Iyon na pala ang huling yakap
Bago gumuho ang ating pangarap
Ligayang naranasa'y di na muling malalasap
Bituin sa langit, di na muling kikislap
Binalot ang sarili sa kumot ng kabiguan
Sa lamig ng gabi ay nakipag-yakapan
Pumikit nang ang luha'y aking mapigilan
Sa pag-agos mula sa mata ng kalungkutan
Madilim na mundo'y titigil na sa pag-ikot
Sa maikling panahon mabilis kang nakalimot
Ano bang nangyari? Bakit dito tayo umabot?
Sarap ng pagmamahala'y pinalitan ng kirot
Sino ang nagkamali? Sino ang bumitiw?
Kailan nga ba naubos, nawala ang aliw?
Bakit pag-tingin sa'yo ay hindi magmaliw?
Bakit mahal parin kita? Aking giliw
Hinabol ang kotse na iyong sinasakyan
Nang ang mukha mo'y muling masaksihan
Hindi makapaniwala sa natuklasan
Hawak mo ang kamay ng iyong kalambingan
Mundo'y muling gumuho kasabay ng pag-asa
Na pagtitinginan nati'y maibabalik pa
Kung sino man siya, sana'y alagaan ka
Sanay ako na ang huli mong kabiguan, nang di ka na masaktan pa