webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Ang Kapangyarihan Ng Selos

Nang makapasok na si Lin Che sa loob ng kotse ay kaagad siyang nawalan ng malay sa mga bisig ni Gu Jingze.

Walang ideya si Lin Che kung bakit bigla na lang siyang nanghina nang ganoon, pero iniugnay iyon ni Gu Jingze sa dati niyang mga sugat na hindi pa masiyadong gumagaling.

Bagaman magaling na ang mga ito sa panlabas, marami pa ring dugo ang nawala dito noong mangyari ang aksidente. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit hindi pa ito gaanong malakas ngayon.

Buhat-buhat pa rin siya ni Gu Jingze pagdating sa bahay at inihiga na siya sa kama. Lalong nagdilim ang kanyang mga mata nang mapansin ang namumutla nitong labi.

Itong babaeng ito...palagi nalang pumapasok sa mga gulo.

Inabot niya ang kanyang kamay at marahang kinuskos ang noo ni LIn Che.

Maya-maya ay kumalma na rin ang kanyang pakiramdam.

Nang paalis na sana si Gu Jingze, naramdaman niya ang kamay nito na mahinang inaabot ang kanyang mga daliri. Naaawang tiningnan niya ang namumutla nitong mukha at nagpasyang manatili na muna doon. Maririnig ang pagtama ng mga ngipin at nangangahulugang nilalamig ito. Inilagay niya ang likod ng kamay sa noo ni Lin Che. Napakainit ng noo nito! Nag-isip siya ng ilang segundo bago itinaas ang kumot at humiga sa tabi nito.

Naalala niya noong nagkalagnat siya nang bata pa siya. Napakainit at nilalamig ang buo niyang katawan, at ang kanyang mga paa at kamay ay parang mga yelo. Ganoon din ang ginawa ng kanyang ina, hinawakan nito ang kanyang mga kamay hanggang sa bumaba ang kanyang lagnat.

Niyakap niya nang mahigpit si Lin Che at inilapit sa kanya.

Inabot niya ang bell sa gilid ng kama at pinindot iyon upang tumawag ng isang katulong.

"Pakitawag kay Chen Yucheng."

Hindi nagtagal ay dumating si Chen Yucheng.

Sinabi ng katulong dito, "May sakit ho yata si Madam."

Nagtanong naman si Chen Yucheng, "Kailan niya ba ako pinatawag para sumuri ng ibang pasyente?"

Isa siyang sikat na doctor sa labas at loob ng kanilang bansa. Hindi naglaon ay kinuha siya ng mga Gu. Sa panahon ng kanyang pananaliksik, hindi siya dapat tumingin ng ibang pasyente maliban kay Gu Jingze. Sa loob ng napakaraming taon, kung hindi niya kailangang manaliksik, hindi siya nakikipag-ugnayan sa ibang pasyente.

Binuksan ni Chen Yucheng ang pinto at nakita niya si Gu Jingze na nakahiga sa kama. Sa mga bisig nito ay naroon ang babaeng parang isang pusa na nakayakap dito.

"Sorry, sorry. Hindi ko alam na kayo pala ay..." Nagmamadaling sabi ni Chen Yucheng at sinarhan ang pinto.

Sa loob ay sumimangot si Gu Jingze.

"PUmasok ka dito sa loob." Tinawag niya ang doctor.

Nag-isip-isip naman si Chen Yucheng. Nagkakamali lang siguro siya. Mukhang nakadamit naman kasi ang mga ito. Kaya nang tawagin siya ni Gu Jingze ay binuksan niyang muli ang pinto.

Maingat na tiningnan ni Gu Jingze ang natutulog na si Lin Che at sinabi dito, "Sa hindi ko malamang dahilan ay nagkalagnat siya."

Pagkatapos lamang ng isang gabing pamamalagi sa presinto ay nahimatay kaagad ito nang makauwi na. Hindi niya alam kung anong nangyari dito.

Napansin ni Chen Yucheng kung gaano kaseryoso si Gu Jingze kaya lumapit kaagad siya at sinuri si Lin Che.

Pagkatapos magsuri, mahinahong sinabi ni Chen Yucheng, "Mr. Gu, may kaunting sinat lang po ang iyong asawa."

". . ." nagtanong si Gu Jingze "Sinat lang?"

"Opo. Lagnat, medyo nahihirapang paghinga, at tuyong lalamunan. Ang mga ito po ay ang karaniwang sintomas ng sinat."

Bahagyang nagrelax si Gu Jingze at sumagot, "Pwede ka ng umalis."

Hindi alam ni Chen Yucheng kung ano ang sasabihin. Nagmamadali siyang tinawag nito para pumunta doon. Pero nang malaman nito kaunting sinat lang pala iyon, bigla na lang siya nitong paaalisin?

"Sir, marami naman pong mga general practitioners diyan. Marahil ay pwede mo naman po silang tawagin sa susunod."

Tahimik lamang si Gu Jingze. Nakatuon pa rin ang kanyang tingin kay Lin Che at maya-maya ay mahinahong nagsalita, "Oo nga. Pakiramdam ko din naman ay hindi na ako nagkaroon ng iba pang problema sa sakit ko nitong mga nakaraang taon. Ngunit, hanggang ngayon ay wala pa ring results na lumalabas mula sa iyong pag-aaral. Okay naman na ang pakiramdam ko nitong mga araw at alam kong hindi iyon dahil sa'yo. Marahil ay tatawag na lang ako sa susunod ng ibang doctor. Hindi mo na kailangan pang pumunta dito."

". . ." Mabilis namang sumagot si Chen Yucheng. "Nagbibiro lang naman po ako. Wala pa pong masiyadong alam iyang mga practitioners na iyan. Isang seryosong bagay po ang pagkakasakit na ito ng Madam. Tama po kayo sa iyong desisyon na papuntahin ako dito."

Itinaas ni Gu Jingze ang ulo at nilingon ito bago sinenyasan na pwede na itong lumabas.

Kaagad din namang umalis si Chen Yucheng.

Bagama't narinig ni Gu Jingze na kaunting sinat lang iyon, hindi pa rin siya gaanong mapanatag. Nagpatuloy lang siya sa pagyakap dito at pinapababa ang lagnat nito.

Samantala ramdam pa rin ni Lin Che ang nanlalamig niyang katawan na para bang nandoon pa rin siya sa police station, mag-isang nagdudusa.

Naramdaman niyang may humila sa kanya. Parang may isang taong tahimik na inaabot ang kanyang kamay at tinutulungan siyang tumayo.

Nang biglang naalala niya na magkatabi silang nakatayo ni Qin Qing. Nahihirapan man ay pilit niyang binuka ang kanyang bibig. Ngunit, ang tanging lumabas lang sa kanyang boses ay ang mahinang, "Qin Qing..."

Sa una ay nabigla si Gu Jingze. Inilapit niya ang tainga sa bibig nito at matamang pinakinggan ang sinasabi nito.

Mahina ngunit paulit-ulit nitong sinambit ang pangalang iyon. Tinatawag nga nito si Qin Qing...

Mabilis na inalis niya ito sa pagkakayakap. Tumayo siya at pinagmasdan ang babaeng natutulog sa kama.

"Qin..." muli ay mahinang tawag nito. Inalis ni Gu Jingze ang kumot.

"Lin Che, gumising ka. Naririnig mo ba ang sarili mo? Sino ako?" Pwersahan niyang hinila si Lin Che mula sa kama, ang kanyang mata'y puno ng galit.

Idinilat naman ni Lin Che ang mga mata, at medyo nahihilo pa. Nang mapansin niyang ang mukha nitong nag-aapoy sa galit, dahan-dahan siyang nagising.

Si Gu Jingze.

"Ikaw?" Nagulat siya nang malaman niya na dumating pala ito.

Hindi niya ito matawagan. Kaya, paano nito nalaman ang nangyari sa kanya?

Inilibot ni Gu Jingze ang mata at malamig na ngumiti. "Bakit? Nadismaya ka ba na ako ang iyong nakita imbes na ang pinakamamahal mong Qin Qing?"

Nagulat naman si Lin Che. Nang mapansin niya ang nag-aalab na galit sa mga mata nito, naalala niya na naman ang sinabi nito tungkol sa kanya na hindi siya totoo sa sarili at siyang dahilan kung bakit napapariwara ang mga kabataan.

Hawak pa rin nito ang kanyang mga balikat. Malamig ang mukha nito at mukhang malayo ang iniisip.

Itinulak niya ang kamay ni Gu Jingze.

"Bitawan mo nga ako. Ano ba'ng ginagawa mo?"

May lakas pa ito ng loob na itulak siya?

Bahagyang naitulak si Gu Jingze palayo ngunit kaagad din naman nitong nahawakan ang pulso ni Lin Che. "Bakit? Nandidiri ka ba na ako ang nakahawak sa iyo ngayon at hindi si Qin Qing? Kawawa ka naman. Ikakasal na si Qin Qing. May gusto ka sa kanya samantalang wala naman siyang alam sa nararamdaman mo. Lin Che, tumigil ka na."

"Ano..." Parang gustong magwala ni Lin Che nang marinig niya ang masasakit nitong salita.

Lalo niya pang nilakasan ang pagpupumiglas. "Bitawan mo ako, Gu Jingze. Bitawan mo ako. Huwag mong dumihan iyang mga kamay mo dahil sa paghawak sa'kin."

Nagtaka naman si Gu Jingze. Habang pinagmamasdan niya itong magpumiglas, nagtagpo ang kanyang mga kilay. Gamit ang dalawang kamay ay hinawakan niya ang mga balikat nito at itinulak ito pabagsak sa kama.

Sabay silang bumagsak sa malambot na kama, si Gu Jingze ay nasa ibabaw ni Lin Che at sinasakop ang mata nito sa taglay niyang kakisigan.

Sumigaw si Lin Che, "Gu Jingze, layuan mo ako. Isa kang... baliw, manggagamit. Bitawan mo ako!"

Pinipiga niya ang sariling utak upang makahanap ng iba pang salita na makakapag-insulto dito.

Bagama't nanghihina ang kanyang katawan, nagpumilit pa rin siya sa abot ng kanyang makakaya. Wala siyang lakas laban dito ngunit itinulak pa rin niya ito palayo. Para siyang isang bulak na sumusuntok sa matigas nitong dibdib. Hindi manlang ito natinag.

Hindi kumikibo si Gu Jingze.

Na-realize ni Lin Che kung gaano ito kalakas. Kahit ano ang gawin niya ay para itong isang bato na ayaw umalis doon. Naiinis na, itinaas niya ang tuhod at inihanda iyon upang itutok sa ibaba nito...