webnovel

INTERCOLLEGIATE FOURTEEN

Paano kung kayo ay magkakakumpitensya sa iisang unibersidad? Magkakalaban? At magkakaiba ang personalidad na ipinasok sa isang bahay upang magkaisa sa iisang layunin. May mag-aaway pa ba? May magkakasundo na ba? At may mabubuo na bang..... PAG-IBIG?

JhaeAnn_16 · Teen
Not enough ratings
46 Chs

TWENTY EIGHT

(SAUGH, Thursday afternoon)

 

(Paul's POV)

 

NASA ospital pa rin kami hanggang ngayon pero stable na ang kondisyon ni Renz. Kahit na hindi naman siya gaanong nasaktan sa pagkakatulak sa kanya sa fashion gala ay kinailangan pa rin siyang isugod sa ospital dahil sa tinamo niyang sugat sa braso at binti. Pero sa kabuuan ay okay na rin siya at yun ang sobrang ipinagpapasalamat ko sa Diyos.

---

Busy sa pagbabasa ng libro si Renz nang dumating ako galing sa 7 Eleven na may dalang pagkain para sa kanya. Napangiti siya nang makita niya ako.

"Paul, ang tagal mo. Nakabili ka ba ng favorite kong chili con hotdog with Gulp?" ang sabi niya sa akin.

"Yup. Heto." sabay lapag ko ng pagkain sa mesa na nasa gilid ng hospital bed.

"Thank you Paul." and she gave me a smack in my cheeks.

"You're welcome Renz." and I kiss her forehead.

"Kelan kaya ako makakalabas dito? Gusto ko na kasing makapasok sa volunteering mamaya." 

"Sorry Renz pero bukas ka pa makakalabas eh. Tsaka kabilin-bilinan ni Ms. Railley na magpahinga ka muna." ang paliwanag ko sa kanya.

"Ganun ba? Eh si Arra Diaz, ginugulo ka ba niya?" 

"So far, hindi naman. Pero hinding-hindi ko na mapapayagang saktan ka pa niya. Dahil kapag naulit pa yun, sasaktan ko talaga siya kahit na babae pa siya." I said seriously.

"Thank you Paul. Thank you for choosing me rather than her." and she touch my face. 

"You're welcome Renz. Ginagawa ko lang yun dahil mahal na mahal pa rin kita at gagawin ko ang lahat, makabalik lang tayo sa dati." and I hug her. She hug me back.

"Ahm Paul, maiba nga ako. Di ba ikaw ang magiging representative ng department ninyo sa Mr. and Miss St. Anne University?"

"Yup. Ako nga. Bakit?" ang nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Malapit na kasi ang election namin sa muse and escort ng department namin for the pageant pero sinisigurado ko nang sina Kuya Espren Dane at si Airish ang magiging representatives namin." and she hug me.

"Hmm...okay lang sa akin. Hindi ko naman kasi ine-expect na mananalo ako eh, basta't ang importante ay may representative ang Institute of Medical Technology." ang sabi ko naman. 

"Oh...honey ko..." and she kiss my cheeks again. 

"Ikaw talaga, hindi ka pa rin nagbabago." and I smile at her.

"Mali ka. Marami nang nagbago sa akin. Pero hindi ang pagmamahal ko sayo." and she smile at me.

"Renz...I still love you. At hihintayin ko kung handa ka nang makipagbalikan ulit sa akin. Pero kahit na hindi ka pa handa sa gusto mong mangyari ay gusto kong pasalamatan ka dahil binigyan mo ako ng chance na mapakinggan mo ang side ko. Salamat dahil nakuha mo pa rin akong patawarin sa kabila ng lahat." I said seriously.

"Paul...ano ka ba...nakalimutan ko na ang masasamang nangyari sa atin. Tsaka matagal na kitang pinatawad, so please stop mentioning our bad memories. Gusto ko nang mapalitan iyon ng good memories." 

"Me too. I want to start a new chapter with you. Kaya sana, magtuluy-tuloy na ito." and I hugged her.

"Anyways Paul, kumain ka na ba? Baka nagpapalipas ka ng gutom ha, magagalit ako sayo, sige ka." and she laughed.

"Wag kang mag-alala, kumain na ako kanina. Tsaka hindi na ako nagpapalipas pa ng gutom para di ka magalit sa akin." 

"Very good! Tara, hati na tayo dito." at hinati niya sa dalawa ang chili con hotdog at ibinigay niya sa akin ang kalahati. Sabay na kaming kumain sa loob ng ward ng hospital.

(SAUGH)

 

(Renz's POV)

KATATAPOS ko lang basahin ang kalagitnaan ng Pride and Prejudice* ni Jane Austen nang mapansin kong tulog si Amphibian este si Paul. And he looks so peaceful while he's sleeping.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung pano ako magpapasalamat sa mokong na ito, dahil sa kabila ng mga panlilinlang na ginawa ko sa fashion show kagabi ay nagawa pa rin niya akong tulungan with matching pagbabantay na rin niya sa akin sa ospital simula pa kagabi. But it does not mean na tapos na ako sa kanya. Hindi pa rin sapat ang mga ginagawa niya para patawarin ko na talaga siya.

But this time, isasantabi ko na muna ang revenging plan ko against Amphibian dahil may awa pa naman ako sa kanya kahit ten percent lang. Mwahaha. 

Itatabi ko na sana yung librong binabasa ko nang mapansin kong may salagubang na gumagapang sa mukha ni Paul at konti na lang ay papasok na sa butas ng ilong niya ang makulit na salagubang na yun. Aalisin ko na sana ang salagubang na yun nang biglang mapabalikwas si Paul sabay tingin niya sa akin.

"Why Renz? Are you okay? May gusto ka pa bang kainin? Tell me?" he said sweetly.

"Tinititigan ko kasi yung labi mo eh...este ahm ahm ano kasi ahm ah eh kasi ano bang tawag dun ah... pakiss...este may insect sa ilong mo...hahalikan sana kita..este...aalisin ko yung insect...yun...yun na yun." 

"Really Renz? O baka naman sobra ka nang nagaguwapuhan sa akin?" he said so silly.

"Actually oo este palabiro ka talaga."

 

 

"Anong dumapo sa mukha ko?" - Paul.

"Ah yun, pakiss...ah este---"

He stole a kiss from...MY LIPS.

"Gusto mo pala ng kiss, nahihiya ka pang sabihin sa akin."