Chapter 524: Sino Ang Hinihintay Ng Little Master?
Sa oras din na 'iyon, si Ning Xi na namimili ng mga gamit kasama si Gong Shangze, ay biglang bumahing ng sunudsunod.
Mmm, sino kaya ang nakakaalala sa kanya?
Kahit maayos ang mga pangyayari ngayong araw, gabi na nang matapos sila.
Kinuha ni Gong Shangze ang mga bag mula kay Ning Xi at sinabi, "Boss, umuwi ka na at magpahinga. Ako na ang bahala sa iba pa!"
Tinignan ni Ning Xi ang oras sa kanyang phone at nag-alala na baka balisa na ang little bun sa paghihintay kaya pumayag siya, "Sige, kung may kailangan ka pa, tawagan mo ako agad. 'Wag kang maghirap mag-isa."
"Mmm, sige po!"
"O sige, aalis na ako. Mag-iingat ka pauwi!" Kumaway si Ning Xi at nagpaalala, "Oo nga pala, 'wag mong kakalimutang i-lock ang mga bintana at pinto mamayang gabi ha!"
Natawa si Gong Shangze, pakiramdam niya ay inaalagaan si ni Ning Xi na parang babae siya...
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者