"Anak! tumakas kana!" sigaw ng aking ina. Nag pailing iling lang ako at hindi umalis sa aking kinatatayuan habang panay ang pag agos ng mga luha ko.
Nag karoon ng malaking digmaan sa emperyo ng shinamin kasama na ang aming bayan. Matagal ng alam ng mga taga dito na possibleng madamay ang bayan namin sa digmaang mangyayari pero hindi namin inaasahan na ngayon na pala itong mangyayari.
"I-ina hindi kita pwedeng iwan dito, kayong dala---Ama!" pagputol ko ng makita kong nasasaksak si ama ng espada ng mga kalaban. Agad ko sanang pupuntahan si ama ngunit hinarangan ako shimaru na hindi ko namalayang nandyan na pala. Pilit akong umaalis sa mga brasong nakaharang ngunit hindi ko magawa dahil mas malakas na braso ni shimaru ang nakaharang.
"Hindi ka pwedeng pumunta doon izumi delikado! baka ikaw naman ang isunod nila" nakasigaw nyang usal sa akin.
"Pero shimaru ang mga magulang ko! kailangan ako ng magulang ko. Ina! ama!" anas habang pilit pa din umaalis sa mga braso nya. Ngunit gayon na lamang ang pag kabigla ko ng makitang sinaksak din si ina sa may mismong tapat ng puso. Nakita ko ang pag labas ng dugo mula sa bibig ni ina at ang pagkalat nito sa damit sa bandang sinaksak
"Inaaaaaa! hindi!!!!!" malakas na sigaw ko at tumingin sa akin si ina habang nakangiti sya at nawala lang yun nung sunod nun ay ang pag bagsak nya sa lupa. Agad akong umalis sa mga braso ni shimaru at tumakbo papunta sa kinaroonan ni ina habang yung sumaksak sa kanya ang nakatayo pa din at hawak ang espadang may mga bahid ng dugo. Kaagad akong napaupo sa lupa at inihiga si ina sa aking mga braso.
" I-ina gumising ka! ina!" pag gising ko habang inuyugyug ko ang balikat nya. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nyang buksan ang mata nya at kaagad na tumingin sa akin kasabay nun ang pag taas ng braso nya at hinawakan ang kabilang pisngi ko. Hinawakan ko din ang kamay nyang nasa pisngi ko habang ang isang kamay ko ay pinampunas ko sa mga mata mo.
"N-napak-kaganda m-mo tal-laga a-anak. Say-yang lang a-at hindi ko na m-uli pa itong m-makikita" utal utal nyang saad habang nakangiti
" Ina wag ka ng mag salita pa, baka mas lalong makasama sayo" nag aalalang anya ko. Kahit na nakangiti sya nakita ko ang pag agos ng luha nya sa mga mata nya at patuloy pa din ito sa pag haplos sa aking pisngi.
" Hindi rin naman na ako mag tatagal anak. Kaya sana kahit na wala na kami ng iyong ama ay maging ligtas ka. Gusto ko maging masaya ka kahit wala na kami. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa amin ng iyong ama" at kasabay nun ang pag pikit ng mga mata at pag gaan ng katawan nya tanda na patay na ito.
" I-ina? ina gumising ka! ina!" umiiyak kong sigaw. Hindi ko na kinaya pa at doon na ako napaiyak ng tuluyan habang nakatungo ang ulo ko sa may bandang dibdib ng aking ina. Nag tagal lang ako ng ilang oras doon hanggang sa naramdaman ko na lang ang pag didilim ng mga mata ko, inilapag ko ng marahan ang ulo ni ina sa lupa at dahan dahan akong tumayo at pumunta sa lalaking sumasaksak kay ina. Agad nyang itinapat ang espadang hawak nya ng nasa harapan nya na ako, kaya lumayo ako konti.
"Aba ang tapang mo naman binibini para lumapit pa sa akin. Hindi ka ba natatakot na baka ikaw naman ang isunod ko?" sarkatiskong tanong nya.
"Hindi ko alam kung bakit pati ang bayan namin ay kasali sa digmaan kung ang emperyo ng shinamin ang inyong kalaban. Bakit kailangan pati ang mga tao dito sa shogasukan ay kailangan nyo din paslangin??!!!" malakas na sigaw ko sa kanyang habang nanglilisik na matang nakatingin sa kanya at lumapit pa ako ng konti habang sya naman ay pa din natinag sa kanyang kinatatayuan.
"Dahil alam namin na pati ang bayan ng shogasukan ay karatig ng emperyo ng shinamin. Kaya para manalo kami dinamay na din namin ang inyong pinakamamahal na bayan" ngising saad nya. Kumuyom ang pareho kong mga kamay dahil sa mga nalaman ko at nagngitngit ang mga ngipin ko dahil sa pang gigil na nararamdaman ko.
"Napakahayop nyo. Mga wala kayong awa!!!!" galit na galit na sigaw ko. At saka ako tuluyang lumapit sa kalaban at pinag susuntok sya sa dibdib ng malakas. Ibinuhos ko ang lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko sa mga suntok na ginagawa ko sa lalaking iyon. Pinag patuloy ko pa rin ang pag suntok sa kanya hanggang sa hinablot nya paitaas ang braso ko at sinampal ng napalakas dahilan para tumalsik ako at tumama sa dingdig ng bahay.
"Izumi!!!" sigaw ni shimaru. Kaagad syang tumakbo papunta sa akin ngunit napahinto sya ng mag lakad papunta sa akin ang sundalo ng emperyo ng seikkin na kalaban ng emperyo ng shinamin. Hindi kaagad ako nakabangon dahil napalakas ang pag tama kaya naman nakangiwi akong tumingin sa lalaking iyon habang may ngisi sa kanyang mga labi.
"Wag mo ng subukan pang lumaban pa dahil hindi ka mananalo sa akin. Mamatay ka lang" nakangising banta nya. Matapos nyang sabihin iyon ay tumalikod na sya at nag lakad na paalis hanggang sa diko na sya nakita pa. Tumakbo na din si shimaru papunta sa akin at saka ako nilapitan.
"Izumi ayos ka lang ba? may masakit ba sayo?" tanong nya. Hindi ko sya sinagot bagkus tumungo na lang ako at naramdaman ko na lang ang pag iinit ng mga mata ko. Hindi nakaimik si shimaru ng hindi ko sya sinagot kaya naman pag yakap na lang ang kanyang ginawa at doon ako napahagulgol.
"Wala na ang mga magulang ko. Pinatay nila ang magulang ko pati ang mga tao dito. Walang awa silang pinaslang!" sigaw ko habang panay pa din ang pag iyak ko.
"Izumi..." mahinang usal nya.
"Ang sakit sakit. Gusto ko silang patayin lahat!" Sigaw ko.
"Tama na izumi, nangyari na wala na tayong magagawa pa" pag papatigil nya.
Hindi na ako nag salita pa at umiyak na lang ako ng umiyak. Maya maya lang tumayo ako saka ko nilapitan si ama na nakahandusay sa lupa.
"Ama patawarin nyo ako at hindi ko kayo naipagtanggol ni ina. Wala man lang ako nagawa" umiiyak na usal ko. At saka ko niyakap si ama, matapos nun ay si ina naman ang sunod kong nilapitan at niyakap. Pagkatapos nun ay tumayo ako at nilapitan si shimaru na nakatayo lang sa malapit.
"Shimaru samahan mo ako. Ilibing na natin ang mga magulang ko pati na din ang mga tao dito" tumango na lang sya at nag lakad papunta sa bahay nila, maya maya lang lumabas na sya hawak ang dalawang bagay na pang bungkal sa lupa. Ibinigay nya sa akin ang dalawang bagay na yun at nag lakad papunta sa kinaroroonan ng aking ina. Binuhay nya ito at saka nag lakad papunta malapit sa bundok.
Nang matapos namin mailibing ang lahat pati na din ang mga magulang ko. Tumitig lang ako doon ng matagal habang nakayakap ang parehong braso sa katawan ko. Nililipad na din ang maitim at mahaba kong buhok dahil sa hangin na dumadaan sa akin.
"Ipinapangako ko sa inyo, ipag hihiganti ko kayo. Papatayin ko ang lahat ng pumaslang sa inyo hanggang maubos silang lahat" mahina kong usal saka pinunasan ang luhang bumagsak sa mga mata ko gamit ang kamay ko.
"Izumi tara na!" sigaw ni shimaru. Tumitig muna ako ng ilang sandali sa libingan ng mga magulang ko bago ko napagpasyang lumakad paalis.