webnovel

L

Juliet

"JULIEEEEEET!!!!"

Agad akong napalingon sa may pintuan ng kainan nang marinig ang familiar na boses na 'yon.

"Piaaa!!!" Excited na sigaw ko rin nang makita ang kaibigan kong tumatakbo palapit sa akin at tumakbo na rin ako palapit sa kaniya atsaka kami nagyakapan.

"Naku, ang dami kong iku-kuwento sa iyo!" Sabi ni Pia pagkakalas namin sa yakap.

Napalingon naman ako sa paligid dahil parang biglang tumahimik at nakitang nakatingin ang mga tao sa amin pero nagsibalikan na rin sila sa mga ginagawa nila nang tignan din namin sila kaya back to normal na ulit dito sa kainan.

Kumuha na kami ng pagkain ni Pia at umupo sa bakanteng upuan na pandalawahan lang kaya naman napatingin kami kay Alejandro na kanina pa nakasunod kay Pia.

"Mahal... sumama ka nalang muna kanila Kuya." Lambing ni Pia sa asawa at pumayag naman ito.

So nirecommend kasi ni Manuel 'tong kainan na 'to. Kakatayo lang at pagmamay-ari ng kaibigan niya sa Espanya kaya naman siyempre ang unang mga customers ay ang mga mayayamang pamilya rito sa San Sebastian.

Pagkarating namin dito ay nandito na sina Don Luis, Doña Isabela, at Padre Ernesto tapos may iba na ring mga tao tapos ayun nagchikahan sila nila Ama tapos nagbatian lang kami ni Padre Ernesto at nag-usap na sila ni Caden. Sunod na dumating ang mga Hernandez. Kumpleto rin sila maliban kay Andong dahil magkakasama 'yung tatlong itlog na pumunta sa kabilang bayan dahil na naman sa trabaho. Grabe, ang busy nila 'no?

"Ito na ngaaa!" Excited na bulong ni Pia. Oo, bulong 'yun kahit may exclamation mark HAHAHA!

Dumapo ang tingin ni Pia sa wrist kong nakapatong sa lamesa at biglang natigilan kaya naman tinanong ko agad siya.

"Ayos ka lang ba, Pia?"

"Galing... b-ba iyan kay Kuya Fernan?" Tanong niya habang nakatingin sa bracelet na binigay sa akin ni Fernan.

Napatingin naman ako sa red na bracelet na suot ko. Binigyan kasi ako ni Fernan ng bracelet na may rose na ginawa niya mismo noong araw na umuwi sila rito sa San Sebastian at mga 1 week na ang nakakalipas kaya siyempre nabulok na 'yung rose mismo pero maganda 'yung pagkakabraid niya sa tali kaya naman kahit wala na yung rose, sinusuot ko pa rin.

"Oo, ang ganda 'di ba?" Sabi ko at tumangu-tango nalang si Pia at nagsimula nang magkwento.

"Masaya sa Dagupan, lahat ng pinuntahan naming mga kainan ay maingay at lahat ay nagkakasiyahan."

"Sabi nga ni Fernan." Sagot ko habang patangu-tango pa.

"Ano? Ngunit isang araw lang naman si Kuya sa Dagupan."

What? Isang araw lang si Fernan sa Dagupan?

"Paano nangyari 'yun?" Tanong ko.

"Pagkarating namin sa Dagupan ay umalis din siya at nagtungo sa Maynila. Sinabi lang niyang may kailangan siyang gawin at pagkatapos ay bumalik din siya sa Dagupan bago kami umalis kaya naman kasabay namin siyang umuwi." Sagot ni Pia.

Napatangu-tango nalang ako. Sabagay, noong wala ang mga Fernandez dito sa San Sebastian ay napakabusy din nila Niño at Andong kaya naman sigurado akong busy rin si Fernan dahil may mga kailangan din siyang gawin. Hirap pala maging sundalo 'no?

"Masarap din ang mga pagkain dahil masarap talaga magluto ang aming Tiya Fe at oo nga pala! Nakita ko si Heneral Goyo! Napakakisig nga nito at naulilinigan ko rin na kaya pala ito nasa Dagupan ay upang bantayan ang pagsalakay rito ng mga Amerikano." Kwento ni Pia.

Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa panahon na maisusulat sa kasaysayan. Nakita ni Pia si General Del Pilar na later on ay magiging isang bayani at hindi niya 'yun alam, walang ibang nakakaalam sa kainan na 'to maliban sa akin at siyempre kay Caden.

"Oo nga pala, Juliet..."

Napalingon ulit ako kay Pia na biglang nag-iba ang tono ng pananalita.

"Kapag... pumunta kayo ng Espanya, magkikita tayo roon, hindi ba? Sasama ka kanila Don Horacio, hindi ba?" Sabi niya na parang nanghihingi ng assurance sa akin.

"Pero Pia... hindi kami pupunta ng Espanya." Saad ko.

"Narinig ko ang pag-uusap nila Ama, Juliet. Pupunta rin kayo sa Espanya bago pa man malusob ng mga Amerikano ang San Sebastian." Bulong ni Pia.

Tatakas sila? Kasama ba ang mga Enriquez? Kaya ba hindi naging bayani si Niño ay dahil tumakas siya? Pero nakita kong namatay siya sa digmaan...

"Pero... p-paano ang San Sebastian? Iiwan nalang, ganun?"

"Juliet, hindi natin alam ang maaaring mangyari kapag nakarating na rito ang mga Amerikano kaya mas mainam na lumisan na tayo bago pa man natin sila maengkwentro."

"Pero paano sila... sila Niño? Ang Kuya Fernan mo? Sila Andong? Mga sundalo sila kaya hindi sila pwedeng umalis." Saad ko.

"Narinig kong kukumbinsihin ni Ina si Kuya na tumakas pero si Heneral Niño... hindi ako sigurado." Sagot niya.

Sandali akong hindi nakapagsalita. Bakit... may kutob akong hindi kasama ang mga Enriquez sa pagtakas na gagawin nila?

"Paano ang mga Enriquez?" Tanong ko.

"Juliet, alam kong tinatanong mo ito dahil mapapangasawa mo si Heneral Niño pero... iba si Heneral Niño at ang pamilya nila. Ninuno ni Doña Isabela ang nagpaunlad sa San Sebastian at nangako si Don Luis na pangangalagaan ito hanggang sa kaniyang kamatayan at si Heneral Niño ay isang heneral. Nakuha niya ang posisyon dahil sa ipinamalas niyang husay at katapatan sa kaniyang tungkulin kaya nga alam na ng lahat na maaaring isang araw ay... hindi na siya makabalik pa." Sabi ni Pia atsaka tumungo.

Halos madurog ang puso ko sa mga binitiwang salita si Pia.

Ganun nalang ba talaga 'yun? Dahil nalagay na ang lahat sa alanganin ay mag-iiwanan nalang?

"Kaya Juliet, habang may oras ka pa'y umatras ka na sa kasal. Sigurado akong mauunawaan ka nila Don Horacio. Walang dalagang nais makapangasawa ng isang binatang buhay pa ay nasa hukay na ang mga paa."

Ewan ko ba bakit halos lahat ng salitang binibitawan ni Pia ay parang palasong tumatagos sa puso ko.

Dahil ba totoo lahat ng 'to?

"Hindi ako aatras sa kasal..." Lang ang nasabi ko at tinuloy na ang pagkain.

Hindi ako pwedeng umatras. Nangako ako kay Niño at nangako rin siya sa akin. Hindi ko basta-basta sisirain ang pangako ko at alam kong gano'n din si Niño.

Naramdaman kong hindi nakagalaw si Pia at nanatili lang na nakatingin sa akin.

"Juliet..." Tawag niya kaya naangat ang tingin ko sa kaniya.

"Mahal mo ba si Heneral Niño?" Nangingilatis na tanong niya kaya naman bigla akong nasamid. Inabutan ako ng tubig ni Pia na agad ko rin namang ininom.

"Ano ka ba naman, Pia! Kung anu-anong tinatanong mo." Sabi ko pagkatapos uminom at natawa naman siya pero siyempre tawang dalagang Pilipina ang pagtawa ng lola niyo dahil nasa public place kami.

"Masaya ako para sa iyo, Juliet." Nakangiting sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

What? Bakit biglang nag-iba ang aura niya? At bakit siya masaya para sa akin?

"Wala palang kuwenta ang aking pagsisinungaling dahil puso mo na ang nagdidikta kung saan ka mananatili kaya ipagdarasal ko nalang si Heneral Niño na laging umuwi sa iyo." Saad niya.

"Ha? Teka, anong pagsisinungaling? Kailan ka nagsinungaling sa akin?" Tanong ko.

"Hindi totoong aalis ang mga pamilya natin patungong Espanya. Sinabi ko lang 'yon upang makumbinsi kitang pumunta sa Espanya dahil... kami lang talaga ni Alejandro ang aalis at gusto ko sanang sumama ka sa amin. Ayaw kitang iwan, Juliet at isa pa... gusto kong makita mo ang aming magiging anak." Sabi niya at humawak sa tiyan niya.

OMG.

Buntis si Pia?

WAAAAAA! Magagalit pa sana ako sa pagsisinungaling niya dahil nasaktan ako sa mga pinagsasabi niya na hindi naman pala totoo pero nang sabihin niyang buntis siya nawala na 'yung galit ko huhu.

"Seryoso ka ba, Pia?" Tuwang-tuwang tanong ko at tumangu-tango naman siya.

"Kung sakali mang lalaki ang anak namin ay sana'y babae ang maging unang anak niyo ni Heneral Niño." Sabi niya na medyo nang-aasar pa.

"Hindi pa nga kinakasal eh, ikaw talaga Pia!" Natatawang sabi ko sa kaniya pero siyempre deep inside kinikilig ako slight hihi!

"Oo nga pala, kailan kayo aalis?" Tanong ko.

"Dapat ay sa pangalawang linggo ng Setyembre dahil akala ko'y napilitan ka lang magpakasal kay Heneral Niño dahil pinilit ka nito pero ngayon ay mukhang malilipat sa Oktubre ang pagpunta namin sa Espanya dahil gusto kong masaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan." Ngiti ni Pia na parang nang-aasar pa.

So hindi pala dapat siya a-attend sa kasal ko? Grabe, ibang klase ring kaibigan 'to eh 'no.

"Masaya akong nahanap mo ang pag-ibig mo sa katauhan ni Heneral Niño, Juliet. Balak pa sana kitang ipakilala sa mga kaibigan ni Alejandro sa Espanya kapag sumama ka sa amin." Sabi niya at nagtawanan kami.

Nevertheless, masaya akong maging kaibigan si Pia. Isa siya sa mga dahilan kung bakit hindi ko naramdaman na mag-isa lang ako sa panahong 'to kahit pa dayo lang ako rito

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts
Next chapter