47 Red Roses Everywhere

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 47: Red Roses Kahit Saan

Nagsimula ngayong araw ang taping sa isang studio backlot sa labas ng siyudad.

Ang unang scene na i-shushoot ay ang palace banquet kung saan tumatanggap ang Emperor ng mga bumibisitang envoy. Sina Seventh Prince Chu Beichen at ang kanyang consort na si Shangguang Yingrong ang nakikipagtalastasan sa mga envoy. Samantala,may minor role lamang ang character ni Ning Xi na si Princess De sa scene na ito; kailangan lang niyang umarte bilang isang kaakit-akit na palamuti na nakaupo sa tabi ng Emperor.

Maging ganoon lang para sa maliit na role, mahirap pa rin ang magsuot ng napakaraming layers ng traditional dress lalo pa't mainit ang panahon.

Hindi rin nakatulong na napaka-kumplikado ng costume ni Ning Xi. 'Di lang pinakamakapal ang damit niya, pero maging ang headpiece niya ay ilang kilo rin ang bigat.

Matapos ang isang shot, naliligo na siya sa pawis sa loob ng kanyang costume, pero walang makapagsasabi.

"Cut", sigaw ng director. Agad na lumapit ang dalawang assistant ni Ning Xueluo. Binigyan siya ng hand fan ng isa at ng bote naman ng tubig nung isa pa. May nakahandang cooling mat na rin para sa kanya sa upuan nito.

Ni walang assistant si Ning Xi; 'di rin niya nagawang uminom ng tubig pagkatapos ng shot. May isa pa kasi siyang scene mamaya kaya 'di niya pa pwedeng matanggal ang costume niya. Tanging pagpapaluwag ng collar lang ang magagawa niya para magpalamig.

Pinuri ng lahat ang pag-arte ni Ning Xueluo, pinuri rin ng director ang performance niya. Pero, binalikan niya ang camera para i-review ang mga scene ni Ning Xi.

Kahit wala siyang linya at ilang beses lang siya lumabas, tamang-tama ang expression niya; mukha siyang walang gana at bored, pero dala niya rin ang awra ng pagmamaliit sa mga tao sa paligid niya, dahil naghahanda siyang wasakin ang bansa gamit ang dalawa niyang kamay.

Good, 'di na namroblema ang director.

Sa oras na 'to, sumigaw ang production assistant na si Xiao Li dahil sa excitement, "Teacher Ning, andito po 'yung boyfriend niyo para dalawin kayo!"

Syempre si Ning Xueluo ang tinutukoy niya sa pagsasabi ng "Teacher Ning".

Nakabihis nang mapreskong casual style si Su Yan at lumakad papalapit; iniwan niya ang dalawa niyang kasamang mga lalaki na may dala-dalang malaking kahong puno ng ice ream para sa lahat.

"Wow! Haagen-Dazs! Salamat po sa pasalubong, Master Su!"

"Sobrang swerte ni Teacher Ning, dumating ang boyfriend niya para bisitahin siya sa first day!"

"Oh my god! Sobrang lovey-dovey nila!"

"Bakit ang dadaldal niyo pa rin habang kumakain!" sumimangot si Ning Xueluo. Kumuha siya ng ice cream at dinalhan si Ning Xi.

"Junior Sister Ning, kuha ka oh!"

"Thank you," magalang na pagtanggap ni Ning Xi.

'Di talaga napapagod 'tong babaeng 'to na maging mala-anghel sa harap ng maraming tao, lalo kapag nasa paligid si Su Yan, samantalang si Ning Xi, pagod nang panoorin siya. Mabuti na lang at specialty niya rin ang pag-arte kaya 'di niya masyadong problema ang pagsakay sa acting-an.

Pagkabalik sa upuan niya, tinignan ni Ning Xueluo si Su Yan. Mukhang may gusto siyang sabihin pero nagdalawang isisp siyang ituloy. Sa dulo ay sinabi rin niya kahit may pag-aalinlangan, "Su Yan, medyo nag-aalala ako kay Xiao Xi…"

"Bakit? Anong problema kay Xiao Xi?" mabilis na tanong ni Su Yan.

"Alam mo kagabi nung opening ceremony? Dumating rin si daddy at nakita niya si Xiao Xi dun. 'Di ko alam kung anong sinabi sa kanya ni Xiao Xi para magalit nang sobra si daddy. Nabanggit niya pa nga 'yung tungkol sa pagpapalit ng actress para sa role…"

"Pa'nong umabot sa ganun?" kumunot ang noo ni Su Yan.

"'Di ko rin alam. Pagdating ko, nakita ko na lang 'yung galit na mukha ng daddy!"

"Ano'ng nangyari pagkatapos? Mukhang 'di naman napalitan si Xiao Xi?" tinignan saglit ni Su Yan si Ning Xi. Kahit na may mga tumutulong pawis sa mukha nito, maigi pa rin siyang nagbabasa ng script. Kaawa-awa ang maliit na mukha nito sa ilalim ng init ng araw pero kapansin-pansin pa rin siya.

Mukhang nagdadalawang-isip ulit si Ning Xueluo na ituloy ang sasabihin. "Tumawag si Daddy sa production team kagabi, at sabi nila papalitan na nila si Ning Xi, pero nitong umaga lang, may anonymous na nag-invest ng fifty million yuan sa movie, at ang tanging kondisyon, si Ning Xi ang magiging second female lead… nag-aalala lang ako na…"

Nandilim ang mukha ni Su Yan habang nakikinig at mabigat na sinabing, "Kilala ko si Xiao Xi, 'di niya magagawa 'yung ganun."

"Su Yan, you're too naïve. Anong klaseng industriya ba ang entertainment? Sinon'ng 'di magbabago pagkatapos pumasok dito? Ang swerte ko nga kasi andiyan ang Dad ko para suportahan ako, pero si Ning Xi, wala siyang mabuting relasyon sa pamilya namin and ayaw niya rin ng tulong. Don't tell me hindi mo alam ang nangyayari sa isang magandang babaeng walang kapangyarihan o influence sa entertainment industry?" pahiwatig ni Ning Xueleuo.

Nablangko ang mukha ni Su yan at mukhang naliligaw ang isip.

"Ning Xi, may naghahanap sa'yo!" sigaw ng production assistant at mukhang excited din ito.

Sa oras na 'yun, lumingon ang lahat.

Dahil talagang agaw-pansin.

Red roses…

Daan-daang red roses ang unti-unting ipinapasok sa set…

avataravatar
Next chapter