Now playing: Walang Iba Pero Di Na Ikaw
Jema POV
Malakas na tunog ng sound system ang maririnig kaagad pagpasok pa lamang dito sa loob ng isang Lesbian Bar. Mga hiyawan, tawanan at asaran ng mga magkakaibigan. Isama mo na rin ang mga pa simpleng halikan at pag mamake out ng mga nag momoment na couples.
Napa tirik ako ng disoras ng aking mata atsaka napailing na nagbawi ng tingin mula sa mga ito.
Tss! Magbebreak din kayo! May pagka bitter na sambit ko sa aking sarili.
I approached the counter bar and sat there for a while. Kaagad na lumapit sa akin ang isang may medyo kaputian at may kahabaan na buhok na barista na babae. Malawak ang mga ngiti nito habang nagnining-ning pa ang mga mata nang tuluyang mapahinto sa aking harapan atsaka ako binigyan ng isang nakakatindig balahibo na kindat. Napa ngisi na lamang ako atsaka huminge sa kanya ng isang baso ng Margarita.
Mabilis niya iyong ibinigay sa akin. Sabay may pa simpleng hawak at hagod pa sa aking braso. Ngunit hindi ko siya pinansin at kaagad na nilagok ang alak na nasa baso.
Napapikit ako noong sandaling naramdaman ko ang mainit na likido ng alak na dumadaloy sa aking lalamunan. Sandali akong napa tingin sa may entrance dahil baka dumating na si Rae. Ang babaeng kikitain ko ngayong gabi. Sanay naman kasi sa mga sikat na tao o celebrities ang mga taong dumadayo sa bar na ito, kaya hindi ko naman na siguro kailangang problemahin pa kung pagkakaguluhan ba siya ng mga ito, hindi ba?
Ngunit iba yata ang taong inaasahan kong makita ngayon. She was wearing a ripped jeans, V-neck T-shirt and a rubber shoes on the bottom. Nagpapalinga-linga ito sa paligid na parang isang bata na naligaw lamang dito sa bar. Cute!
Awtomatikong sumilay ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan siya sa malayo at tumatama pa sa mukha nito ang disco light na nagmumula sa may dance floor.
Ngunit sing bilis din ni Flash na naglaho ang mga ngiti ko ng mamataan si Ponggay na naka tayo sa kanyang likuran. Bakit hindi ko siya kaagad na napansin kanina?
Sandali ko pa silang pinagmasdan hanggang sa humiwalay sa kanya si Ponggay at nag tungo sa kabilang direksyon. Mabilis na napa iwas ako ng tingin ng bigla itong napa tingin sa akin at nagtama ang aming mga mata.
"Shit!" Kumakabog ang dibdib na mura ko sa aking sarili. Agad akong napa tingin sa abala na ngayon na barista.
"Can I have two more glasses of margarita?"
Mabilis naman niya iyong naibigay sa akin. Kalalapag pa lamang nito ng pangalawang baso sa aking harapan ng mabilis ang kamay na kinuha ko ito at muling nilagok ng tuluyan hanggang sa maubos.
Napapanganga ito habang napapatingin sa akin. "Whoa! Cool." Komento niya habang nag nining-ning pa ang mga mata.
"Broken hearted?" May pang-aasar na wika nito sa akin bago napa ngisi. Inilapit nito ang kanyang mukha atsaka may ibubulong na sana nang biglang may magsalita mula sa aking likuran.
"Jema?" Boses pa lamang nito parang nanghihina na ang mga tuhod ko. Hayyyy. Nakakamiss talaga itong taong 'to.
Napa tingin sa kanya si Trisha, ang pangalan ng barista. Don't get me wrong guys, of course, alam ko ang pangalan niya dahil nasa nameplate niya.
"Mukhang may magkakabalikan na ha." Malokong komento niya. "See you around guys!" Sabay talikod na sabi nito sa akin. Ako naman, hindi ko alam kung haharap na ba ako kay Deanna o mananatiling naka talikod sa lamang.
"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" Bungad nito sa akin atsaka ako hinila sa may gilid ng bar, sa may parteng madilim. Sakto lang na nagkakakitaan parin kami ng mukha.
Hindi ako kaagad naka sagot dahil sa biglang panghihilo. Kainis kasi na alak 'yon. Bakit ang lakas naman yata ng tama?
"Nakikinig ka ba?" Muling pukaw nito sa aking atensyon. Doon ko lamang muling narealize na nasa harapan ko nga pala si Deanna. Hays! Lasing na ba ako? Agad-agad?
Sinubukan kong mag concentrate at labanan ang nararamdaman na panghihilo.
"Bakit ka ba kasi nandito?" Walang kagana-gana na tanong ko sa kanya. Kunwari lang wala akong pake.
Tinignan lamang ako nito ng diretso sa aking mga mata bago muling nagsalita. "Wala ka na bang ibang gustong gawin sa buhay kung hindi ang maging ganito?"
Bigla akong nakaramdam ng pagkainis dahil sa katanungan niya. What the hell? Seryoso ba siya? Bakit umaakto siya ngayon na parang hindi alam ang mga nangyari?
Napa hinga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili bago muling nagsalita.
"Ano ba talagang dahilan bakit ka nandito? Nananahimik na ako Deanna. Please lang." Inis na sagot ko sa kanya. "Bakit? Pag sinabi ko ba sayo 'yong gusto ko, magagawa mo?" Tanong ko pa.
"I bet, you can't. Dahil kung meron man akong isang hiling ngayon, 'yon ay ang maging akin ka ulit kahit sandali, Deanna." Sinasabi ko ang mga iyon habang naka tingin ng ditetso sa kanyang mga mata.
"Pero alam kong...ikaw mismo ayaw mo ng manyari yon." Bago ako muling napaiwas ng tingin at napatingin sa malayo. Nakakainis lang. Ang rupok ko parin pagdating sa kanya.
Kahit na anong galit pa ang nararamdaman ko, napapawi lahat ng iyon basta nandiyan na siya.
"Lumayo ka Jema." Panimula nito.
"Ni hindi kita mahagilap kung nasaan ka. Sa loob ng halos isang buwan, araw-araw umaasa akong magiging maayos tayo, na magkaka-usap tayo pero pagkatapos ng klase ang bilis mong mawala na parang bola. Tudo iwas ka sa akin na para akong may isang sakit na nakakahawa. Ngayon sabihin mo sa akin, nasaan ka noong mga panahon na kailangan kita?"
"Lumayo lang ako, oo. Pero hindi 'non kayang burahin 'yong nararamdaman ko para sayo." Napalunok ako bago napa iling. Alam ko kasing wala na namang patutunguhan itong pag-uusap at pagkikita namin kagaya noong nakaraang araw.
"Masama bang dumistansya sandali para makahinga? Lumayo ako dahil umaasa ako na hahabulin mo' ko Deanna, pero hindi 'yon nangyari. Hinahayaan mo na sa bawat pagtalikod ko sayo pinanonood mo lang ako habang nakatingin ka naman sa akin papalayo. Habang unti-unti mong hinahayaan na maglaho ako sa buhay mo."
Napangiti ako ng mapakla. Nakalimutan kong, siya nga pala si Deanna.
Mahal daw ako pero mas piniling ipagtulakan ako papalayo.
Hindi na ito muli pang nakapag salita hanggang sa may narinig na lamang akong mga nagtilian at naging maingay na ang mga tao sa paligid. Kaya alam kong dumating na ang hinihintay ko kanina pa.
"Hey, sorry I'm late." It's Rae. My not so special friend. Masyado kasing busy kaya once in a blue moon lang kami kung magkita at magkasama.
Nagkakilala kami nito noong mga panahong dinala ako ni daddy sa Baguio, sa isang Farm na punong-puno ng iba't ibang mga bulaklak, na hindi ko alam eh pagmamay-ari pala ng pamilya nina Rae.
They had a shoot there in those days. I wondered at first who she was, because I didn't like watching TV at all and didn't like watching Celebrity concerts. Kaya hindi ko kaagad ito na recognize. Ang buong akala ko pa nga noong una ay isa lamang itong normal na babae, hindi ko alam...isa pala siyang sikat na singer.
"Uhmmm...Deanns what would you prefer beer or---" Gulat na napa tingin sa aming lahat si Ponggay bago napa hinto sa kanyang pagsasalita. Habang nanlalaki naman ang mga matang napa titig kay Rae.
"Holy shit! Rae Lewis? As in, the famous Rae Lewis?!" Hindi maka paniwalang tanong nito bago napa takip ng kanyang bibig.
Tss!
Natawa ng mahina si Rae bago inilahad ang kanyang kamay. "The one and only." Agad iyong tinangap ni Ponggay bago nakipag kamay.
Pansin ko na nakatitig lamang sa akin si Deanna at hindi man lamang nag abalang mapatingin sa ibang direksyon. Nawewerduhan na napa iwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha atsaka napa tikhim.
Humakbang ito ng isang beses papalapit sa akin. Ibinuka nito ang kanyang mga labi ngunit walang ano mang salita ang lumabas mula roon. When she was about to speak, Rae returned her attention to me.
"Let's go? They must have been waiting for us." Pagpapaalala nito sa akin. Which I almost forgot.
Hindi sinasadya na napakapit sa likod ng aking balakang si Rae. Normal lang naman sa akin iyon dahil wala naman talagang malisya, isa pa, sanay naman na ako sa pagiging clingy nito sa kahit na sinong tao.
Agad na napansin ko ang pag-iiba ng mukha ni Deanna habang naka tingin sa mga kamay ni Rae na nakahawak sa akin. Dahil doon ay isang ideya ang pumasok sa aking isipan. Pasimple akong napakapit sa braso ni Rae bago ito nginitian ng pagkatamis tamis.
"Sure! Let's go?" Pagpayag ko sa kanya.
Hindi ko alam kung matalino lang ba talaga si Rae o sadyang maloko rin minsan na katulad ko. Agad nitong nakuha ang ibig kong sabihin sa aking ginagawa kaya naman, napa tingin ito sa nagseselos na si Deanna.
Sana nga nagseselos. Tuyo ng aking isipan.
"And you must be..Deanna." Napa ngiting bigkas nito kay Deanns. Kusang gumuhit ang simpleng ngiti sa aking mga labi ng makita ko kung paano siya napalunok. "Jema's sister, right?" Dagdag pa ni Rae.
Hindi makasagot si Deanna at napapatitig lamang ng malalim kay Rae. Iyong titig na mayroong ibig sabihin.
"I'm sorry but can I borrow your sister for a moment?" Pagpapaalam na tanong nito kay Deanna.
"Don't worry, I'll take good care of her. We have to do something for a while and she'll definitely enjoy it." Mapang-asar at may halong kahulugan na dagdag pa ni Rae atsaka ito napa kagat ng kanyang labi dahilan upang mas lalong mapakunot ng noo si Deanna.
Hahahaha. Cute!
Ops! Labas ako dyan. Natatawang sabi ko sa aking sarili dahil sa totoo lang, gusto ko ng matawa sa sa kanyang itsura ngayon. Hinawakan ako ni Rae sa aking braso atsaka walang sabi na iginaya na papunta kung saan naghihintay sina Alyssa.
Oo, kilala rin ng mga ito si Rae dahil batchmate sila noong Elementary at noong hindi pa pinapasok ni Rae ang showbiz. Ang galing ng tadhana, hindi ba?
As I walked away from Deanna, all I could see in her eyes was hurt. Isa lang naman ang gusto kong mangyari at gawin nito para sa akin sa mga sandaling ito eh. Iyon ay ang habulin niya ako at agawin ang mga kamay ko mula sa mahigpit na pagkakakapit ni Rae.
But why do I even wish for something impossible to happen? Even though I turned away from her several times as she watched, she would never chase me. And that's the reality. Bakit? Dahil para sa kanya, dito lamang ako sasaya. Sa bagay na pareho naman kaming nagdurusa.
And it sucks! Iyong alam mong tinitignan ka naman niya papalayo pero wala parin siyang ginagawa na paraan para manatili ka.
Of course, I have no choice but to accept everything. To pretend that everything is okay, that I am okay and I'm happy for her decisions.
Siguro naman, matatanggap ko rin naman talaga ng tuluyan ang lahat pagdating ng tamang panahon. Baka nga sa una lang mahirap ang lahat. Lalo na sa pagmomove on. Sa una lang akala mo hindi mo kayang mabuhay ng wala siya, kung hindi na siya ang mamahalin mo at hindi na rin ikaw ang mamahalin niya. Pero sa totoo lang, kaya naman talaga eh. Kaya naman talaga mabuhay ng wala ang isa't isa. Kailangan lang magpakatatag.
Iyong tipo na wala ng halong sakit sa mga susunod na pagkikita. Iyong kapag tinignan ko siya at magkakasama na kaming muli, wala ng halong malisya, ganoon din ito sa akin. Balang araw, magtititigan kami at ngingitian namin ang isa't isa ng wala ng nararamdaman pa.