webnovel

XXXIII

Juliet

"Santa Maria, ina ng—" Nahinto ang mga nagro-rosaryo nang may tumakbong lalaking nakapaa lang sa tapat namin at nagkaroon ng mga sigawan.

"Tabi! Tabi!"

Napalingon ang lahat sa likuran kung saan nanggagaling ang ingay at agad ding nagsiyukuan ang mga tao nang makakita ng mga armadong sundalo.

Omyghad, anong nangyayari?! Nilulusob na ba kami ng mga Amerikano???

Sumilip ako sa may butas ng sandalan ng upuan at nakakita ng sundalong nakasakay sa kabayo. Hindi ko makita 'yung ulo niya dahil nga nasa may butas lang ako ng upuan sumisilip pero WTH?! Bakit siya nagkakabayo sa loob ng simbahan??

"Dumaan sa likod!" Rinig kong sabi ng isang sundalo.

"Sundan niyo!" Utos ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako at nakita si Andong na inis na nagkakamot ng ulo. Mukhang may hinahabol sila at nakatakas kaya inis na inis si Andong.

"Ayos na po, pasensiya na po sa abala. Pasensiya na po." Sabi naman ni Fernan sa mga nagdadasal na katabi lang ni Andong at nagsimula na ulit magsi-ayos ang mga tao rito sa simbahan.

Hindi naman linggo ngayon kaya walang misa pero sinamahan ko si Ina magrosaryo kaya nandito kami ngayon. Pagtayo ko, nakita ko naman agad si Niño na siya palang nakasakay sa puting kabayo.

Anong trip niya sa buhay at nagpasok siya ng kabayo sa simbahan?

Nagtama ang mga tingin namin at nakita kong medyo nagulat siya nang makita ako pero agad ko ring nasilayan ang ngiti sa mga labi niya.

Nagrosaryo na ulit si Ina at ibabalik ko na rin sana ang tingin ko sa harap pero ewan ko ba at lumingon pa ulit ako sa likod at tinignan si Niño. Bumaba siya mula sa kabayo niya at akmang maglalakad papunta sa direksyon ko nang humarang sina Andong at Fernan at isa pang sundalo sa view at may sinabi sa kaniya.

Para namang giraffe na humaba ang leeg ni Niño at natanaw ko na ulit ang ulo niya. Nagtama ulit ang mga tingin namin, ngumiti siya ulit at kumaway pa.

"Huy, Niño?" Tawag ni Andong pero hindi siya pinansin ni Niño kaya sinundan niya ang tingin nito at nakita niya ako.

Bumati naman siya sa akin atsaka binalik ang tingin kay Niño at sumenyas kay Fernan sabay turo sa direksyon ko gamit ang nguso niya kaya tumingin sa akin si Fernan pati 'yung isa pang sundalo. Napailing-iling nalang si Fernan atsaka napakamot sa ulo.

"Hindi ba natin hahabulin ang magnanakaw?" Tanong ni Fernan kay Niño pero nilagpasan lang siya ni Niño at naglakad papunta sa direksyon ko.

"Niño," Tawag ni Andong.

"Magdasal muna tayo." Sabi ni Niño habang naglalakad palapit nang hindi pa rin nawawala ang eye contact namin. Ngumiti pa siya with matching pataas-taas ng kilay at pinagdikit ang mga palad niya nang makarating siya sa upuan sa likod ko at lumuhod. Natatawa naman akong humarap na sa altar.

Taimtim pa ring nagdadasal si Ina, samantalang ako... nevermind hehe!

"Panginoon, sana po'y ipagpaubaya niyo na sa akin ang dalagang nasa harapan ko ngayon."

Sinilip ko muna si Ina atsaka lumingon kay Niño na napaka-outspoken magdasal. Ngumiti siya atsaka nagwink pagkalingon ko sa kaniya. May saltik din talaga 'to eh.

Natatawa nalang ako habang napapailing-iling at ibabalik na sana ulit ang atensyon sa harap nang may magsalita mula sa likod ko.

"Heneral Niño, nandito lang po pala kayo. Pinapasamahan po sayo ni Don Buencamino si Señorita Rosario." Bulong ng tagapagsilbi kay Niño na rinig na rinig ko naman.

Nagulat ako nang napalingon si Ina at mukhang natuwa siya nang makita 'yung Rosario. Siya rin 'yung Rosariong kasama ni Niño noon sa plaza.

"Rosario! You're here!" Bati ni Ina at nagbeso sila nung Rosario. Eew.

Nilead naman kami nila Fernan palabas dahil hindi dapat nag-iingay sa loob ng simbahan.

"Juliet, you should come with them. Are you going somewhere?" Tanong ni Ina kanila Rosario at siyempre, ako ang nagtranslate dahil wala si Ama.

"May pupuntahan daw ba kayo?" Tanong ko.

"Opo, Doña Faustina. Pinasamahan po ako ni Tiyo Delfin kay Niño sa plaza." Nakangiting sagot nung Rosario.

"I see..." Sabi ni Ina atsaka lumingon sa direksyon ko.

"Fernan, Juliet, you should come with them." Sabi ni Ina at since binanggit niya ang pangalan ni Fernan, nakatingin ngayon si Fernan sa akin at hinihintay i-translate ko 'yung sinabi ni Ina.

Anong sasabihin ko? Ayaw kong sumama pero hindi ko rin naman pwedeng baguhin 'yung translation kasi nakakaintindi si Ina ng Tagalog.

"Koronel Fernan, sumama raw po kayo ni Señorita Juliet kanila Binibining Rosario sa plaza."

Napalingon naman agad ako kay Paeng at naalalang marunong nga pala siyang umintindi ng English dahil nasanay na rin siya kay Ina.

"Oo nga pala... ngayon palang kita makikilala. Ako nga pala si Rosario." Pagpapakilala ni Rosario sa akin.

"Juliet." Tipid na sagot ko at nagpilit ngumiti. Ghad! Hindi talaga ako marunong makipagplastikan eh.

"Cuidar a mi hija." (Take care of my daughter.) Sabi ni Ina at narealize ko na marunong nga pala silang lahat mag-Spanish dito except sa akin so bakit nag-English pa si Ina, hay nako.

"Lo haré, Señora." (I will, Madam.) Sabi ni Niño na siyempre, hindi ko rin naman naintindihan.

Nagpaalam na si Rosario kay Ina at ganun din sila Fernan at Niño at nauna na si Rosario maglakad. Tumingin muna sa akin si Niño atsaka sumunod kay Rosario at tinabihan naman ako ni Fernan at naglakad na rin kami papunta sa karwahe nitong si Rosario.

"Oo nga pala, magbubukas na ng sariling pagamutan si Ginoong Angelito sa susunod na linggo. Sinabihan ako ni Don Pablo na mag-imbita ng maraming panauhin para sa pagpapabendisyon sa pagamutan." Sabi ni Rosario na nagbasag sa katahimikan sa loob ng karwahe.

Magkatabi sila ni Niño at magkatabi kami ni Fernan. Nasa right ako ni Fernan at nasa tapat ko si Niño habang nasa tapat ni Fernan si Rosario.

"Ah! Oo nga pala... bago ka lang dito Juliet kaya siguro hindi mo kilala si Don Pablo. Siya si Don Pablo Custodio na ama ni Angelito. Teka, baka hindi mo rin kilala si Angelito—"

"Kilala ni Binibining Juliet si Ginoong Angelito. Nag-aral ng medisina si Binibining Juliet sa Inglatera kaya tumutulong siya sa pagamutan kung nasaan nanggagamot si Angelito at hindi magtatagal ay magiging isang ganap na manggagamot na rin siya katulad ni Angelito, hindi katulad ng ibang mga kababaihan sa bayang 'to." Putol ni Fernan at hindi na nakasagot pa si Rosario kaya nabalot na naman ng katahimikan ang karwahe.

Pero siyempre, hindi sumuko si Rosario.

"Kamusta pala ang pista ng San Sebastian? Nakakapanghinayang lang dahil hindi ako nakadalo." Umpisa na naman ni Rosario ng topic.

Sus. Anong nakakapanghinayang doon eh mas mabuti ngang wala ka eh.

"Ayos lang naman, binibini." Sagot ni Niño.

"Oo nga pala! Kailan gaganapin ang inyong pag-iisang dibdib?" Biglang tanong ni Rosario na nakapagpatigil sa akin at malamang pati kay Fernan. Ilang segundong walang ni isang umimik sa amin samantalang mukhang naghihintay pa rin ng sagot si Rosario.

"Ah! Malapit na tayo." Biglang singit ni Niño at nakita kong nagpalitan sila ng mga makahulugang tingin ni Fernan.

Mukhang kailangan na naming ayusin as soon as possible 'tong misunderstanding na nagawa namin ni Fernan bago pa kumalat ang bali-balita sa buong Pilipinas.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts
Next chapter