webnovel

INTERCOLLEGIATE FOURTEEN

Paano kung kayo ay magkakakumpitensya sa iisang unibersidad? Magkakalaban? At magkakaiba ang personalidad na ipinasok sa isang bahay upang magkaisa sa iisang layunin. May mag-aaway pa ba? May magkakasundo na ba? At may mabubuo na bang..... PAG-IBIG?

JhaeAnn_16 · 青春言情
分數不夠
46 Chs

TWENTY SEVEN

 

 

(Tierro Nueve, St. Anne University Compound)

 

(Samantha's POV)

PAGKAALIS nila Lolo Tirso at Lolo Eddie ay napatulala na lang akong napatingin sa kawalan...dahil sa hindi inaasahang pangyayaring gumimbal sa buhay ko.

Ikakasal na ako.

 

 

At kung kanino? 

 

KAY KUYA KURT.

Habang paulit-ulit na sumisingit sa isipan ko ang tungkol sa fixed marriage ko kay Kuya Kurt ay biglang nagsalita si Kuya Kurt.

"S-Sam..." ang tawag nila sa akin.

"B-bakit po?" ang gulat na tanong ko sa kanila.

"I'm sorry."

 

 

"Sorry? Sorry po saan?" ang nagtatakang tanong ko sa kanila.

Lumapit sa akin si Kuya at inakbayan niya ako. 

"Sorry...dahil nasuot ka sa ganitong sitwasyon. Na hindi mo na mahahanap pa ang right choice mo nang dahil sa akin. Sam...hindi ako ang may pakana ng lahat ng ito...maski nga ako ay nagulat dahil bigla tayong ikakasal sa isa't isa. Pero Sam...oras na naging mag-asawa na tayo...gagawin ko ang lahat para lang mapabuti ang kinabukasan mo sa akin. Sam...handa akong isakripisyo ang lahat...ang lahat lahat..." and I saw he catch his breath. "DAHIL MAHAL KITA. SAMANTHA...MAHAL KITA...MAHAL NA MAHAL KITA...NOON PA MAN."

THAT SHOCKS ME.

 

 

Totoo ba ang lahat ng mga narinig ko?!

 

 

AKO NA SI SAMANTHA NICOLE BUMATAY....

 

MAHAL NI KURT DE TORRE?!!

 

"K-Kuya...b-binibiro nyo naman po yata ako eh..." ang medyo nangangatog kong sabi pero mas nangatog ako sa sobrang gulat nang umiling-iling si Kuya...that means...seryoso siya sa mga sinasabi niya.

"B-bakit ako pa? Tsaka...k-kailan nyo pa po ako...m-mi-minahal?" ang uutal-utal sa gulat kong tanong sa kanila habang nag-ii-skipbeat ang puso ko sa sobrang gulat.....at kilig.

"Sam...I love you...eversince. And I'm willing to spend the rest of my life with you. Sam...pinangarap ko na balang-araw...ay maging tayo...para mapatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal. Ayoko sanang biglain ka sa mga sinabi ko...pero hindi ko na napigilan eh...kasi nangako ako sa mga lolo natin na aalagaan kita...na mamahalin kita...at bubuo tayo ng isang masayang pamilya. Ikaw ang dahilan kung bakit ganun na lang katindi ang pagsisikap ko na makatapos ng pag-aaral...para balang-araw...maipagmalaki mo ako...maipagmalaki mo ako ng mga anak natin...Sam...sana...sana hayaan mo ako...hayaan mo ako na maiparamdam sayo kung gaano kita kamahal...handa kitang hintayin...kahit na gaano pa yan katagal...basta ba...basta ba wag mo akong iiwan. Kahit na magmahal ka ng iba...okay lang...basta't kasama kita...masaya na ako. Sam..." and he lean closer and closer to me, "Mahal na mahal kita." and he touch my face. He kiss....my lips. Habang banayad na nakadampi ang mga labi niya sa mga labi ko ay parang may mga daga nang nagtatakbuhan sa puso ko kasabay ng panginginig ng buong katawan ko sa sobrang gulat...at kilig. Ewan ko pero kilig ang nararamdaman ko dahil nahagkan ng isang lalaki ang mga labi ko...at ang nakakakilig pa dun...ay si Kuya Kurt ang...first kiss ko.

Bahagya na lang akong nagkamalay sa mga nakakalokang ilusyon ko nang maramdaman kong humiwalay na ang mga labi ni Kuya sa mga labi ko. I saw him smiling...dahilan para mas lalong magtakbuhan ang mga daga sa puso ko.

"Sam...I love you. At ipinapanalangin ko na sana ay matutunan mo rin akong mahalin balang-araw. Sam, hindi makukumpleto ang buhay ko kung wala ka. Hindi mabubuo ang mga pangarap ko kung wala ka. At hindi ako magiging maligaya kung wala ka. Kaya Sam...wag na wag kang mawawala sa akin ha? Kasi...mamamatay ako oras na mawala ka sa akin." and Kuya kiss my forehead...pero mas mainit at mas sincere tulad ng ginagawa niyang paghalik sa noo ko nung nandito na kami sa mansyon.

"Ku-Kuya..." ang medyo nahihiya na kinikilig na sabi ko habang hindi ako makatingin sa magagandang pares ng kanyang mga mata.

"Mag-promise ka Sam...na hinding-hindi ka mawawala sa akin." and he pout his lips so cutely.

"Promise po Kuya. Hinding-hindi po ako mawawala sa inyo." pangako ko naman kay Kuya.

"Thank you Bunso." and he hug me very tight. I hug him back. 

 

 

"You're welcome Kuya."

"I love you Bunso." ang sabi pa ni Kuya with matching killer smile pa ala-Lee Min Ho ang dating, dahilan para mas lalong kiligin ang lola nyo. 

"I love you too na nga rin po Kuya." ang medyo nahihiyang sabi ko.

"Sige. Tatanggapin ko yang 'I love you' mo, kahit na medyo pang-kuya pa ang dating sa akin." and he pinch my cheeks.

"Salamat po Kuya." sabay yakap ko sa kanila. Kuya hug me back.

Haay...kung may dahilan man ang lahat ng ito...tatanggapin ko na lang ng maluwag sa kalooban ko. Ihahanda ko na lang ang sarili ko para maging isa akong mabuting asawa kay Kuya Kurt at maging da best na ina ng magiging mga anak namin.