kaniyang kamatayan. Ayon nga kay G. Jerrold Tarog, ang Goyo ay pelikulang nagpapakita ng istorya ng "isang bayani na naging tao" which I think is beautiful.
Ulit, nawa'y mag-enjoy at may matutunan kayo sa pagbabasa.