Umatras na ang ilang mga tauhan ni haring thron ngunit siya'y hindi nakitaan ng takot bagkos ipinagpatuloy niya ang pagsalakay patungo sa tarangkahan ng toretirim.
Nang makarating si haring thron sa harap ng tarangkahan ng toretirim isa isang pinaligiran ng mga elves ang hari. Itinutok nila ang kanilang mga espda dito,nag-iisa na lamang si haring thron.
Ngunit natawa lamang si haring thron sa ginawang aksiyon ng mga elves at ng pinuno.
"Ako si haring thron ang kanang kamay ng kadiliman!hindi magbabago ang hinaharap!!ang pagkadating niya dito sa nuhrim eartin ay nalalapit na!"
Saka itinaas nito ang aklat sa himpapawid,akmang tatagpasin niya na sana ito ngunit dinagit iyon ng isang uwak. Nawala sa mga kamay ni haring thron ang itim na aklat at napunta iyon sa itim na uwak na bigla bigla na lang lumipad sa malayo.
"Tapusin niyo na siya!"
Si tamberow at ang iba pang mga pinuno ng kani-kanilang lupain ay dahan dahang naglakad papasok ng palasyo ni haring vinner gair. Ang digmaan sa toretirim ay tapos na,nagwakas na ang buhay ng kanang kamay ng kadiliman.
Nagkaroon ng pag-uusap ang mga hari kasama ang diyosa sa hapag kainan ni haring vinner gair. Pinag-usapan nila ang tungkol sa lupain ng tarzanaria at kung paano bawiin ito.
"Patay na si haring thron!ibig sabihin nito alam na ng hukbo niya ang pagkamatay niya kaya't magtatago sila sa kung saan!" Wika ni haring vinner gair sa harap ng kunseho.
"Sang-ayon ako sa iyo!patay na ang puno at ang dahon nito'y isa isa ng maglalaglagan!" Sumang-ayon naman si haring rieuin tiriin ng andican mountain hari ng mga elfs sa sinabi ni haring vinner.
"Kung wala na silang pinuno ibig sabihin nito ang itim na lupain ay unti unti ng bumabalik sa dati!ang kanyang mga alagad ay magugutom at walang mamumuno dito!" Wika ni haring reviin sel mula randeror hari ng mga mangangabayo.
"Ngunit kailangan pa rin natin mag-ingat!lalo na't wala sa mga kamay natin ang itim na aklat!kung nasaan man ito isa lang ang ibig sabihin nito!may banta pa sa ating lupain!" Wika ng matandang salamangkero sa mga haring naroroon sa hapag kainan ni haring vinner gair.
"Magpapadala ako ng mga espiya sa itim na lupain hanggang sa makahanap tayo ng mga kasagutan! ngayong araw kailangan na nating magpahinga at ipaalala sa mga tao ang ating pagkapanalo laban sa teruvron" Saad ng diyosa,ang isa sa pinuno ng white counsel ang high elves.
"Masusunod mahal na diyosa!"
Nilisan ni tamberow at ng diyosa ang kaharian ng mga dwarves at nagtungo sila sa puting bundok ni lord airin ang white counsel o ang pinakamataas na kunseho ng mga nilalang sa nuhrim eartin.
Wala na ang sumpa sa punong diyos ngunit labis pa rin itong nagdurusa. Nagdurusa sa mga ginawa nyang kasalanan at nagsisisi kung bakit siya'y natalo ng kadiliman.
"S-sino ang nandiyan?magpakilala ka!"
Nababalisa na ang punong diyos at halos hindi na ito makatulog dahil sa mga bulong na kanyang naririnig kahit na ang kadiliman ay wala na.
"Nakalaya na siya mula sa mga kamay ng kadiliman ngunit ang kanyang puso at isipan ay hindi pa rin!mukha atang kailangan niya ng bumaba sa pagiging punong diyos ng white counsel!"
"Tamberow!Tama ka nga!hindi na siya gaya ng dati"
Dahan dahang naglakad ang dalawa patungo sa harapan ni lord airin,nakaupo sa gintong trono si lord airin habang hawak hawak niya ang kanyang korona.
"Pagbati lord of the mountain!ang punong diyos ng white counsel!"
"Lord airin! Nais ko sana-"
Natigilan ang diyosa sa sasabihin nito dahil itinaas ni lord airin ang kanyang mga kamay at bumbaba sa kanyang trono at naglakad patungo sa mesa na nasa harapan ng malawak na lupain.
Tinignan niya ang malawak na lupain ng mga elves,at ang mga bundok na napapaligiran ng mga makakapal na ulap. Natutuwa si lord airin sa mga nakikita niya.
"Wala na itim na anino ng kadiliman sa bawat bundok!ang pulang mga bandila sa bawat kaharian,lupain ay wala na rin. Nanalo nga kayo sa digmaan at natutuwa akong bumagsak na ang kanang kamay niya! Binabati ko kayo!"
Saad ni lord airin, ngunit ang dalawa ay may hindi magandang nakita sa punong diyos. May nais itong sabihin at hindi iyon magandang pakinggan.
"Ako ang diyos ng mga bundok, punong diyos ng white counsel at ang kataas-taasang elves sa ating lahi!ipapahayag ko sa unang araw ng ram (pebrero)ang aking huling mga salita!"
Saka naglakad pabalik sa kanyang trono si lord airin at saka hinawakang muli ang korona at isinuot sa kanyang ulo.
-BATTLE OF TWO KINGDOM-