BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG DIGMAAN SA TORETIRIM
KASAMA ni tamberow ang diyosa ng white counsel at ang mga elves na mandirigma.
Pinamunuan ng dalawa ang mga elves laban sa mga evilders, napansin ni haring thron ang dami ng mga elves na bumababa ng bundok patungo sa kanyang hanay.
Pinatunog ni haring thron ang tambuli para marinig ng kanyang kawal at hudyat na maging alisto sa pagsalakay ng mga elves.
Pinaulanan ng mga evilders ang mga elves ngunit tumama lamang iyon sa mga kalasag na gawa sa ginto,mahuhusay ang mga mandirigmang elves dahil sinanay sila ni lord airin.
"Thron!kung ako sa'yo mas pipiliin ko na lang na sumuko!"
Pakiusap ng matanda ngunit tinawanan lamang siya ni haring thron bagkos nanatili ito sa kanyang pwesto at saka inutusan ang kanyang alagad na walang ititirang buhay sa mga elves.
Nagsagupaan ang mga elves at evilders sa gitna ng malawak na lupain ng tarzanaria. Kumalat ang bangkay ng mga mandirigmang elves at evilders.
Nakiisa na rin sa labanan ang mga dwarves at mga elfs kasama na rin ang mga tao at kabalyero. Pinagkaisahan nila ang mga evilders at goblins,wala ni isang buhay na evilders ang makikitang nakabulagta sa lupa.
"Hindi!hindi!"
Pinatunog ni haring thron ang tambuling babala,isang babala kung saan kailangang umatras ang kanyang hukbo ngunit huli na ang lahat dahil ang hanay nya ay unti unti ng nauubos.
Bumagsak ang hukbo ni haring thron,isang malaking kahihiyan ang idinulot nya sa kanyang diyos. Dahil sa pagkabigo ng kanyang hukbo, nagpadala ng sulat si haring thron patungo sa nether land.
Inaasahan ng hari na darating ang hukbong ipinangako ng nether land. Bago lisanin ni haring thron ang nether land nagkaroon ng pag-uusap ang hari ng nether land at si haring thron.
"Bakit hindi maunawaan ni haring thron na ang kanyang hukbo ay mahihina at walang sariling utak!paano nya matatalo ang mga nagsama-samang mandirigma ng eurhin!paano!"
"Ang kanyang kasamaan ay unti unti ng nababalotan ng kabutihan!ang kanyang pagkatalo dito sa toretirim ay isang malaking kahihiyan para sa diyos ng teruvron tamberow!"
Nagtipon-tipon ang mga elves at mga dwarves gan'on din ang mga elfs at iba pang mga mandirigma sa harapan ng toretirim.
Mula sa malayo tanaw na tanaw ni tamberow ang pagdating ni haring thron sakay ng itim na kabayo. Mabilis na pinatatakbo ni haring thron ang kabayo patungo sa tarangkahan ng toretirim.