webnovel

Sister-In-Law, Come Back Quickly!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 523: Hipag, Bumalik Ka Na Agad!

Nang tapos na siya sa kanyang mga empleyado, tinulak ni Lu Jingli ang pintuan ng opisina ng kapatid at inihayag, "Brother! I'm back!!! Parang tatlong taglagas ang isang araw ng hindi natin pagkikita. Isa, higit pa 'yun sa tatlong tagalagas. Miss na miss talaga kita...uhh…"

Sa sumunod na segundo, tinitigan niya ng mabuti ang kapatid sa harap ng mesa. Gulat na gulat si Lu Jingli, tinakpan niya ang kanyang mga mata at tumili, "Ah! My goodness! Ano itong nakikita ko?!"

Ano ang suot ng kanyang kapatid? Ano iyon?

Akala niya dati na isa mirakulo na ang pagsusuot nito ng kulay sapphire blue...

Ngayon, nakasuot ang kanyang kapatid ng pula! Pula, oh pula! Naniniwala siyang hindi pa nagsusuot ng pula ang kapatid niya sa buong buhay nito!

Hindi niya na kailangan pang itanong kung kanino nagmula ang ideyang ito!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com