webnovel

The Devilish CEO

There is a tale that a Devil Young Man, who owns a Candy Truck, processed the human flesh into Candies. Whenever and Whoever the Truck passed by, they were snatch and surprised nowhere to find, and who may know this person forgotten by all. This story was attached to the richest person in this world Where his named scared most of the children... SEAN HERALD... the devil Young Man. No one control him, no one dare to provoke him. Then at the young age, he control things that doesn't anticipated by others. He is the man behind the 72% owner of the business monopoly of the World. @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much

International_Pen · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
1032 Chs

Chapter 6 Being A Sassy Girl

( SENA)

Whoa! Nasampal ako?!

Lalong kumulo yung dugo ko.

"Wow naman, ganyan ba ang sampal ng lalaki? Wow." Paghahamon ko sa kanya. Kung di ito panaginip… Sige, ububuhos ko ang buhay ko para may matutunan ang lalaking to, Bahala ka na Mr.President kung matagpuan mo akong patay at na aagnas nang bangkay kapag tinapon nila ako sa ilog.

Sa naalibarbaran ako sa kayabangan ng Foreigner na ito na kala mo kung sino diAlien dito sa mundo na di alam ang utos na: THOU SHALL NOT KILL!

"Sa tingin mo matatakot ako! Sadista ka lang!"

Tinignan lang niya ako mula ulo hangang paa…. Kaya naman isang malakas na sipa, sa gitna niya.

Ngunit pinigilan ng malalakas niyang kamay ang binti ko. Ngumisi siya sakin.

At sa isang galawan, Muli akong bumagsak sa sahig.

Arayyy...

Ouch...

Masakit na... Sabi kasi ng Mama ko, yun lagi ang puntirya kapag lalaki ang kalaban, Itong lalaking to, napaka aware naman… Awww…

"Let us be alone."

Utos niya na di man lang inaalis ang titig sakin.Nagsilabasan na nga sila, pero biglang lumuhod si Kuya sa harapan ng Demonyong to?.

"Boss...kapatid ko po siya. Ako na lang po ang parusahan ninyo."

"Kuya!" Pahiya ka naman sa Pride ng Family natin!

Ngunit hinila na siya ng mga kasamahan niya habang patuloy na nagmamakaawa.

Naiwan nga kaming dalawa. Pssh… mayabang talaga ang isang to…

Siya nakatayo, ako papatayo pa lang. Hmph, gusto ata nito ng away talaga. Bakit kasi may mga taong gustong gusto mapanakit. Pwes di ko siya Uurungan!

Ako lang naman ang President Council ng School namin. At lahat ng mga lalaki samin parang mga asong maamo simula ng makaharap nila ako. Oo, Bully ako sa school. Pero hindi sa mga nerd at mga babaing walang lakas na loob para tumayo sa sarili nila. May mga babae din kasing mga bully din kagaya ko… pero di naman exactly na kagaya ko, sila yung tipong ang pagbubully walang papuntahan… sakit sila sa ulo promise… Pabaya sila sa sarili nila…

Pero sa situation na ito... itong kaharap ko… hindi siya yung tipong tao na uhaw sa pagbubully, Hindi siya aso... Kundi Demonyo.

Mag pa cute kaya ako... NO! Yucks...

Mag makaawa. No. no, may pride ako.

Pero sabi nila ang kailangan lang gawin sa Demonyong kaharap ko ngayon ay ang putulin ang sungay nito.

Paano nga?! Di ko nga makita ang Sungay nito…

"Fight me as all of the best you can do. If you win, I spare the life of your brother, otherwise, I'll kill you both."

Naningkit yung mga mata ko. Minsan ba napadalaw na ito sa simbahan at binasa ang sampong utos ng Diyos… Ayyy, okey siya na yung agad agad nakakapagsalita na Papatayin. Dahil kanina pa akong nauubusan ng dugo, mapakingan lang ang mga salita niya… Lukemia abot ko nito.

Eh sa nosebleed ako. Ahahahahaha.

Hey Sena, abnormal ka talaga. Chinachallenge ba ako ng lalaking to.

Sige tignan natin.

Kami lang naman ang pamilya na may ari ng maliit na Martial Arts Training School dito sa Manila, kaya lang sinara dahil… Wala na ang Best Teacher ng School na yun… Yung Mama ko. Ipagpapatuloy sana ni Kuya, kaya lang wala kaming pera para irenew yung permit at questionable ang kakayanan ni Kuya. Si Mama kasi Golden Medalist yun sa Olympic… Yah, and I'm proud of her… nakakalungkot lang yung nangyari sa kanila… until now wala paring Justice yung pagkamatay ng mga magulang ko… naiinis ako dahil ang tagal nga talaga ng Justice dito sa pilipinas, hangang sa ibabasura na lang nila. At sa tingin ko ang pangyayaring yung sa mga magulang ko, nasa likod nito ay isang malaking grupo…

Ngayon itong kaharap ko, isa sila ata sa kanila.

Comment...

Rate...

Power Vote!

That's my Inspiration!

International_Pencreators' thoughts