CHAPTER 1: Pitong Buwang Buntis
Nag-init ang katawan niya na parang nag-aalburotong bulkan. Ang makapagliligtas lamang sa kanya ay ang lalaking nasa harapan niya.
Mahigpit siyang kumapit sa malamig at makinis na balat ng lalaki at dahil desperado na siya para sa ginhawa ay wala na siyang nagawa kung 'di isuko ang kanyang sarili.
Pagkatapos ng sakit ay ang pagdating ng kasiyahan na parang mga fireworks sa loob ng isip niya – pakiramdam niya tuloy nasa gitna siya ng dagat ng apoy.
Inaanod paloob at palabas, wala siyang takas.
"Gising na…malamig dito. 'Wag kang matutulog kung hindi magkaka-sipon ka –"
Nagising si Ning Xi sa bigat na nararamdaman sa kanyang balikat, unti-unting bumuka ang mga mata niya at nakita ang nurse sa kanyang harap. Biglang namula nang bahagya ang mukha niya dala ng hiya, 'di niya maiwasan ang pagkakatingin sa kanya ng nurse.
Ang tagal na rin pala nang mangyari 'yun. Ilang beses na ring sumulpot sa mga panaginip niya ang mga ala-ala nung gabing nalasing sila ni Su Yan at kung anu-anong kalokohan ang pinaggagawa nila.
Dahil masyado siyang maraming ininom noong gabing 'yun, 'di na niya maalala ang karamihan sa mga nangyari. 'Di rin niya alam paano pa haharapin si Su Yan.
Napansin ng nurse na gising na siya kaya may inabot itong papel sa kanya. "Nakalimutan mong dalhin 'tong pregnancy report! Naku pababalikin ka ni Dr. Zhang sa susunod na linggo kung naiwan mo 'to."
Tinanggap ni Ning Xi ang inabot na piraso ng papel nang nakangiti bago ito itinago sa bag niya.
Nag-aaral si Su Yan sa ibang bansa at pabalik na ngayon. Nang maisip ni Ning Xi na magkikita sila mamayang gabi, 'di niya maiwasang kabahan.
Dahil nga napakalayo ng pinuntahan ni Su Yan, hindi niya ito na-contact hanggang ngayon na lamang na pitong buwan na ang dinadala niyang anak nila.
Kapag iniisip niya ang gulat ni Su Yan nang malaman 'yung tungkol sa pagbubuntis niya, nininerbyos si Ning Xi.
'Di kaya dala na lang ng pagbubuntis 'tong kaba at pagiging sensitibo niya? Pakiramdam niya si Su Yan ay 'di kasing saya niya tungkol sa balita .
Gayunpaman, sabi ng mga doktor ganoon daw talaga ang mga lalaki sa unang anak nila –'di interesado at in denial pa sa simula.
Pero…sa usapang kasalan. 'Di naman pwedeng siya ang unang magbanggit sa kanya nito, 'di ba?
Nung umalis siya ng ospital, maliwanag ang langit at napakatindi ng init.
Habang may isang kamay sa kanyang balakang, pumara si Ning Xi ng taxi nang biglang may humarurot na magarang pulang sports car sa kinatatayuan niya.
Tumalon ang puso ni Ning Xi sa nangyari at bigla siyang napa-atras.
Sumakit ang tenga niya sa ingay ng preno ng tumigil na sasakyan na nasagi pa ang suot niyang damit.
Takot na takot si Ning Xi at halos tumigil na sa pagtibok ang puso niya dala ng kaba, 'di rin siya halos makatayo. Bumukas naman ang pintuan ng sasakyan at nagpakita si Ning Xueluo na nakasuot ng isang tight-fitting dress na kulay pula at nagpapakita pa ng cleavage.
"Ning Xueluo, nasisiraan ka na ba ng ulo?"
Tiningnan lang siya ni Ning Xueluo at natawa nang parang may ibig sabihin. Lumakad siya papunta sa harap ni Ning Xi nang nakakrus ang mga braso. Sa suot nitong mataas na sapatos, may paghamak niyang tinignan ang buntis na si Ning Xi. "Ano? Natatakot kang sagasaan kita at mamatay 'yang bastardong nasa tiyan mo?"
Biglang hinawakan ni Ning Xi ang kanyang tiyan para protektahan ang dinadala at unti-unting humakbang paatras. "Ning Xueluo, 'wag kang magkakamali!"
Alam naman niyang may galit sa kanya si Ning Xueluo pero 'di lubos maisip ni Ning Xi na kaya nitong magsalita ng ganoon.
"'Wag magkakamali? Ikaw nga 'tong dapat pagsabihan tungkol sa pagkakamali. Maglalasing lasing ka tapos magpapabuntis ka sa 'di mo kakilala. Ngayon ano? Si Su Yan ang gusto mong tumayong ama niyan? Tsk. Ning Xi, wala na bang natirang hiya diyan sa pagmumukha mo?"
Natigilan si Ning Xi at napatanong, "Anong sinabi mo?"
"Ikaw, naniniwala ka ba talagang si Su Yan ang nakasama mo noong gabing 'yun?"– humalakhak si Ning Xueluo –"Lagi mong sinasabing sabay kayong lumaki at childhood sweethearts pa kayo pero 'di mo naman alam kung ano ang itsura ng katawan niya?"
Lalong namutla si Ning Xi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Ning Xueluo. Sa kabila ng init ng panahon, nanlamig ang katawan niya.
Tama nga, yung lalaki nung gabing 'yun…
Buong akala niya…dala lang ng pagbibinata ni Su Yan kaya naging mas bulky ang katawan nito kaysa sa pagkakaalala niya.
Sa mga sinabi ni Ning Xueluo, bigla niyang naalalang bukod sa built ng katawan, parang wala ngang pagkakatulad ang lalaking 'yun kay Su Yan…
We know that our current translation work still needs a lot of improvement, so please feel free to add comments and suggestions that could help us enhance the quality of our translation. Thank you!