Nang dumating si Ye Song sa kanilang bahay, nag dalawang isip ito nang kaunti bago tuluyang nakapag desisyon na sabihin sa kanyang ang pamilya ang nangyari.
Sinabi niya sa kanyang ina ang lahat ng mga nangyari sa kanya sa nakalipas na araw. nang siya ay mag evolve, kung paano niya tinanggihan ang pagiging chosen at kung paano siya na-ban sa rasyon.
Nabigla si Yuna sa mga sinabi ni Ye Song ngunit nang makita niya ang kanyang anak na nagkokonsensya ay ngumiti ito at sinabi sa kanya.
"Ayos lang, alam kong may mabuting dahilan ka kung bakit mo nagawa iyon. lahat ng ginagawa mo ay susuportahan ko"
Namula ang mga mata ni Ye Song nang marinig niya ito, nakaramdam siya ng init ng kanyang puso at sinabi sa kanyang ina.
"Salamat ma, hindi ko lang talaga kaya. hindi ko kayang talikuran ang mga taong tumulong sa atin noon. tinulungan nila tayo noong walang tumutulong sa atin at kung tinanggap ko ang kundisyon para maging chosen ay bababa ang tingin ko sa aking sarili dahil sa hindi pagtanaw ng utang na loob. poprotektahan ko na lang ang lugar na ito bilang kapalit. mag-iisip ako ng paraan upang makakuha ng pagkain at makahanap ng isang mas angkop na lugar na matitirhan ng mga taga rito para matulungan ang mga tagabaryo na magkaroon ng mas mabuting buhay"
"Sige, Gawin mo ang gusto mong gawin" ngumiti si Yuna habang nakatingin sa kanyang anak na lumaki na.
-
Matapos malutas ang sitwasyon sa kanyang ina, tumungo si Ye Song pabalik sa kagubatan kung saan iniwan niya si Ahoka upang ipagpatuloy ang pagtaas ng kanyang level.
Medyo nag-aalala siya kung may nangyari na sa matabang hamster na iyon. naglibot-libot siya sa paligid ng kagubatan at di nagtagal ay nakarinig siya ng ingay malapit sa kanyang kinatatayuan.
Lumakad siya patungo doon at habang siya ay papalapit ay may narinig siyang kumakanta.
Nang siya ay makarating sa lugar kung saan niya narinig ang mga kumakanta, nagulat siya sa kanyang nakita at hindi niya maisara ang kanyang bibig sa mahabang panahon.
Nakita ni Ye Song ang isang hamster at apat na penguin na kumakanta ng isang rap.
Ahoka: I'm beginning to feel like a Rat God
Penguins: Rat God!
Ahoka: All my people from the front to the back nod
Penguins: back nod! back nod!
Ang mga penguin ay sabay na tumutugon habang ang malaking hamster ay umaawit.
Ang apat na penguin na ito ay mukhang bihasang mga sundalo batay sa kanilang pustura. ang kanilang mga katawan ay puti at may madilim na berdeng kulay sa halip na karaniwang puti at itim na kulay na mayroon ang mga normal na penguin.
Puti ang kanilang buong harapan habang ang kanilang likod ay natakpan ng maitim na berde at nakatayo sila sa isang hilera habang nakatingin sa malaking hamster na kumakanta.
"Ahoka?" nalilitong pagkasabi ni Ye Song.
"Hmm? master!"
Tumalikod si Ahoka upang tignan kung sino ang tumawag sa kanya at nang makita niya si Ye Song ay masayang tumalon ito at lumakad palapit sa kanya habang ang apat na penguin ay nakasunod sa kanyang likuran.
Tiningnan ni Ye Song ang malaking tiyan ni Ahoka na tumatalbog sa harap niya at nagsimulang sumakit ang kanyang ulo.
Sinubukan niyang kalimutan ang mga nasaksihan niya kanina at ginamit ang [Inspect] upang makita ang kanyang status.
[Ahoka LV.20]
Rat God Celestial Beast
Type: Pet
-STATUS-
Skill:
[Sonic Claw LV.3] - Deals a high speed claw attack to one target.
[Petrify Attack LV.3] - make enemy so frightened that they are unable to move or think when you attack.
[Unlocked at LV.30]
[Unlocked at LV.40]
[Unlocked at LV.50]
...
...
HP: 19,250
MP: 1,675
STR: 902
VIT: 598
DEX: 765
AGI: 987
INT: 125
LUK: 8
TITLES:
Rat God
Cute and Cuddly
"Master, hindi ako nagpahinga at ginawa ang lahat upang itaas ang aking lakas!" tumayo si Ahoka ng tuwid at tinaas ang kanyang baba matapos niyang sabihin ito. ang kanyang pisngi ay nakaumbok na parang isang chipmunk at ang taba niya sa tiyan ay buong nakalantad nang siya ay tumayo.
Nasiyahan siya sa kanyang nagawa at nais niyang bigyan siya ng papuri ni Ye Song para sa pagkumpleto ng gawaing kanyang itinalaga.
"Level 20 lang at ganyan ka na agad"
Nakatingin si Ye Song sa malaking tiyan ni Ahoka sa harap niya at ilang saglit lang ay napansin niya ang apat na hindi pangkaraniwang mga penguin na nakatayo sa isang hilera sa tabi ni Ahoka.
Lumapit siya ng kaunti upang suriin ang mga ito.
Nang mapansin ni Ahoka na nakatingin si Ye Song sa mga penguin ay masaya niyang pinakilala ito sa kanya.
"Master! Ito ang mga tagasunod ko!"
Muntik nang matumba si Ye Song ng marinig niya ang sinabi ng malaking tiyan na si Ahoka. nakatulala pa rin siya nang marinig niya ang isa sa mga penguin na may mapanlinlang o sly na mukha na nagsalita.
"Pagbati sayo, kakaibang nilalang na tinatawag na tao. ako si Kuchi ang pinuno ng mga Penguin Commandos"
Itinaas ni Kuchi ang mala-flipper niyang pakpak at nag-alok ng handshake kay Ye Song.
Madaling tinanggap ni Ye Song ang pag handshake sa penguin at sinabi habang siya ay tulala na tinitingnan ito.
"Y-Yeah, nice to meet you .. E-Eh?! anong Penguin Commandos?"
"Ang Penguin Commandos ay isang yunit ng mga sundalo na espesyal na sinanay upang magsagawa ng pagsalakay"
"Huh!?" hindi makapaniwala si Ye Song sa kanyang naririnig.
"Mga sundalo na espesyal na sinanay upang magsagawa ng mga pagsalakay? ang astig naman!" sinabi niya sa kanyang sarili.
Pagkatapos ay tiningnan niya ang tatlong iba pang mga penguin.
Ang isa ay may matalinong itsura sa kanyang mukha, sa isang tingin lang ay masasabi mo na siya ang utak ng pangkat.
Ang isa ay cute at cuddly, pakiramdam mo na nais mong ibalik ito sa iyong bahay.
At ang huli ay mukhang isang terorista dahil mayroon siyang mga granada sa kanyang katawan.
Ang apat na penguin ay maraming pagkakatulad. kahit na ang kulay ng kanilang mga balahibo ay pareho maliban sa kanilang mga mukha.
Nang makita ni Kuchi ang titig ni Ye Song na nakatuon sa tatlong penguin, ipinakilala niya ito sa kanya.
"Ito ang aking mga subordinates, kakaibang nilalang na tinatawag na tao. ang mukang matalino na penguin ay si Richi, siya ang namumuno sa aming mga taktika kapag sumasalakay"
Richi: Kumusta, ayon sa aking mga kalkulasyon ikaw ay isang malaking pervert.
"Ang penguin na mukang terorista ay si Hachi"
Hachi: Me boom! me likey!
"At ang huli ay si Pochi, well .... siya ang namumuno sa pagiging cute"
Pochi: Teehee :P
Napatulala si Ye Song sa kanyang nasasaksihan. hindi niya inaasahan na magkakaroon ng mga tagasunod ang malaking tiyan na hamster na si Ahoka. habang siya ay wala sa kanyang katinuan ay narinig niya ang sinabi ni Ahoka at nagbigay ito ng karagdagang gulat na may halong excitement sa kanyang puso.
Like it ? Add to library!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!