webnovel

Mother Loves You

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 1382: Mahal Ka Ni Mommy 

Pagkatapos ng kalahating oras, tumigil ang taxi sa isang tahimik na kalye. 

"Hindi na ako makakapasok sa loob. Lakarin niyo na lang." Sinilip ng driver si Ning Tianxin sa rearview mirror. Sa tingin niya ay may kakaiba sa babae. 

Para siyang isang univesity student, pero pupunta siya mag-isa sa isang pribadong clinic. 

Karamihan sa mga babae ay pumupunta dito para magpalaglag. 

"Sige po, salamat." Nagbayad ng pamasahe si Ning Tianxin saka bumaba ng sasakyan. 

Naglakad siya papunta sa madilim na eskinita. Sa dulo noon ay mayroong signboard na nagsasabing, "An Tai Hospital". 

Kahit na may "hospital" sa pangalan nito, mukha lang itong bahay at isang clinic lang. 

Napahawak si Ning Tianxin sa kanyang sinapupunan. Pakiramdam niya ay mayroong bakal na nakatali sa paa niya. Matapos ang matagal na panahon, nakapasok na siya sa loob. 

Parang isang halimaw ang eskinita, dahan-dahang nilalamon ang babae… 

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者