webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasy
Not enough ratings
49 Chs

chapter 32

Dumagondong ang lupa at naramdaman ng mga evilders ang pagyanig nito, ang tarangkahan ng toretirim ay yumanig dahil sa lakas ng pwersang paparating.

Hindi namalayan ni haring vinner gair na ang mga tao ay nasa labas na at may mga hawak na sandata nais nilang sumama sa digmaan.

Malayo pa lang ay kitang kita na ng mga dwarves at elfs at mga kabalyero ang bandila ng white Counsel, ang highest counsel ay dumating na.

"High elves! Ang high elves mula sa white counsel ay nandito!"

Kumikinang ang mga baloti nito na gawa sa ginto habang ang kanilang mga espada ay kasing haba ng kanilang katawan.

Ang kanilang mga taynga at mukha ay nababalotan ng matigas na metal na gawa sa purong ginto at pilak.

Ikinatuwa iyon ng mga elfs ngunit hindi ng dwarves dahil malaki ang galit nila sa mga elves dahil sa pangakong hindi natupad ngunit sa kabila ng kanilang hidwaan nanaig pa rin ang pagkakaisa.

"Ang salamangkero!"

"Ang mahal na diyosa!"

"Nandito sila!"

Kasama nila ang isa sa mahusay na pinuno at ang high elves of white counsel na si lady qenhrin.

Dala nya ang bandila ng white counsel habang naka sakay sa kabayong may pakpak na kulay puti.

Ang kabayong may pakpak ay may sariling pag-iisip at kaya nyang lumaban gamit ang kanyang mga paa at pagaspas ng pakpak.

Wala ng kapangyarihan ang diyosa dahil ginamit nya iyon sa kadiliman kung saan nilabanan nya ng harap-harapan si lord airin enirin. Nalagay ang buhay nya sa kamatayan ngunit hindi siya nagpadala sa takot at kahinaan bagkos ginamit nya ang natitira nyang lakas para pakawalan ang itim na mahikang sumanib sa katawan ni lord airin enirin.

Ngayon ay nagpapahinga si lord airin enirin sa malambot nitong kama na gawa sa bulak, wala na ang itm na aninong sumanib dito.

"Sayang!wala si lord airin enirin dito!" Saad ni tamberow laurhim sa diyosa ng buwan.

"Kahit wala siya alam kung mananalo tayo sa laban! Ang kanyang hukbo ay nandito at tayo ang naging kasangkapan nya upang magapi ang mga kaaway tamberow!"

"Tama! kaya't ano pa ang hinihintay natin?alam kong naiinip na si haring vinner!"

Dahan dahang naglakad pababa ng bundok ang mga elves gano'n din ang diyosa habang naka sakay sa kabayong may pakpak.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-