webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
165 Chs

Kailangang May Managot Dito

Malamig na ngumiti si Lin Che kay Han Caiying, "Stepmother, relax. Wala namang nakakaalam na kabilang ako sa inyong pamilya. Kahit gumawa man ako ng eksena, ako lang ang magdudusa. Bahala ka na kung mag-isip ka ng kahit ano pero kagaya ng sinabi ko, wala akong ginagawang masama. Kung wala na kayong ibang sasabihin, please tumabi kayo, gusto ko ng umalis."

Galit na nilingon ni Qin Qing ang mag-ina bago hinila si Lin Che.

Noon niya lang na-realize kung gaano ba talaga kapayat ni Lin Che. Mistulang kahit anong oras ay mababali na ang mga kamay nito.

Tinulungan niya itong tumayo dahil nahihirapan ito. Maya-maya ay naramdaman niyang nanlamig ang katawan at nanginig ang mga paa ni Lin Che.

Habang pinanonood kung paano alalayan ni Qin Qing si Lin Che, nagbago ang kanyang ekspresyon. Pinigilan niya si Lin Li dahil ayaw niyang magalit si Qin Qing dito. Pero bilang isang ina, kailangang may gawin siya.

Tumayo siy at kinuha ang kamay ni Qin Qing at tiningnan si Lin Che. "Lin Che, ano'ng ibig sabihin nito? Sa palagay mo ba ay mataas ka na ngayon at balak mo ng kunin si Qin Qing? Sobra ka na talaga. Hinding-hindi mo kayang maabot ang katulad ni Qin Qing!"

Nilingon niya si Qin Qing. "Qin Qing, masama ang babaeng iyan. Simula pa noong una ay may masama na siyang binabalak sa iyo. Hindi mo lang talaga nahahalata sa kanya. At talagang tinulungan mo pa siya! Hmph. Sinaktan mo ang damdamin ni Lin Li!"

Nagngitngit ang mga ngipin ni Qin Qing habang tinitingnan si Han Caiying. Mabuti na lang at hindi nagmana si Lin Li sa ina nito.

Hinawakan ulit ni Qin Qing si Lin Che at nagpatuloy sa paglalakad. Wala siyang balak na makinig kay Han Caiying. Dahan-dahan lang ang kanilang paglalakad dahil nanghihina ang mga paa ni Lin Che.

Nang makitang hindi siya pinansin ni Qin Qing, galit na hinarang ni Han Caiying ang mga ito at pinahinto. Hinila niya si Lin Che at sa isang matunog na lagapak, ay sinampal niya si Lin Che.

Nang sandali ding iyon...

Ilang sasakyan ang biglang huminto sa labas ng entrance.

Sa loob, sa di-mawaring dahilan ay nagsilabasan ang lahat ng pulis kasama ang chief ng mga ito.

Napatigil naman sina Han Caiying at Lin Li habang pinagmamasdan ang maayos na pagkakaparada ng mga itim na kotse.

Sa gitna ay pumarada ang isang kulay-itim na Bentley.

Bumukas ang pinto. Isang pares ng high-quality na leather shoes ang umapak sa lupa.

Kasunod namang nakita ay isang mahaba at matipunong anino. Nakasuot si Gu Jingze ng kulay-grey sa pang-itaas at dark blue na pants habang matikas na nakatayo sa mabatong daanan. Seryoso at walang ekspresyon ang kanyang mukha. Paglabas niya palang ay mararamdaman kaagad ang kakaibang hangin mula sa kanya. Tumama ang kanyang tingin sa kamay ni Qin Qing na mahigpit na nakahawak kay Lin Che. BIglang sinakop ng galit ang kanyang mukha at nagmistulang isang hayop na handang sumugod at lapain ang kahit sinong makakasalubong sa daan. Bagaman may kaunting hinahon na makikita sa kanya, sapat na iyon upang magdulot ng kilabot sa mga taong nandoon.

Gumawa ng isang tuwid na linya ang kanyang mga tauhan sa gilid. Dalawang malalaking security guards ang pumunta sa kanyang likod. Nasa likod din si Qin Hao. Hindi makapaniwala sina Lin Li at Han Caiying sa eksenang iyon.

Kaagad na lumapit ang mga police officers para batiin siya ngunit hindi sila nangahas na tuluyang dumikit sa kanya. Sa mahinahong boses, sinabi ng mga ito, "Mr. Gu, hindi namin inaasahan ang iyong pagparito. Hindi tuloy kami nakapaghanda ng magandang pagsalubong sa iyo."

Nakatuon lang ang tingin ni Gu Jingze kay Lin Che na namumutla ang mukha. Malalaki ang hakbang na lumapit siya dito.

Habang pinagmamasdan ang paglapit ni Gu Jingze, lalong hinigpitan ni Qin Qing ang hawak kay Lin Che.

Bahagyang kinakabahan si Qin Qing, ngunit hindi niya binitiwan si Lin Che at matigas na lumaban.

Malamig ang mga mata ni Gu Jingze at sa isang tingin lamang ay kaya nitong pabagsakin ang sinoman.

Inangat ni Lin Che ang ulo, at itinago ang panghihina sa harap ni Gu Jingze. Ngunit, lalo lang siyang naging kaawa-awang tingnan.

Hinablot ni Gu Jingze ang braso ni Lin Che at dumako ang kanyang tingin sa kamay ni Qin Qing.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Qin Qing at ayaw magpatalo. Ngunit nang maramdaman niya ang tensiyon, dahan-dahan niyang inalis ang kamay.

Sa isang mabilis at walang effort na kilos ay kinarga niya si Lin Che.

Nataranta naman si Lin Che. Naaamoy niya ang pabango ni Gu Jingze. Pero nakaramdam siya ng seguridad nang buhatin siya nito papunta sa mga braso nito.

Ang mata ni Gu Jingze ay katulad ng isang mabangis na hayop na sinusuri ang kabuuan ni Qin Qing. Parang naging isang bata si Qin Qing sa harap ni Gu Jingze.

"Gu Jingze, hindi..." Nakahawak ang kamay ni Lin Che sa leeg ni Gu Jingze at may gustong sabihin pero pinigilan siya nito. "Shut up."

Napahinto naman si Lin Che. Kinagat niya ang labi habang nakatingin dito at nilunok na lamang ang gusto niyang sabihin.

Halatang nasa bad mood si Gu Jingze dahil masama ang tingin nito sa kanya.

Kung nanghihina siya, dapat ay magpahinga na lang siya at hindi na magsalita pa.

Naramdaman naman ng mga pulis ang napakalamig na paligid habang pinanonood nila si Gu Jingze na binubuhat si Lin Che. Nagtinginan ang mga ito at sinusubukang alamin kung sino ang naghuli sa babaeng ito. Napakahirap ng kanilang magiging sitwasyon kung magalit sa kanila si Gu Jingze.

Samantala nanginginig naman ang pulis na nagpahirap kay Lin Che. Ang aroganteng mukha nito kanina ay napalitan ng matinding takot.

Mataman namang nagmamasid sa gilid sina Han Caiying at Lin Li.

Galit na kinakausap ni Lin Li ang isip, Walang hiyang Lin Che na iyan. Paano nito nagawang makasungkit ng ganyang lalaki na magpoprotekta sa kanya?

Napakagwapo nitong tingnan habang binubuhat nito si Lin Che. Sapat na ang tanawing iyon upang kaiinggitan ito ng lahat ng kababaehan.

Halos lahat ng babae ay nangangarap na buhatin ng ganyan kagwapong lalaki. Napakasarap sa feeling.

Tahimik na napapamura nalang si Lin Li. Ang Lin Cheng ito! Bakit napakaswerte nito?

Habang nakatingin sa kanila ay nakaramdam si Qin Qing ng kirot sa puso. Gusto niyang sumunod ngunit hinarang siya ng isang naka-itim na guard at pinigilang makalapit sa dalawa. Hindi siya nagtagumpay na makalapit.

Nagsimulang makaramdam ng galit si Qin Qing sa sarili dahil pakiramdam niya ay para silang Langit at Lupa ni Gu Jingze. Hindi manlang siyang makalapit kay Gu Jingze.

Nang paalis na sila, yumuko ang mga officers at mga guard at sumunod sa kanila. Napasinghal naman si Han Caiying, "Anong ibig sabihin nun? Pumunta sila dito para magpasikat?"

Inirapan ni Lin Li ang ina. "Kakaiba talaga ang Gu Jingze'ng ito."

Halatang-halata talaga ang pagkakaiba ng makapangyarihan at ng mahina.

Huminga nang malalim si Qin Qing. "Tunay ngang walang makakapantay sa mga Gu sa bansang ito. Ang isa ay nasa taas ng pulitika at ang isa naman ay isang higante sa negosyo."

Nang marinig iyon ni Lin Li, namula ang kanyang buong mukha. Walang hiyang Lin Che...Hindi niya deserve ang ganoon kalaking swerte.

Inalalayan ni Gu Jingze si Lin Che papasok sa sasakyan.

Pumasok na rin siya pagkatapos. Kaagad na bumagsak si Lin Che sa kanyang mga kamay.

Nakita ni Gu Jingze kung gaano ito nanghihina. Tumigas ang kanyang tingin habang nakatingin sa unahan at sinabi kay Qin Hao, "Kailangang may managot dito."

Tumango naman si Qin Hao. "Yes, Sir."