webnovel

Late Night Call

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1383: Late Night Call

Sa gitna ng gabi, sa Platinum Palace, dahil sa mental stress nitong mga nakaraang araw, mahimbing na nakatulog si Ning Xi simula ng makabalik mula sa Chang Chun City. Hatinggabi nang bigla siyang magising dahil may tumatawag sa kanyang hindi kilalang number. 

Para hindi magising si little bun, lumabas si Ning Xi para sagutin ang tawag. "Hello, sino ito?" 

"Kami ang An Tai Hospital. Kilala mo ba si Miss Ning Tianxin?" 

Hospital? 

Lumaktaw ng tibok ang puso ni Ning Xi. "Ning Tianxin… pinsan ko siya. Bakit? May nangyari ba?" 

"Pumunta siya dito para magpalaglag. Mayroon nga lang naging kumplikasyon sa proseso. Hindi sapat ang medical qualifications ng ospital namin para dito. Kailangan niyang malipat ng ospital. Pakisabi sa pamilya niya, kung hindi, baka mamatay siya at hindi namin responsibilidad iyon!" Sinabi ng tumawag ang address nila bago binaba ang telepono. 

Nagulantang si Ning Xi at nanlamig. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com