webnovel

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · 奇幻
分數不夠
24 Chs

Chapter 1.14

PAH! PAH! PAH!

Tatlong malalakas na sipa ang binigay ni Evor sa isang naka-itim na cloak.

BANG!

Hindi pangkaraniwan ang lakas niya kung kaya't tumalsik ang nasabing kalaban nito sa hindi kalayuan.

Maging ang nakalaban ng Blue Sea Serpent niya ay napuruhan dahil sa brutal na pagkakatama ng nasabing buntot nito at tumalsik sa malayo.

Ngunit hindi natatapos ang lahat ng ito sa simpleng sipa lamang niya dahil walang ano-ano ay biglang nag-summon ang nasabing kalaban niya ng nasabing summon nito.

WHOOOO!!!!

Isang napakalaking magic circle ang lumitaw sa ere at makikitang bigla na lamang lumitaw ang isang kakaibang ibon na nag-aapoy.

Vermillion Bird?!

Hindi makapaniwala si Evor sa sariling nakikita.

Napakamakapangyarihan ng ibon na ito. Mayroon itong malaking ugnayan sa lahi ng mga Phoenix.

Naalala niya naman si Phoenuro na siyang dating guardian niya na isang Four-Winged Phoenix.

Napakadali lamang sana niyang napaslang ang kasalukuyang mga kalaban niya gamit ang nakakapasong init nito.

Sa tingin niya ay nasa Second Form na ang ibong ito at nasa pangatlong phase na ito kung sakali man.

Wala siyang laban sa nilalang na ito lalo pa't hindi niya magagamit ang Fire Fox niya na nasa kasalukuyang kritikal na pagbreakthrough nito.

Only a fire-element treasure could make his fire fox summon level up at maging ganap na magkaroon ng Human form.

Sa pamamagitan nito ay ma-uunlock na ang Full potential nito.

Mula sa hindi kalayuan ay isang malaking magic circle din ang nakita niya at kasabay nito ay lumitaw ang isang malaking ahas na tila umaapoy rin.

Isang Fire Snake ito at masasabi ni Evor na nasa Second Form na.

Ngunit hindi sukat aakalain ni Evor na mula sa hindi kalayuan ay may isa pang nilalang ang kanina pang nanonood sa laban nila.

"Magaling, magaling binata, hindi ko aakalaing nakapasok ang isang katulad mo sa Azure Dragon Academy. Masuwerte si Apo Noni at nakapasok ang dalawang lampang mula sa pesteng nayon nito, hahaha!!!!!"

Rinig na rinig ni Evor ang boses na nangmamaliit at tila nanghahamak na tono ng pananalita nito.

Alam ni Evor na pawang poot ang nararamdaman ng nilalang na ito sa kanila lalo na kay Apo Noni.

Ibig sabihin lamang nito ay isa ito sa kaaway ng Apo Noni nila.

Walang ano-ano pa ay bilang ibinato ng nilalang na iyon ang isang summoner ball nito sa lupa.

Gumulong ito at lumitaw ang kakaibang itim na usok hanggang sa kumalat ito sa buong kapaligiran.

Matalas ang paningin ni Evor kung kaya't kahit sobrang dilim ay nakita niya ang kakaibang nilalang na nakalutang sa hangin.

Napakabilis nito ngunit ng obserbahan ni Ecor ito ng mabuti ay alam niyang tila isang humanoid ito na may dalang karit na parang si kamatayan.

Alam ni Evor na parang may mali sa kapaligiran at tila pakiramdam niya ay sumisikip at nasu-sufocate siya.

Walang pagpipilian si Evor kundi ang gamitin ang huling alas niya at iyon ay ang nasabing summoner ball niya.

Malakas na ibinato ni Evor ang summoner's ball niya sa ere ngunit kitang-kita niya na tila binalutan ito ng itim na usok.

Dahil walang presensya ng space ay mahihirapang tawagin ang summon niya na nasa anyong bola pa rin.

Ramdam na ramdam ni Evor na handang-handa na siyang paslangin ng nilalang na ito.

Pero sa puso't isipan niya ay ayaw niyang sumuko.

Ramdam na ramdam ni Evor na tila maging siya ay nahihirapan na ding huminga dahil tila kahit ang hangin ay unti-unting nawawala sa lugar na ito.

"Sumuko ka na lamang binata at isuko mo ang buhay mo sa akin kagaya ng iba pang napaslang ko. Wala kang laban sa katulad kong may hawak ng isang summon na nasa 4th Phase Evolution na. Masasabi kong karapat-dapat kang mamatay sa aking mga kamay hahahaha!!!!" Mahabang sambit ng nilalang na naka-itim na cloak sa nakakatakot nitong boses.

Tumawa rin ng napakalakas ang dalawang nilalang na siyang kasamahan nito.

Tila kampante na ang mga ito na mananalo sila.

Zhaleh, I call you thee... Unbind!

Dahil sa ginawa ni Evor ay tila nagtawanan pa ang mga ito ngunit sa isang iglap ay ramdam na ramdam nila ang nakakatakot na enerhiyang nagmumula sa summoner's ball na pagmamay-ari ng nasabing binata.

Ang tila normal na magic circle nito ay tumriple ang laki nito.

Kitang-kita sa malapitan ni Evor ang kaanyuan ng Summon Hero niya na si Zhaleh.

Humanoid man ang nasabing kaanyuan nito ngunit nakakatakot ang presensya nito sa malapitan. Sa isang iglap ay nabalutan ng napakaitim na ulap sa ere at lumabas ang nasabing mga naglalakihang mga kidlat sa himpapawid.

Ang isa pa sa ikinagimbal ni Evor ay ang masaksihan na hawak-hawak ni Zhaleh ang nasabing summon hero ng kalaban nito.

Hindi lamang iyon dahil kitang-kita niya kung paanong hinigop nito ang nasabing enerhiya ng kalaban nito nang  bumuka ang bibig ng nasabing nilalang na hawak-hawak ang karit nito.

Sa isang iglap ay naging summoner's ball na lamang ito. Biglang tinamaan ng kidlat ang dalawang summon ng nasabing kalaban nito at sa isang iglap ay naging summoner's balls rin ang  mga ito.

Ramdam na ramdam ni Evor na wala siyang kontrol sa nangyayari at kitang-kita niya na napasalampak sa lupa ang huling nilalang na dumating na agad dinaluhan ng nasabing dalawang nilalang na nakalaban niya kanina.

Pakiramdam ni Evor ay hindi na niya kilala pa ang summon niya.

Tumingin ito sa gawi ng dalawang nilalang na siyang naka-alalay sa kalaban nitong nahimatay ay nakaramdam na ng pangamba si Evor sa buhay ng mga ito.

Napakalakas nito ngunit bago pa siya mawalan ng kontrol rito ay malakas na siyang sumigaw na BIND!"

Sa isang iglap ay kitang-kita kung paanong naging summoner's ball ito.

Takot na takot naman ang dalawang nilalang na naka-alalay sa tila lider ng mga ito na sa isang iglap ay nawala na rin na parang bula.

Hindi alam ni Evor Kung paano nangyari iyon ngunit gusto niyang isantabi iyon.

Para kay Evor ay masama pa rin ang maaaring maidulot kung papaslangin niya ang mga ito.

Nangyari na ito noon at masasabi niyang ayaw niyang mangyari ito sa panahong kailangan niyang mag-isip ng maayos.

Maya-maya pa ay naagaw ang atensyon niya sa isang nilalang sa hindi kalayuan.

Mula sa ibabaw mismo ng Giant Fire Wild Rose ay nakalutang ang isang hugis taong nilalang.

Malakas ang nararamdaman na koneksyon ni Evor rito dahil hindi siya maaaring magkamali, ito mismo ang unang summon niya na isang summoned beast, ang Fire Fox.

Mabilis na lumapit si Evor rito at napansin niyang nakalutang ito sa ere.

Akala niya ay magsasalita na ito ngunit hindi pa rin.

Alam ni Evor na kakatungtong pa lamang ng summon na ito sa human form evolution nito at matutunan din na magsalita ng nilalang na ito hindi kalaunan.

Nakayuko ito upang magbigay-galang.

Natuwa naman si Evor at patunay lamang ito na naging matagumpay ang pagbreakthrough ng summon beast niya na Fire Fox.