webnovel

Chapter 5 Kill Them All

Nanaginip talaga ako. Hahaha, namiss ko to…ah. Tagal na din na wala akong nightmare.

Kinuha niya ang golf bat at lumapit sakin sa harapan ko. Kanya-kanyang atrasan naman yung mga bodyguards na weak… na parang umiwas sa isang napakalaking alon na parating sa akin.

"So your next." Titig niya na walang kupas… na kasing talim ng dulo ng kutsilyo… Masakit sa tenga yung golf Bat na sa tingin ko sinadya niyang… ikiskis ito sa sahig…

Nakakatakot ang Aura niya… Naniniwala ako na… ito ang pinaka nakakatakot na lalaking nakita ko… sa panaginip ko… hahaha, mas nakakatakot pa naman yung mga multo. I don't like them… Siya lang naman yung nakakatakot pero ang cool tignan.

Napapikit ako… dinig ang tinis ng kiskis na tunog sa tenga ko… panaginip lang ito… Simula ng mawala ang ID ko hanggang dito… means nas school pa ako…

Alam ko nakatulog na naman ako sa klase ko.

"Ms.Sontoria!" sigaw ng Prof ko. Yun ang hinihintay ko… ngunit ng mapamulat ako… agad na sumalubong sa paningin ko ang golf bat na tumama sa katawan ko…

Masakit…. Oww…. Bakit totoong too ang sakit… Awww… Nangangamoy ng dugo ang paligid at sa lalaking to, halimuyak na gustong-gusto niya.

Bigla akong napaluhod ng may sumipa ng binti ko. Naging pundasyon ko ang mga palad ko sa sahig para di ako matumba ng tuluyan….

Ang kamay ko, at ng inangat ko... dugo, dugo, dugo nga...

At sa amoy pa lang, nahilo na ako at napapikit ako… dahil ito na lang ang chance ko para makatakas sa panaginip na ito… magkunwaring nahimatay sa panaginip…

Nakita kong parang nainis yung lalaki ng mapahandusay na ako sa sahig… Yuck naman….

Pero nakonsensya lang ako dahil walang humpay niyang pinaghahampas yung lalaking walang hiya na tinuhod ako.

Saka ito yung nawalan ng malay… Totoo ba din yung kanya? Hindi kunwari lang? At hinagis sa paanan ko yung Golf bat…

"Kill them all."

Bigla akong nagkamalay ng marinig ko yun!

At pinigilan ang binti ng lalaking demonyo!

"Aba naman!Tigil!"

Eh meron ako ngayon. Kala ko mapapakalma ko ang lahat kung mag kunwari akong nahimatay.

Jusko, Kill them all. Nasa laro ba kami ng Counter Strike!

Nagsilapitan sakin ang mga bodyguard ng demonyo. Bago pa lang sila makalapit.

Itinaas niya ang kamay niya. Hudyat na tumigil sila.

Humarap siya sa akin

At saka naman ako naupo sa sahig.

Ahhhh... duguan na yung damit ko...para akong... yucks.

Pero hindi eh.

Kailangan makatikim ng lalaking to.

Tumayo ako, at bago pa man niya ako matitigan, ang kamay ko na kanina pang naka yukom ang sumalubong sa mukha niya.

"Yan, nababagay yan saiyo. Sadista ka. Grabe ka!"

Kikilos na sana yung mga tauhan niya. Pero muli niyang itinaas ang kamay niya.

"Papatay ka dahil napahiya ka kanina. Para kang bata. Nakikita mo yang mga ginawa mo! Parang di ka tao!"

Nakatitig lang siya sakin habang hinihimas yung pisngi niya.

"Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo. Sadista ba din sila?! Sa tingin mo ba masaya silang makita kang ganyan! Asaan tatay mo! Asaan Nanay mo-------."

At naramdaman ko sa pisngi a

Thank you!

Will always respond to your comment,

Gladly to hit of the Rate Star

Will Love your Power Voting Stone.

Saranghe!

International_Pencreators' thoughts
Next chapter