webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasy
Not enough ratings
86 Chs

Sikreto ng mga halimaw!

"Mayroong dalawampung bayan sa paligid ng Freedom Land. hindi ko alam kung ilang chosens ang meron sila pero sa tingin ko ay magkakaparehas lang ang dami ng bawat bayan. pwede mong upgrade ang iyong skill na nakuha pagkatapos mong mag evolve sa pamamagitan ng orb na nakukuha galing sa monster. pwede mong i-absorb ito upang i-evolve ang iyong abilidad"

Habang nakikinig sila ay hindi nila mapigilan ang magulat dahil sa mga sinabi ng instructor. kinabisa nila ito upang magamit sa hinaharap kung sakali. habang patuloy silang nakikinig, ang sumunod na sinabi ng instructor ay tumatak sa kanilang mga pag iisip!

"Ngunit habang maaari nating baguhin ang ating kakayahan gamit ang orb na hinuhulog nila, ang mga halimaw ay ginagawa ang parehong bagay sa atin. ang dahilan ng pagsakop nila sa ating mundo ay upang mag evolve sila sa pamamagitan ng pagkain sa mga tao dahil meron silang ambisyon na sakupin ang buong kalawakan at tayo ang unang hakbang nila patungo sa kanilang dominasyon!"

Magmula dito ay nagbago ang pagsasalita ng instructor. naging seryoso at detalyado ang kanyang mga sinasabi upang mas lalong maintindihan ng mga sumusubok maging chosen kung ano ang kanilang papasukin.

Ang mga nakikinig ay walang nagawa kung hindi mapalunok na lang ng kanilang laway dahil sa nerbiyos.

"Ang mga halimaw ay nagtayo ng mga dungeon dito sa ating mundo na tinatawag nilang base camp, teritoryo at iba pa. nakakalat ito sa buong mundo at dahil dito ay nahihirapan kaming kunin ang mga lugar na kanilang sinakop"

"Kung gusto niyong tumaas ang inyong rank ay kailangan niyong i-raid ang mga dungeon o mag hunt ng mga halimaw upang i-absorb ang kanilang crystal. marami kayong dungeon na pwedeng piliin. mula sa Rank F hanggang sa mga Rank S na dungeon depende sa inyong abilidad"

"Ayon sa aming pananaliksik sa mga dungeon, ang boss ng isang dungeon ay mas mataas ang rank kaysa sa dungeon na pinamamahalaan nito at bago ka makapasok sa kanilang teritoryo ay kailangan mong kalabanin ang daan-daang halimaw na nakabantay doon"

"Ito ang nakalap namin impormasyon ngunit hindi pa ito tiyak na eksatong bilang ng mga halimaw. marami ang pwedeng mangyari sa isang dungeon"

[On Rank F dungeon = 1 Rank E boss monster, hundreds of Rank F monster.]

[On Rank E dungeon = 1 Rank D boss monster, hundreds of Rank E and F monsters.]

[On Rank D dungeon = 1 Rank C boss monster, 2 Rank D generals, hundreds of Rank E and F monsters.]

[On Rank C dungeon = 1 Rank B boss monster, 3 Rank C generals, hundreds of Rank D, E and F monsters.]

[On Rank B dungeon = 1 Rank A boss monster, 5 Rank B generals, hundreds of Rank C, D, E and F monsters.]

[On Rank A dungeon = 1 Rank S boss monster, 10 Rank A generals, hundreds of Rank B, C, D, E and F monster.]

[On Rank S dungeon = 1 Rank God Level boss monster, 4 Rank S generals, 20 Rank A Leaders hundreds of Rank B, C, D, E and F monsters.]

[God Level Dungeon = No Information]

"Itong nakalagay sa screen ay base lamang sa mga ginawang pagsalakay ng ating mga magigiting na chosens. sinakripisyo nila ang kanilang buhay upang makakalap ng impormasyon tungkol sa mga halimaw"

"Pwede niyo rin pataasin ang inyong rank sa pamamagitan ng pag hunt sa monster, paggawa ng mga quest o pag konsumo ng mga monster orb. Kung makakuha kayo ng monster orb na hindi niyo magamit dahil hindi angkop o mas mababa sa inyong rank, pwede niyo itong i-submit sa Freedom Guild at mabibigyan kayo ng puntos para sa inyong sunod na level"

"Kung gusto mo naman sumalakay ng dungeon o base ng halimaw, kailangan mo bumuo ng party o kung kaya mo solohin ay mapupunta sayo lahat ng puntos nito. Basta ibigay niyo sa Freedom Guild ang mga loots na inyong nakuha, babayaran kayo nito"

"Meron ba kayong tanong?"

Nagtinginan ang bawat isa dahil sa biglang pagkasabi ng instructor pero mabilis naman silang naka-recover at ang isa sa mga kumukuha ng test para maging chosen ay nagtaas ng kanyang kamay.

"Bakit meron lang tayo na tatlong Rank S?"

"Dahil sa pagsakop ng mga halimaw ay tatlo na lang ang natirang Rank S sa ating bayan ngunit kahit na meron na lamang tayong tatlong Rank S, sila ang pinakamalakas sa Freedom Land. Katumbas nila ang ibang boss level monster at marahil pwede rin silang ikumpara sa ibang god level monster. Sila ang mga unang nag evolve habang sinasakop ng mga halimaw ang ating mundo kaya naman sila ang pangunahing priyoridad ng Freedom Land"

Isa pang kumukuha ng test ang nagtaas ng kamay.

"Mahirap ba talagang patayin ang mga halimaw?"

"Hindi, depende ito sa rank na iyong kinakalaban. kung mataas ang rank mo sa monster na kaharap mo ay madali mo itong matatalo. nakadepende ito lahat sa rank kaya naman importante na matukoy ang inyong rank upang mas mataas na tsansa niyo na mabuhay"

"Sa pagbagsak ng sangkatauhan, kailangan natin ng maraming tao hangga't maaari upang makalaban tayo kung sakaling buong puwersang umatake ang mga halimaw sa kanilang pagsalakay!"

Nang marinig ni Ye Song ang sagot ng instructor sa tinanong ng isang kasama niya ay kumunot ang kanyang noo at tinaas ang kanyang kamay.

"Sabi mo "kailangan natin ng maraming tao hangga't maaari" tama? nalilito ako kasi kung kailangan niyo ng mga tao, bakit maraming tao ang nakatira sa labas ng bayan kung saan hindi nila alam kung kailan darating ang panganib? tinatawag niyo itong bayan ng Freedom Land pero mas muka itong bayan na tinayo para sa mga chosen"

Sa puntong ito ay nagtaas ng kilay ang instructor nang marinig niya ang sinasabi ni Ye Song. napansin ito ni Ye Song ngunit pinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pagsasalita.

"Kung nagmamalasakit talaga kayo sa mga tao, bakit marami ang nag iintay sa labas mabigyan lang ng isang tinapay at isang hiwa ng karne habang ang mga chosen sa loob ng bayan ay namumuhay na para bang sila ay nasa 5-star hotel?"

Nagulat ang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Ye Song sa instructor.

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts