webnovel

INTERCOLLEGIATE FOURTEEN

Paano kung kayo ay magkakakumpitensya sa iisang unibersidad? Magkakalaban? At magkakaiba ang personalidad na ipinasok sa isang bahay upang magkaisa sa iisang layunin. May mag-aaway pa ba? May magkakasundo na ba? At may mabubuo na bang..... PAG-IBIG?

JhaeAnn_16 · Teen
Not enough ratings
46 Chs

TWENTY SIX

(Tierro Nueve, St. Anne University, Next day)

 

(Kurt's POV)

ONE night after the fashion show ay napansin kong medyo may hang-over pa ang lahat sa mga nangyari kagabi. Nasa ospital pa si Ate Renz at binabantayan siya doon ni Paul. While the rest of the group, nagsipasok na sa kani-kanilang klase. Tanging kaming dalawa lang ni Bunso ang naiwan dito sa mansyon.

Habang naghuhugas ng pinagkainan namin si Bunso ay abala naman ako sa paglilinis sa buong bahay. Natigil lang ako sa ginagawa ko nang pumasok sa mansyon si Sir Dylan.

"Good morning Sir." ang bati ko sa kanila.

"Good morning Kurt. Where's Samantha?" 

"Ahm nasa kitchen po siya. Bakit po?" ang sabi ko naman.

"Kasi may bisita kayo eh. Yung mga lolo nyo." ang sabi ni Sir na medyo nagpabigla sa akin. Si Lolo Eddie at Lolo Tirso, nandito?

"Sige hijo, papapasukin ko na lang sila. Mauna na ako sa inyo." at umalis na si Sir Dylan. 

Saktong paglabas ni Bunso mula sa kusina ay pumasok sa loob ng mansyon sina Lolo Tirso at Lolo Eddie. 

"Lolo Eddie! Lolo Tirso!" sabay yakap ni Samantha sa lolo niya at sa lolo ko.

"Oh Sammy....how are you! I miss you so much darling!" ang masayang sabi ni Lolo Tirso habang nakayakap siya kay Sam. "Kurt! Andito ka rin pala! Kamusta ka na?" ang bati ni Lolo Tirso sa akin.

"Okay lang po ako." ang magalang kong sabi kay Lolo Tirso.

"Kurt, hijo. Hindi mo ba yayakapin ang Lolo mo?" ang tila nagtatampong sabi ni Lolo Eddie sa akin. Agad akong lumapit para magmano at yumakap sa lolo ko.

"Ahm Lolo Ed, ano pong sadya ninyo sa amin ni Samantha?" ang magalang kong tanong kay Lolo Eddie.

"Medyo mahalaga hijo. Kaya maaari ba namin kayong makausap saglit sa sala?" ang sabi ni Lolo Eddie.

"Sige po. Wala pong problema. Tara na po sa sala." at inalalayan ni Sam ang dalawang lolo namin papuntang sala. Saglit akong tumungo sa kusina para magtimpla ng kape at maghiwa ng brazo de mercedes cake na paboritong-paborito nila.

Nang mailagay ko na sa tray ang dalawang tasa ng kape at hiwa ng cake ay agad ko na itong inihatid sa kanila sa sala.

"Lolo Tirso, Lolo Eddie, heto na po ang meryenda ninyo. Your favorite black coffee and brazo de mercedes." sabay patong ko ng tray sa glass table.

"Ang ganda pala ng tinutuluyan nyo noh. Doble pa yata sa laki ng mansyon natin sa Bel-Air!" ang humahangang sabi ni Lolo Tirso.

"Pero masyado naman pong malaki ang bahay na ito para sa aming labing-apat. Kung tutuusin ay pwede na ang trenta katao sa mala-palasyong bahay na ito." ang sabi ni Bunso.

"May punto ka dyan Sammy. Anyways, kamusta naman kayo ni Kurt sa bahay na ito? Nagkakasundo naman ba kayo?" ang pangangamusta ni Lolo Eddie sa amin.

"Okay naman po kami dito. In fact, para nga pong magkapatid ang turingan namin sa isa't isa eh." ang sabi ko naman sabay tingin ko ng makahulugan kay Samantha.

"O-oo nga po Lolo. Wag po kayong mag-alala dahil Kuya Kurt po ang tawag ko sa kanila." sabi naman ni Bunso.

"At Bunso naman ang tawag ko kay Sam." sabi ko naman.

"Aba eh di mabuti't magkasundong magkasundo na kayo! So hindi na kami mahihirapan pang ipaalam sa inyo ang importanteng bagay na ito!" ang masayang sabi ni Lolo Tirso.

"Importanteng bagay? Ano po yun?" ang nagtataka ko nang tanong kasabay ng tila nagbabadyang kaba sa puso ko.

Di kaya may kinalaman sa amin ni Sam ang bagay na ito?

Saktong may inilabas na isang folder si Lolo Eddie sa leather attache case. Tinawag niya si Sir Hyde mula sa labas. Pagpasok ni Sir Hyde ay ibinigay ni Lolo ang folder sa kanila.

"Mr. Hyde, basahin mo ang nilalaman ng folder na yan. Importanteng malaman ng young masters mo ang tungkol sa bagay na ito." ang utos ni Lolo Eddie kay Sir Hyde. Agad namang binasa ni Sir Hyde ang detalye ng mga nakasulat sa folder.

---

 

 

 

I, Eddie Ariston De Torre, together with my close friend and business partner, Dr. Tirso Bumatay III, will officially announce that my young grand son Kurt De Torre, is now officially betrothed to the young granddaughter of Dr. Bumatay, Samantha Nicole Bumatay. They were now officially couple of this pact and soon to be engage next month. Any party would not agree to their betrothal should pay 50 billion pesos to invalidate this pact.

 

 

 

Signed: 

 

 

 

Atty. Eddie Ariston De Torre

 

 

 

Dr. Tirso Bumatay III

 

 

 

Engr. and Mrs. Kristoff Andrei De Torre

 

 

 

Dr. and Mrs. Basilio Bumatay 

 

 

 

---

 

THAT SHOCKS US...

Matapos basahin ni Sir Hyde ang nilalaman ng folder na yun ay halos mapugto na ang hininga ko sa sobrang gulat habang si Samantha naman ay hindi makapaniwala at halos hindi siya makapagsalita. Habang ako naman ay paulit-ulit na nagtutumining sa isip ko ang isang nakakagulat na katotohanan...

NA IKAKASAL AKO KAY SAMANTHA.

 

IKAKASAL AKO SA BABAING MAHAL NA MAHAL KO.

 

Shocks.....

 

 

I can't believe it....

 

Si Samantha na first love ko eversince....

Ay ang babaing ihaharap ko pala sa dambana balang-araw.

 

 

"Lolo...nagbibiro po ba kayo? Ako po...ikakasal kay Kuya Kurt?!" ang halos hindi makapaniwalang tanong ni Sam kay Lolo Tirso.

"Sam...hindi kami nagbibiro. Ikakasal na kayo ni Kurt next year. At sa susunod na buwan ay itatakda na ang engagement ninyong dalawa." sabi ni Lolo Tirso.

"Lolo, kailan nyo pa ginawa ang pact na yan? At bakit ni hindi nyo man lang ipinaalam sa amin ito?" ang magalang kong tanong sa kanila kahit na medyo naguguluhan pa rin ako.

"Hindi namin ipinaalam sa inyo ang tungkol sa bagay na ito para masorpresa kayo. Look! Nasorpresa nga kayo!" sabay tawa ni Lolo Eddie.

"Oo nga kumpadre. Alam kong naiilang pa kayo sa isa't isa pero pasasaan pa't matututunan nyo ring mahalin ang isa't isa?" ang sabi ni Lolo Tirso sa amin.

Tss. Sa ginawa nyo ngang yan, mas maiilang pa sa akin ang future wife ko eh!

"P-Pero Lolo....h-hindi pa po ako handa...." ang sabi ni Sam pero inakbayan siya ni Lolo Tirso.

"Sam...apo ko. Pag hindi ka pumirma, magkakasakit ako sa puso at mamamatay ako. Gusto ko bang mawala kaagad ang lolo mo?" ang malambing na pakiusap ni Lolo Tirso kay Sam.

Halatang natakot si Sam kung kaya naman kinuha niya ang folder kay Sir Hyde at pinirmahan ito. Pagkapirma niya ay taranta niyang ibinigay sa akin ang folder.

"Kuya, please pirmahan nyo na po ang contract! Ayoko pang mamatay ang Lolo ko ng maaga!" ang tarantang pakiusap niya sa akin. Dahil mahal na mahal ko ang Bunso kong 'to ay agad kong pinirmahan ang contract. Pagkapirma ko ay ibinigay ko ang folder pabalik kay Lolo Eddie. Ngiting-ngiti ang dalawang lolo namin pagkakita nila sa folder.

"That means...pumapayag nga kayo. Magaling! Maaari na nating paghandaan ang engagement ninyong dalawa sa susunod na buwan! Wag kayong mag-alala, mag-ha-hire kami ng mga pinakamagagaling na coordinator na mag-aasikaso sa inyong engagement party! At wag kayong mag-alala dahil nakausap na ng mga mommy ninyo si Mrs. Imee Salmingo na siyang mag-de-design ng isusuot ninyo sa inyong special day!" ang natutuwang pahayag ni Lolo Eddie.

"At siyempre, imbitado ang buong SAU pati na rin ang mga kasama ninyo sa Tierro Nueve! Kami na ang bahalang mag-imbita sa iba pang mga guests." ang sabi pa ni Lolo Tirso.

"Eh....s-saan po ba ang reception?" ang mahinang tanong ni Sam.

"Sa Marco Polo Hotel. Kinausap na namin ang president ng hotel na yun at siniguro niya sa amin na magiging super memorable ang inyong engagement party!" ang sabi pa ni Lolo Eddie.

"Mga apo, ang hiling lang namin sa inyo...sana habang hindi pa nayayari ang ipinapatayo naming bahay para sa inyo ay matuto na kayong mapalapit sa isa't isa. Mag-umpisa kayo sa pagiging isang magkaibigan hanggang sa matutunan ninyong mahalin ang isa't isa. Hija, wag kang mag-alala, mabait naman ang apo ko at bukod pa roon ay matalino pa siya at madiskarte sa buhay." ang sabi ni Lolo Eddie sabay akbay nila sa akin.

Haay Lolo, mabuti sana kung madali lang gawin yung sinasabi ninyo. 

Pero alang-alang sa pag-ibig, aalagaan, mamahalin at papaligayahin ko si Sam at magkakaroon kami ng isang masayang pamilya.

"Opo Lolo. Gagawin po namin ang gusto ninyo." ang magalang na sabi ni Sam.

"Salamat Apo. Sana ay maintindihan ninyo na para rin sa magandang future ninyo ang ginagawa naming ito." ang sabi ni Lolo Eddie.

"Naiintindihan naman po namin eh." ang sabi naman namin.

Nang matapos nang mag-meryenda ang mga lolo namin ay agad na silang umalis para asikasuhin ang isang business meeting sa Makati. Pareho kaming tulala at hindi makapagsalita. Minaigi kong basagin na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"S-Sam.." ang mahinang tawag ko sa pangalan niya.

"B-bakit po?" ang gulat na sabi niya sa akin.

"I'm sorry."

 

"Sorry? Sorry po saan?" ang nagtatakang tanong niya.

Lumapit ako't inakbayan ko siya. "Sorry...dahil nasuot ka sa ganitong sitwasyon. Na hindi mo na mahahanap pa ang right choice mo nang dahil sa akin. Sam...hindi ako ang may pakana ng lahat ng ito...maski nga ako ay nagulat dahil bigla tayong ikakasal sa isa't isa. Pero Sam...oras na naging mag-asawa na tayo...gagawin ko ang lahat para lang mapabuti ang kinabukasan mo sa akin. Sam...handa akong isakripisyo ang lahat...ang lahat lahat..." and I breath deeply. "DAHIL MAHAL KITA. SAMANTHA...MAHAL KITA...MAHAL NA MAHAL KITA...NOON PA MAN."