Ang mga nakapaligid kay Ye Song ay hindi alam kung ano ang kanilang magiging reaksyon sa kanyang sinabi kaya hindi na lang sila umimik.
Kahit na nagtataka rin sila tungkol dito, hindi nila masabi ang kanilang opinyon dahil natatakot silang ma-disqualify o ma-ban kung hindi nila igagalang ang mga awtoridad sa bayan ng Everest.
Nang marinig ng Instructor ang sinabi ni Ye Song, naging malamig ang Kanyang ekspresyon.
"Bakit namin iintindihin ang mga taong wala naman inaambag upang protektahan ang bayan? Ang ginagawa lang nila ay maghintay para sa libreng tanghalian araw-araw at wala nang iba pa"
Tinitigan niya si Ye Song ng masama at nagpatuloy sa kanyang pagsasalita.
"Bakit namin sasayangin ang limitadong mapagkukunan ng pagkain para sa kanila? magpasalamat nga sila at naaabutan sila araw-araw kahit nakatayo lang sila buong maghapon sa labas. mas mainam na unahin ang mga chosen dahil sila ang makakapagtanggol sa atin laban sa pagsalakay ng mga halimaw"
"Iyon ang dahilan kung bakit ginagawa namin ang ganitong uri ng pagsubok upang mabago ang kapalaran ng mga karaniwang tao sa labas ng bayan, Kung sila man ay mapatay habang hindi sila nag e-evolve ay mas mabuti para sa amin dahil mas marami kaming pagkain na maibibigay para sa mga chosen"
"Ang mga chosen ay ang hinaharap. kung ang mga tao sa labas ay hindi nag evolve, eh di mabulok sila doon at hintayin hanggang sa kainin sila ng mga halimaw!"
"Bang!" isang malakas na pagsabog ang narinig sa loob ng base camp sa labas ng Everest Town. hindi na nakayanan pa ni Ye Song ang galit at hinampas ang lamesa dahilan kung bakit ito nagkawasak-wasak.
Ang insulto ng instructor ay hindi niya kinaya. mga tao din katulad nila ang mga nasa labas ng bayan pero sa halip na magtulungan ang bawat isa, gusto nilang mamatay ang mga tao sa labas para lamang magkaroon ng mas maraming pagkain ang mga chosen.
"Kung ang pagiging isang chosen ay kailangan balewalain ang mga ordinaryong tao upang mamuhay ng isang marangyang buhay, hindi na ko magiging isa tang ina niyo!"
Nagulat ang lahat kay Ye Song nang makita nilang wasakin niya ang mesa at murahin ang instructor.
Hindi sila makapaniwala na may isang taong gagawa nito!
Ang hindi paggalang sa opisyal ng Everest Town!
Sa sandaling nakita nila ang mesa ay nawasak, lahat sila ay may isang bagay sa isip.
"Tapos na siya"
Walang tao ang gagawa ng ginawa niya sa harap ng instructor dahil kailangan nila ang rasyon na ibinibigay araw-araw upang mabuhay.
Kung pinagbawalan ka sa rasyon, kailangan mong maghanap ng sarili mong pagkain. Dahil sa panganib na dulot ng mga halimaw, marami ang umaasa na lamang sa binibigay na rasyon ng bayan.
Kaya naman dahil dito, walang sinuman ang naglalakas-loob na bastusin ang mga opisyal ng Everest.
Nakatitig pa rin sa kanya ang Instructor at sinabi.
"Walang pumipilit sa iyo na sumali dito! pumunta ka rito dahil gusto mong maging chosen kaya bakit ka nagkakaganito ngayon? nagpunta ka dito dahil gusto mo rin ng komportableng buhay, di ba?"
"Anong kalokohan ang sinusubukan mong sabihin ngayon?" pinagsabihan siya ng instructor.
Tumawa ng malakas si Ye Song nang marinig niya ang sinabi sa kanya ng instructor.
"Oo, tama ka. dati, nais kong maging isang chosen dahil nais kong baguhin ang buhay ko at ng aking pamilya. ngunit pagkatapos kong marinig ang sinabi mo, nagbago ang isip ko"
"Ayoko nang sumali!" Sigaw ni Ye Song.
Patuloy na tinitigan ng malamig ni Ye Song ang instructor at sinabi.
"Magpasalamat ka na hindi ka halimaw, napakaswerte mo na hindi ka halimaw.. hindi ko kukunin ang nakakaawa mong buhay para sa sangkatauhan. kung hindi lang nauubos ang mga tao, hindi ka na makakatayo dito sa harapan ko"
Tumawa ng malakas ang Instructor nang marinig niya ang sinabi ni Ye Song. tumawa siya hanggang sa lumabas ang kanyang luha dahil ito ang pinaka nakakatawa na narinig niya sa buong buhay niya!
"Ye Song ang pangalan mo di ba? Okay, salamat sa pag bibigay awa sa akin haha! oh, siya nga pala. ikaw at ang pamilya mo ay ban na sa rasyon mula ngayon! Good luck sa paghahanap ng pagkain hahahaha!" sinabi ng Instructor habang tinatawanan siya.
Hindi na nag-abala pa si Ye Song sa pakikipag-usap sa Instructor at lumabas na siya ng gusali. hindi sulit ang kanyang oras upang ipagpatuloy pa ang pakikipagtalo sa isang sarado ang isip.
"Siguraduhin niyo na maaalala niyo ang kanyang mukha at sabihin sa bawat guwardiya na siya ay pinagbabawalan na sa rasyon. Lintik na bata, ang alam mo lang ay maging invisible tapos mayroon ka pa ring lakas ng loob na magsalita ng malaki sa harap ko".
Ang Instructor ay nagpatuloy ng pagsasabi ng mga panlalait na salita habang si Ye Song ay naglalakad palabas ng gusali.
Nang makita ni Tango si Ye Song na palabas ng gusali ay naguluhan ito dahil alam niya na matagal ang pagkuha ng test upang maging chosen kaya naman nilapitan niya ito at tinanong.
"Ano ang nangyari, tapos na ba ang test?"
"Hindi, nagbago na ang isip ko. hindi na ako sasali sa Freedom Guild" sagot ni Ye Song.
Nagulat si Tango nang marinig niya si Ye Song. hindi siya makapaniwalang ayaw ng batang ito na maging isang chosen.
"Hindi kami parehas ng pananaw ng Instructor kaya umalis ako dahil hindi ako sang-ayon sa kanya"
"Ahh, ano na ang gagawin mo ngayon bata?"
"Hindi ko alam, kailangan ko munang umuwi at sabihin sa aking pamilya na hindi na kami makakakuha ng anumang rasyon mula ngayon"
"Na-ban ka sa rasyon?!" laking gulat ni Tango.
Tumango lamang si Ye Song sa kanya at patuloy na lumakad papalayo sa bayan.
Habang si Tango ay tulala, narinig niya na nagsalita si Ye Song.
"Salamat sa pagtulong mo sa akin"
Si Tango ay walang sinabi at tiningnan lamang si Ye Song nang may isang kumplikadong itsura.
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!