Juliet
"Juliet, are you alright?"
Nagulantang ako nang marinig si Ina at nakahawak na pala siya sa balikat ko.
"Y-Yes, I'm fine." Sagot ko at ngumiti para mawala na ang pag-aalala sa mukha niya.
Kanina pa ako nakabihis at napatulala na pala ako sa kakaisip dahil . . .
. . . bumalik na si Niño.
Teka, ano bang pake ko kung bumalik na siya eh ayaw na nga niya akong makita?? Hay nako, Juliet! Umayos ka na nga!
Tumayo na ako at sinundan si Ina bumaba. Nagulat ako nang makitang maraming tao sa sala at bumabati sila sa akin pagbaba ko pati na rin kay Ina. Shocks. May masamang kutob ako rito ah.
Pagkababa namin, dumiretso ako sa kusina at nakitang abala si Manang Felicitas kaya si Adelina nalang ang hinila ko papunta sa wala masyadong tao.
"Akala ko ba umuwi si Heneral Niño? Bakit may handa at ang daming tao kahit dito sa bahay?" Tanong ko.
"Oo nga po, binibini. Umuwi na po ang Heneral Niño at hindi po ba't kasama niya ang iyong nobyo na si Koronel Fernan? Kaya malamang ay umuwi na rin ang koronel kaya naman magiging panauhin mamaya ang mga Fernandez dito sa hacienda Cordova." Sagot ni Adelina.
Myghadd. Sabi na nga ba eh, may hindi magandang kutob ako sa handaang 'to.
Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Ina at dinala sa labas ng mansion. OMG! Pinapalayas na ba niya ako?!
"Go and see General Enriquez' parade, I'm sure Colonel Fernandez is with him. You should take him with you." Nakangiting saad ni Ina at nakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman pala niya ako papalayasin pero agad ding napakunot ang noo ko nang marealize ko kung ano ang inuutos niya.
Napapamewang ako at sumagot. "Ina, babae po ako. Hindi po ba't dapat ang mga lalaki ang sumusundo sa mga babae?"
Natawa naman si Ina at napailing-iling. "You're going with Paeng, he's the one who will talk to Colonel Fernandez."
Napasimangot nalang ako pero natatawa pa rin ang nanay ko sa akin. Parang ewan lang eh 'no.
Pumasok na ako sa karwahe at umandar naman na 'yun. Pagkaalis na pagkaalis ng karwahe sa hacienda, nakasalubong namin ang mga karwahe ng mga Fernandez.
OMG! Nandito na sila at hindi ko pa nasusundo si Fernan!
Pinagmadali ko na si Paeng na isa sa mga kutsero ng pamilya namin na mas bata ako nang ilang taon pero tinawanan lang niya ako at sinabing makakapaghintay ang mga lalaki.
Grabe, lahat yata ng nakausap ko ngayong araw tinatawanan lang ako. Katawa-tawa ba talaga ako?
Pagkarating namin sa plaza, may pagtatanghal na nagaganap sa entablado sa gitna kaya naglakad na ako papunta roon. Sumunod naman sa akin si Paeng pagkatapos niyang i-park 'yung karwahe at kabayo at hinanap na namin si Fernan. Hindi nagtagal, nahagip na rin ng mga mata ko ang nakablue na uniform na si Fernan pero hindi rin nakatakas sa paningin ko ang katabi niyang nakaputing uniporme na sobrang tagal ko ring hindi nakita.
Nasa harap siya at ang ganda ng mga ngiti niya ngayon... siguro dahil comedy 'yung palabas ng mga nagtatanghal. Napangiti rin ako nang makita siyang tumawa kasama ng iba pang mga nanonood dahil may ginawang nakakatawa 'yung nagtatanghal.
Lalapit sana ako sa kaniya para kamustahin siya nang lumingon siya sa direksyon ko pero hindi sa akin dumapo ang tingin niya kundi sa dalagang katabi niyang manood at sandali silang nag-usap at nagtawanan ulit nang magpatawa na naman ang nagtatanghal.
Pakiramdam ko... unti-unting nagugunaw ang mundo habang nakikita siyang nakangiti at tumatawa sa piling ng iba.
Napailing-iling ako at mahinang napasampal-sampal sa sarili ko para mahimasmasan.
Wooh! Ilang araw palang kaming magkakilala ni Niño nang umalis siya kaya imposibleng na-attach ako nang sobra 'no! Malamang nanibago lang ako kasi akala ko... tutuparin niya 'yung pangako niya.
Anyway! Hindi naman siya kawalan jusko, hindi ko kailangan ng pakboi sa buhay ko.
Napalingon ako kay Paeng at nagulat nang makita si Fernan na nakatitig sa akin. Mukhang kanina pa siya nakatingin, OMG! Ano kayang tumatakbo sa utak ng itlog na 'to huhu. Napalingon ulit ako kung nasaan si Niño at tinignan kung nasaan si Fernan kanina at nakitang bakante na ang upuan na 'yon.
"A-Ang ganda ng... palabas. Nakakatawa, HA HA HA!" Palusot ko at nagfake laugh pa para hindi ako mahalata ni Fernan.
Shocks naman kasi! Nasaan na ba si Paeng? Hindi man lang ako ininform na tinawag na pala niya si Fernan, jusko po.
Napatangu-tango naman si Fernan. "Tinawag ako ng inyong kutsero kanina habang abala ka sa pagtitig sa... palabas." Sagot ni Fernan na halatang may emphasis sa 'palabas,' meaning alam niyang there's something fishy huhu!
"Naku! Nandoon na ang buong angkan mo sa bahay namin kaya halika na! Dali! Dali!" Change ko ng topic at tumakbo na papunta sa karwahe at sumunod naman si Fernan.
"Binibining Rosario." Biglang sabi ni Fernan habang umaandar ang karwahe pabalik sa hacienda Cordova kaya nahinto ang pag e-emote-emote ko sa may bintana ng karwahe at nabaling ang atensyon ko sa kaniya.
Binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about look dahil bigla-bigla nalang siyang nagsasabi ng pangalan.
May saltik din yata 'to eh.
"Siya ang pinakahinahangaang dalaga sa buong San Sebastian noon ngunit nang lumipat siya sa Maynila ay natuon ang atensyon ng mga kalalakihan sa aking kapatid na si Pia." Kuwento ni Fernan at napakunot ang noo ko.
"Yung sinasabi mo ba 'yung mukhang palakang babae roon kanina?" Tanong ko with matching paturo-turo pa sa likod ko na direksyon papuntang plaza. Natawa naman si Fernan at tumangu-tango.
"Pinakahinahangaan na 'yun dito? Eh wala pang sinabi 'yun sa kuko sa paa ni Pia eh!" Sabi ko at mas lalong natawa si Fernan.
OMG. Mukha ba akong bitter na malisyosong palaka ngayon?
"Huwag kang mag-alala, binibini dahil simula naman nang dumating ka rito ay napunta sa iyo ang atensyon ng lahat marahil na rin sa iyong taglay na kagandahan." Sabi ni Fernan at aba, ang hair ng lola niyo a.k.a. me ay umabot na sa Espanya HAHAHA! Charot.
"Mabuti naman at tumaas ang standards ng mga tao nang dumating ako." Sabi ko pa sabay hairflip.
"S-Stan...dards?" Tanong ni Fernan kaya napatakip ako sa bibig ko.
Oo nga pala! Hindi pa uso Taglish—teka! Taga-Inglatera nga pala ako kaya normal lang sa akin mag-English!
Dahan-dahan kong binaba ang kamay kong pinangtakip ko sa bibig ko atsaka nag-explain.
"Ang ibig kong sabihin ay buti naman at tumaas na ang pamantayan ng mga kalalakihan sa babae."
Wow, Juliet! Pamantayan! Big word! To be honest hindi ko talaga alam ano meaning niyan eh HAHAHA!
Pagkarating na pagkarating namin sa hacienda Cordova, mainit na sinalubong si Fernan ng mga tao at agad kaming ginuide papuntang hapag-kainan.
"Ngayon," Biglang sabi ni Don Federico nang makaupo na ang lahat sa hapag.
"Dahil bukas na ang kasal ng aking pinakamamahal na si Pia, marapat lang sigurong pag-usapan na natin kung kailan magaganap sa susunod na taon ang kasal nila Binibining Juliet at Fernan."