Chapter 48: Gusto akong i-trap ng mga ex ko
Bago pa maka-react ang kahit sino, naging pulang dagat na ang set.
Hawak-hawak ni Ning Xi ang isang card at nandilim ang mukha niya.
Isang linya lang ang nasa card: Remember to pick me up — Evil Fairy King.
"Miss Ning, pa-sign po for delivery."
"Pwede bang hindi ako pumirma? Baka kasi makaabala sa trabaho pag iniwan lahat 'yan dito," sinubukan ni Ning Xi na tanggihan ang delivery.
"Pasensya na po kaso hindi po pwede. Nangako po kasi kami sa customer na aalis lang po kami pagkatapos niyo po pirmahan," mukhang nag-aalala din ang flower boy.
Mula sa tabi ni Ning Xi, biglang nagsalita ang props manager, "Ning Xi, tanggapin mo, tanggapin mo! Nagkataon kasing kailangan natin ng red roses para sa isang scene mamaya. Thanks to you, 'di na natin kailangan mag-effort masyado para ihanada 'yun mamaya!"
Dahil sa sinabi ng props manager at dahil ayaw din naman ni Ning Xi pahirapan ang delivery boy, napakamot na lang siya sa pagitan ng mga kilay at pinirmahan na ang delivery.
Sa oras na 'to, pinag-uusapan na ng mga nasa paligid ang nangyari nang may pagkamangha sa mga mukha nila.
"Oh my god! Ang daming roses! Napaka-romantic naman! Sino kayang nagpadala?"
"Tinatanong pa ba 'yan? Malamang admirer 'yan! Kakaiba talaga ang pagtrato sa mga magaganda, may nagpadala kaagad ng flowers, first day pa lang! At daan-daan pa!"
"Mukha lang marami, pero 'di naman mamahalin 'yan!" kaswal na sinabi ng assistant ni Ning Xueluo na si Cui Caijing.
Pagkatapos nito magsalita, may isa na namang dumating at hinahanap si Ning Xi.
This time, hindi magarbo ang dumating pero may inabot na maliit na kahon kay Ning Xi.
Takang-taka ang lahat habang nagnanakaw ng tingin sa kahon para malaman ang laman.
May paghihinalang binuksan ni Ning Xi ang kahon. Sa loob nito ay may isang malaki at kumikinang na diamond na may kasamang note na naglalaman ng apat na salita: 'Long time no see,' pinirmahan din ng: YS.
Lalong nandilim ang mukha ni Ning Xi nang makita nag initials.
F*ck! Magkasabwat ba ang dalawang 'to? Gusto na lang naman niyang umiwas sa atensyon, bakit ba sobrang hirap?
Nangangalahati pa lang ang araw pero nakatanggap na ng flowers at diamond si Ning Xi. 'Di na nagsawa ang drama crew sa pagtsitsismisan.
"Oh my god! Napakalaki ng diamond na 'yun! Sobrang kinang pa, nakakabulag!"
"Nakakaloka ang mga admirers ni Ning Xi!"
Ngayon, wala nang masabi si Cui Caijing, pero mayamot pa rin siyang bumulong, "Who knows kung totoo ba talaga 'yung diamond?"
Mabigat na napaupo si Ning Xi sa isang upuan at bakas sa mukha niyang pakiramdam niya ay katapusan na niya.
Darating at darating ang dapat dumating…
Wala nang mapagtataguan…
Wala siyang magawa kung 'di ang mag-apologize sa director. "Sorry po, direk. 'Di ko po intensyong abalahin 'yung crew…"
'Di nabahala si Guo Qisheng at ngumiti lang. "Natural lang para sa magagandang dalaga 'yung magkaroon ng admirers! Okay lang, okay lang, after all, magagamit din naman natin 'yung mga flowers mo."
Sa 'di kalayuan, mukhang kalmado si Ning Xueluo pero sa totoo lang ay nanggagaliiti na ang mga ngipin niya at halos masira na ang mga 'to sa pagkamuhi.
Pa'nong hindi siya maiinggit? Isang probinsyanang muhang alikabok lang dati eh kinababaliwan na ng mga kalalakihan ngayon at napakadali pa para sa kanyang makuha ang mga bagay na pagdating kay Xueluo ay dapat laging pinagbabalakan at pinagpaplanuhan.
Bago magsimula ang shooting ng next scene, nakahanap ng sulok si Ning Xi para tumawag saglit.
"Hey hone, natanggap mo na ba ang delivery ko?" parang walang bahala ang boses sa kabilang linya.
"Jiang Muye! F*ck your uncle! Sinadya niyong dalawa 'to 'no?" kumpara sa boses ng kausap, rinig ang galit sa boses ni Ning Xi.
"Tsk tsk, ikaw ang unang nakatanggap ng roses mula sa'kin, yet you don't want to f*ck me but my uncle instead! Ang pangit naman ata ng taste mo."
"'Wag mong ibahin ang usapan! Ano talagang gusto mo?"
"Wala akong gusto, nireremind lang kita na sunduin ako sa airport. Nag-promise ka!"
"Ang lakas ng loob mong ipaalala sa'kin na sunduin ka? 'Di ka ba natatakot na magdala ako ng 40-meter-long knife para katayin ka hanggang mamatay ka?" pigil na pigil si Ning Xi sa paghahangad na patayin ang kausap.
"Umaatras ka ba sa promise mo?" naging malamig bigla ang boses sa kabilang linya.
"Sa kondiyong pahihiramin mo 'ko ng eight million… pero 'di ko na kailangan ng pera mo. 'Di ba sinendan pa kita ng message para sabihin sa'yo 'yun?"
"Wala akong pake, nangako ka na. Kahit 'di mo na kailangan, pumayag agad ako 'di ba kahit sobrang laki ng amount nu'n. I was sincere. Ayaw mo ng utang na loob, 'di ba? Doesn't this count as a favor?"